Press Release
May 5, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. MAR ROXAS' INTERVIEW IN UMAGANG KAY GANDA

On the INC Endorsement

MAR: Of course lubos-lubos po ang aming pasasalamat na kami po ang aming na-endorso. Nabalitaan ko nga kaninang umaga, unang worship service, unang pagtanggap kaninang umaga, ay ang tambalang Noynoy at Mar ang inendorso ng Iglesia. Lubos lubos po ang aming pasasalamat sa kanilang pamunuan, sa pamumuno po ni Ka Eduardo na talagang nagpapasalamat kami sa tiwala na ipinagkakaloob po sa amin ni Noynoy at ni Mar ng Iglesia ni Cristo.

Q: Kasama natin si Anthony Taberna. Senator Umagang kay ganda po sa inyo. Senador kayo po ba ay, well bago po yung official announcement po na ito na ipinahayag sa first worship service ng Iglesia, ay nagkaroon na ng pagkakataon na personally ay magpasalamat kay Ka Eduardo? For example nagpunta na po ba kayo dito sa Central Office nila?

MAR: Nagkaroon ako ng pagkakataon na magpasalamat personally at patuloy po ang aming pasasalamat.

Q: Nagpunta ho ba kayo dito at kung nagpunta kayo, kailan po ito?

MAR: Nag-usap po kami ilang araw na ang nakalipas. Hindi ko po malaman kung supposed to be sasabihin ko po sa inyo o hindi. Pero noon po ay si Ka Eduardo ay nagpaabot ng impormasyon na iyon na ang napagpasyahan ng Iglesia ni Cristo.

Q: Gaano po kaimportante ang suporta ng Iglesia ni Cristo sa inyong kandidatura at maging kay Senator Noynoy Aquino?

MAR: Malaking bagay po ito. Lalong napapatibay ang pagkapanalo ni Senador Noynoy at Senador Mar dahil ang Iglesia ay isa sa pinaka-respetadong organisasyon sa ating bansa at talagang kinikilala 'yan at tinitingala 'yan ng ating mga kababayan. So malaking tulong po ito at lubus-lubosan po kaming nagpapasalamat. Itong tiwala na ipinagkaloob nila sa amin ay hindi namin bibiguin tulad ng hindi rin pagbigo ng tiwala na ipinagkakaloob ng mga tao sa tambalang Noynoy-Mar.

Q: First time po ba kayo na nasuportahan ng Iglesia ni Cristo sa inyong political career?

MAR: Nung ako po'y tumakbo sa pagka-senador ay sinuportahan din po ako ng Iglesia ni Cristo.

Q: Meron po ba kayong ideya kung gaano po karami ang mga botante ng Iglesia ni Cristo?

MAR: Hindi ko po alam. Maraming mga estimate mula sa media pero hindi naman po 'yun ang mahalaga sa akin. Ang mahalaga po sa akin ay 'yung tiwala na ipinagkaloob ng kapatiran ng Iglesia. 100 man yan, 100,000 o kung ilang milyon man ay napakalaking pagtitiwala po ito at pinapahalagahan ko po ito.

Q: Ano pong masasabi ninyo na hindi lahat, hindi rin karamihan ng kandidato sa pagka senador ng Liberal Party ay nasa listahan ng INC?

MAR: Pangkaraniwan naman yan. Ang kapatiran ang pinagpapasyahan ang kakayahan ng mga kandidato at hinahayaan na lang natin, nirerespeto na lang natin ang kapangyarihan ng Iglesia ni Cristo kung sino ang gusto nilang i-endorso.

Q: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras. Siguro po congratulations po.

MAR: Maraming maraming salamat po.

News Latest News Feed