Press Release
November 18, 2010

Complete transcript of Kapihan on Maguindanao rape case

Hiniling niya (victim) na bumisita si Kris ganun din ako at ayon sa mga doktor makakatulong yon sa kanyang recovery. Bumisita rin ako ron bilang chairman ng Senate committee on justice and human rights para malaman din yung update ng kaso at nadismaya ako na dalawang buwan na nga pala ang lumilipas at hanggang ngayon wala pa ring kasong naisasampa. Diumano isang vice mayor sa isang bayan sa Mindanao ang may kagagawan nito at inaantabayanan ko pa rin ang aksyon kung saka-sakali ng DILG dito dahil hanggang ngayon ayaw pumayag magpa DNA ng vice mayor. Kung talagang waal siyang kasalanan para sa akin, oportunidad ito para mapatunayan nya na siya ay inosente sa mga paratang o tsismis laban sa kanya na siya ang nasa likod nito.

Why can't the DOJ do something about it?

Tinitiyak na NBI na airtight sana ang kaso kaya hinihiling ang DNA bagman ito ay karapatang kung saka-sakali ng isang pribadong indibidwal alalahanin natin ang tinitingnan nilang kaso dito ay opisyal ng gobyerno, diumano nga isang vice mayor kaya"t dapat gamitin ng Malacanang ang poder nito na puwersahin ang kanialng mga opisyal na sumunod sa batas at linisin ang pangalan nila.

On the proposed public trial on Maguindanao massacre, is this going against the rules?

May karapatan ng Pangulo ng hilingin na isapubliko ang trial o hearing subalit ang may kapangyarihang magdesisyon at magpasya ay ang korte at husgado mismo, pwede marahil i-instruct ni pangulong Aquino ang kanyang mga prosecutor sa DOJ na mag-file ng motion sa korte para hilingin ito sa judge pero desisyon p arin yan ng judge, desisyon pa rin yan ng korte kung ito ay iga-grant nila o hindi. Sa mga nagdaang panahon mas maraming desisyon at pasya ang korte na hindi pinapayagan ang open coverage ng mga trial o pagdinig lalong lalo sa mga kriemen ay ang mga involved ay pribadong karapatan at pribadong mga nangyari katulad ng rape, katulad ng acts of lasciviousness, katulad ng annulment case, hindi yan pinapayagan. Katulad naman ng murder trials at murder cases yung mga nagdaang pagdinig din katulad ng Vizconde massacre hindi rin pinayagan n gkorte na isa-ere, pero case-to-case basis ito at desisyon ito ng korte sa ganitong klaseng isyu.

I recall the open coverage of the rape case against Mayor Sanchez of Calauan, Laguna

Kinober yung pagdinig pero hindi pinayagan ang ilang aspeto ng pagdinig lalong lalo don sa parteng sensitibo at hindi naman kanais-nais pakinggan. Again, nasa discretion ng korte kung alin-aling parte ng hearing at kung papayagan man lang ang full coverage. Sa ganang aki marapat i-full coverage ang hearing na yan at iba pang mga pagdinig na may interest ang publiko para mapatunayan nating tumatakbo ang hustisya dito sa Pilipinas.

But if yup open it to the public the testimonies of the trial witness may influence the testimonies of the succeeding witnesses

Hindi konsiderarasyon yon sa pananawa ko dahil kung ano man ang sinabi ng naunang testigo sigurado ako idi-discuss yan nong abogado sa mga susunod pang testigo, napanood mana yan o nabasa o tinalakay o naikuwento sa kanya kung may impkuwensiya o epekto yon mayroon pa naman palagi. So whether i-air mo sa media o hindi malalaman naman nya yung sinabi ng ibang testigo.

Parang na-reject na yata ng Supreme Court yung live coverage, parang standing rule yata yon

In general nga yon ang ruling ng court pero walang, sabi ko nga nong mga nagdaang panahon hindi pinagbibigyan ng korte yan pero hindi pa rin bawal at walang pagbabawal na ihiling yan ng ating prosecutors kung yan ang utos ni P-Noy para makapagpasyang muli ang judge sa kasong yan at kung hindi sang-ayon ang sinuman iakyat muli sa Korte Suprema ang isyu, case-to-case basis yan, wala akong nalalaman na rule na talagang nagbabawal dyan at sinasabing ni hindi mo pwedeng hilingin sa husgado.

Hindi pa pwedeng hindi na manggaling sa Malacanang, baka pwedeng sa level ng DOJ na lang

The president has been taking the cudgels for most of his Cabinet members these past few months, I hope his Cabinet members will take the cue and sometime in the future hopefully be the ones to give the President deniability and not let the President be the one to keep on talking about these things and in the process depending his Cabinet men to the public.

Baka may negative result yung public trial

It cuts both ways, minsan yung bagay na hindi mo alam, hindi mo nalalaman, wala kang nalalaman at wala kang nababalitaan mas malaing impresyon at mas matinding galit ang pwedeng mong maramdaman kumpara sa alam mong nangyayari yon, tumatakbo ang hustisya at may direksyong pinupuntahan, it cuts both ways and I think that's why it is left to the sound discretion of the court to decide whether or not to grant it on a case-to-case basis.

Whether we like it or not the Ampatuans have been tried publicly already

That is true and that is why also, unlike in the United States where they have a jury system at kinukulong talaga nila yung mga jury para hindi makapanood ng news o anumang coverage habang nagta-trial sila sa isang kaso, tayo iisa lamang ang magdedesisyon, judge lang, at ayon sa canon at code para sa mga judges hindi sila dapat magpa-impluwensiya sa anumang nababasa sa diario, napapakinggan sa radio o napapanood sa TV. Kung kaya't kailangan niyang i-justify ang kanyang desisyon kung bakit guilty o not guilty.

The public hearing may also open for grandstanding among the prosecutors

That is always a possibility parang sa Kongreso marahil yan o sa Senado, pagkakataon na makita ng ating mga kababayan ang trabahong ginagawa nila pero hindi naman siguro sila magpapa-cute at ayaw din naman siguro nilang magmukha tanga sa harap ng TV at media kung kaya't mas gagampanan ng magkabilang panig ang kanilang mga trabaho.

Hindi na interference on the part of the President, parang nakaka-impluwensiya siya sa court by making this appeal

Hindi naman, again may procedure naman para diyan, yung policy statement na yon ng Pangulo ituring natin na parang instructino sa DOJ at prosecutors ng DOJ na hilingin yan sa korte at gaya nga ng nasabi ko nasa kamay yan ng korte, may poder ang korte na magdesisyon kung ito ay iga-grant nila o hindi. Kung i-deny ng court it's an added antagonism betwen Malacanang at the judiciary

Hindi ko tinitingang ganoon yon eh, hindi naman ito score card sa pagitan ng Malacanang o ng executive o ng judiciary o ng Supreme Court na kung saan pagnanalo ang Malacanang one-zero, pagbinaligtad ng Supreme Court one all, two-one, three-one. At kung karamihan ay pabor sa Malacanang tuta na ng Malacanang ang Supreme Court, kung karamihan ay kontra sa Malacanang kalaban na ng Malacanang ang Supreme Court. Hindi ganoon ang tingin ko at pagkakatingin ko sa bagay na ito. Isyu por isyu, case-to-case basis, depened kung sino talaga ang tama o mali na ayon sa pag-interpret ng mga justice at judge yan. Bilang abogado naniniwala ako na ginagampanan nila at dapat gampanan nila ang kanilang tungkulin, maliban na lang siguro kung maliwanag na maliwanag na na legal naman, tama naman, talagang ayaw nila at talagang gusto nilang makipag-away. Maliban na lang siguro kung tatlong taon na, apat na taon na, maski na isang kaso wala pa ring pinanalo ang Malacanang sa Korte Suprema, ibang usapan na yon.

Can you discuss kung, sa resolusyon nyo, bakit kailangan pang gawin murder ang kasong pagpatay sa mga journalists

It's not a resolution, it's a bill matagal ng na-ifile yan nong nagdaang Kongreso pa, hindi sinasabing murder, kina-qualify lang namin na kapagka ang isang media person ay pinatay dahil at konektado sa trabaho nya, considered aggravating circumstance yon, ibig sabihin mas mataas ang parusang pedeng ipataw at hindi siya magiging eligible sa parole o probation kung saka-sakali, dahil wala naman tayong parusang kamatayan, ang pinaka pwedeng magawa lamang ay patindihin yung parusa sa pamamagitan sa pagturing sa kanyang aggravating circumstance. Dagdag pa siguro sa batas kung ang dahilan ay pag-ibig, kung ang dahilan at selos, halimabawa, kung ang dahilan ay away sa pera, labas sa trabaho, ordinaryong kaso yon na murder, pero kung mapatunayan sa husgado o korte na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang isang media person doon lang papasok yung aggravating circumstance at doon lang magiging mas mabigat yung kanyang parusa.

Dapat may qualificatino din don kung legitimate o hindi na media

Kung media, gaano mana kaliit o kalaki yung kanyang organisayon o kahit siya mismo ang may-ari ng kanyang sariling diario, sabihin na nating 50 o 100 lamang ang pini-print niyang kopya, wala namansa batas na kailangang more than 10,000 copies bago ka maituring media. Ngayon sa pagpasok pa nga Internet mas malawak pa siguro ang magiging depinisyon ng media dahil hindi na lamang limitado sa mga nagtatrabaho sa TV station, hindi na lamang limitado sa mga nagtatrabaho sa radio station o newspaper ang maituturing nating media, marami at karamihang nagsusulat sa Internet, yung may sariling website at naghahatid ng impormasyon at balita, maaari na nga siguro sa mas malawak na interpretasyon at depinisyon maaaring maituring media na rin dahil naghahatid sila ng impormasyon at kaalaman sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng isang bagong medium na Internet.

It is also assume that the media person did not put themselves deliberately in danger and there's no negligence on their part

Walang ganoon, dahil sa paghahanap ng kuwento nilalagay naman ng isang reporter ang kanyang buhay minsan sa balag ng alanganin pero maging ganoon pa man, hindi rason yon para patayin siya, hindi pa rin rason yon para saktan siya, i-hostage siya o may gawing masama sa kanya. Kung may kapabayaan man sa parte nya, labas yong kung saka-sakali sa penalty kung siya ay papatayin o sasaktan.

On new slogan ng DOT

Dapat pag-aralan sana yon ng DOT, may kasabihan nga "if it ain't broke, don't fix it." Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pang baguhin, hindi ko alam kung bakit mayroon tayong ugali na basta nago yung administrasyon bago din lahat, na basta galing sa dating administrasyon, kailangan huwag ipagpatuloy at kailangang baguhin. Sang-ayon din ako sa puna ng ibang kritiko, bakit ginamit ang ating sariling wika, mahal ko ang ating sariling wika pero may kakalagyan din dapat ito, maliban na lamang kung yan ang slogan nila para sa mga turista dito sa Pilipinas, na Filipino at may ilalabas pa silang iba na namang slogan para sa mga turistang nais nilang akitin mula sa ibang bansa.

Sa bagong sloagn may money involved na naman dyan kasi magkakaroon ng launching

Hindi sa panibagong launching tiyak ko marami pa silang stock ng mga dating tarpaulin, ng mga dating ads, hindi ko bibigyang motibo na kita ang dahil kung bakit binago, siguro yung ugaling Filipino lang na sila ang may gawa nya eh, ako na ang nakaupon ngayon dapat bago na din naman, minsan hindi na kailangan dahil wala namang mali, gusto lang gawin para maiba.

Kasama na ba yon sa kultura na kapagka bago ang administrasyon, kailangang baguhin ang programa?

Madalas nga anting nakikita yan, nalulungkot nga ko may pinili pang programang ipagpapatuloy yung conditional cash transfer pa. may mga programang dapat ipagpatuloy dahil tama, halimbawa kung yung dating administrasyon may sinimulang tulay, kalahating tapos na, dahil ginawa nila ayaw nang ipagpatuloy ng sunod na administrasyon, hindi tama ang ganong uri ng kaisipan marahil, at sana kung babaguhin din lang, sana mas mag-improve pa. sa kaso nito ako ay sumasang-ayon sa ilang kritiko rin na hindi mas maganda ang bagong islogan kumpara sa dating slogan na ginagamit natin. At least yung salitan "wow," aplikable yan maski na anong nationality mo, iba lang siguro yung pronunciation natin. Pero "wow" pa rin yon.

Mga ilan ang mako-confirm sa CA sa mga more than 30 up for confirmation

Ayokong magbilang at maghusga, pangunahan ang desisyon ng CA. sa parte at bilang miyembro ng CA marami akong itatanong ta may mga katanungan akong nais kong mabigyang-linaw at kasagutan. Depende kung masasagot nila at depende ung ano ang isasagot nila ang magiging boto ko kung saka-sakali pagdating ng panahon at ayaw kong pangunahan yon. Itong nagdaang hearing sana, nong Lunes kung hindi ako nagkakamali, ni Secretary Luistro, mali naman talaga yon dahil binigyang notice ang mga miyembro Biyernes eh four-day work-week lang namana ng senado. At opisyal naming natanggap yung notice, 8:30, 8:45 ng umaga noong Lunes para sa 10 am daw na hearing, wala namang ganyang uri ng palusutan sana.

Pero may paraan din ang Malacanang para makaiwas dyan eh, they don't submit the necessary papers to the CA like the late, but very straight lady Emy Boncodin, she never submitted her papers.

Nangyari at ginawan yan nong nagdaang administrasyon kung maaalala nyo si dating Justice Secretary Raul Gonzales na-confirm makalipas ang apat, lima o anim pa yatang taon, pero buong limang taong yon nakaupo siya. Hindi magandang practice yon kasi para sini-circumvent nila ang Konstitusyon at kung maaalala nyo maski na si Pangulong Aquino mismo noong siya ay senador naglayon at nilayon nya na kapagka daalwang beses kan gna bypass ng CA hindi ka na pedeng ire-appoint ng President. Patunay na nais din niya, at least dito sa Senado, at sana ganon pa rin ang pananaw nya na kailangan talagang magkaroon ng check and balance sa pagitan ng executive at legislative sa pag-appoint ng mga Cabinet members.

On the statement of sen. Miriam na maraming lightweight na cabinet officials

Ayokong husgahan sila hanggat hindi pa sila humaharap sa CA at hindi ko pa sila natatanong at nakakaharap. Wala masyadong heavyweight, definitely sa gabinete na mga datihan na nating kilala pero para sa akin hindi porke't datihan ka an sa gabinete heavyweight ka na at magaling ka na. at hindi porket bago ka lang sa gabinte wala ka ng alam at mahina ka na, dahil hindi namang pedeng puro lumang mukha na lamang ang bubuo ng ating gabinete.

But considering their performance

That is a matter for the CA to evaluate and weigh some questions I will be asking and throwing at them will be based on that. Again it will depend on their answer, it will depend on how they will answer these questions.

My weight pa ba yung confirmation kung pede naman palang paulit-ulit na ire-appoint?

Hindi gaya ng nasabi ko, may isinulong na polisiya si Pangulong Aquino nong siya ay senador pa na twice bypass cannot be reappointed again, umaasa ako na yan pa rin ang kanayng paniniwala bagaman ngayon ay nakaluklok na siya sa Malacanang at wala dito sa senado. At ang pagkakaintindi ko rin yung kanyang i-appoint in an acting capacity na hindi niya isusumite sa CA ay hindi lalampas ng isang taon sa kasalukuayng opisinang kanilang pinanghahawakan. Maliban na lang kung base sa performance nila isa-submit ni Pangulong Aquino ang pangalan nila sa CA.

Pede bang i-push yon

Baka hindi na kailangan dahil pede naman niyang i-implement at ipatupad yung policy na yon bilang Pangulo, pagsasabihan lang naman niya ang kanyang mga Cabinet members, twice bypass, you're out.

So you're asking the President....

Umaasa ako na hindi naman nagbago yon, wala pa naman sigurong sitwasyon na nakaharap siy o tayo n hindi niya ipinatupad yon, hintayin na lang siguro natin.

Pacquao as peace negotiator, tumulong para i-promote ang bansa as a top tourist destination

Kung kakayanin pa ng oras niya, kung papayag siya, dagdaga sa trabaho niya bialng kinatawan ng lalawigan ng Sarangani, bakit hindi at kung base sa survey, polling at pag-aaral na ginagawa ng sinuamng ahensya na magta-tap sa serbisyo nya, kung talagang makakatulong ito, bakit din hindi. Sa ganang akin lamangmarapat bigyan din siya ng puwang hindi lamang para gampanan ang kanyang tungkulin sa Kongreso pero siyempre para mayroon din siyang oras para sa kanyang pamilya at personal na pangangailangan.

News Latest News Feed