Press Release
September 28, 2010

Transcript of interview with Sen. Ralph Recto

(Your comment on PNoy's US trip, bringing home $2.8B and expecting to create 43,000 jobs?)

Di ko pa nakikita lahat ng detalye, the type of investments, but it's true that there's a lot of interest in the Philippines. Nakikita natin ang piso lumalakas, ang hot money, ang value ng foreign investments/hot money sa stock market is P7-10B a day ang traded. So that is an indicator of much interest in investing in the Philippines.

Ang hindi nga nabanggit sa mga report yung mahigit $434M bigay ng Millenium Challenge Corporation sa Pilipinas, if I'm not mistaken, dahil kasama ako sa mga nagtrabaho para doon noong NEDA Secretary pa ako, is the biggest na ibinigay sa anumang bansa ng Millenium Challenge Corporation. That is a seal of good housekeeping, in so far as this administration is concerned. So dahil dyan, nakikita natin na malaki ang interes sa Pilipinas, malaki ang pag-asa na lalong lumaganap ang economic growth ng Pilipinas, at masaya naman ako sa sinasabi ng Presidente that we have to have an employment odometer - counting of jobs - dahil ang economics naman talaga ay bilangin kung ilang trabaho ang magagawa para sa ating mamamayan

(Mataas daw ang trust rating ng Pangulo kahit sa labas ng bansa?) Palagay ko. Nakikita natin. Kaya naman may interes din sa (atin ang) foreign investors, malaki ang premium na ibinibigay (nila) sa ating pangulo. We welcome that at mahalaga that this continues.

News Latest News Feed