Press Release April 29, 2010 HAYAAN NA NATIN ANG MGA NANG-IINTRIGA--ROXAS Ayaw nang patulan nina Liberal Party (LP) standard bearers at survey frontrunners Senador Benigno "Noynoy" Aquino III at Senador Manuel "Mar" Roxas II ang mga nang-iintriga sa kanilang tandem. Ito'y kasunod ng napaulat na personal na pangangampanya at pamimigay ng Noy-Bi (Noynoy-Binay) t-shirts at stickers ni Senador Chiz Escudero sa ilang mediamen sa isang restaurant sa Quezon City. Matatandaang nagpahayag si Aquino na tigilan na ang pang-iintriga kay Roxas dahil ito lamang ang kanyang kandidato para Bise-Presidente. Tiniyak din ni Roxas na maayos ang samahan nila ni Aquino. "Hayaan na natin ang mga nang-iintriga," kampanteng sabi pa ng vice-presidential race frontrunner na si Roxas. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|