Press Release
April 26, 2010

Transcript of interview in DZXL with Sen. Manny Villar

Q. Malapit na ang eleksyon, 14 days na lang at patuloy pa rin kayong inuulan ng mga intriga at isa na dito ay yung di umanong pagmamaniubra sa PSE di ho ba naapektuhan ang inyong kampanya Senator?

Villar: Alam mo Ely, sobra na itong nangyayari na ako ang pinagtutulungan. Saan ka naman nakakakita na hindi naman ako ang number one sa rating ay ako ang pinagtutulungan ng lahat... ng number 1,3,4,5. Lahat nama'y ibinibitang sa akin, pati mga storya noong ilang tatlong taon na biglang nabubuhay two weeks before the election na pawing kasinungalingan naman at ang tanging hangarin ay maubos ang aking oras kasasagot pagkatapos ay hindi na ako makapagpaliwanag kung ako ang aking kakayahan at kadahilanan kung bakit tayo ay dapat maging pangulo. Ito ang strategy na nakikita ko, ang pagtulong-tulong nila laban sa akin. Nakakalungkot at hirap din talaga ako dahil sa isang banda gusto ko talagang sagutin at ipaliwanag na detalyado ngunit sa isang banda naman baka ay kakapaliwanag ko ay dalawang linggo na lang ay wala nang mangyari at di marinig ng ating mga kababayan ang tunay na issue dito sa halalan na ito na ang tanong: Sino ba talaga ang may kakayahan na mamuno ng ating bansa at sino ba talaga ang may track record na may nagawa na. Na makapagsasabi na kaya natign gawin yung mga sinasabi natin lalong lalo na ang ating layunin na tapusin ang kahirapan. Katulad na itong issue tungkol sa stocks na yan sinabi ko na maliwanag na pribadong kompanya at hindi government. Mismo ang PSE ang nagsabi, maayos yan wala namang ginagawa si Senator Villar, mismong sila na ang nagsabi. Kaya maliwanag na paninirang puri at para ubusin lamang ang aking oras.

Q. Kaya ngayon Senator ay parang nasasandwhich kayo... ng nasa unahan at nasa likuran niyo. Apektado po ba ang inyong kampanya?

Villar: Well sa tingin ko sawa na din ang tao dyan. Alam naman nila na ano mang issue ang lumalabas ngayon kung gusto nila pwede nating pagusapan pagkatapos ng election. Sa tingin ko sawa na rin ang tao at naniniwala ako na nakikita nila ang layunin nitong mga kasinungalingan na ito. Ako naman ay ginagawa ko ang lahat, sinasagot ko ang lahat ng yan. Gusto lamang nila matakpan ang katanungan na: Ano ba ang nagawa nila? Ano ba ang kadahilanan kung bakit sila dapat ihalalal? Ano ba ang ipinakita nilang liderato? Kakayahang mamahala? At yung karanasan? Tatlong bagay na napakahalaga kung gusto talaga nating umahon sa kahirpan. Ito ang mga bagay na dapat nilang ipaliwanag. Sa tingin ko kaya nila ginagawa ito para wag na lamang pagusapan yun

Q. Malapit na ang eleksyon at naghahanda na ang Commelec at mayroong mga panukala na ipinipilit na tinatawag na parallel manual counting ano ho ang pananaw niyo dito Sen. Villar? Villar: Sangayon ako dyan matagal na, para matiyak tayo na walang sabit, walang problema itong halalan, kaya ako ay hindi naniniwala na walang problema itong automation, kaya umaasa na lang tayo na walang mangyayaring masama, at mukha naman may pagasang makaahon po. At dito sanay lahat ng kandidato ay magtulong-tulong, kami sa aming panig malaki na ang mino-mobilize ng volunteer groups at mga volunteer na abogado, pero naghahanda na kami kung sakaling mayroon mangyayaring gulo o may hindi mag fu-functuion na mga makina at kung anong paraan ang aming gagawin para makadagdag pa kami sa pagsisiguro na maging maayos ang ating halalan.

Q. Manawagan po kayo sa ating mga botante na litong lito sa batuhan ng putik ng mga kandidato sa kapwa kandidato.

Villar: Ang sa akin isipin na lang natin ang mga batuhan ng batuhan ng mga putik na alam natin na wala naman mangyayari. Huwag po nating kalimutan ang tunay na katanungan na kailangan sagutin..ano ba ang katangian ng mga kandidato...nagawa na noong nakakaraang panahon, anong karapatan natin kunmandidato at humarap sa ating mamamayan na maging pangulo, liderato, kakayahan mamahala ng ekonomiya, makapagbigay ng trabajo at maiahon tayo sa kahirapan at karanasan, talaga bang may karanasan dahil ang daming problema ng ating bayan, talagang kailangan ang karanasan.

News Latest News Feed