Press Release April 29, 2010
Benigno S. Aquino III sa Pagbabasura ng COMELEC
"Nakapagtataka kung bakit pilit inaayawan ng COMELEC ang obligasyon nitong pangasiwaan ang halalan upang ito'y maging isang malinis, makabuluhan at kapanipaniwalang proseso. "Marami na silang pagkukulang at pagkakamali nitong mga nakaraang buwan. Pagdating sa parallel manual count, ang taumbayan na ang nagpapanukala nito para mabawasan ang ating pangangamba. "Ang panukala na magkaroon ng parallel manual count ay tinitiyak ng mga eksperto, negosyante at mga haligi ng simbahan na makapagbibigay ng karagdagang panigurado upang sa ganoon ay maiwasan ang kaguluhan, pandaraya at maging kapanipaniwala na tunay na boses ng taumbayan ang magiging resulta ng nalalapit na halalan." |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|