Press Release
June 17, 2010

Transcript of interview of Majority Leader Juan Miguel Zubiri
at the Meet the Press Forum / National Press Club

SJMZ: Magandang gabi din Lakay at sa ating mga kasamahan sa Meet the Press. Nandito na muli ako sa inyo. Medyo hot seat na naman. Iyong last na pagpunta ko po dito ay pinawisan po ako ng katakot-takot, but natutuwa po ako na makita ko po kayong muli.

Lakay: At kasama natin sa panauhin ngayong gabi ang ating vice president, batang-bata Marlon Puricacion. Vice Magandang gabi. Marlon: Good evening Mr. Senator. Mapagpalayang gabi po. Lakay: Ang ating secretary, Louie Logarta, secretary Louie.

Louie: Maayong gabi senador. Magandang gabi Lakay. Lakay: At dalawa sa ating mga matitinding director, direct William Depasupil.

William: Good evening senator.

Lakay: At ang beauty among the thorns tonight, ang ating director na si Tina Maralit.

Tina: Magandang gabi po senator at sa lahat po ng taganood ng Meet the Press.

Lakay: Simulan natin ang ating talakayan ngayong gabi Mr. Senator, siguro ang unang-una kong itatanong sa inyo ay paki-describe mo nga ang iyong naging role dito sa katatapos na National Canvassing.

SJMZ: Unang-una malaking karangalan po sa akin iyon. Nabigyan po ako ng role doon sa National Canvassing body. Ginawa po akong vice-chair ng Senate Panel so kapag wala po si Senate President Enrilem ako po ang nagte-take over sa kanya. Challenging po iyong role na iyon dahil unang-una hindi ako abogado. Marami ngang nagko-congratulate sa nanay ko at saka sa asawa ko, ang galing pala ni Atty. Zubiri, e hindi naman ako lawyer. Ako po ay isang agri-businessman and environmentalist. Nag-aral lang akong mabuti at iyong legal team nag-back up po sa akin, iyong legal team ng senado at legal din po ng aming opisina. Maganda naman po iyong kinalabasan noon at actually hindi naman sa pagyayabang marami din pumuri sa atin dahil sa paglingkod po natin doon as the chairperson at that time. Napabilis po ang pagbilang ng napakaraming mga ballot boxes. Siyempre ayaw din natin i-overly burden ang ating chairman, who is the Senate President dahil ilang araw po iyon. I think we were there for 9 working days, but in fairness sa ating chairman, si Senate President Enrile nandoon siya everyday. Talagang hindi po siya nag-absent. Nandoon siya sa umpisa at sa pagtapos po ng aming mga sessions.

Lakay: Senator Migz sinadya mo bang iwasan ang paggamit ng terminong noted? (laughs)

SJMZ: Talagang sinadya ho kasi iyan ang kantiyawan (laughs). Nagkuwentuhan po kami sa Caucus. Ang tanong nila anong gagamitin mo Migz kung magma-manifest sila? We will place your manifestations on records. Mas mabuti iyon kesa noted saka wala na tayong sinisirang gavel. Medyo hindi na masyadong hot-blooded iyong ating mga kasamahan.

Marlon: Mr. Senator dalawang congratulations kasi iyon ngang kaninang napag-usapan natin, iyong paano mo hin-handle iyong National Board of Canvassers bilang vice chair ng Senate Panel, at saka balita namin ikaw ang bagong adopted son of Bohol. Paano ba nangyari ito?

SJMZ: Actually kararating ko lang po galing sa Bohol at magpapasalamat po sa ating mga kasamahan doon. Daghan gay Salamat sa akong mga kahigsunan diha sa Bohol sa inyong pag-adopt tanako as their newly adopted son. Kaninang hapon kasama ko po si Gov. Augmentado at lahat ng mga officials ng Bohol. Malaking karangalan din po iyan to be adopted by the Province of Bohol. Alam mo very popular at very famous ang probinsya sa Bohol. Tsaka kasama doon iyong mga political leaders nila very influential per region.

Marlon: Puwede ba namin malaman kung bakit naging adopted son ka ngayon ng Bohol?

SJMZ: Matagal na kasi akong umuuwi sa Bohol at alam mo noong nanalo tayo noong 2007, ang Bohol ang isa sa mga probinsya sa Region 7 ang binalikan ko po at nagpasalamat. Pasalamat talaga ako sa kanila. And I released out of my PDAF P1 million per municipality for their developmental projects. So may P47 million po ako, I think mga 47 municipalities and one city doon sa Bohol at nabigyan ko po sila lahat. As a matter of fact, sobra-sobra pa dahil nadagdagan ko pa iyong mga pet projects ng governor. Nag-turn over na po kami ng mga classrooms, ng water systems, meron pong mga health centers, day-care centers at natuwa po naman sila sa akin. Ginawa ko po ito, this is part may "ETOP" Every Town One of Migz Zubiri. Sa Region 7, tinapos ko na po. Nabigyan ko na ang whole province of Cebu, Cebu City even Siquijor may projects po sa akin mga classrooms. Most of them are classroom buildings at repair ng kanilang mga existing infrastructure, so yaan po iyong mga programa natin. Kaya natuwa po sila at in-adopt po nila ako and I'm so thankful sa aking mga kaigsuna na bisda.

Louie: Can we shift to politics a bit? As a Senate Majority Leader you are privy to all workings of the chamber. This is one issue which is raging among the coffee shops regarding the Senate Presidency, can you take us to through the motions of the scenario? Scenario for the ... because as Miriam said they have the numbers and she belies the claims of Drilon etc.

SJMZ: Kasama po ako sa isang grupo. The group with is the Angara Group. That's myself, Sen. Angara, Sen. Revilla and Sen. Lito Lapid together with Sen. Loren Legarda. Lima po kami diyan sa grupo na iyan. Sen. Loren Legarda replaced Sen. Gordon. He was with us in a group in the past 14th Congress, so iyong coming 15th kasama na po namin si Sen. Legarda. Actually if you look at it, both sides do not have the numbers kung hindi po kami sumama sa kanila. Both sides will only have 10 maximum without our group of 5. Iyan po napaka importante po, swing vote po iyong amin. Hindi naman sa pagyayabang pero kung titignan po natin ang numero iyon po ang kalalabasan noon. Right now, I think the potential candidate for Senate President is former Senate President Manny Villar, Sen. Kiko Pangilinan and Sen. Frank Drilon. But ang balita sa akin ay parang magpi-field po ng single candidate ang Liberal baka mag-term sharing, uunahin daw muna si Sen. Kiko Pangilinan. So it's going to be Pangilinan-Villar fight.

Louie: But Sen. Kiko has indicated he will not be amenable to a term-sharing proposition?

SJMZ: I don't know. Wala po akong ... maybe you are more familiar with that kasi hindi ko pa naman nakakausap si Kiko. But I agree if says that and we'll take it at face value. Right now, as you count the numbers, one group will have 8 that's the group of the Liberals without Honasan and Tito Sotto. With Tito Sotto and Honasan with them that is 10, so they still lack the magic number 13. Doon sa kabila naman is also the same. If you take away from our block Loren Legarda kasi siyempre hindi naman siya siguro lilipat sa Liberal, maiiwan po siya kay Sen. Villar, so you're looking about 9 with the group of Sen. Villar. So, yung bloke po namin na apat is the winnign block. So we are keeping our cards close to our chest masyado pang maaga. Iyong gapangan ngayon grabe. Ang sabi namin hintaying lang namin bumalik si Sen. Lito Lapid, nasa Amerika po siya at si Sen. Angara is in Moscow for the Independence Day Celebration. Pagbalik po nila next week magme-meeting muna kaming apat and hopefully by the end of the month, we can come up with a clear decision, pero that's how its stand - our block is a swing block.

Lakay: What about Sen. Enrile?

SJMZ: Sen. Enrile, my boss is aligned with the group of Sen. Kiko kasi personal conviction po niya na hindi sumama kay Sen. Villar kasi siya po ang nag-file ng C5 Report. So, we respect him for that. Off cam kanina nagku-kuwentuhan kami, Sen. Enrile of course would make a good alternative Senate President, but if he'll be aligning with the Liberal Party I'm sure and politics will dictate that there will still field a Liberal Party member.

William: Senator Magandang gabi po. Doon sa panalo ni Noynoy iyong Liberal Party na ngayon iyong party to reckon with, as a top official ng Lakas ... former administration party Lakas-NUCD, ano na ngayon iyong fate ng Lakas? Ano na ngayon iyong usapan sa loob?

SJMZ: Mabuti na lang ito, on record na rin ito, and the public will see. Hindi na po tayo. Wala na po tayo sa partidong Lakas. I consider myself as an independent. Nagka-falling po kami noong eleksyon at alam po ng mga leaders ng Lakas kung bakit. Hindi na rin po ako uma-attend ng kanilang mga meetings at hindi na rin po makakatanggap parte sa kanilang mga agenda at program. But definitely, alam mo I was able to foretell this happening. As a matter of fact na banner po ng Philippine Daily Inquirer iyon. During the convention itself, kin-quote po nila ako na 30-40 percent of Lakas will be leaving during the elections and after the elections. Tama po iyong nangyari because hindi nagkaroon ng consensus muna bago nagsama-sama iyong Lakas at Kampi. Nagkaroon ng internal dispute, iyong leadership dispute and then now nakita naman natin ang sagot ni chairman Pichay na they will have a difficult time holding the numbers. Alam mo William that is a normal cycle. Nakita ko din po iyon noon 1998 pagpasok ko po 120 kaming Lakas congressmen, naiiwan na lang ay 29 - iyan pong grupo namin ni Sonny Belmonte noon mga Spice Boys at old Spice.

William: Ano kayang dahilan bakit tuwing may bagong presidente na ibang partido naglilipatan lahat? Ano-anong problema dito bakit hindi nape-preserve iyong partido?

SJMZ: Alam mo William ang kagandahan po nitong Political Reform Agenda na kung saan nag-file po ako kasama si Sen. Angara na ito iyong Anti-Balimbing Bill. The Anti-Balimbing Bill is 6 months before the elections hindi ka puwedeng lumipat and 6 months after hindi ka puwedeng lumipat sa partido which makes sense di ba? Kasi talagang committed ka doon sa partido mo, but hindi nangyari. I think that is a problem not only in the Philippines iyong demokrasya, lalo na sa multi-party system, William iyan ang problema natin. Hindi katulad noon may Liberals at saka NP. LP-NP lang ngayon ang dami. Gusto mong lumipat sa ibat-ibang partido okay lang. Iyong kaso na nangyari sa akin kasi they fielded a candidate against our Lakas official candidate that was also had a blessings of Malacang, and it had the blessings of chairman Pichay. Ito po iyong undersecretary ng agriculture na in-charge sa farm-to-market road. Paano mo naman tatalunin iyon sa dami ng pera na hin-handle noon saka project. Kaya nagalit po kami sa partido and we all came out solid sa Bukidnon against that decision. Iyon po ang naging problema namin sa partidong Lakas. That's what happens when the party becomes monolithic masyado ng malaki nagiging mayabang, complacent and kung ano na lang gusto nilang gawin bahala ka na sa ground. Kaya right now the Liberal Party is consolidating. But I hope sana matuto sila sa nagawang mistakes o problems na nakita doon sa partidong Lakas para hindi sila maging monolithic at top heavy.

Lakay: Pati ba iyong pagkatalo ni Gibo na foresee mo? Na foretell mo?

SJMZ: Yes. I was able to foresee that because half-hearted po iyong suporta ng partido sa kanya and as the result kapag kinausap mo iyong mga leaders ng Lakas at that time sasabihin "hindi the machinery will deliver" but I knew for a fact, how can the machinery will deliver iyong mga mayors nagbabagulbol, galit na galit. Wala daw silang natatanggap na tulong galing sa Lakas. Iyong mga councillors, so how can the machinery deliver? And it showed in the elections. Tama iyong predictions po namin - kawawa po iyong aming kandidatong si Gilbert. I stucked with him through and through. Naiwan po ako kay Gibo and I campaigned for him and I voted for him. Pati Facebook ko, I declared na kay Gibo tayo. Sayang kasi at the end of the day kapag monolithic party hindi mo na nahawakan ang mga tropa mo sa baba hindi ka rin makaka-deliver.

Louie: Si President Arroyo, she doesn't have anything to do?

SJMZ: Well the president in fairness to her, the president had to kill the hands-on policy niya. Nag hands-off policy na siya about 6 months before the elections. Pinabayaan na lang niya iyong campaign team. Iyong grupo ni DILG Sec. Ronnie Puno to take action. It's a normal occurrence sa masyadong malaking partido para KBL, Lakas-Kampi, at the end of the day people just crumble kung walang solid leadership.

Tina: Good evening senator. Sa pagbubukas po ng 15th Congress sa mga nabinbin po ninyong plano from the 14th Congress, ano-ano po dito iyong uunahin ninyo. And follow-up question po since kanina nasabi niyo na independent na kayo, sa tingin ninyo mahihirapan kayo na maipasa iyong mga bills na naumpisahan ninyo?

SJMZ: Hindi naman. Iba sa senado. Sa senado naman partido hindi masyadong importante dahil iyong positioning mo at independent stand for example Chiz Escudero very popular with the youth, he is also acting an independent stand as of today. Even for a while pati si Sen. Honasan is also an independent. Marami po tayong mga independent diyan na nakaka- perform naman. Maganda naman po ang kinalabasan ng kanilang legislative agenda. I think mas apektado po iyong House members. Kasi sa House bloke bloke iyon. Kung meron po kayong malaking bloke doon mas makakakuha kayo chairmanships, memberships. Doon naman sa Senate hindi dahil 24 lang kami at puwede naman pakiusapan iyong mga ganitong klaseng legislation. In terms of my agenda for the 15th Congress na hindi po namin nahabol ngayon ay Universal Health Care. Ginagawa po namin iyan sa Bukidnon. Sabi nga ni Vice President elect Binay ganyan kami sa Makati, for the information of the Republic ganyan din po kami sa Bukidnon. Meron po kaming 165,000 PhilHealth cardholders. At itong 165,000 families na ito that is about 800,000 of our constituents sinse-service po iyan hindi ng private hospitals - tatlo po. Kung sa Makati isa lang ang ospital nila, nakapunta na nga si Binay sa Bukidnon nakita niya tatlo po ang hospitals namin brand new. Isa sa Manolo Fortich for Northern Bukidnon, Malaybalay for Central Bukidnon at Maramag for Souther Bukidnon. These are 100 to 200 bed capacity which stands ultrasounds, kumpleto lahat MRI's. We have MRI's sa Malaybalay libre po. Basta card holder sila wala po silang babayaran unless specialized medicine. Kung kaya po namin iyan sa Bukidnon may budget po kaming dine-devote para sa programang iyon, gusto ko pong mangyari na dito sa national government meron din po tayong ganitong klaseng program. Ayusin natin lahat ng regional hospitals, pagandahin natin. Alam mo naman dito sa ating mga regional hospitals saka sa PGH nakapila ang mga tao doon, hirap na hirap sila, naiinitan tapos kulang sa gamot, kulang sa doctor. Let us focus our funds for universal health program similar to Australia, to Europe. Hindi ba ganoon ang France? Sa tingin marami po ang hindi na maghihirap nating kababayan.

Marlon: Mr. Senator iyong sa Philippine Cooperative Code of 2008 paki-enlighten niyo kami para sa kapakanan na rin ng mga manonood?

SJMZ: Actually noong isang araw nag-book launched nga ako kasama ang ating dating presidente na si Benny. In-amend po natin iyong 20 year old of the Philippine Cooperative Code na maraming defects along the way dahil maraming gray areas lalong- lalo na sa taxation. Ang dami-daming nating kooperatiba na success stories from P1,000 lang na puhunan naging P1 billion earner na meron 30,000 members sa ibat-ibang region sa ating bansa. Ginawa ko po pagupo ko as chairman of the Committee on Cooperatives, pinaganda po natin lalo iyong kooperatiba sa pamamagitan ng pag-amienda ng ating Philippine Cooperative Code to make specific amendments on exemptions. Ngayon tax exempt na po ang mga cooperatives, income tax exempt. They are VAT exempt. They are exempted from paying local taxes, taxes on transactions from banks, insurance company. Kapag kukuha po sila ng insurance para sa ibat-ibang members ng kooperatiba. This book ang ating baby, Philippine Cooperative Code. Kasama rin dito ang Implementing Rules and Regulations (IRR) from the BIR, from the BLGF, iyong local government finance unit from the Bangko Sentral ng Pilipinas. Ngayon napakadali na pong lumago o umunlad ang isang kooperatiba. With this new set of incentives na binigay natin sa ating cooperative code. I believe pati ang National Press Club malapit na rin magkaroon ng kooperatiba para sa kapakanan ng ating mga miyembro ng media. I think that is a step forward.

William: Ano naman iyong level of awareness ng tao, level of acceptance sa cooperative compared sa ibang bansa na talagang mataas na iyong antas iyong kanilang level of awareness?

SJMZ: Oo alam mo sa South Korea ang pinakamalaking you cannot say business but conglomerate sa South Korea is actually a cooperative. It is the farmer and fisher folk cooperative of South Korea na sila pong mayari ng mga supermarkets. Ang mga fishermen at farmers sila din po ang mayari ng supermarkets kung saan binebenta ang kanilang mga produkto napakalaki is I think number 5 in the world. Sa Spain din iyong Mondragon Cooperatives. It is a mixture of farmer, fisher folk, teachers kasama ang mga government employees kung saan lahat po sila ay miyembro ng isang napakalaking kooperatiba which is the Mondragon Cooperatives. Sana po ganoon din ang trato natin sa mga kooperatiba dito. Ako po ay naniniwala na sa lahat ng sulok ng ating bansa kung meron po tayong successful cooperative mawawala po ang kahirapan sa ating bansa. This country will move forward, why? Because hindi po ito corporate. This is not a business venture, this is venture among equals. Kasi iyong cooperative kasi one share, one vote. Tapos lahat ng earnings po nila is also shared by all members. The growth of one, is the growth of all. Alam mo meron pong isang kooperatiba - San Dionisio Cooperatives sa Paranaque mga teachers po ang nagdala. Meron na po silang eskuwelahan. Lahat ng almost 30,000 members meron pong insurance. Kung magkasakit po sila libre lahat ang bayad sa ospital, meron silang lending ng kanilang miyembro 98 percent ang payback rate kasi siyempre sila po ay owners ng kanilang kooperatiba. So, mahihiya sila kung hindi sila magbabayad. And the money revolves among the members. Ngayon medyo global economic crisis po tayo. Nagkaka-problema po ang ating mga financial institutions iyong mga Maryll Lynch nagsasara, malalaking bangko sa ibat-ibang bansa. Ang lumlago lalo at umuunlad iyong mga coop banks, sila po ang lalong lumalakas. At napakarami pong rebel returnees na cooperatives na binigyan po namin ng award sa Gawad Pitak ng Landbank. The Senate of the Philippines at House of Representatives meron po kaming tinatawag na Gawad Pitak Awards. Makikita mo, mapapaiyak ka sa tuwa dahil ito po ay mga ex-MILF, ex-NPA babalik po galing sa bundok, galing sa bukid. Iiwanan nila ang mga baril nila, gagawin po nilang kooperatiba ang kanilang samahan. Bibigyan po sila ng lupa dahil Agrarian Reform beneficiaries din po sila ngayon po ay napaka-yaman na rin po nila. Now they are being able to send their children to schools, may health benefits po sila, hindi na po nagkaka-giyera doon sa mga lugar nila. Ito po ang sagot, I believe the Cooperative Movement of the Philippine - iyan po ang sagot sa kahirapan dito sa ating bansa.

Louie: In 2007 you were the ultimate last senator to be proclaimed owing to that epic struggle you had with your good friend Koko Pimentel. During a press conference earlier this year, si Atty. Pimentel vows that he will not be running for the Senate in the last election because he said that he would be, he was confident of being proclaimed. Can you take us to the hooks that struggle or SET case you have with ....

SJMZ: Nasa Senate Electoral Tribunal po iyon at I cannot really speak about figure. Pero natapos na po ang kanyang electoral protest, at ako naman ay may counter protest at kalalabas lang po ng desisyon ng SET. 6-2 po ang score to continue my counter protest, so bubuksan po nila ang balance na 55,000 precincts dahil nakakita po sila ng tens of thousands of spurious ballots dito sa Metro Manila, Bulacan and Batangas. So in fairness to me na malaman natin iyong total number nito. Kaya ako itinulak po natina ng automated system dahil everyone was a victim in the 2007 election. Everyone who won in this particular areas that had spurious ballots are victims whether they win or not. Ayaw na po natin na mabahiran ang kredibilidad ng eleksyon kaya po tayo ay sumuporta 101 percent sa automation. Ito na po ang kinalabasan ng eleksyon. We now have an elected president and vice president the fastest ever in the history of Philippine politics and least amount of violence. Pinakababang death toll in any election day history of our country except of course iyong sa Maguindanao. Huwag nating isama iyon pero election day at post-election day, I think less than 10 o sampu yata ang namatay. Iyan po ang kailangan natin gawin matuto tayo dito sa aking electoral protest that we must come out with this system, automated system. We continue the fight for credible elections. So ang bottom line matagal pa po ako, you will see me until 2013.

Tina: Follow up question lang po kasi nabanggit niyo isa kayo sa mga nagtulak para doon sa poll automation. After po noong election marami pa rin question at batikos sa sistema, personally po sa pananaw po ninyo what could have been done to prevent the mess from spilling over. Ano po iyong mga nagawa pa sana ng Comelec at Smarmatic?

SJMZ: Well actually sa speech ko for the proclamation binanggit ko po doon marami pa dapat tayong gawin para maging efficient ang ating sistema. Iyong isa nakakakpagtaka napakalaki ng null votes at iyong siguro noon pinanood ninyo iyong proceedings. Sa Negros Occidental 120,000 ang null votes, ang dami-dami. That's more than several of our provinces has the number of voters. Cebu, I think is 170,000 ang null votes. Maybe we have to look at the system.

...... Meron pala tayong nakabinbin ngayon sa Senado ire-refile ko po iyon. Itong pagbibig ng benepisyo sa ating mga members of media from the different media outlets. Bago ko lang nalaman na marami pala sa ating mga correspondence na wala palang medicare or health insurance or life insurance man lang na galing sa ating mga media outlets. Itutuloy po natin iyon. Pagusapan muli natin ang pag-file nito. Ako na mismo ang mag-sponsor dahil napaka-importante. Kung sa Bukidnon nga kaya naman bigyan 165,000 families libreng insurance kayo pa. Ilan lang po iyong correspondence at ng media outlets. Siguro kahit man lang iyong Red Cross Insurance magkano lang iyon P37, hindi pa nila gagawin na bumili sila ng ganoon. So ayusin po natin iyan. We'll work it out ... Magna Carta for Media members. Basta alam niyo kapag mag-commit ako itutuloy po natin iyon basta wala lang humarang sa atin.

Marlon: Actually last year nagbigay ng tulong si Sen. Gordon, iyon nga sa Philippine National Red Cross pero ang pinakalambing sana namin magkaroon ng mandatory requirement sa bawat media company na magkaroon ng insurance ang bawat media personnel nila regular staff man o hindi.

SJMZ: Dapat. I agree with you diyan boss 101 percent. Ibang ahensya nga ng gobyerno nga maski na ibang kumpanya, ibang industriya ginagawa po nila iyon. Tayo pa sa nakikita natin nangyayari sa ating mga kaibigan nating media ngayon. Media killings, disappearances, kawawang-kawawa po iyong mga anak, asawa. AT the very least kung mahirapan man po tayong makahingi ng napakaraming packages at the very least we should have life and death insurance sa ating mga miyembro media. Lalong-lalo na iyong media natin ngayon nagko-cover sa ibat-ibang parte ng bansa whether it's hazardous areas or simple lifestyle stories but never the less they are prone to acts acts of god, acts of man. So kailangan natin tulungan ang ating mga kababayan na media. Huwag kang mag-alala Marlon, Lakay tutulungan ko po kayo.

Louie: Senator in the 10th and 11th Congress there is this celebrated group known as the Spice Boys of which you are a prominent part. Kamusta na ngayon iyong mga kasamahan mo diyan sa grupong iyan?

SJMZ: Well kasama ko po doon si Sec. Mike Defensor, Ace Barbers, Nonoy Andaya, Nani Braganza, Ricky Sandoval and myself. Amongst the 6 nandoon pa rin si Nani Braganza nanalo po siyang pagka-mayor sa Alaminos, also Nonoy Andaya had won as Congressman in the district of Camarines of Camarines, myself a senator. Unfortunately hindi masyadong masuwerte ang ating mga kasamahan si Ricky Sandoval, Ace Barbers hindi po nakalusot and Sec. Mike. But they're all intelligent individuals. Kung ano pong papasukan whether public service or private life sigurado po akong mag-excel ang aking mga kasamahan. Matagal na rin po kaming hindi nagkakasama. Siguro mga 2 years. Sguro kami ni Ace Barbers nagtatawagan po kami sa telepono. Si Nonoy Andaya suki po ako sa kanyang opisina dahil siyempre ang secretary ng Department of Budget and Management but all the others matagal na po kaming hindi nagkita.

William: For so long you've been with the administration party. You've been with Pres. Arroyo until your falling out last election. How do you rate the government of Pres. Arroyo?

SJMZ: Depending on their advocacy. Kasi kung tatanungin mo ako infrastructure I'd give her an 8 out of 10, in terms of roads, bridges, airports, roro ports. Alam mo galing lang po ako ng Bohol ginagawa na nila iyong Panglao Airport na bago. Lahat po iyan under the administration of Pres. Arroyo. So when it comes to infrastructure wala po tayong problema diyan. When it comes to curbing corruption I have to give it a failing mark. Siguro out of 10 I'd give it a 4 or maybe a 3 dahil wala. Masyado ng systemic na ang corruption ngayon. I'd put this on record. Iyong asawa ko po nagne-negosyo ng restaurant. Pero alam mo mag-apply lang kami ng, hindi pala nila ni asawa pala ni senador iyan ... pero mag-a-apply lang iyong kanyang assistant for a permit na worth P7,000 mayor's permit, hiningian po kami ng P100,000. I had to call the mayors concern. Hindi ko na lang babanggitin. But this is a true story. Another case hindi lang business permit, iyong engineering permit P14,000 yata iyong nasa resibo hinihingi po sa amin P60,000. I mean naging masyado ng systemic at endemic itong problemang corruption na I'm hoping and praying that this new administration of Noynoy can really curb corruption. Dahil iyong pera na dapat sa taong bayan ay pumapasok sa bulsa ng mga politiko at mga government not only of politicians but mind you but even government employees kaya dapat iyan din ang bantayan ng ating bagong administration.

Marlon: Bilang dating kasamahan sa 14th Congress si Presidente Noynoy Aquino, ano iyong maibibigay mong advise sa kanya para sa mga pipiliin niyang gabinete?

SJMZ: Maganda iyan Marlon. Alam mo unang-una naniniwala ako kay Sen. Noynoy Aquino not because nagsisipsip po ako siya na ang presidente elect, but because nakasama ko siya 9 years sa kongreso, 3 years sa senado. And I can tell you this, he has a good heart. Pusong mammon iyan number one. No 2 nag-aaral po ng maigi iyan lalo na sa budget hearing. Nandoon pa kami hanggang 3 a.m. siya po ang nagtatanong lahat. Binubusisi niya iyong budget programs ng gobyerno. No. 3, I think he will not shame the family name. Hindi po niya papahiyain ang pangalan ng kanyang nanay at kanyang tatay. Pero bibigyan ko lang siya ng kaunting advise. Sa pagpili mo Noy ng iyong bagong gabinete, sana ang piliin mo huwag iyong rehash members of cabinet. Okay lang iyong rehash pero magandang performance pero kung luke warm iyong performance noon nakaraan luke warm din po ang lalabas na performance ng ganyang cabinet member. Pangalawa, pumili ka ng walang bahid ang kredibilidad. Kasi ako po ay sawang-sawa na sa mga political appointees in government post dahil pinasok po sila diyan dahil may utang na loob ang pangulo at dahil doon wala na pong ginawa kundi manggulo lamang - either manggulo or magnakaw. Sana maglagay kayo ng karapat dapat sa posisyon not because of any political mileage for you because you are now the president for 6 years with no reelection. So do what you have to do, and do what you think is right. And of course lastly, sana huwag po kayong maglagay ng cabinet members na may kaso sa Sandiganbayan. Iyong kaso sa Ombudsman okay lang po iyon dahil puwede pong harassment iyan e, harassment cases marami pong nagpa-file ng harassment cases. Pero kung nasa Sandiganbayan na po iyan Pres. Noynoy ibig sabihin may prima facie evidence na po iyan kaya huwag na po natin ia-appoint iyong mga iyan. So these are my tips to President Noynoy.

Lakay: Puwede ba Mr. Senator binabanggit ninyo iyong manggugulo magnanakaw, puwede ba din natin idagdag iyong maghihiganti? Kasi ang sinasabi ng ibang sector kung ang kukunin ni Pangulong Noynoy iyong mga old hands noong nakaraan baka magiging vindictive ito na namang adminsitrasyong ito.

SJMZ: Tama po iyon. Isa din pong idea iyon. That's why kung fresh faces, fresh ideas mawawala po sa kanilang plano ang bumawi at revenge as platform of program.

Tina: Sa tingin po ninyo the nation is hoping so much on the shoulders of President elect Aquino? Kasi like in US di ba si Pres. Obama promised change tapos nun nag-fail na mag-deliver bumaba iyong approval rating. Sa tingin po ba ninyo dito sa Pilipinas para ganoon din?

SJMZ: Well dapat bigyan natin siya ng honeymoon period. Definitely wala po siyang magagawa in the next 6 months. Ang susi po diyan ang gabinete niya. Ngayon kung garbage in, garbage out. Kung pangit po ang ilalagay na miyembro sa kanyang official family, pangit ang kalalabasan ng kanilang mga program. So, the key with President Noynoy is a good cabinet. Marami po siyang binabanggit na pangalan. Binanggit po niya si Jessie Robuedo, okay po si Jessie Robuedo - clean credentials, credibility is 100 percent clean. So ganoon iyong mga klaseng cabinet members na mailalagay niya sa kanyang gabinete.

Lakay: Thanks to Sen. Juan Miguel Zubiri.

SJMZ: Sa ating mga kababayan maraming maraming Salamat sa suportang ibinibigay ninyo sa senado. Gusto ko lang banggitin itong 14th Congress ang pinakamagandang performance ng ating senado. Nakapagpasa tayo ng almost 630 Republic Acts both local and national from social justice bills all the way up to economic measures para sa ating mga kababayan. So sana mabigyan po natin ng pansin iyan dahil hindi ko po magagawa kung wala po ang ating Senate President na si Sen. Enrile na gusto niya happy kayo, kaya gusto ko din happy kayo. Maraming Salamat po.

News Latest News Feed