Press Release
April 11, 2010

Transcript of Press Conference with Sen. Manny Villar
at General Santos Airport

Reaction to latest survey:

MBV: Masaya naman ako at siyempre, magkakampanya pa. Okay sa akin iyan, ginagamit natin yan para gabay tayo sa mga gagawin. Pero at least maganda ang trend at masaya ako sa resulta. Pag ganiyan marami namang ibang factors at siyempre pag mas dikit, mas maganda para sa akin.

Pero second pa rin kayo kay Noynoy...

MBV: Ah, yang ganyan, dikit na yan. Pagka sa isang election ang mga ganyang kalamangan ay masasabing dikit dahilan sa mabilis talagang magpalit ang mga score at dito maaring mangyayari sa mga darating na linggo at dito meron nang mga factors ... at yan ang, hopefully, pero sa akin okay lang basta sa kabuuan, siyempre masaya ako sa resultang ito.

Kung matatandaan ninyo ang hinabol ko 50 so ngayon, medyo lumaki uli, ngayon pababa na uli, so itutuloy na lang namin ang trend.

Yung 50 na yon inabot kami ng ilang buwan.

You have less than 30 days before the election, kaya pa ba?

MBV: Kasi malapit ka na sa margin of error. Pag ganiyan dikit ka na sa margin of error. Pag nakikita na ng tao ay ang magde-determine nyan, hindi na survey kasi titingnan mo rin ang ibang factors kagaya ng ilang local officials ang susuporta sa yo, yong malalaking organizations kung susuportahan ka at siyempre yong last-minute decision ng mga tao, iba yan. Kaya bahala na pag tuloy tuloy naming ginagawa at masasabi ko lang na sa kabuuan, masaya ako.

Gilbert: You have to realize that nung bumababa si Noynoy he was losing an average of five percent points per month, so with 30 days to go, it is not impossible that he will also lose the same and we were gaining 5-7 points as well.

Where can you attribute the fluctuating figures?

MBV: Well coverage of the media, pinakamalaki siyempre. Itong maraming negative news, positive news, at black prop sama-sama na yan. At siyempre wala namang nangyayaring malaki kaya sa mga pagbabalita na lamang yan, pero okay lamang kami, happy naman kami sa coverage sa amin.

Inaudible question...

MBV: Siyempre iba yong end-game strategy, iba yan. Iba yong middle-game strategy, iba yong end-game at siyempre meron din kaming end-game strategy na hindi na lamang namin sasabihin.

Sabi ng LP kahapon, Noynoy Aquino will call parties, NGOs, pag-usapan na lamang ang issues, wala ng bangayan?

MBV: Matagal na naming ginagawa yan. Ang Liberal nga ang bato ng bato sa amin ng kung ano-anong issues pero kami sa Nacionalista Party ay hindi mahilig sa mga black prop. Kami ay nandito lamang, talagang hindi kami mahilig dyan kaya ang panawagang yan sabihin nya sa mga kasamahan nya dahil kami hindi namin ginagawa yan.

Yung sa DSWD na huwag nang gamitin ang mga bata?

Hindi ko na alam, alin yung kay Baby James? Huwag na tayong makialam dun kay James na bata at sa akin ayaw kong makialam dun.

Nangampanya rin si Noynoy dito sa GenSan, at sinagot niya ang hamon nyo sa interview na sagutin nya ng yes or no kung talagang nagkaroon siya ng psychiatric...ang sagot niya ayaw na niyang patulan ang issue...

MBV: Eh di sinagot niya. Ang sa akin ayaw nyang patulan? Ang sagot kasi oo ba o hindi. Pero anyway, ayaw ko rin namang mag-comment sa bagay na yan at napakasensitibo nyan, napakahalaga lalo na sa pagka-pangulo ng ating bansa. Kaya mahirap magkomento dyan pero hindi pwedeng.. Mahirap magkomento dyan, ang sinasabi ko lang wala namang masama kasi ako ay inakusahan. Sinabing hindi raw ako mahirap, sinagot ko yan punto por punto, bagaman at alam kong kasinungalingan, alam kong black propaganda pero sinagot ko pa rin. Punto por punto at paulit-ulit kong sinasagot, kasi hindi talaga totoo, talagang mahirap kami at talagang black propaganda yan. Sa palagay ko wala namang masama sagutin mo rin kung hindi naman totoo kagaya ng mga black propaganda sa akin. Lahat ng interview paulit-ulit. Pero sa akin, hindi ko nakikitang masama yon dahil gusto kong malaman ng tao, maunawaan na black propaganda yon.

LP will file charges against Villar kasi they believe na sa inyo galing yong black propaganda Noynoy's psychiatric record...

MBV: Alam mo, panay na lamang sila nagsasabi ng ganiyan, at ako ay nagugulat at sinasabi naman na hindi kami mahilig sa ganiyan. Sa akin kung ano ang gusto nilang gawin, gawin na lamang nila. Kami naman din ay marami ding gusto kaming i-file na charges na ifile sa kanila subalit hindi na namin ginawa. Alam mo pag nagpa-file ka ng charges parang medyo desperado ka na. Kaya alam mo naman na hindi ma-re-resolve yan sa election. Eh papaano, ipinapakita mo lamang ang pagkadesperado pero ginagalang din namin sila kung yan ang gusto nila. Kami naman nakahanda, wala kaming nilalabag na batas, sinasabi namin ang katotohanan at handa kami sa ganiyan.

Related doon sa Katropa to Willie revillame...

Willie: ako ba ang kinasuhan?

MBV: Yun nangyari yun bago ako naging kandidato, ipinaliliwanag ko lang bago ako naging kandidato nangyari yon. Alam ni Willie yan sa show nya, kaya actually hindi ako nakaka-appear sa show ni Willie after filing. Nakaka-appear ako nun before filing. Kaya yon nangyari before, sana chini-check nila ang mga dates ng kanilang akusasyon. But still sinasabi ko nga, sa akin ito ay kasama lamang ng para pag-usapan, itong mga charges na ito pampadami din. Sabi ko nga kung padamihan ang pag-uusapan, napakadami din naming i-file na charges sa kanila.

On Wowowee, have you gauged the conversion ng ... sa kampanya nyo?

MBV: Hindi mo masasabi yan pero napakaraming tao nabibigyan namin ng kaligayahan, nabibigyan namin ng kasayahan. Sa amin happy na kami doon. At ako naman bilang isang kandidato nagpapasalamat ako sa tulong ni Willie at nakikita ko naman na natutuwa ang mga mamamayan doon ang mga kababayan natin. Doon lamang happy na ako. Hindi naman yong pag tumutulong sa iyo suma ka ng suma kung nako-convert o hindi. Pero ako naniniwalang nako-convert pero anuman ang resulta, ang mahalaga ay tumutulong ang isang kaibigan at nakapagbibigay kami ng kasiyahan sa mga kababayan nating Pilipino lalo na sa mga lugar na uhaw sila sa kasiyahan.

Willie: This is not about Wowowee. This is a personal thing. Hindi ito ang programa ng Wowowee na dinadala ko. Ako bilang WowoWillie, iba yong Wowowee sa WowoWillie. Pero ako ang host ng Wowowee pero hindi nung show. Nandito ako for him sa paniniwala kay Senador Villar. Sabi ko hindi maganda yong kampanya ng kampanya. Ang ibigay natin sa tao yong saya at the same time doon nyo sabihin yong mga plano nyo sa kanila. Hindi kami nakikipag-bangayan. If you will notice pag umiikot kami saan mang lugar, Sunday lamang ako puwede. Sinasamahan ko siya at wala kaming sinasabing masama kahit kaninong partido, ang ginagawa naming nagsho-show kami, yun lamang, nagbibigay ng saya. At kung kung magbibigay man ako ng regalo, galing sa akin yon, hindi sa kanila. Alam kong bawal para sa kanila. Sa kin yun, kung anuman ang ibinigay ko personal yon dahil hindi ko maaatim ang matatanda na gutom na gutom na hindi ko mabibigyan ng pera pambili ng pagkain. Kaya ka nandito para magpasaya at tumulong.

At the same time, yong tungkol sa mga bata, tama si senator. Nangyari yon beforehand, at the same time in-allow naman ng ABS na mag-appear siya sa television. Wala akong power na maipalabas yon kung hindi allowed ng management. It's all management decision. So kung nakikita nyo man siya sa Wowowee may approval ng management. So lahat ng ito ay tama ang ginagawa. Kung magdedemanda sila dahil may natutulungan kami at merong nabigyan ng scholarship, anong klaseng pagkatao naman meron yon?

Idedemanda mo yong taong tumutulong sa mga batang matupad ang pangarap ng walang tumutulong? It's not about politics. It's about helping people. Kung magbibigay man kami ng tulong, hindi dahil sa panalo. Alam nyo ang aking pananaw dyan, nagtitiwala ako sa kanila at sa kaniya. Manalo matalo siya, kasama naman nila ako. Ang akin lang kung kasama ko siya ang gusto ko lang magpasiya sa mga lugar na pinupuntahan namin. It's not about iboto nyo siya. Ang sinasabi ko lang, sa kanya ako nagtitiwala. Wala akong sinasabing iboto nyo sya. Ang sabi ko sa kanya ako nagtitiwala. Yon naman ang importante. Hindi ko ginagamit ang ABS, hindi ko ginagamit ang Wowowee. Every Sunday, WowoWillie. Yun ang commitment ko sa kaniya at yon ang commitment ko sa tao. Hindi ito kampanya. If you will notice, 5 to 7 all the senators are talking about yong kanilang mga plano sa mga kababayan natin. Pag nag-start na ako, yon na yon.

Eh nahilingan ko siya na senator kumanta ka naman, baka akala lagi kang seryoso, siempre iba yong nagpapasaya ka ng tao, it's not about politics. So until May 7 kasama kami sa Marikina Sports Complex.

Inaudible question:

MBV: hindi kami nakikialam sa problema ng ibang partido at kami naman sa NP buo kami rito at gusto naming ipakita sa ating kababayan kung kami ang magwawagi ang maayos rin ang magiging takbo ng bayan kaya yan ay makikita sa takbo ng aming partido at very proud kami dyan, ipinagmamalaki namin yan. Pero hindi na kami nakikialam sa problema o away ng ibang partido.

Willie to Alvin Elchico:

Willie: May question ako sa yo, ako ang magtatanong. Magkapamilya tayo, bakit pag lumalabas kami, isang daang libo, dalawang daang libo hindi ninyo ipinapakita, konti lang. pero pag ibang partido, ipinapakita ninyo lamang na nakatayo kami sa stage. Ipakita naman ninyo ang katotohanan na punung-puno ng tao. Kasi may nabasa akong write-up na 20,000 lamang ang dumating. Yong buong stadium ng CamSur, otsenta mil na yon.

Alvin: Hindi ako ang nagcover noon.

Willie: Kaya nga pero sana naman eto, sana macover mo mamaya pero dapat ikaw ang magreport, babatiin kita bukas sa Wowowee, Alvin totoo ka. Nagseserbisyo ka ng katotohanan pag ipinakita mo bukas.

Alvin to Willie: may talent fee ka ba...

Willie: Hindi nababayaran ang pagkatao ko Alvin. Hindi nya ako pwedeng bayaran. Kasi pag binayaran nya ako at humarap ako sa tao, isa akong bayaran at wala akong hinihingi sa kaniyang posisyon. Ang sabi ko lang sa kaniya maging tulay ako sa mahihirap. Dahil sa araw araw na ginagawa ko sa Wowowee, nadidinig ko ang mga hinaing ng mga iskwater, mga basurero, mga kawawa. Doon lang sa Wowowee wini-welcome ang butas ang shorts, walang tsinelas at nagududusa. Dun lang nakikita ng buong bansa yan.

Alvin: may ibinibigay ka sa kaniya? Kasi may pera ka rin, mayaman ka rin, meron kang inaambag?

Willie: Ang iniaambag ko lamang sa kaniya yong kasiyahan sa tao. Yong channel 7, ipinapakita nyo naman kung minsan maraming tao. Pinagpapaguran natin yan. Ang purpose ng kampanyang ito, hindi kampanya para manira kami. Kampanya ito para magpasaya kami sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan.

Magkano ang nagagastos ng Friends of Manny Villar, Nacionalista Party for staging the ... kasi it's huge...

MBV: Alam mo marami namang tumutulong sa atin sa mga bagay na yan at marami dyan ay nauulit-ulit natin kaya malaking katipiran. Hindi ko lang alam ang eksakto, pero magugulat kayo na ang mga bagay na yan maliit lamang, ang pinakamalaki dyan ay ang nagdadala lamang, halimbawa si Willie, wala siyang sinisingil, kaya napakalaki ng katipiran at siyempre ang host mo siyang nagpreprepara ng stage, security yong mga ganun. Nagtutulong ang marami, kaya magugulat kayo, maganda kaya kung marami kang kaibigan, wala rin namang masyadong nagagastos.

Darlene Custodio said na walang basbas ang NPC sa coalition.

MBV: Walang basbas? Ito ang coalition ng NPC at NP ay binuo ng duly authorized na officials ng dalawang partido at yon naman ay very logical, running-mate ko si Loren Legarda na NPC, ako naman NP, kaya yang pagsasamang yan, ay very logical at pangalawa, marami namang NPC ngayon ay mga dating stalwarts ng NP kaya ang coalition na ito ay winelcome ng higit sa napakaraming miyembro at makikita naman ninyo very willing ang mga miyembro ng NPC kung sino ang kanilang dinadala for president. Kaya yan po ay pinirmahan ng duly authorized representatives ng NPC at Nacionalista, nag-conduct ng hearing sa Comelec at ito ay legal at naaprubahan nila. Kaya lamang hindi mo makukuha na 100 percent siyempre merong mangilang ngilang magrereklamo pero konti lang yan. Ang higit na nakakarami ay talaga namang sumusuporta sa villar-loren.

Yong ginagawa nyong paghahanda to combat fatigue...

MBV: Inom ng maraming tubig. Pag nakalimutan mong uminom, sasakit ang ulo mo sa sobrang init. kaya maski na hindi ka nauuhaw, inom lang ng inom. Hindi baling sobra, wag lang kulangin. Ramdam mo talaga ang init.

Willie: Sabi ni senador, pag nakikita niya ang mga taong naghihirap, lalo siyang nabubuhayan, kasi dun siya kumukuha ng inspirasyon.

Physical and psychological tests, payag kayo?

MBV: Ayaw kong mag-comment dyan. Napakasensitibo nyan. Napakalahalaga nyan pag ikaw ay tumatakbo ng pagka-pangulo dahil ikaw ang maging Commander-in-chief ng ating Armed Forces kaya mahalaga na wala kang problema sa bagay na yan.

Question sa haba ng mga commercials. Hindi pa rin sila naniniwala na hindi kayo sumusobra sa air time...

MBV: Talagang sinusuma naming yan at talagang sumasama ang loob ko na lumabas na ako ay lumampas. Maliwanag namang hindi. Talagang sinusuma namin ng husto yan at hindi kami lumalagpas.

News Latest News Feed