Press Release
August 10, 2010

TRANSCRIPT DZRH'S JOE TARUC INTERVIEW
WITH SEN. ANGARA RE EDUC

JT: Nasa linya natin si Senator Edgardo Angara, chairman ng Senate Committee on Education. Senator, magandang umaga po.

SEJA : Magandang umaga Joe. Magandang umaga sa mga sumusubaybay sa napaka-popular na programang ito.

JT: Alam niyo po, masyadong mainit ang usapan ng mga kababayan natin ngayon, ano po tungkol dito sa panukala ng DEPED na gawing 12 ang taon ng basic education. Ano po ba ang pananaw ninyo dito bilang chairman ng komite ng edukasyon ng Senado?

SEJA : Talagang kailangan natin yan para maging competitive ang ating mga graudate, dahil sa ngayon, dahil 10 toan lang ang ating basic education, primary at secondary, yung mga graduate natin sa engineering, yung ating mga graduate ng architecture, ng nursing, sila ay tinatratong second class professionals sa ibang bansa sapagkat isa lang tayo sa dalawang bansa sa buong mundo na 10 taon lamang ang tinatawag na basic education. Kaya ultimately, kaialngan, i-align natin ang number of years ng schooling sa buong mundo upang yung ating mga magagaling na engineer, architect, nurse, medical technologist, ay hindi tinatratong second class.

JT: Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi, na wala yan sa tagal ng pag-aaral, kundi siguro, dun sa kalidad ng pag-aaral, dahil sa kasalukuyan ho, makikita naman natin na talagang maraming problema ang mga mag-aaral ano po, partikular po ang student population, mga 60 hanggang 80 kada isang klase, e mukhang kulang na kulang din sa mga teacher, hindi po kaya?

SEJA : Totoo yan Joe, pero ang edukasyon, maraming formality at accreditation yan, e. at kung hindi ka naman susunod sa umiiral na reglamentong yan, ay hindi ka naman nila itatrato nang parehas. Tama rin iyong sinabi mo, e. Itong panukalang ito ay hindi natin mabibiglay overnight, o maipatutupad natin. Sapagkat nung ako ay chairman noong 1990. Kinakalkula ko ang magagastos ng gobyerno sa bawat taong idadagdag sa basic education, whether sa elementary o sa high school. 21 years ago, ang kalkulasyon ng mga expert natin noon ay 809 billion pesos. That's 20 years ago, ha. Ibang-iba na siguro ngayon. Siguro, mga triple na. Maaaring nasa 20 billion na sapagkat magha-hire ka pa ng mga bagong teacher, magdadagdag ka ng extra classrooms.

JT: Siguro, sir, tignan natin muna yung mga basic problem ano po. Lutasin muna yung mga problema tulad ng kakulangan ng silid-aralan, at saka yung student population in class, siguro dapat ay babaan muna natin at tignan natin kung ano ang maaaring maging epekto. E, ang nangyayari po ngayon, sa kakulangan po ng mga teacher, isinisiksik po ang lahat ng subject sa kalahating araw lang. Kasi sa hapon, papasok naman ang second batch. Kaya ang pasok po ng mga nasa pampublikong paaralan ngayon, elementary o high school ay mula 5:45 ng umaga hanggang 1:30- ng hapon.

SEJA : Talagang basic fundamental, Joe ang problema ng educational system natin. 20 years ago, we tried very hard para maitaas ang kwalipikasyon at standard natin pero over the years, nag-decline na naman for so many reasons. Isa diyan yung galloping student population, milyun-milyon ang dumadagdag, e, yung kakulangan ng investment natin sa mga classroom, teachers training. Kaya tama ka, e. Napakalaki ng ating problema sa eduaksyon kaya kailangan i-prioritize muna natin.

JT: Kung inyong matatandaan, Senator, nung kayo siguro ang nag-aaral, e, morning and afternoon ang session, hindi po ba?

SEJA : At may gardening pa, Joe.

JT: May gardening pa, may vocational course.

SEJA : Pero Joe, tama ka sa sinabi mong yan, e. Kaya ang punto ko, kailangan i-prioritize natin ang dapat nating asikasuhin kaagad-agad at huwag nang i-postpone. Dahil kung ipo-postpone pa yan, lalong lalala. Yan ang nangyari sa education problem natin e. Pangalawa, ano ang pinaka importanteng sa ngayon ay dapat nating asikasuhin? Teacher training. Dahil kahit gaano kalaki ang klase, mai-inspire ang mga bata. At sa curriculum naman, dapat i-emphasize natin yung science and technology. Kaya pabagsak nang pabagsak ang bansa natin sa competitiveness dahil napakahina natin sa tinatawag na technological capacity.

JT: Meron din pong epekto yung pabago bago ng textbooks, Mr. Senator.

SEJA : Isa yun Joe, pero ang pinaka-central problem nga, ay mahina ang mathematics and science education. Kaya kakaunti ang ating mga scientist and technologists, mga inventor na guamgawa ng bagong yaman sa ngayong information era. Sila ang nagki-create ng yaman, e, sa internet, e. Yung mga scientist and mathematicians and artists, kulang ang training natin sa mga iyan. Yan siguro, pagtuunan natin ng pansin yan, sapagkat hangga't hindi natin binibigyan ng pansin yan, ay palala nang palala yan, spagkat ang teknolohya, ay napakabilis ngayon. Every three years, nagpapalit ang teknolohiya.

JT: Siguro dapat, first things first, hindi po kaya?

SEJA : Yun nga. Prioritization should be the name of the game. At ngayon ang piakamalaking problema nga natin ay ang funding. Taun-taon, Joe, pareho ang problema, e. Lack of classrooms, lack of textbooks, lack of teachers. Bakit? Kulang ang pera. Iyan ang unang-unang dapat nating asikasuhin. At ngayon, meron tayong bagong administrasyon, I hope, meron silang fresh ideas, fresh thinking, fresh approaches to educational financing.

JT: Ano po kaya kung ilaan natin ang portion ng PDAF ng mga kongresista, senador dun sa mag school building programs dun sa kani-kanilang mga constituents. One year lang, e, tapos agad ang problema na yan.

SEJA : Isa yan Joe, Traditional thinking yan. Matagal na nating sinasabi yan, mula pang ma-introduce and pork barrel. Wala ring nangyayari hindi ba? So kailangan, makapag isip tayo ng bagong source of funding. Ngayon, maraming panukala ang lumulutang at marami naman sa mga ito ang magaganda, Joe. Halimbawa yung sinabi ni Pres. Noy na private-public partnership. I-contract out mo ang mga school building even, text book writing, sa private sector na partner ang gobyerno, makikita mo, mafi-fill natin yung gap. Isa yan, ha? Private-public partnership. Panglawa, may panukala na magdagdag lang tayo ng singko sentimo sa bawat text, tayo ay lilikom ng hindi bababa sa isang bilyong piso. At ito, pangatlo at narinig ko lang kahapon nang ma-interview nga ako sa Senado, yung PAGCOR privatization. Ang sabi ko, ako pabor dyan dahil palagay ko, dodoble ang income ng gobyerno pag na-privatize ang PAGCOR. Isang kondisyon lang, sabi ko, from now on, 30 percent of the PAGCOR's income should be part to health and education. So yung tatlong bagay na yan Joe, private-public partnership, yung text tax na hindi ipapasa sa mga texter, at yung privatization ng PAGCOR, makikita mo, lutas na lahat ang funding ng public education.

JT: Kung sabagay, ito pong panukala na pahabain ang basic education kailangang dumaan pa sa mahabang konsultasyon. Kasi hangang magulang, teacher, estudyante ay nagtatanong. Samantalang madaming sector, mga industriya, mga prospective employer, mga estudyante natin na hindi sila ang tinatamaan ng mahinang kalidad ng edukasyon natin, pero hindi man lang na-involve sa paghahanap ng solusyon.

SEJA : Yan ang gagawin ko Joe, bilang chairman ng komite ng edukasyon. Talagang we will have a wider consultation. Natatandaan mo yung EDCOM na nagbigay ng changes - EDCOM 2 ang gagawain ko ngayon. Wider consultation.

JT: At saka para malaman natin kung ano talaga ang gma problema at kung paano lulutasin ang mga problema.

SEJA : yung prioritization Joe, importante yun.

JT: Sige po maraming salamat at pag nagkaroon na ng malawakang konsultasyon ang inyong komite, ito po ay imo-monitor ng ating palatuntunan, para magkaron ng participation ang ating mga kababayan.

SEJA : Saka ipa-partner ko ang DZRH sa konsultasyon.

JT: Sige po at kahit araw-araw po kayong mag live dito para sa public hearing.

SEJA: Salamat. Salamat Joe.

JT: Maraming salamat senator.

News Latest News Feed