Press Release
April 29, 2010

KALABAN NI AQUINO, BINUWELTAHAN NI ROXAS

Hindi si Liberal Party (LP) standard bearer Senador Benigno "Noynoy" Aquino III ang dapat sumailalim sa mental examination kundi ang mismong nagpalabas ng pekeng psychiatric evaluation report dahil pinipilit nito ang isang bagay na peke o walang basehan.

Ito ang buwelta ni LP vice-presidential bet at race frontrunner Senador Mar Roxas sa kampo ni Nacionalista Party (NP) standard bearer Manny Villar sa paglalabas nito ng pangalawang pekeng psychiatric evaluation report laban kay Aquino.

Ayon kay Roxas, sobrang desperado na ang kampo ni Villar dahil hindi niya maungusan sa mga survey si Aquino kaya't puro kasinungalingan ang ipinakakalat laban sa LP standard bearer. Iginiit ni Roxas na kung mayroong dapat sumailalim sa psychiatric evaluation, ito'y walang iba kundi ang may pakana sa pagpapakalat ng dalawang pekeng psychiatric report laban kay Aquino.

Sinabi naman ni Aquino na "ipapasa-Diyos" na lang niya ang mga taong may pakana ng naturang smear campaign.

News Latest News Feed