Press Release
September 22, 2010

Transcript of interview with Sen. Chiz after the hearing
of the Committee on Justice and Human Rights

On Usec. Puno's courtesy resignation

Tinuturing kong act of delicadeza ang kanyang ginawa dahil bagaman wala pa naman talagang nagsasabi na siya ay guilty at liable, kusa nyang inalok ang kanyang pagbibitiw para hindi na mahirapan at mabigatan pa ang Pangulo, kung yan man ang kanyang magiging desisyon, matagal ko nang hindi ko nakikita ito sa pamahalan dahil madalas kong nakikita sagobyerno mag opisyal na kapit-tuko sa kanilang puwesto na kahit na napapahirapan na at nahihirapan na ang kanilang boss na Presidente na panatilihin sila don nananatili silang nakadikit sa kanialng mga upuan na akala mo ay may karapatan sila doon s apuwestong yon.

Hindi ba parang surprise yong kasi a day after ng hearing doon lang siya nagpahayag ng resignation

Hindi naman, siguro surprise lang yon dahil gaya nga ng nasabi ko bihira tayong makakita ng opisyal na may delicadeza sa pamahalaan. In fact sa ibang mga bansa ordinaryo at normal yan, marahil kaya lang nakakagulat bihira na tayong makakita ng opisyal ng gobyerno na pinapauna yung interes ng bansa at yung interes ng kanyang Pangulo kaysa sa personal niyang interes at binabati ko siya para doon.

Si secretary Robredo hindi ba liable sa jueteng?

Siguro in the course of investigation, wala kasi siya sa nagdaang hearing, malalaman natin kung sino sino nga ba ang may pananagutan.

Hindi ba apektado ang hearing kung nagresign na si Use Puno?

Hindi dahil pede naman siyang ipatawag at imbitahan kung kailangan ng senado at ng blue ribbon committee bilang pribadong inndibidwal o bilang sa anuamng kapasidad.

Yung sa PNP list of personalities involved in jueteng, yung name

Pabor akong ilabas ang listahan ng PNP dahil para sa akin kalokohan yung may surveillance pa rin hanggang ngayon dahil kahit saang munisipyo, siyudad o probinsya ka magpunta at tanungin mo kahit sinong mananaya doon kilala nila kung sino ang bangka, at kilala nila kung sino ang nagpapatakbo ng jueteng doon sa lugar na yon. Kung baga hindi naman news sa mga tao ito na minomonitor sila, binabantayan sila ng PNP, ang dapat nga sanang news na makita natin, hinuhuli ng PNP ang mga taong ito.

Yung kay Puno hindi ba siya magse-set ng bad example, kasi kaunting accusation lang, wala pang enough proof magreresign na?

Again delicadez ang pinapakita niya at binibigyan niya ng malayang kamay ang Pangulo magdesisyon kaugnay nito, kaysa naman na kulang na lang eh pagsipaan ng Pangulo na maalis sa puwesto eh ayaw pa ring umalis at makikipagdebate pa sa Pangulo kaugnay sa knayng puwesto, pero para sa akin magandang ehemplo yon dahil pinapakita nito na kaming lahat na nagtatrabaho sa gobyerno hindi namin karapatan na panghawakan ang anumang puwesto pinanghahawakan namin, lalong lalo na yung nagtatrabaho sa executive branch. Kung sa palagay nila, guilty or not guilty, na sila ay hindi na nakakatulong sa Pangulong kanialng pinagsisilbihan magandang ehemplo na ipakita ang ganayng uri ng, gaya nga nasabi ko, delicadeza sa isang opisyal.

Hindi ba dapat gayahin ni Robredo si Puno

Boluntaryo ang pagreresign at pagbibitiw ng sinumang opisyal, hindi yan pinipilit at sapilitang ginagawa, kapagka sapilitan at pinilit hindi na boluntaryo yon, hindi na rin delicadeza yon.

Ano ang implication nito sa Aquino govt. kasi para napaka-aga na may nagresign na?

Hindi naman, pinapakita nito na may delicadeza ang mga opisyal o at least ang partikular na opisyal nito na in-aapoint niya, pinapakita nito na hindi sila kapit-tuko sa puwesto o at least ang partikular na opisyal nito, dahil ang kabaligtaran ibabalik ko sa inyo, ano kung karapat-dapat at dapat naman talagang umalis pero ayaw umalis, hindi ba't mas makakasama yon sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

Wala kayong nakikita political color other than may sinasabing may nasagasaan siya?

Ayokong mag speculate ng wala akong hawak na ebidensiya, ayokong magsabing pinagplanuhan at talagng tiniyak at sinigurong maaalis siya sa puwesto dahil sa mga isyung binabato sa kanya ngayon, simply because wala naman akong hawak na katibayan o pruweba. Pero maging ganon pa mana nagkataon na yan ang nangyari ay yan ang sitwasyon, at kung sa pananaw at sa palagay ng Pangulo dapat siyang manatili, dapat na siyang umalis, ang binigay lang naman ni Puno sa Pangulo ay freehand at malayang kamay na magdesisyon kung saka-sakaling nakakapabigat na siya.

Even without proof posible na napolitika rin siya?

Posible palagi yon para sa aki dahil halos pare-pareho marahil ang mga isyu na ginagamit at lumalabas laban sa kanya at galing sa partikular din na mga indibidwal, but this does not touch on his innocence for guilt in any way, kasi minsan may mga isyung naman talaagng nakatago at nilalabas dahil may motibo yung naglalabas laban sa kanya. It does not detract from what is true or what is false, again I dont want to speculate.

Kaibigan nyo si Usec Puno?

Hindi, actually na-meet ko siya nong kampanya at nakikita-kita ko lamang siya sa opisina ni dating senador aquino, dito sa senado pero hindi ko masasabing malapit kami.

The fact na kaibigan siya ng Presidente at ang pangulo ay close friend nyo, sa tingin nyo capable ba si Presidente na maging kaibigan yung mga taong may involvement sa mga illegal activities?

Sa pananawa at palagay at sa pagkilala ko wala at hindi at alalahanin natin na kaibigan nya, staff nya si Usec Puno kung totoo man yung alegasyon ha, bago naman nangyari ang lahat na ito so hindi natin pedeng gamitin na basehan yan kugn totoo man ang alegasyon na ganya ang uri at klase ng mga kaibigan, kaklase at malalapit na tao kay Pangulong Aquino.

On juvenile justice system, yung mga pulis may reservations sila dito kasi dumadami yung mga batang ginagamit sa krimen

Yan yung bill na na-file ni senator Sotto na babaan yung edad ng criminal liability ng mga bata, from 15 to 11 years old dahil madalas daw ginagamit bilang courier ng droga ang mga bata, ginagamit sa snatching ang mga bata dahil nalalaman ng mga sindikato na hindi sila pedeng hulihin at walang criminal liability. Tinalakay ito ng inyong komite kanina pero na-defer namin ang pagtalakay pa dahil inaantabayanan namin ang report na ginagawa ng JJ council at ng DSWD kaugnay ng isang bagay, age of discernment, kasi kaya naman exempted from criminal liability yung bata sa edad na kinse, sa pananaw ng batas sinumang bata na ang edad ay mababa sa kinse hindi pa nalalaman ang kaibahan ng tama at mali at hindi mo siya pedeng parusahan at masisi dahil doon, dahil siguro sa teknolohiya, sa Internet at sa mga impormasyon para sa mga bata sa ngayon pinag-aaralan kung pede ng ibaba yan. Nasa mas batang ede na bata naiintindihan ng mga batang Filipino ang kaibahan ng tama at mali bago sila lumabag sa batas.

Yung pagbibigay ng armas kina (whistleblower) Khan, is that allowable?

Well under the existing law anybody who desires to purchase a firearm and applies for a permit to carry firearms outside the residence basta magpa- drug test sil and they are of good moral reputation at background walang rason para hindi i-grant ng PNP ang nag-aaplay na taong yan ng isang permit to carry. Walang special na batas na kapagka whistleblower ka bibigyan ka na agad ng baril at permit to carry, they'll have to go through the same process and the same procedures.

Sir anong government agency dapat puntahan ng isang whistleblower kung may conflict sa DOJ?

Ang direksyon na tinatahak namin ngayon ay bigyan ng hiwa-hiwalay na witness protection program ang PAO, ang DOJ, ang CHR at ang Office of the Ombudsman para kung kanino man at sino man komportable ang sinuamng whistleblower maaari silang mag-aplay don sa partikular na ahensiyang iyon. Ang ginagastos ngayon ng DOJ para sa witness protection program ay P130 million pero kung ating halimbawa isusuma yung perang natipid dahil sa mga nasiwalat na anomalya sa dulo kita pa rin ang gobyerno so hindi ko iniisip na isang bagay ito na tipirin, hindi isa itong bagay na nilalagay sa dulo ng prayoridad dahil posible at maaring makatipid o kumita pa nga ang gobyerno sa pamamagitan ng mga whistleblower na may ihahayag na anomalya sa anuamng procurement o graft and corruptino na ginagawa sa gobyerno.

On Gen. Bacalzo's no take policy sa jueteng

Again dapat pumayag ang local government chief executive at ang Philippine national Police officials bago mamayagpag at mangyari ang jueteng sa siang lugar. Ang problema sa ilang mga probinsya at siyudad nagagamit ang STL bilang front, hindi ko lalahatin at hindi naman tamang lahatin, front ibig sabihin yon yung letitimate na operation, binu-bookies na lamang tapos hindi ire-remit lahat ng gross doon sa Philippine Charity Sweepstakes Office at mananatili na sa kamay na ng supposedly STL operator but actually jueteng na yung ginagawa nya. Madalas sinasabi walang STL dito kasi may STL na binu-bookies, so there's a very thin line dividing that now, so I think the PCSO should review its policies on STL.

Sir may violation ba yung pag-appoint kay Mar Roxas bilang adviser ni Pangulong Aquino?

Sa pananaw at palagay ko naman ay wala dahil ito ay one-peso a year of purely pro bono sa parte at panig ni dating senador Roxas dahil nananatili pa rin yung one-year ban sa kanya laban sa pagkaka-appoint sa anumang puwesto sa gobyerno na mabibigyan siya ng suweldo.

Okay lang din kasama siya sa foreign trip ng Pangulo?

Nandon naman yata siya sa pribadong kapasidad nya at hindi gastos ng gobyerno yng kanyang byahe sa aking pagkakaalam.

Yung list na pinalabas ni Bishop Cruz credible naman yon?

Even Bishop Cruz said these are alleged jueteng lords, these are alleged recipients of payola money, naging maingat siya sa kanyang naging pahayag kahapon at hindi niya sinabing ito na nga ang mga ito. These have yet to be verified and its only the senate if at all prima facie or the court of law beyond reasonable doubt you can actually say or prove that indeed the allegations contained in that piece of paper are true.

Why did we allow ina-allow sa publiko yung mga bagay na ito na makakasira sa ibang tao na hindi pa naman validated?

Bahagi ng hearing yon, ang kabaligtaran naman din kasi ay totoo, habang nagsasalita si Bishop cruz na may mga pulis na kumukuha, may mga matataas na opisyal na kumukuha, may mga local governemnt units na involved, lahat ng pulis, lahat ng opisyal, lahat na mga local governmentofficials suspect bigla. Nabigyan ito ng pagkakataon na ilabas yung akusasyon at nang masagot naman ng tahasan at diretso rin ng mga inaakusahan at yung mga wala doon at least hindi nila kailangang mapag-isipan na involved sila dito dahil hindi rin naman nabanggit yung kanilang mga pangalan.

Sa isang interview today kay Usec Puno naalala daw niya na isa si Bong Pineda pala yung isa sa mga nagpa-appointment pero sa hearing hindi nya naalala, si Baby Pineda ang nabanggit niya kahapon

Ang alam ko may nabanggit siyang Pineda kahapon at sa pahayag nya kahapon tila kualng kulang, sabi nga ni senator Guingona selective memory which frustrated some senators, me included, and I think the viewing public as well with respect to his answers yesterday.

Kung nagresign na siya would you still calling him to appear in the hearing?

I leave it to the sound discretion of the chairman of the blue ribbon committee, but he can still be called, he can still be invited and if necessary he can be summoned or subpoena.

Si Atong Ang isa-summon pa sa next hearing, isasama pa siya?

Hindi ko alam kay senator Guingona bialng chairman pero ni-request at na-suggest ni Bishop Cruz na ipatawag bialng resource persons sina Manoling Morato at Atong Ang.

So you agree with the charcterization ni Bishop Cruz na good source siya at hindi manlilinlang?

That is a valued judgment I guess on the part of Bishop Cruz based on his experience with them, wala naman akong karanasan omahabang karanasan kaugnay sa dalawang taong binanggit niya para humusga ako ng oo o hindi, pero kung doon galing ang kanyang impormasyon magandang pakinggan kung saka-sakali kung anong meron sialng sasabihin tungkol dito.

Pero doon sa privilege speech mamya ni senator Miriam Santiago si Atong Ang ang lumilitaw na gambling lord sa regions sa bansa

Maganadng mapakinggan din ang kanayng talumpati at ng ma-confront yung mga witnesses ni Bishop Cruz kasi 'di ba mahirap din naman talaga malaman yung buong operasyon nyan kung hindi ka bahagi dyan eh.

So good source pa rin yon?

Iba yung tamang source siguro sa mabuting source. Kahit naman yung mga whistleblower kanina involved naman sila sa simula o sa gitna o sa bandang dulo hanggat hindi sila kumakalas at yung ang dahilan kung bakit marami silang nalalaman, hindi ba kahit si Jun Lozada involved siya sa kada pagplano mulat mula, kaya nga alam lahat eh. Otherwise hindi naman niya malalaman lahat yon bilang outsider at bialng bystander.

So Atong Ang pedeng magign star witness?

Ibang usapin yon, DOJ ang magdedesisyon non at korte ang magdedesisyon non. Because remember one of the requirements being a state witness is he must be the least guilty among the accused.

Scot-free na ba dito si secretary Robredo?

Hindi ko alam, ang imbestigasyon ay ginagawa pa ng senado at sana rin ng PNP sa isang makabuluhan at makatotohanang paraan, na hindi binanggit ang sinuman hindi nangangahulugan na tapos na at libre na sila, na may binanggit na partikular na tao si Bishop Cruz hindi rin naman nangangahulugan nas tapos na at guilty na sila, kailangan pa ring i-determine yan ng korte at ng husgado.

Agree ba kayo sa anggulo ni former PNP Chief Versoza na laban ito ng jueteng at ng STL operators?

Hindi ko alam kung laban ito dahil sa ilang lugar na alam ko iisa naman yung STL at jueteng operator.

News Latest News Feed