Press Release
May 5, 2010

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR MAR ROXAS
ON GMA / UNANG HIRIT

On INC endorsement

MAR: Ang Iglesia ni Cristo po napakalaking organisasyon sa ating bansa at malaking tulong po ito sa ating kampanya.

Q: So gagawin niyo pa rin ba yung effort na mapalitan yung ini endorso ni Pastor Quiboloy at malipat po kay Senador Noynoy?

MAR: Dun naman kay Pastor Quiboloy ay nag-usap na kami nung isang araw at nagpasalamat ako sa kanya. At hanggang dun ang sabi niya ay nakapagpasya nap o siya.

Q: Nagkausap na po ba kayo ni Senador Noy kaugnay ng anusnyong ito ng Iglesia?

MAR: Ngayong umaga hindi pa po.

On PCOS Machines

Q: Senador dun sa mga nangyari po sa PCOS machines at flash cards, mayroon bang paghahanda dito an gang Liberal Party para tiyak na protektado ang boto niyo ni Senador Noy?

MAR: Hinihimok po natin ang Comelec na gawin nila ang lahat ng ipinangako nila. Matagal na nating pinupuna ang mga kakulangan nila, yung kapabayaan. Parati nilang sinasabi na alarmist kami at hindi namin alam ang mga sinasabi namin. Oh ayan nakita na talaga na medyo alanganin ang sitwasyon ngayon. Hindi po kami nandito para magturo at manisi. Ang importante dito ay magkaroon tayo ng halalan sa Mayo 10 whether it is automated, manual, kumbinasyon, dapat po yung Mayo 10 ay matuloy bilang halalan.

Q: Naninindigan pa rin na pag hindi nanalo si Noynoy ay People Power? Tama po ba yung ganon?

MAR: Well baka naman nami-misinterpret dahil ano ba naman ang halalan hindi ba people power yan, hindi ba pagpapadinig sa tinig ng sambayanan. Ang posisyon po ni Senador Noynoy at Senador Mar at lahat po ng nasa partido Liberal, ay dapat madinig, dapat maisakatuparan ang kagustuhan ng tao. Yan po ang ibig sabihin ng people power. Yung kampanya nga namin ang tawag namin ay 'people's campaign.' Hindi po Senador Mar, Senador Mar o kung sino mang pulitiko ito. Kami mukha lang kami ng kagustuhan ng tao para sa pagbabago. Ang tao ang aming lakas. Sila ang aming lakas.

Q: Limang araw bago mag May 10, ano po ang plano ng Noy-Mar?

MAR: Tuloy-tuloy po tayo sa kampanya pero ngayon po ay hold muna kami dahil malaking problema ho itong sa PCOS at sa Comelec. May mga pagpupulong ngayong umaga hanggang lunch time. Ang pagka alam ko mamayang alas 2:30 ay magpapahayag kami ng posisyon namin tungkol dito sa PCOS na problema na ito.

News Latest News Feed