Press Release
March 17, 2010

Radio interview of Senate President Enrile and
DXRJ ILIGAN Anchor Albert Loyola (Radyo Patrol)

Q: Manong Johnny kamusta po?

JPE: Maayong buntag, Albert.

Q: Manong Johnny, kamusta po ang kampanya, saan po kayo ngayon?

JPE: Kahapon nasa Batangas kami at sa Cavite. Ngayon meron kaming presscon sa tanghali on the power issue in Mindanao. Wala kami masyadong activities sa araw na ito.

Q: Manong Johnny, bago ako magtanong sa inyo, salamat sa inyong ipinaglalaban noong kamakailan lang, yung Anti Tax on Text. Salamat po.

JPE: Talagang isisingit ko yan, hindi ko lulubayan yan.

Q: Ah ok, maraming salamat po, Manong Johnny. Manong Johnny, patuloy po bang may isinasasagawang consultations dito sa Mindanao, sa iba't-ibang sector, para po sa peace process? May mga nakakapansin po na kadalasan hindi naririnig ang boses ng ibang sector tuwing pag-uusapan po ng mga rebelde itong problema dito sa Mindanao. Manong Johnny, pabor po ba kayo sa isang peace agreement na kabibilangan po ng lahat ng stakeholders tulad ng Muslim, Kristiyano at Lumad, at iba pang sector ng lipunan dito sa Mindanao?

JPE: Dapat lang. Alam mo, dapat na lahat ng mga involved diyan, Lumad. Unang-una, sila ang una diyan. Yung mga followers ng Islam at saka yung mga followers ni Jesus Christ, tayong mga Kristiyano, kailangan kasama natin sila sa usapan sapagkat kung ano man ang desisyon diyan tungkol sa bagay na iyan sa Mindanao, masasakupan sila at sila ay tatamaan. At kung medyo very complex yung problema diyan, yung ginagawa ngayon na sistema ng negotiation ay hindi masosolve yang problema na yan. Kailangang baguhin ang sistema, at kung ang Pwersa ng Masang Pilipino ang mananalo ngayon sa eleksyon na ito, at malaki ang aking paniniwala na babalik ang Pwersa ng Masang Pilipino sa Malacañang, ay kami ang hahawak diyan. Ipapakita namin sa bayan kung pano tatapusin ang problema na yan hindi sa ilalim ng dahas o labanan, kundi sa ilalim ng negosasyon at pwersa ng Gobyerno.

Q: Pero Manong Johnny, napakatagal na po nitong negosasyon eh.

JPE: Eh hindi nga nila alam ang ginagawa nila. Sinabi ko na sa kanila wag nilang paguusapan yung teritoryo, bigyan nyo sila ng lupa kung lupa ang gusto nila. Talagang yun naman ang gusto nila eh. 'Di ba sabi nila ina-agaw ang lupa namin? Magmula pa noon dun sa panahon ng Department of Defense ay pag usapan na yan pero not the air and space territorial matters.

Q: Manong Johnny, base sa inyong mahabang karanasan sa larangan ng pulitika, ano po ang inyong nakitang mali o di kaya'y pagkukulang sa mga nagdaang peace process agreement po? Ano po ang nakita ninyong pinakamali?

JPE: Katulad nga ng sinabi ko, kung sinama yung air space at territorial matter at hindi mo tinignan yung nasa ibaba na barangay ang problema, hindi mayayari yan dahil halo-halo ang tao diyan. There is no territory na walang kahalo, very especial lang and very limited lang yung very pure Christians, pure Muslim areas or pure Lumads. Halo-halo iyan, may isang barangay na majority ang Muslim, majority ang Christians, o pare-pareho na ang kanilang ratio.

Q: Sana po mabigyan ng solusyon na itong problema na ito, Manong Johnny, kasi nakita namin na ito po ang dahilan kaya hindi masyado umangat ang buhay ng taga-Mindanao.

JPE: Totoo yan. Kumplikado masyado yan at foreign content yan.

Q: Balik tayo dito sa pulitika, Manong Johnny, kasi kampanya po ngayon. Ano ang nakita ninyong kaibahan sa pulitika noong unang panahon at sa ngayon po?

JPE: Sa panahon na ito ay pera ang umiiral.

Q: Noong una hindi masyadong malaki ang ginastos ninyo sa kampya?

JPE: Noong tumakbo ako ng 1971 e wala pang half a million pesos ang ginastos ko eh.

Q: Kasi ngayon, dahil hindi pwedeng wala kang ads sa telebisyon, milyon-milyon na sa ngayon?

JPE: Bilyon-bilyon sa ngayon ang ginagastos ng mga kandidato sa pagka- Presidente.

Q: Papano po ito babawiin, Senador?

JPE: Maganda ang tanong mong yan Albert, paano babawiin yan? Hindi namin babawiin yan sapagkat mayaman kami. Hindi namin kailangan yan, serbisyo publiko yan. Tanong ko, kung serbisyo publiko kayo, bakit hindi ninyo ilagay sa foundation yang bilyon-bilyon na yan at gamitin nyo na scholarship funds para sa mga anak ng mahihirap? 'Di ba simple lang yan e.

Q: Katulad ni Nacionalista Party Manny Villar, malaki na yung gastos niya bago magsimula itong kampanya.

JPE: Sinabi mo yan, hindi ako ha.

Q: Inamin niya yan sa interview sa TV, malaki na daw ang gastos niya.

JPE: Malaki na, mahigit na 2 billion ang ginastos niya. Mayaman siya eh, marami siyang kinita sa IPO.

Q: Sa mga senator po, Manong Johnny, magkano po ang suweldo ninyo?

JPE: Sa totoo lang hindi ko na iniintindi yan, mga nasa 35 thousand yata.

Q: Pero maliban sa sahod ano pa ang makukuha ng mga Senator?

JPE: Mayroon ka lang budget sa opisina mo.

Q: May mga sabi-sabi po na may mga company daw na tumutulong sa kandidato at pag nanalo daw ay hihingi ng kapalit, tama po bayun?

JPE: Mayron yung mga ganun, mayroon nga ako narinig kahapon eh, chine-check ko pa. Mayroon daw isang kandidato na pagka-Presidente na tumanggap ng 2 milyon at meron ng pinirmahan na kontrata kung ano ang ibibigay na pabor, pero tititignan ko, mahirap isiwalat yan kung walang katotothanan.

Q: Nung nakaraang interview ninyo, sinabi ninyo na gusto kayong suhulan nitong si Manny Villar. Ito namang si Jamby Madrigal, nakita ko sa TV nag-offer din daw sa kanya ng suhol itong si Manny Villar, para umatras siya sa kanyang kandidatura. Naniniwala ba kayo sa sinabi ni Jamby Madrigal? Parang P1 million (?) yata ang binaggit nya eh.

JPE: Yun din ang sinabi sa akin ni Jamby noon, at pagka-intindi ko, para i-withdraw yung kaso.

Q: Tapos suportahan si Manny?

JPE : Ay hindi ko alam, ang alam ko para i-withdraw yung kaso ng Ethics Case.

Q: Ano po ang masasabi ninyo sa survey sa inyo na palagi po kayo pasok, pero si Erap at si Binay, hindi po sila nag number 1? Eh kailangan po kasi sa pag Presidente at Bise-presidente, number 1 ka palagi sa eleksyon?

JPE: Sa nakikita ko na galaw ng tao kay Erap at Binay, sa lahat ng pinupuntahan namin, sa Bicol, sa Batangas, sa Mindanao, sa Kabisayaan, sa Northern Luzon, baka nagkaroon ng political exemption. Matagal na ako sa pulitika, 'di ko tinitignan ang survey. Tinitignan ko ang reaksiyon ng mga tao.

Q: Salamat po sa inyong panahon.

JPE: Salamat at wag ninyo kakalimutan si Enrile, number 15 po sa inyong balota para makabalik sa Senado.

Q: Okay salamat po, Manong Johnny.

News Latest News Feed