Press Release
May 5, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW IN DZRH

On INC endorsement:

Q: Una sa lahat, ibinalita po namin kanina ang pormal na pag-endorso ng Iglesia ni Cristo sa tambalan ninyo ni Senator Noynoy Aquino.

MAR: Nabalitaan ko lang po kanina, sa pagsamba, o worship service ngayong umaga ay tambalang Noynoy at Mar ang ieendorso ng Iglesia. Nagpapasalamat po, lubos na lubis po ang aming pasasalamat sa kapatiran ng Iglesia, at ang kanilang pamunuan, sa pamumuno po ni Ka Eduardo.

Q: Noong una endorsement ni Pastor Apollo Quiboloy, ngayon naman endorsement ng Iglesia ni Cristo. Ano po ang assessment ninyo sa mga developments na ito?

MAR: Well, Manong Joe, malaking tulong po ito sa ating kampanya, at magiging dagdag na lakas ito sa kampanya ng Noynoy at Mar. Parati naman nating sinasabi, Manong Joe, na ang aming lakas ay ang tao. Sa tao kami nakasandal. At sa pamamagitan ng itong mga endorsement na ito, mga malalaking organisasyon tulad ng Iglesia ni Cristo, ay lalong nadadagdagan, lalong tumitibay yung pagkapanalo ng tambalang Noynoy at Mar.

On Comelec and Smartmatic issues:

Q: Alam po natin, Senator, kayo po ay nababahala kaugnay ng mga development ng mga problema dito sa Comelec at Smartmatic.

MAR: Sakto, Manong Joe, talagang malaking problema ito. Kagabi lang, nag-long division ako, long arithmetic, nabilang ko, seventy-six thousand na memory card. Isipin na lang natin na isang minuto, one minute bawat memory card. E seventy-six thousand minutes yan. Divided by sixty minutes, one hour, is one thousand mahigit na oras yan. Divided by twenty-four hours sa isang araw, e mahigit na limampung araw yan. Pambihira talaga itong Comelec na ito, tagal na naming pinupuna at binibigyan ng babala. E parati na lang sabi nila alarmist daw, at hindi namin alam kung ano ang sinasabi namin. Ayan na, kita na, na ang kanilang kapabayaan, kapalpakan, ay yung halalan natin ngayon, yung demokrasya natin ngayon ay nalalagay sa alanganin. Hindi po ito ang panahon para magkagulo, para magsisihan, para magturo. At importante dito, gawin na ang lahat para magkaroon ng halalan.

Q: Ang mahirap dito, Mr. Senator, ano man ang maging resulta ng eleskyon pagdududahan. Ang kredibilidad ng proseso ang alanganin.

MAR: May pagkakataon pa naman, Manong Joe. E kami nga nangangamba kami, pero may mga abogado na tayo, may mga IT experts na tayo, may mga volunteers na tayo na magbabantay sa lahat ng mga PCOS machines. E ang lahat ng mga field reports na pumapasok sa aming headquarters ay ganun na nga, kumpirmado itong kapalpakan na nangyari sa pinakahuling testing. Kaya kami po, kabahagi po kami sa paghihimok sa Comelec: Gawin niyo na ang lahat, hindi na ito panahon para sa pride, pride chicken, pride-pride, ayaw sabihin kung ano talaga ang problema. Sabihin niyo na talaga kung ano ang problema. Buong sambayanan, magtutulong-tulong para matuloy ang halalan Mayo a-diyes.

Q: In other words, yung iba't-ibang sektor ng ating lipunan, kung walang maitutulong, e wag na lang makabigat at makapagpalala ng problema.

MAR: Tama po. Ang pinakamahalaga po, Manong Joe, ay yung halalan sa nakatakdang araw ngayong Mayo a-diyes ay matuloy. Dahil pag hindi na natuloy yan ng Mayo a-diyes, papasok na tayo sa mas magulong yugto, di ba? E kung ma-postpone yan ng one week, puwede ring ma-postpone yan ng two weeks. Puwedeng ma-postpone yan ng one month, two months. Nasa no-end scenario na tayo. Kaya para sa amin, napakahalaga po. Magtulong-tulong na tayo. May panahon naman para sa paninisi, may panahon naman para malaman kung ano ang mangyayari talaga. Ang punto dito, dapat magka-halalan Mayo a-diyes.

Q: Senator, maraming salamat po.

MAR: Maraming salamat, magandang umaga po.

News Latest News Feed