Press Release
October 7, 2010

Transcript of Interview of SP Enrile On Globe Asiatique and Pag-Ibig Fund

SP Nililigaw kami. Simple lang ang tanong ko. Siyempre, sasabihin ko sa kanya hindi mo ako maloloko. Ang suspetsa ko, may collusion. Una, siya lang ang gumamit ng ganung sistema. Pangalawa, sabi niya, ginagawa niya 'yung mga bahay bago siya sumisingil sa Pag-Ibig kaya gumagawa siguro siya ng mga fake na mga buyers para mabayaran siya.

Q Hanggang saan po ang pinakamataas na posisyon ng collusion?

SP Hindi natin alam. Hanggang doon sa branch manager, sinabi. Tingnan natin 'yung branch manager.

Q Sir, sa tingin ninyo ano po ang mga pagkukulang ng Pag-Ibig?

SP Walang responsibilidad si Delfin Lee. Iba 'yung buy-back. Sinabi na niya na hindi niya masasagot lahat 'yun kung ico-call ng Pag-Ibig 'yung lahat nung mga nagawa niyang mga bahay. Hindi niya ma-buy-back.

Q Through filing ng falsification case, doon po made-determine 'yung collusion?

SP Makikita natin kung meron talagang mag-aaffidavit, 'yung mga buyers. 'Yung mga sinasabi na nawawala, kung totoo na hindi sila nanghingi o namili ng bahay.

Q You think may political angle?

SP Wala naman. Huwag na natin ipapasok ang pulitika d'yan to be fair to other people. We deal with the transaction as is. Ngayon, kung may lilitaw na protector niya, titingnan natin. Wala pa naman.

Q Si former VP De Castro, as former chairman of HUDCC, wala siyang liability?

SP Well, he is just a member of the board. Now if they scrutinize it well based on the records that were submitted to them by their staff, then they have the right to presume good faith.

Q Sir, 'yung P7-billion na binigay sa Globe Asiatique, masyado bang malaki 'yun para ibigay lang sa isang kumpanya ng Pag-Ibig?

SP Kaya nga tinanong ko kung merong mga iba. Yung iba na tinanong ko, dalawa lang 'yung loan. P59-million 'yung isa, 'yung isa is about P20-million. Ito, hindi lang kahapon lang na ginawa 'yan. Nangyari over a long period of time, ang dami niyang transaction sa Pag-Ibig. This must have been going on over time. Imposible naman na hindi nila napansin 'yan. Na may problema.

Q Hindi lang po ito kaso na basta naloko 'yung Pag-Ibig?

SP Sinabi na ngang meron nang kaso, that he committed fraud. Nakalagay doon sa PNB case, they sued him for fraud.

Q Ano po 'yung mga pagkukulang ni Mr. Faviaña?

SP Sinasabi niya, according to policy ito. According sa programa. According sa guidelines. According sa regulations. Panay according, pero ano ba ang ginawa mo? Hanggang ngayon, wala kaming pa ring naririnig.

Q Ano po ang liability ni Mr. Delfin Lee?

SP Kung mapatunayan na talagang deliberate 'yung ginawa niya, he could be liable for falsification and estafa. Kung hindi niya matugunan 'yung obligasyon niya.

Q Is this a clear case na hindi na-check ng Pag-Ibig 'yung capability ng Globe na magbayad?

SP Hindi natugunan, hindi nila pinag-aralan ang background ni Mr. Delfin Lee. Hindi ko kilala si Mr. Delfin Lee. Nakita ko lang siya na television star. They should have checked the background sapagkat one of the main considerations pag nagpa-utang ka ay 'yung character ng tao na umuutang.

Q Ano naman po ang liability ng Pag-Ibig?

SP Negligence. Gross negligence, pananagutan nila 'yun sa taong bayan.

Q Sa laki ng exposure niya, hindi po ba maaaring mas mataas na opisyal ang nagbigay sa kanya ng leeway?

SP Hindi ko alam. Huwag tayo mag-speculate.

Q Pero 'yung liability ng Pag-Ibig, up to what level sir?

SP At least up to the executive. They are supposed to be the one to guard the interest of the organization. Kailangan titingnan natin kung ano ang ginawa nila. Lalabas 'yan.

Q Ano po 'yung sinasabing basehan ng Pag-Ibig? Bakit sila nagbigay ng ganung kalaking pera kay Delfin Lee kung hindi nila chineck 'yung tao?

SP Dahil nga nagtiwala sila kay Mr. Delfin Lee. Ang nangyari, si Mr. Lee ang gumagawa ng mga bahay. Siya ang naghahanap ng mga buyers, pagkatapos, pag meron siyang buyer, gagawan niya ng kontrata. Pupunta ngayon sa Pag-Ibig, o ito, meron akong mga bahay na ginawa, may kontrata, bayaran ninyo.

News Latest News Feed