Press Release
March 24, 2010

DESISYON NG SC SA MENDOZA CASE PINURI NI ROXAS

Pinuri ni Liberal Party vice presidential candidate Sen. Mar Roxas ang desisyon ng Supreme Court na ibasura ang kautusan ng Commission on Elections at paboran ang pananatali sa pwesto ni Bulacan Governor Joselito Mendoza.

Base sa nasabing desisyon na pinirmahan ni Associate Justice Jose Perez, nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Comelec en banc nang ideklara nitong si Roberto Pagdanganan ang nanalo sa 2007 gubernatorial race.

Gayunman, binigyan ng SC ng 15-araw ang kampo ni Pagdanganan para i-apela ang naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Agad naghain si Mendoza ng petisyon sa SC para sa temporary restraining order o status quo order upang mapigil ang Comelec sa pagdedeklara kay Pagdanganan bilang opisyal na Bulacan governor.

Ang nasabing petisyon ay para na rin maiwasan ang pagdanak ng dugo sa provincial capitol dulot ng tensyon sa pagitan ng supporters nila ni Pagdanganan, ayon pa kay Mendoza.

News Latest News Feed