Press Release
September 14, 2010

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On Auxiliary Bishop Oscar Cruz's allegations on jueteng

SP Kung ako siya, dapat sabihin niya kung sino 'yung mga 'yun. Dapat hindi na lang niya in-entertain. Hindi natin alam 'yung pinag-usapan, sinabi naman niya na hindi siya inofferan. Dapat sa mga ganun, wag na lang niya entertain. Sinabi na lang niya na huwag na ninyo akong Kausapin at ayaw ko niyan. Alam mo, mami-miss-interpret 'yung mga ganun. I know na meron siguro siyang good intention to find out kung sino itong mga ito at sino ang kanilang mga nirere-present, pero madali naman nila malaman 'yun kung gagamitin nila 'yung organization ng pulis, alam naman nila kung sino 'yang mga jueteng operators na 'yan, all over the country. Imposible na hindi nila alam.

On the possibility of amending the law on franchises of broadcast media

SP Hindi naman kailangan. Kailangan lang ng bagong batas kung kailangan. We will give the media the first opportunity to craft the guidelines for the entire organization in case of a crisis situation. Kung hindi nila magawa 'yun, mapipilitan 'yung Kongreso na gumawa.

Q: Sir, hindi po sapat 'yung self-regulation para ma-address 'yung mga nangyari?

SP Kaya nga. Pero kailangan 'yun, sila mismo, sabi nila tama, self-regulation. Pero 'yung guidelines, kailangan pare-pareho. They have to stick to those guidelines. Iba 'yung kay Maria Ressa, sapagka't wala sa national interest ng Pilipinas 'yung CNN, nagbro-broadcast siya. So the matter was brought to the world's attention.

Q: Sir, okay lang ba na nakiki-ride sila sa franchise ng local broadcast companies?

SP 'Yun nga ang kinukuwestiyon namin dahil 'yung franchise ng ABS-CBN at GMA 7, channel 5, at iba pang broadcast media sa ating bansa, may restriction 'yun. Nakalagay sa batas. Batas 'yun, 'yung franchise nila. Ngayon, pag 'yun brinoadcast niya doon sa CNN 'yung brinoadcast niya sa ABS-CBN, at ibro-broadcast niya sa kung saan siya may correspondence arrangement, para bang ginagamit niya 'yung prangkisa ng ABS-CBN in order that it will not be challenged. Ngayon, sabi niya press freedom, pero siya mismo, sinasabi niya na media must take a backseat when life is involved, sabi niya doon sa kanyang post-mortem report.

Q: Sir, kanina po parang kinokonsensiya ninyo po 'yung media na we are first and foremost Filipinos and dapat 'yung national interest ang dapat naming isa-alang-alang.

SP That is the common question. Maski ano pang libro or artikulo or mga pahayagan na binasa mo tungkol sa role of media sa crisis situations, especially sa terrorism activities where hostage-taking is a part of terrorism, always, the question is media because terrorism, hostage-taking, hijacking, all that, will be meaningless unless media is present. You are a potent ally of the hostage-taker, of the terrorist. Gusto nila their action will be flashed all-over the world immediately. It is known to every household all-over the world. Ganyan din dito, immediately pag nandoon kayo alam ng lahat ng buong bansa. That is the value to them. Kaya nga ginawa ni Mendoza 'yung ginawa niya, dahil gusto niya, mapansin ng media. Pag siya lang, sino ang iintindi sa kanya? Wala. Pero nandoon kayo, iyon ang gusto niya.

Q: In crisis situations like that, ano po ang dapat mas manaig, 'yung pag-cover ng media na ikapapahamak naman ng image ng country, o 'yung service ng media to inform?

SP Aba kailangan balansehin ninyo. Kaya nga tinanong ko, where do you draw the line? Alam ninyo 'yun eh. Hindi naman kayo manhid. Pilipino rin kayo. Minamahal rin ninyo ang bayan ninyo.

 Q: Sir, naghahabol ng ratings?

SP 'Yun ang masama, 'yung ratings. Dahil naghahabulan kayo, nagco-competition kayo, baka mas maganda 'yung sinasabi ng GMA 7 sa channel 5, kesa sa sinasabi ng ABS-CBN, mas maganda kesa sa amin, kaya nagpapa-siklaban.

Q: Sir, ano po 'yung dapat i-recommend ng Congress?

SP Pinag-aaralan pa namin.

Q: Dapat po bang baguhin 'yung franchise law?

SP 'Yung franchise, nandiyan na 'yan. Nasa batas 'yan. Batas na 'yun, hindi mo na pwedeng amyendahin 'yun. Kailangan 'yun, kung magkakaroon ng batas, separate law na 'yun.

Q: Sir, ano pong magagawa ng Congress para hindi na maulit 'yung ginawa ng media?

SP Alam mo, 'yung hindi maulit hindi mo masasabing hindi mangyayaring ganoon muli. Dapat lang na alam na ng media kung ano ang gagawin. On the Supreme Court stopping the proceedings against Merceditas Gutierrez.

SP Kailangan ng Supreme Court ng time to study the matter, hindi nag-TRO 'yun dahil gumaganti. Natural lang 'yun na they cannot study it immediately. Imposible maski na gaano sila kagaling, kailangan nila ng panahon para pag-aralan 'yung lahat ng mga issues. That is the purpose of the TRO, to give them time to study.

Q: Sir, it does not mean na may merit 'yung petition ni Gutierrez?

SP Well, it can also mean that they find some merit to the argument of Merceditas Gutierrez, that is why they said okay, tigil muna ninyo 'yung impeachment, huwag ninyo munang ipadala sa Senado at pag-aaralan muna namin. Saka na lang ninyo gawin 'yun pag wala kaming adverse action against you. Pwede rin 'yun.

News Latest News Feed