Press Release
March 28, 2010

Transcript of Interview With Sen. Manny Villar (Albay)

Maganda ang assessment natin dito sa Kabikulan at nakikita ko na malakas ang grupo dito sa Albay at sa iba pang panig ng Bicol na napuntahan namin. At nakita ko rin ang problema ng Kabikulan, marami talagang problema dito at tamang-tama ito sa ating layunin na tapusin ang kahirapan. At nakikita ko na marami kaming plano na posibleng gawin para ang Bicol, na isa sa pinakamahirap na region natin, ay makaangat naman at mai-hilera yung income nila, yung kinikita, kung maari ay higit pa sa Metro Manila. Kaya ito ay magandang pagkakataon, natutuwa ako na nagawa natin itong pagpasyal sa Bicol.

May pattern na sinusundan kayo ng LP?

Nung una iniisip ko nagkakataon lamang pero palagay ko ay strategy na ito... sumasabay sa akin. Ok naman din yan, hindi naman siguro maaagrabyado ang crowd na pumupunta sa atin. At wala naman tayo magagawa, yan ay strategy sa kampanya at pwede rin naman namin gawin yan.

Sign of insecurity ba yun?

Palagay ko sign of insecurity yan at tumututok na lamang sa atin. Normally ang leader ang tinututukan mo.

Nagkakaroon ba sila ng advantage?

Hindi naman ako naniniwala diyan dahil ...sabagay, iba naman yung may team sila na taga-sunod, baka dapat mayron din kaming tagasunod.

Plano niyo pong sundan?

Hindi naman, wala naman kaming ganyang plano. Basta kami magkakampanya lang.

Midnight appointments?

Yang mga midnight appointments nay an, kung ako ay papalaring manalo, ay rerebyuhin natin lahat yan. Hindi naman tama yan na nagkakaroon ng mga midnight appointees. Lahat po yan, kung ako'y papalaring manalo pagkapangulo, rerebyuhin ko po yan. Hindi po ako sumasang-ayon sa pangulo na mag-a-appoint siya ng ganyan karami. Hindi naman po tama iyan at hindi maganda na ginagawa niya yan.

48% of Pinoys will turn to people power if fa-el occurs?

Sa akin, nagpapakita ito talaga na ayaw ng tao na magkaroon ng problema itong halalan na ito. At mabuti naman iyan. Sama-sama tayo dito, siguraduhin natin na hindi masisira ang eleksyon na ito. Napakahalaga ang eleksyon na ito sa ating bansa, sa ating demokrasya, at hindi tayo pwedeng pumayagna sinuman ay guguluhin itong eleksyon na ito.

Legarda, NP senatoriables i-eendorse ng pamilya Garcia?

Well, buti naman at ako ay natutuwa. Ini-endorse ang ating mga kasamahan. Naniniwala naman ako na padami nang padami ang mga local leaders na mag-eendorso sa amin, sa aming grupo. At ito ay palagay ko ay sa kanilang paniniwala sa layunin ng grupo namin, bagama't syempre hindi naman lahat ay maeendorso.

Patunay daw ng alyansa Arroyo at Villar?

Well alam mo yung mga ganyan na alyansa, yan ay spin lamang ng mga kalaban namin sa pulitika dahil alam naman na nila na tuwing eleksyon nangyayari yan. Alam naman natin na historically, kapag ganitong may eleksyon sa pagka-pangulo ay namimili ang local officials ng sasalihan nila at talaga naman, lahat ng kandidato ay umaawit din at namamanhikan sa mga local leaders na ito, sa mga governors at congressman, yan naman ay hindi nila maikakaila. Kaya nga lang, kaya nila nilalagyan ng spin na yan ay maaring masama ang loob nila dahil sa amin sumasama at hindi sa kanila.

Do you expect more exodus, defections?

Naniniwala ako na tuwing halalan ay nangyayari yan. Naniniwala ako na sa ngayon ay nag-iisip ang mga local officials, pumipili sila ng kanilang sasalihan, kung sino. At iyan ay magiging mahalaga rin sa magiging outcome ng May elections. At naniniwala ako na marami ang sasama sa amin.

Assessment of campaign?

Ok naman kami, okay naman ang kampanya, natutuwa naman ako. May mga problema di naman, inaamin ko. Syempre yung sa mga advertisements. Alam niyo naman itong mga nakakaraang buwan ay tayo ay naging biktima ng napakagrabe na black propaganda, lahat na lamang ay ibinibintang sa akin at iniimbento. Nakakalungkot naman iyan, wala tayong magawa. Napuna ko na lahat halos ng presidentiables ay ako yung binibira, eh nagtutulong-tulong naman, at nahihirapan din naman kami sanggahin lahat. Subalit ang isang maliwanag lamang ay hindi naman totoo ang mga iyan. At talaga lamang na niloloko an gating mga kababayan.

Sa issue ng airtime?

Sa airtime, inuulit ko na hindi po kami nagvi-violate ng limit. Bilang na bilang po namin yan. Meron kaming isang departamento walang ginawa kung hindi bilangin yan. At nagkamali po ang gumawa ng pag-compute niyan. At yan naman ay handa kaming patunayan yan. At nagtataka ako kung bakit isinasama yung aking pangalan diyan. Hinding-hindi kami nage-exceed ng time limit.

Comelec po nagkamali?

Ang sinasabi ko, hindi ko kasi alam kung kanino kasi galing yan kaya ayaw ko magsabi kung sinong institusyon. Pero kung saan man nanggaling yan, mali po iyan.

News Latest News Feed