Press Release
October 27, 2010

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

On the postponement of Triallanes' promulgation

It's more prudent, mas prudent na action yon sa parte ng RTC, para hintayin kung mabibigyan ng amnestiya o hindi ng Kongreso, pero mabigyan man o hindi, magdesisyon man siya o hindi, hindi naman final yon, so okay lang.

Kung ma-approve yung amnesty so hindi na matutuloy yung promulgation

Moot and academic na yung kaso. One, kahit n aituloy nila yung promulgation o sa rescheduled date hindi pa rin tapos ang kongreso, wala ring epekto sa mensty yon eh kasi hindi pa naman final and executory. Kahit na ma-acquit sila assuming, hindi pa rin balewala yung amnesty kasi it covers also the general court marshal proceedings against these soldiers, so in either case hindi naman malaking isyu yon eh at hindi naman malaking bagay na heaven and earth ang kaibahan kung mangyari yon o hindi mangyari.

So expected nyo na itong desisyon ng korte na ipostpone

Hiniling ko, isa ako sa mga humiling na gawin yon na mas prudent sa panig at parte nila kung ipagpapaliban, ang dami namang hearing na napopostpone at narereset, lalo na kung may rason at may ganitong sitwasyon.

Sign ba yon na hindi na confident ang korte na wala ng silbi yung judgment nila

It's not a question of being confident, it's a question of being prudent, because the court can always take judicial notice, ibig sabihin hindi kailangang ipresenta sa korte, hindi kailanagng magbigay ng ebidensiya, then can take judicial notice of what is going on outside of the courtroom, to include itong usaping ito ng amnesty, yung pag-isyu ng proclamation ng Pangulo and the fact that it will most likely pass Congress.

On SK and barangay election nagkaroon ng gulo

Walang ibang pwedeng sisihin dyan kundi ang Comelec para sa akin, imbestigahan man nila, imbestigahan nila ang sarili nila, sino sa loob nila ang hindi tumupad sa tungkulin, dahil maski na ako hindi ako nakaboto sa aking barangay noong nakaraang election dahil walang dumating na mga balota. Tinanong ko nga sa Comelec representative doon, misdelievered daw yung balota sa amin. Ang problema bangkong balota lang naman yon eh, hindi yon tulad ng automation na specifically dapat nandoon yung pangalan. Ang sabi ko eh i-note nyo na lang yung numbers, idistribute pa rin yung mga blangkong balota na ayaw rin nilang gawin dahil wala daw instruction galing sa Maynila. Kung ano pa yung madali at mano-mano doon pa sumablay ang Comelec, pero kung iisipin natin Smartmatic naman ang gumawa noong nakaraang delivery system at hindi naman ang Comelec.

So kailangan na bang synchronize na yung barangay at SK elections sa local at national elections

Hindi siguro ako papayag na i-synchronize yon dahil ang mangyayari halos ng mga makakasalubong mo eh tumatakbo pag-isasabay-sabay mo ang barangay, SK, ang lokal at ang national, masyadong magulo yon para sa akin.

Yung pagpapabuwag ng SK

Tutol ako doon, kung may kulang, punuan natin, kung may baluktoto diretsuhin natin, kung may dapat gawing eh di gawin natin pero naman abolish agad. Bkait pa pag bata ang pinag-uusapan abolish agad ang gustong gawin ng ilan, eh marami rin namang palpak na barangay, marami rin nasmang palpak na munisipyo, minsan palpak din naman ang kongreso, bakit hindi nila sinasabing i-abolish natin ang kongreso, ang munisipyon, ang barangay, bakit pag SK ablish agad porte't bata, mali naman yata yon.

Tama ba yon na Comelec ang may mali sila mismo ang mag-iinvestigate sa mga tao nila

Okay lang din naman yon, pero after the fact din nagawa na yung kamalian, nagawa na yung pagkukulang, naapektuhan na yung eleksyon at ni hindi sila nag-isyu ng regulations, ang president pa ang nagsabing holiday pa rin doon sa mga araw na yon. Pangalawa alam nyo ba ang number one most requested questino sa mga radyo sa probinsya noong na-postpone ang eleksyon sa amin: kung postpone na ba ang eleksyon may liquor ban pa rin daw ba. Ni hindi niliwanag.

Ang aleggation kasi may deliberate sabotage

Kung may deliberate man eh dapat managot yung mag kagagawan nyan, para sa ano, to Accomplish what purposes if it's deliberate. Kung ito ay sinadya man, kung ito ay mala-terrorist attack for what purpose, to what end. In 1,700 barangays out of 42,000 barangays which are random, meaning wala namang particular na lugar lang eh, halo-halo yung mga kapalpakang nangyari so hindi ko alam kung saan nanggagaling uyng kanilang, o yung basehan nilang ito ay sinadya at sinabotahe dahil walang pattern yung mga lugar na hindi natulyo yung election.

Again hindi ko nakikita yung pattern doon sa 1,7000 barangays kung saan napotpone, parang kung sino na lang yung napagtripan kung sinadya man. Pero kung may gayon man papanagutin nila dapat, NPO man o Comele cofficial dahil NPO is under the authority and control of the Comelec during this time. So kung may palpak man doon Comelec pa rin ang dapat managot.

In general ano ang liability ni Chairman Melo?

These are officers protected by the Cosntitution, they're impeachable officers if at al they can only be removed from office through impeachment. And Congress I would not want to interfere with the powers of Congress in that regard. Impeachable sila eh, wala kang pwedeng idemanda. (Hindi pa naman ito ground for impeachment) I don't think so. Ang nakalagay sa Constitution culpable violation of Constitution- bribery, graft and corruption, wala doon yung kapalpakan eh.

My special report na yung CoA may tinitingan dahil may mga taga-senate na mas malaki pa ang mga suweldo sa mga amo nilang senador

Posible actually, eh yun talag ang problema namin, yun ang nakalagay sa batas eh, hindi namin pwedeng taasan ang sarili namin. I've been in Congress for 12 years, I cannot file a bill or support a bill or vote for a bill increasing our salaries dahil hindi maganda at hindi rin tama yon. Pero marami nang napasang batas kais na tinataasan ang suweldo ng mga empleyado ng gobyerno because we cannot benefit from the own bills that we filed. So posible talaga yon, hindi siya nakakagulat. I think ordinary Usec mataas pa yung suweldo sa amin.

Reaction sa TRO on Executive Order No. 7

Dapat gawin ng mga abogado ng gobyerno ang kanilang trabaho sa pagtatanggol ng mga posisyon at EO na iniisyu ni Pangulong Aquino upang sagayon ay hindi nabibitin ang kanilang mga plano at ang kanialng polisiya ay napapatupad nila sa pamahalaan.

Reaction sa postponement ng korte sa kaso ni Trillanes

Mas prudent sa parte ng korte kung gagawin nila yan upang sagayon ay antabayan ang magiging resulat ng concurrence ng Kongreso na malamang ibibigay naman sa kaso nila Senator Trillanes pero ituloy man yan, hindi mana umabot sa concurrence ng Kongreso bago sa panibagong date, wala rin namang epekto yon dahil malamang magmo-motion for reconsideration o mag-aapela sina Sen. Trillanes at kung ma-acquit man sila nandon pa rin naman ang general court proceedings, may bisa pa rin at may epekto pa rin yung amnesty in other case.

Pero may silbi pa nga rin ba yung ilalabas na desiyon nila, ng korte

Oo palagi dahil siyempre sa parte ng mga taga-usig gusto nilang makita at malaman on the record nagtagumpay nga ba sila sa kanilang nais patunyang kaso, pero sa partikular na epekto non kina Sen. Trillanes at mga kasamahan niya balewala na, moot at academic na yon kung mapapasa ang amnestiya, matter of pride at badge of honor na lamang siguro yon sa parte ng ating mga prosecutors.

News Latest News Feed