Press Release
May 24, 2010

TRANSCRIPT - DZBB interview

Nimfa Ravelo: Sir sa canvassing aatend po ba kayo?

Sen. Edgardo J. Angara: oo naman aatend ako.

Nimfa: sir anung expectation niyo dito sa canvassing?

SEJA: palagay ko masmabilis yan kaysa nung 2004 dahil nung 2004 napakatagal noon, masmabilis ito sapagkat marami na sa mga Presidential and Vice Presidential candidates nag concede at kung may mga issue pa na remaining yun ay irerefer nalang sa electoral tribunal.

Nimfa: so sir yung mga nagconcede hindi na sila makakadagdag dun sa mga pwede magobject or may mga iraraise na issue?

SEJA: pwede parin sila magraise ng issue pero hindi na highly contested kasi nagconcede na principal nila eh pero for the record and for future guidance ng COMELEC siguro their reps can raise those issues.

Nimfa: pero sir yung mga issue ng dayaan di po ba makakadelay yun? Yung mga CF cards daw na nakuha sa CDO at pagsulpot ng usapang di umanoy Ferrer at Puno at yung sinasabi nitong alyas Koala Bear?

SEJA: siguradong magsusurface yun pero yung contentious issues palagay ko naminimize na sapagkat karamihan ng candidates na hindi nanalo sa Presidential at Vice Presidential ay nagconcede na at yun lang naman ang icacanvass namin, outside the Presidency and Vice Presidency yung ibang mga position ay hindi na sa amin. So, confined lamang dun sa OP at OVP. At halos nga sa pagkapresidente si former president Estrada ang hindi pa nagcoconcede presumably magraraise yan ng mga issue or at least yung abogado niya pero yung ibang mga candidate baka nga wala ng representative dun eh so meaning minimized na ang contentious issues pero hindi nangangahulugan na wala nang issue na magsusurface dun katulad ng nabanggit mo kung yung mga issue nayun ay nakaimpluwensiya sa resulta nung President at Vice President iraraise yun.

Nimfa: panu niyo po yun sir ihahandle pagka may nagharap ng ebidensiya ng dayaan eh ang sabi po yang ganyang issue ay sa electoral tribunal na?

SEJA: yung sinasabi ng mga lawyer na that requires taking of evidence or evidentially yung mga issue na ganun ay kailangan irefer na sa Presidential Electoral Tribunal sapagkat that's outside the jurisdiction of the canvassing board.

Nimfa: Hindi pa nagcoconcede sina Sen. Madrigal, Perlas, JC Delos Reyes, nagconcede pero binawi.

SEJA: kaya nga ang sinasabi ko hindi naman nangangahulugan na pagnagconcede pinapagbawalan ka na magraise ng issue dun even for the record and for future guidance.

Nimfa: sir yung mga PCOS machines na nanggaling sa Antipolo ito po yung mga pinatago ni Sen. Madrigal sa Senate, panu yun sir pqwede po bay un gamitin as evidence, pwede bay un ipabuklat sa congressional canvassing?

SEJA: palagay ko hindi sa congressional canvassing dapat gawin yun eh palagay ko sa Presidential tribunal or sa Congressional investigation.

Nimfa: yung mga magiinhibit po tulad ni Sen. Miriam Santigao dahil siya ay kasama sa NP, Sen. Villar and Legarda at si Sen. Jinggoy ay ineenjoin niya yung iba pang kandidato na maginhibit sir tama po ba yung ganitong action?

SEJA: baka walang matira sa Senado pag ganoon, siguro kung hindi ka rin lang kandidato for President or Vice President masmabuti na magparticipate ka rather than inhibit dahil kukulangin ng warm bodies sa Senado.

Nimfa: pero sir panu sila magiging objective?

SEJA: lahat naman ay involved in one way or another in the candidacy of others ang masama ay yung ikaw mismo ang participant on the election because you ran for the position yun talaga by all rules of fairness in procedure kailangan maginhibit ka because you can not be an objective judge.

Nimfa: anu po ang masasabi niyo sa maagang pagcongratulate ng Spain, China at America jkay Sen. Noynoy Aquino?

SEJA: dalawang bagay lang yan, either they are ignorant of our process na dahil naianaounce na sa media sino ang leading akala nila that's the final word for the election na eh, the other one is talagang sila ay deliberate na they want to precipitate action immediately.

Nimfa: sir bakit nila gugustruhin yun?

SEJA: sa palagay ko plain lack of knowledge of our procedure, hindi pa pwedeng sabihin na president elect yan hangang hindi pa natatapos ang canvassing ng Congresso, that is the final act. Kung baga sa presidential election sa US hanggang yung electoral college ay nagbotohan at nanalo ka na ron at prinoclaim na ikaw ay winner.

Nimfa: sir may nagsasabi naman na yung pag congratulate ni Amb. Harry Thomas kay Sen. Aquino ay parang mensahe narin sa Congresso na huwag niyong imess up yung canvassing.

SEJA: masama yun na nangingialam sila pero I don't think that's the interpretation eh its just plain lack of awareness ng proseso natin, napaaga at premature ang pagcongratulate nila pero hindi naman bad intention. Sana yung mga kaibigan natin mga head of state no matter how well their intention is they should be patient and let our political and constitutional process take its final course before they pre empt any action to avoid misinterpretation.

Nimfa: Sir, sa Senate Presidency, kayo'y minsay naging Senate President, magiging Senate President ba ulit kayo, sir? Nagusap na daw kayo nina Senator Zubiri?

SEJA: Nagusap na kami ng grupo namin. Ang grupo namin ang pinakamarami sa Senado at kung sino ang susuportahan namin, more likely, yun ang magiging Senate President kaya pinag-aaralan at sinusuri naman lahat yan dahil delicate matter ang usapang iyan. It's the third highest position of the land.

Nimfa: Sir, sabi ni Senator Miriam last week si Sen Villar daw ang malamang na magiging Senate President dahil may numero siya.

SEJA: Yun ang arithmetic ni Senator Santiago. Palagay ko, ang artihemtic namin ay kami ang nakakarami. Pito kami sa grupo, yung iba anim lang.

Nimfa: Sir, gano ka-critical na yung senate president at Speaker ay hindi opposition sa susunod na administration?

SEJA: Hindi critical yung characterization na opposition or pro-administration, Nimfa eh.

Nimfa: Sir sa senate, nakita naman ng publiko na kahit kontrapelo ito ng Malacanang, naging objective naman ang Senado at nagpapasa ng batas.

SEJA: Yun nga ang punto ko. Sa senado, kahit sino naman ang maging pangulo dyan, whether kapartido ng ng pangulo o hindi, by and large, hindi kami intensely partisan eh. Pinipili namin ang agenda na aming susuportahan, in general, kailangan pro-country o pro-progess eh. Pambihira yung talagang isang batas o isang proposal ng administrasyon na tutulan namin. Kung magka-ganoon, palagay ko hindi talaga nakakabuti sa buong Pilipinas yun. Kaya hindi importante kung ang Senate President ay kapartido ng bagong pangulo o sympathetic to him o kontra. By history, talgang susuportahan ng senado ang presidente eh. Nakita na natin yun nung panahon ko bilang Senate President. Si President Ramos, dadalawa lang ang kapartido niya, si Senators Shahani at Rasul. Kami labingpito kami na LDP eh. Pero kaming opposition ang nagdala ng agenda ng administrasyon Ramos. Kung titingnan mo, modestly aside, that was an administration of reform. Yung pagbabago ng BSP, pagtatayo ng CHED, Philhealth, CHED, BOT Law, napakariming landmark laws ang pinasa naming noon.

SEJA: Sa House, iba ang dynamics dun. Usually malapit sa presidente ang magiging House Speaker.

SEJA: It follows na yung Speaker ay kaibigan ng pangulo pero di naman yung ganun ka-critical. Critical lamang in a sense na pambihira ang mananalong Speaker na opposition.

Nimfa: Si Senator Sotto daw po ba ay kagrupo ninyo dahil since 1992-2007 ay magka-grupo na kayo?

SEJA: Kagrupo naming si Sen. Tito.

Nimfa: Sir, maraming salamat po.

News Latest News Feed