Press Release
April 13, 2010

Transcript of interview in DZRH with Deo Macalma
and Ruth Abao with Sen. Manny Villar

Villar: Ako naman ay dumaan sa speaker of the house, senate president, doon sa mga puwesto na yon, nakikita mo talaga yong kakulangan ng kakahayan ng ating bayan. Nakikita mo kung saan dapat galawin, dapat itama. Nanghihinayang ako kasi naiiwan na tayo ng ating mga kapitbahay. Ang nangyari nailagay natin sa ating isipan na hindi na puwedeng tapusin ang kahirapan. Sabi ko nga, papaanong hindi puwedeng tapusin ang kahirapan e tayo na lang ang natitira. Ang mga karatig bansa natin gaya ng Japan, Korea, Thailand, Malaysia, Singapore, Taiwan, China, India. Nakapagdevelop na natapos na ang poverty o patapos na o malayo na narating. Samantalang tayo, nailagay sa ating isipan ng mga dating namumuno na hindi puwdeng tapusin ang kahirapan kaya ang mga kababayan natin pumapayag nag ganon-ganon na lang ang klase ng pamamahala. Sinasabi nila anyway hindi naman talaga kayang tapusin ang kahirapan. Ang malungkot nito, pati iyong mga kalaban ko sa pulitika, sinasabing hindi kayang tapusin. Ako sinabi ko sinumang nagsasabing hindi kayang tapusin, ako sabi ko, ang sinumang nagsasabing hindi kayang tapusin kahirapan ay hindi dapat kumandidato ng pagkapangulo dahil yun ang malaking problema natin, ang numero unong problema natin. At kung hindi kayang lutasin, eh bakit tatakbo kang presidente. Alam mo naman milyon-milyong Pilipino ang dumaranas ng gutom ng kahirapan ngayon at iyan ang solusyon, look new leadership na makapagaangat sa kanila. So hindi mo kaya, bakit gusto mo na maging lider nila. Kaya sa tingin ko para maging presidente, dapat kaya mo yan o at least, may mapapatunayan ka na may naipakita mo na noong nakaraang panahon na kaya mo yan burahin po natin sa isip na hindi kayang tapusin ang kahirapan . Kaya po natin yan. Hindi bigla, pero makikita natin sa loob ng anim na taon . Malaking kabawasan sa poverty, tuluy-tuloy na ang pagbabago sa ating kaisipan, yan ang kailangan natin gawin, mabago ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Q. Concrete measures to end poverty

Villar: When he had his public offering, sa malaking kinita ko ay ibinigay ko na sa mga anak ko, ang natira ay sa aming magasawa at matagal na akong retired sa negosyo. Itong perang ito, kung ipamamahagi mo sa mga Pilipino, konti lang ang makikinabang. Ubos din pero, kung sakaling maging pangulo at mayroon kang capability, mas marami kang matutulungan, tens of millions na matutulungan mo becuase you can place in order the governance ng ating bansa kaya yan ang aking naging desisyon at iniisip ko in this way, mas maraming matutulungan at ang matitira will go to charity, huwag na asahan yan agreed. Kaya itong mga ito, walang pagkabawi yan dahil hindi na inaasahan ng mga anak namin yan told them matitira rito go to charity. Pamilya namin simple lang. Wala naman nakakakilala sa Villar noong panahon before. Ang legacy na hinahanap ko ay yung may magagawa kang maganda para sa mga tao. Kung ikaw ang presidente matutugunan mo ang kalunasan sa kahirapan at hindi puwedeng tapatan ng pera ang karangalan.

Q. Villaroyo issue.

Villar: Ako'y nagtataka dyan. Buong buhay ko naman ako'y independent at kilalang-kilang ng mga kaibigan ko na independent ako. Nakita mo sa pangulo, wala akong ipinakiusap na ipasok doon. Hindi gaya ni Nonoy dami niyang kamag-anak doon. Wala akong kinuhang dating cabinet niya. I didn't ask favor money, ako naman kahit papaano nasasaktan na rin, malaki na ang nagastos ko sa kampanya. Pero wala akong ask maski piso at walang ibinigay sa akin kahit piso. Sa tinging ko sila ang mas maraming napakinabang, sila may pakinabang kay gma. Sila ang tingin kong mas dapat tawagin na gloriaquino dahil ako wala naman napakinabangan dyan. Wala akong hininging utang na loob dyan at wala akong balak na humingi ng utang na loob e bakit ako sasabihan ng ganoon. Ang totoo niyan, ako ay naging speaker of the house, marami dyan sa mga lider na yan naging congressman ko noong araw, at naging speaker ako. Nasanay na sila na ako ang lider nila, kilala nila ako at nasanay na sila sa aking liderato. Sinasabi nila sa akin na sana kung pipili kami, ikaw na lang kasi kilala ka namin naniniwala kami sayo at naniniwala sila na kaya kong gawin yong aking sinasabi. Kaya I hope now alam naman natin tuwing eleksyon lahat ng local namimili nang lilinyahan. Alam naman natin na hindi nananatili sa party local politicians. Sabi nga ni Speaker ___oneal ng America, all politics is local na lahat ng politika lokal. Naglilinyahan na yan simula march 26 nang magsimula ang kampanya. Marami. pero inaaasahan ko na marami ang maglilinyahan sa atin pero sa kadahilang mas naniniwala sila sa ating liderato 1. No. 2 mga kaibigan nating matatalik ang mga iyan and No.3, nasa kabila na. sabi ko nga alam mo iyong iba naman nating kaibigan sa media. Analyze nio. Marami roon logical. Mga Garcia of Cebu e kalaban nila mga Osmeña. E kalaban niya si guingona, Acosta na senatoriable ng LP. E siyempre logical naman yan. Maaring speculation ng si Nograles ay lilipat sa Nacionalista ay dyan nagbunga bilang reaction sa biglaang pagtaaas ng kamay ni Rudy na isa kong kaibigan kina noynoy mar. Sabi niya tumatanaw lang daw siya ng utang na loob pero ang sakit sa akin pag tiningan mo luminya sa kabila.

Q. (Nograles kelan lilipat)

Villar: Yan po ay talagang nabasa ko sa dyaryo yan. Bagama't marami talagang lumilipat meron din liberal, npc. Marami ring hindi lumilipat nagbibigay lang ng suporta. From laoag to Mindanao, ang dami na natin suporta.

Q. Kayo po ay binagbibintangan na pinagmulan ng issue ng mental disorder at ang hamon naman nila kung ang pinaguusapan ay psyco test ay dapat naman daw ay mayroon din lie detector test at life style check.

Villar: ok lamang sa akin yan, sa akin lahat ng check puedeng gawin, kaya nga ako check. Alam mo buong buhay ko ay sinubok na ako, alam mo naman ang kapalaran natin marami na tayong ups and downs sa pakikipaglaban ko sa prinsipyo natanggal akong speaker of the house, sa pakikipaglaban ko sa prinsipyo natanggal ring pangulo ng senado, diba, at naalis tayo ni pangulong GMA doon, so sa business nakaranas din naman ako ng kahirapan dyan, ups and downs din yan, pero akala ko maba bankrupt na ko, di na ako makakarecover, so lahat ng pagsubok dinaanan ko na. Kaya yung mga test-test nay an eh naku sawang-sawa na ako sa test na yan regular, annual naman ang aking check up at hindi naman tayo pumapalya dyan, physical at mental, pero siyempre mayron din tayong test sa ganyan. Pero ang sa akin lamang, yun naman kasi, yung ganun klaseng examination, eh dahilan sa kami ay humahabol sa pinakamataas ng puwesto ng bansa, kami, kung sakasaling papalarin, ang pangulo ang magiging commander-in-chief ng AFP. Kaya kinakailangan at all times ay walang duda sa aming kaisipan, hindi puedeng magkaduda yan, kailangan decisive ka at saka wala kang problema sa bagay na yan, sapagkat napakahirap, ikaw kasi ang mag dedecision, decision mo sa lahat ng opisyal, ang pinakamalaking epekto sa ating bansa, ating AFP at sa mga mamamayang Pilipino, kaya hindi puede na may duda sa amin. Kaya sa mga test wala tayong problema, matagal na tayong test ng test, lahat ng test sinusubukan natin.

Q. may mga negosyante po sa Makati business club, alam po niyo takot daw po silang maging president kayo baka kayo ay maging pacman.

Villar: alam mo matagal na akong nag retiro sa business at yung nga binigay ko na sa mga anak ko at matagal na yan at nakita mo naman nagsimula ako sa housing hanggang ngayon housing pa rin, nangangahulugan hindi ako pacman at wala na ako sa negosyo. Ang sa tinging ko sa kaibahan dyan ay mas gusto nila na kontrolado nila ang pangulo, yun naman ang hindi ko maipapangako, dahil irereporma ko ang ating bayan, talagang patataasin ko, at sa aking palagay naman, parang low tide high tide yan eh , pagnapataas, napasigla mo ang ekonomiya ng ating bansa, lahat naman ay makikinabang, ang dapat nilang isipin, ay maski ang mga businessman ay makikinabang din, pagyumaman ang pilipinas, yayaman lahat, yayaman ang mahirap, yayaman ang middle-class, yayaman ang mayaman. Kaya yun ang dapat nilang isipin, infact ako ang magiging champion ng mga Pilipino businessman, dahil gusto ko lumaki sila, gusto ko lumago sila para makapagbigay sila ng maraming trabaho. Kasi pag hindi sila lumago,hindi nakapagbigay ng maraming trabaho, then mabibigo ako sa aking layunin na iahon mula sa kahirapan ang ating mga kababayan, kaya mahalaga sa akin na silay magtagumpay, infact, ako'y ibebenta ko talaga ang pilipinas, para mag invest, mamuhunan dito ang mga dayuhan at sisiguraduhin ko na yung kanilang mga problema ay maresolve, dahil ng higit na maraming planta at ako'y magbibigay pa ng insentibo sa mga kumpanya na pag nagtayo sila ng planta dito, marami silang ibibigay na trabaho. Dati kasi ang ibinibigay nating incentive yung malaking kontrata, ngayon gusto ko yung maraming trabajong ibibigay, bigyan ka naming ng incentive.

Q. maraming maliliit na negosyante mas gusto sa inyo, hindi sila takot, kasi sa pananaw nila ang negosyante maraming ng pinagdaanan alam niya paano mag manage ng bigger resources at ng mga tao, ang takot sa inyo yung malalaki, yung maliliit hindi.

Villar: isang grupo lang naman yan na talagang silay naghahari ng business. Ayaw nilang mawala ung sarap ng kanilang kalagayan. Ang sabi ko nga ay dapat maunawaan nila na ang aangat din sila. Nitong mga nakakaraang 50 taon, pare-pareho lamang ang nagpapatakbo ng ating bansa. Papapalit-palit yan. Ung anak nito. Kapatid non, apo, lahat ng apo, anak, gusto kumdandidato sa pagka-pangulo. Karapatan daw nila kasi magaling yong magulang nila. Magaling yong lolo nila. Ang sa akin kasi pare-parehong pamilya na nagpapatakbo ng ating bayan, pero tignan mo ang bayan natin ngayon, bagsak ang bayan natin , nakasadlak tayo sa dusa, pero bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon yung mahirap naman na mangarap na magambisyon na maging pangulo ng pilipinas, dahil ito ang nakakaunawa ng kanilang kalagayan, ako sinabi ko ang totoo, biglang sinabi nilang hindi ka naman mahirap. Hinahamon ko sila na dadalhin ko sila sa bahay ko sa tondo na kung saan squatter kami. Ang pruweba ko na squatter kami, eh kabibili ko lang yung bahay two years ago.

News Latest News Feed