Press Release
March 22, 2010

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile (DZMM)

Q: Hello sir. Good morning.

JPE: Good morning Ted and Pinky.

Q: Ano ho ba ang palagay ninyo doon sa tinatawag na posibleng "leadership vacuum" dahil nga po lahat kayong apat, President, Vice President, Senate President, House Speaker mag-eexpire ang termino sa June 30? Mayroon pong panukala na posible pong maghalal na lang ng ibang Senate President, sir, para magkaroon po tayo ng Senate President?

JPE: Unang-una, doon sa halalan, ako, sigurado ako na magkakaroon ng halalan. Hindi ko alam 'yung mga iba diyan na bakit ba sila nangangamba na walang halalan. Ngayon, ipagpalagay na natin na tama sila na hindi magkakaroon ng halalan, malalaman lamang natin yan sa Mayo 10. Ngayon, pag walang halalan sa Mayo 10, we have 59 days up to June 30 to solve the problem. At kapag Presidente pa rin si Gloria hanggang June 30, ang Senado at Kongreso andiyan pa rin hanggang June 30 kaya we have 59 days to solve the problem. Kung walang halalan at si Enrile ay hindi magiging Senate President after June 30, si Enrile ay kusang loob at siya na mismo ang tatawag ng pagpupulong ng mga senador upang sa ganoon ay mailipat sa sino mang gusto ng nakararami sa Senado doon sa panahon na 'yon na hahawak ng posisyon ng Senate President para sa ganoon ay mayroong smooth transition of power through the succession process na nasasaad sa Saligang Batas, walang problema iyon.

Q: Siguro 'yung iba, sir, at kahit na ako tanungin ko na rin. Sir, para ho malinaw ang usapan, bakit ho kaya, why not do it now? Bakit ho maghihintay pa tayo na posibleng magkaroon ng failure of election?

JPE: Because it's only speculation. Baka magkaroon ng lindol, baka magkaroon ng bagyo, baka magkaroon ng kolera, baka magkaroon ng rebelyon, baka magkaroon ng kalamidad. Hindi pwedeng mangyari 'yon. I have also a responsibility to the people that elected me to the position as Senate President. I have to consult them because they have an interest in this position. I did not get this position, they gave it to me. I have to consult the people. The fact is we must wait for the happening of the event before we lose our head.

Q: So parang sinasabi niyo, Senate President, premature, parang 'yung sinabi ng dalawang Justices sa Supreme Court ?

JPE: Hindi ko sinasabi na may agenda 'yung mga nagpapanukala niyan sa isang personnel. I assumed na they are acting in good faith pero they know very well that we have 59 days at hindi lamang sila ang nag-iisip ng kapakanan ng bansa. Ako mismo, itinaya ko na ang buhay ko para sa bayan.

Q: Manong Johnny, sir, sa May 10 po ang halalan at ang pangako ng Comelec, sa mga hearing tungkol sa automation, ilang araw lamang po bago malaman ang panalo sa pagka-Presidente?

JPE: May 11 alam na natin malalaman kung walang halalan o hindi. Ako na mismo ang mananawagan bilang Senate President. Pupulungin ko 'yung mga nandoon sa Senate at pag-uusapan namin 'yan at kung sino man ang may gusto at susuportahan ng nakararami roon sa mga maiiwan ay kusang loob kong ibibigay yung pwesto.

Q: Maliwanag mga kaibigan.

JPE: Maliwanag 'yon. Walang problema 'yon, bayan ang pinag-uusapan natin.

Q: Kumbaga sa Supreme Court, hindi pa justifiable ba 'yung tawag doon, attorney? Hindi pa ito kahusga-husga sa mga taong ito?

JPE: Unjustifiable issue that is no cause for action.

Q: Pero matanong ko po kayo, sir, sa inyong karanasan bilang Senador, sa mga ganitong bali-balita at galing pa ho sa mga labi ng Deputy Spokesperson ng Malacañang ay may posibilidad po ito sa kultura ng ating militar ay kaya na nilang gawin, bagamat may mga kudeta pero 'yun po talagang sila ang magiging pinuno ng ating bansa?

JPE: Hindi. Wala. Alam mo, panay kuru-kuro iyan. Alam mo 'yong mga tao ay hindi nakaranas ng mga ganyan, nag-iisip ng kung anu-ano. Ang katunayan niyan, it will never happen. There is always a civilian in the government. Andiyan ang Department of Defense, Secretary of Department of Interior and Local Government plus the National Police Commission that has the order to supervise National Police. They will be the one to defend the country and the commander-in-chief and the executive will be the one to lead the country.

Q: Thank you, Senate President.

News Latest News Feed