Press Release
September 27, 2010

TRANSCRIPT OF INTERVIEW WITH SENATOR GUINGONA

Q: Kaugnay ng usapin tungkol sa jueteng, muli nating makakausap ang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senator TG Guingona. Senator TG, magandang umaga po.

STLG: Magandang umaga Marlo, magandang umaga sa lahat ng mga nakikinig ng Kartada Eskalera at sa DZAR. Ito po ang inyong kaibigan na si TG Guingona.

Q: Senator, ang ikalawang pagdinig ng inyong komite ditto sa jueteng scandal ay naitakda bukas, doon po sa naunang panayam ko sa inyo noong isang linggo. Kumpirmado po ba iyan senator na bukas ay magkakaroon ng ng ikalawang pagdinig ?

Q: Na-postpone, na-move natin sa Thursday sapagkat ang main witness natin sa Tuesday, si Secretary Jesse Robredo ay nakiusap sa amin kung puwedeng i-move na lang sa Thursday sapagkat may conflict of schedule siya. So, pinagbigyan naman natin at yung ibang mga testigo darating din sa Thursday din. Mas maganda sa Thursday para kumpleto lahat, nandiyan lahat at mas may panahon sapagkat walang session ang Senado sa Thursday.

Q: Bukod kay Secretary Robredo ng DILG, ilan pa ang personalidad ang imbitado at sinu-sino ang mga ito? Senator Guingona

STLG: Number 1, nandoon si Secretary Robredo; USec. Puno; Number 3, PNP Chief Bacalzo; Number 4, Former PNP Chief Versoza and then si Roxas yung in charge sa PCSO at si Mr. Quiñonez na in charge sa Small town Lottery ng PCSO.

Q: Ako po ay nagbabasa ng pahayagan, dito po sa pahayagang Inquirer ay naka headline ngayon na ang pera na kinikita sa jueteng ay dinadala daw po sa Singapore at doon nililinis bago ibalik ditto sa Pilipinas. Ang nagsalita ditto Senator ay abogado ng isa sa mga kilalang jueteng lord sa Batangas na namayapa na nga ito na si dating Governor Arman Sanchez. Ang kanyang abogado na nagsalita ay si Atty. Topacio. Naging interesante lang po para sa akin ang kanyang mga isiniwalat . Magkakaroon ban g chance ang komite na pagsalitain din dito sa imbestigasyon?

STLG: Ngayon ko lang na ano yan. Well ang kasama naming diyan ay ang AMLA(Anti Money Laundering Act Council). Yung sinasabi mo Marlon na nililinis yung pera sa Singapore, yun ay ang tinatawag sa ingles na money laundering at ang in charge doon ay ang Anti Money Laundering Council. Kasama po sa hearing ang ang Anti Money Laudering Council at ang Bureau of Internal Revenue. Do you remember the last hearing na sinabi na ang laki-laki ng kita ng mga ito? Bakit hindi natrace ng BIR at saka saan dinadala yung pera? Kung bilyon-bilyon ang perang ito, dapat nilalagay ito sa isang lugar at kung dumadaan ka sa bangko, money laundering yan.

Q: Yung ginagamit kasing sistema Senator Guingona, medyo kakaiba eh.Sa mga exhibit ng mga Pinoy painting sa Singapore, kaya pala ganoon kamahal ang mga paintings doon dahil yung pera galing sa jueteng yun ang pinambibili. Parang ang lumalabas na kakuntsaba ang mga Pinoy painters na may exhibit sa Singapore. Binibili ng mahal kung magkano man ang nakalagay na presyo doon and then ibinabalik ditto yung pera sa pamamagitan ng tinatawag na Binondo Central Bank. Itong Binondo Central Bank unang nadinig ito noong panahon lang ni Erap eh.

STLG: Oo, bago nga yang sistema na iyan. Kailangan tignan natin. Very inetersting ng sinabi mo Marlon. Kailangan tignan natin yan. Ilalabas din natin yan sa mga darating na hearings. By the way Marlon, gusto ko lang ipaliwanag kasi may lumalabas sa mga pahayagan na puputulin daw natin yung hearing.

Q: Yun nga po yung sunod kong itatanong.

STLG: Hindi po totoo iyon. Ang nangyari lang ay pinostpone natin to Thursday at ang sinabi ko at binitawan kong salita ay we will not prolong the hearings. Iba po ang ibig sabihin ng we will not prolong kaysa we will cut short sapagkat ang sinasabi sa mga pahayagan I will cut short. Cut short, puputulin diba? We will not prolong ang ibig kong sabihin hindi natin papaabutin ng mga tatlong buwan itong hearing. Conscious din tayo na sinasabi nila na hearing ng hearing wala naman nangyayari. So ang gusto ko mangyari as soon as possible, matapos yung hearing at magkaroon ng report at magkaroon ng ka-ukulang aksiyon. Ngayon gusto ko magkaroon nga aksiyon, sinasabi naman nila bakit naman kina-cut short? Yun ang problema ngayon. Ang ibig sabihin lang, hindi ko ito papatagalin ng mga tatlong buwan ang hearing na ito. Sapagkat alam mo Marlon, kung titignan mo yung developments ng hearing madaming panagalan ang lumalabas, ang daming mga anggulo. Ngayon lumabas na yung anggulo na ginagamit na yung mga artists natin sa Singapore .So everytime na may dumadating na bagong development, yun ba ay iimbestigahan natin? Ang mangyayari niyan Marlon katakot takot na investigation and we will investigate and investigate to death. Hindi naman puwede yun. Lahat may katapusan. So iyon lang ang ibig sabihin noon.

Q: Dapat na din pong bilisan ito sa tingin ko Senator sapagakt madami na din sector ang nakasubaybay dito sa inyong aktibidad na ito katulad na lamang po ni Pastor Apollo Quiboloy na nagsasabi nga na sa kanyang paniniwala daw na itong mga isiniwalat ni Archbishop Cruz ay base naman sa kanyang maayos na intensiyon at ang problema lamang daw ay baka ang mga impormasyon na ibinigay ng kanyang impormante kay Bishop Cruz ang may problema. Kaya humaba ng humaba itong mga pangalan at patin ang mga hindi dapat madawit at nadawit dahil na din pos a pulitika.

STLG: Yun nga eh, yung mga listahan, ang nangyayari ngayon ay padamihan na ng listahan. At kung imbestigahan natin lahat ng listahan ay yun nga investigate to death iyan. Baka tapos na ang six years nag iimbestiga tayo. Ang agagwin na lang natin at ginawa na natin ay tinurn over na iyan sa mga kaukulan na may kapangyarihan, katungkulan at kapasidad na mag verify. After all is said and done, yung listahan na iyan na binigay ni Archbishop Cruz is simply a list. Ang presumption natin is that people is presumed innocent until proven guilty and that is just a list. It has to be, number 1: turn it over muna to the authorities na in charge sa investigation (ang pulis, NBI, Department of Justice and DILG). It has to be number 1: verified, number 2: investigated at kung may ebidensiya ay ibibigay sa fiscal o prosecutor titignan yung ebidensiya. Kung sapat yung ebidensiya magsasampa ng kaso. Pag file mng kaso, kailangan magkaroon ng hearing yung korte. Pagkatpos ng hearing , kung saka-sakaling napatunayan at pinakita na lumabag sa batas, doon pa lang makukulong. So, ganoon po yung proseso. Sa Blue Ribbon, dalawang party ito: accountability. Yung sino yung nasa listahan, tumatanggap. Ganoon. Yung next phase na gusto kong pasukan talag ay yung sistema kasi yoon ang sasagot sa problema.Mayroon nagsasabi na legalized na lang natin at mayroon nagsasabi na palakasin o ayusin ang STL. Yun ang dalawang solusyon na lumalabas. Overhaul ang STL, ayusin ang STL versus legalized yung jueteng. Doon kailanagn imbestigahan ang sistema . Tatawagin natin ang expert sa STL at yung may alam sa jueteng para malaman yung dalawang sistema.

Q: So balikan ko lang po ng bahagya si Secretary Robredo. Noon po bang pinadalhan niyo siya ng imbitasyon para dumalo ditto ay agad niya kayo sinagot na may nauna na siyang appointment? Paano niyo po nalaman na mayroon na siyang ibang aktibidad sa unang schedule na dapat po siyang pumunta sa Senado which is bukas nga po sana?

STLG: Yes, tumawag sila sa akin. Nagsabi na kung puwede gawin na lang ng Thursday. I thought it's best the we move it para andiyan naman siya. Ang hirap naman kung kulang-kulang lagi

Q: Yung line up na attend ano?

STLG: OO

Q: Dito po sa usapin tungkol kay USec Puno, nagbigay din po ng apahayg si Pastor Apollo at sinasabi niya na ang atangin may prerogative para tanggalin o panatilihin si USec Puno ay ang Pangulong Aquino sapagkat bilang kaibigan nga daw po ng pangulo ay siya ang nakakakilala ng personal ditto kay USec Puno. Anon po ang inyong masasabi ditto Senator?

STLG: Talagang tama po iyon sapagkat malaking hamon poi to kay President Aquino . Biro mo like that, mayroon tayong listahan tapos iturn over natin sa mga may kapasidad at may katungkulan mag investigate. Sino po iyon? Yung DILG at PNP . Pero ang problema ngayon ay sila mismo yung inaakusahan na tumatanggap eh. Tapos papa-imbestiga mo sila? Pero ang problema ay yan lang talaga yung in charge sa pag investigate. So ang mangyayari ngayon nakay President Aquino ang diskarte kung paano aayusin ang problemang ito na yung mismong magimbestiga ang naakusahan.

Q: Bago po naming kayo bitiwan Senator, baka po may panawagan kayo doon sa mga mali ang interpretasyon doon sa binabanggit na hindi kayo dadaos ng matagal na pagdinig ditto sa usapin ng jueteng. Nasa inyo po ang pagkakataon.

STLG: Ang gusto ko lang linawin ay hindi natin pinutol ang hearing. Napostpone lang to Thursday sapagkat nakiusap si Secretary Robredo at gusto natin tapusin ito ng mayroon ng kumpletong heraring. Ang ibig sabihin lang niyan ay hindi natin patatangalin ng tatlong buwan sapagkat ang dami daming developments ngayon at ang dami-daming lumalabas ngayon na kung iimbestigahan natin lahat iyan ay wala ng katapusan ang pag-imbestiga natin. Ang lahat ng bagay ay mayroon katapusan . So after ng series of hearings, gusto ko mayroon ng kaukulang aksiyon. Ang daming nagsassabi na hearing ng hearing wala naman nagyayari. Yun ang gusto kong i-address na mayroon nangyari. Yun lang ang ibig sabihin ng we will not prolong the hearings.

Q: Alright, Senate Blue Ribbon Chairman TG Guingona. Maraming salamat po at magandang umaga.

STLG: Maraming salamat Marlo.

News Latest News Feed