Press Release
May 24, 2010

TRANSCRIPT OF SEN. ANGARA'S INTERVIEW AT SESSION HALL

SIR YUNG BLOCK MO RAW NGAYON AS SEVEN MEMBERS TAPOS ETO RAW YUNG MAGIGING DECIDING FACTOR ...

Seja: Hindi. The same din. Meron na bang movement? Wala pa yata, e. Masyado pang maaga. So nag-uusap usap pa ang mga senador. Yung mga aspirants kinakausap kami.

SINU-SINO SIR?

Seja: Of course, si Sen. Villar, si Sen. Frank Drilon, si Sen. Kiko.

SIR, PANO MO MADE-DESCRIBE YUNG CONFIGURATION. YUNG GRUPO MO, LAHAT BA ITO WALANG AMBITION?

Seja: Wala. Wala. Kaya nga yan ang kagandahan sa grupong ito dahil walang nag aambisyon na maging senate president. At ang gusto lang nila ay kami'y bumoto ng isa sa mga issues at sa liderato, sapagkat ang talagang gusto namin ay magpatuloy ang reporma. Reform-minded kami at tamang-tama naman yun sapagkat itong bagong administration siguro nangangailangan din ng tulong. They run on a platform of change and reform di ba?

SO, ANO PO YUNG CRITERIA NA TINITIGNAN NINYO, DAHIL APAT PALA YUNG NANLILIGAW SA INYO?

Seja: Kung talagang reform minded ang agenda nila, at kung talagang seryoso sila...

SIR, PERCENTAGE-WISE WALA PANG MEDYO LUMALAMANG SA APAT NA KUMAKAUSAP SA INYO?

Seja : Sila siguro ang nagkwekwentahan nun. Kami hindi naming kinukuwenta yun, e. Ang wini-weigh-in lang namin ay kung ano talaga yung agenda nila at kung pano kami magiging compatible at kung ang pananaw namin ay pwedeng pagsamahin.

SIR, ON SCHEDULE BA YUNG - SO FAR MAGDE-DELIBERATE PA LANG NG ...

Seja: In fact, mas advanced ngayon. Dahil nung 2004, presidential din yun, we did not stop the canvass until June 5, or 6, nag-adjourn na ang Congress nun. Ngayon, na-advance ng two weeks, e. So, mas advanced tayo ngayon dahil mas mabilis din naman na lumabas ang resulta at mapapaaga rin ang proclamation. Nung 2004, yun lang ang maiko-compare mo, e. Yung 2004, halos isang buwan bago natapos ang proseso, ang canvassing. Palagay ko, pinakamabaha na yung two weeks at the rate na we are working.

SIR, SABI NILA PARANG SA VICE PRESIDENTIAL DAW MAGKAKAPROBLEMA KASI SA PRESIDENTIAL, MASYADO NANG MALAYO ANG LAMANG...

Seja: Maaaring mas maraming issue sa pagka-vice president dahil very close ang count. Sa presidente less, sa palagay ko. Pero ang nakikita ko na mangyayari dyan, yung pagbasa ng COC, una president, susunod vice president. So, entertain mo muna yung objection. So wala. Tuloy ang canvass. May protesta ang vice presidente, magsasalita sila, set aside. So, yung hindi magku-question, tuluy-tuloy lang yun at yung mga na-set aside, babalikan mo yun pagkatapos ng uncontested. So maaaring mas matagal nang konti ang vice. Ngayon, anong pwedeng mangyari? Maaaring halimbawa, pagkatapos ng first round, bumalik sa presidente. Na-resolve yung mga disputed, ibig sabhin ang decision dyan, e, this is an issue for the electoral tribunal. Ganon lang yun. So dun na lang nila ituloy ang protesta. Ganon din sa vice president. Kung hindi tlaga ma-resolve during the canvassing, punta na sa electoral tribunal. Magpo-proclaim pa rin kami. Hindi pwede i-postpone. Babagal lang ng konti yung vice president, pero ndi nangangahulugan na malapit na malapit ang lamangan ay tatagal yun at magiging indefinite.

SIR, CREDIBLE BA YUNG MAY MGA PCOS CHEATING?

Seja: Hindi pa natin malaman kung ano... itong canvassing - ito ba'y tunay na return? O ceritificate. Authenticity yun. Ito ba'y pwuedeng ma-verify na tunay? Yun nga, authenticity and genuiness. Madali yan. Usually, wala ngang hinahanap na outside evidence yan, e. Kung ano lang ang nakikita mo. Pero dito, kung talgang contested ang isang COC, pwede naming konsultahin yung PCOS. Dahil sa PCOS, andun ang election return, e. O kaya tawagin namin ang Board of Election Inspector kung bakit nagkaiba. So right on the spot, pwede mong ma-resolve yun. Pero ang sinasabi ko nga, kung sa judgment ng joint session, ay kung iisaisahin mo yung mga issue na ganon, e, sabihin mo na lang sa kanila, hindi na dapat sa canvassing yan, yan ay subject matter ng election process. Mayroong hantunan yan. Automation na ngayon, e.

ARE YOU RUNNING FOR THE...

Seja : hindi. Ang talagang consensus ng grupo, susuporta na lang kami at talagang tututukan namin ang reporma, ang reform agenda. Tatlo yung naghahangad, e. Si Villar, Drilon and Kiko ska si Senate President.

SINO ANG MATIMBANG SA YO?

Seja: Wala pa.

News Latest News Feed