Press Release
January 31, 2011

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero

Interview at the session hall

On Angelo Reyes' resorting to squid tactic

Maliwanag na squid tactic lamang ang ginagawa ni Sec. Reyes dahil ang dapat na tanong na sagutin nya tumanggap ba siya o hindi. Yung sinabing niyang hindi niya maalala hindi kapani-paniwala yon. Unang tanong ko gaano ba karami yung nagbigay sa kanya ng P50 miyones para malito at hindi niya maalala kung may nagbigay nga ba sa kanya o wala. Siguro kahit sino sa atin dito na nabigya ng isang milyon maalala natin kung nasaan tayo, anong petsa, anong oras, maski nga siguro yung suot natin maalala kapag maynagbigay sa ating kahit na isang milyon. Ito P50 milyones, imposibleng hindi niya maalala kung may nagbigat talaga o wala. At nang hindi niya sinabi ng harapan na ito ay hindi totoo, ikanga sa batas mayroon tayong tinatawag na admission by silence at admission na kapagka natural mong dapat nadeny ang isang bagay nang ni hindi mo dinenay (deny) ng diretsuhan at tahasan.

On the case against Sen. Jinggoy, parang tinatakot nya yung mga senador

After thought lamang yon, pangganti lamang yon at pangbawi lamang yon kung saka-sakali pero naniniwala ako hindi matatakot pareho si Sen. Estrada at Col. Rabusa dahil matapos itong ilahad nakita't napanood ko ang mga salaysay ni Col. Rabusa at papanindigan nya at umaasa ako na tatayuan niya hindi lamang ito pero iba pang specific facts na sasabihin at ilalahad daw niya sa mga susunod na hearing laban sa iba pang mga opisyal ng militar.

News Latest News Feed