Press Release
January 31, 2011

Transcript of Interview with Senator Guingona

Q: Yung simpleng hearing niyo noong mga nakaraan araw tungkol sa plea bargain agreement ni Gen. Garcia mukhang lumaki ng lumaki at lumala ng lumala. May mga ibang tao na nadidiin ngayon sa kaso.

STLG: Ang nangyari ngayon napaka-lawak na ng imbestigasyon. Nagsimula ito sa simpleng isyu ng plea bargain agreement pero lumawak na ng lumawak tungkol sa payola na 5 million a month at mga pabaon. Dahil sa word na talamak, hindi ba ginagamait na nila na talamak na? Ginagamit nila yung kultura. Pagsinabi mong kultura, malawak iyan. Ang mangyayari ngayon kailangan imbestigahan yung institusyon mismo. Tatawagin natin lahat ng chief of staff mula kay Pangulong Cory hanggang ngayon.

Q: Marami-rami iyon. Mga 21. Bakit hindi na lang po lahat ng chief of staff during the term of Col. Rabusa and Budget officer?

STLG: Sapagkat gusto natin malaman kung sinasabi ngang kultura o tradisyon nga ito. Kailan ba nagumpisa ito? Hanggang gaano kalalim ito at para makita na institusyon ang iniimbestigahan natin hindi personalan.

Q: Walang pinapanigan.

STLG : Ang importante mareporma natin ang institusyon para sa gayon ay mawala na itong tinatawag nilang kultura o tradisyon.

Q: Open invitation sa lahat ng dating chief of staff?

STLG: Iiimbitahan natin. Open invitation

Q: Magkakaroon bang formal invitation bukod sa open invitation na sinuman na may gusting sabihin, na gusting magpaliwanag tungkol sa kanilang panunungkulan ay maaring dumalo sa pagdinig ng Blue Ribbong Committee?

STLG: Yes, formal invitation. Yes, dapat lang, lalong lalo na yung mga gustong sabihin. I'm sure yung iba sasabihin na wala akong alam diyan.

Q: Iyong iba naman diyan nagsasalita pero ayaw magpakilala.

STLG: Iyong iba naman nagsasalita pero nakakalimot.

Q: Mas maganda kung sila ay lalantad at haharap sa Blue Ribbon committee para maging pormal kung ano man ang statement na bibitiwan nila.

STLG: Siyempre. Hanggang hindi sila lumantad at hanggang gumawa sila ng sinumpaang salaysay o magtestify sila sa Blue Ribbon Committee ay hindi official iyong sinasabi nila.

Q: Marami pong nagtatanong kung ano ang mga implikasyon ng mga bagong pagbubuyag ni Col. Rabusa.

STLG : Ang implikasyon nito ay number 1: talamak ito, number 2: tradisyon ito at kailangan hindi lang yung mga personalities involve ngayon pero iyong institusyon mismo at saka iyong sistema na umiiral sa institusyon . Dapat matignan natin.

Q: Mukhang matindi ang kasong kakaharapin ng mga taong nabanggit na nakinabang ng husto ditto sa systematic na pag-corrupt ditto pos a pondo nf AFP.

STLG: Wag lang mahulog sa plea bargain sale este agreement.

Q: Ibig sabihin ba niyan ay seryoso ang senado sa pagbibigay ng rekomendasyon for criminal prosecution ng mga tao iinvolve ni Col. Rabuza.

STLG: Well actually , ang wala pang kaso diyan ay si Secretary Reyes. Pero ang dalawa na si Gen. Garcia at si Gen. Ligot ay may kaso na iyan at lalong madidiin ang kaso laban sa kanila dahil ngayon meron ng testigo. Siyempre lahat ng ituturo ni Col. Rabuza dapat imbestigahin.

Q: Ano ang magiging implikasyon nito sa kaso ni Gen. Garcia na naipasok na sa plea baragin agreement.

STLG: Kung final na iyong plea bargain agreement, ang mangayayari nito ay iaakyat na lang sa korte suprema. Magbalik tayo sa plea bargain sapagkat ditto nagsimula lahat. Number 1: sinasabi ng plea bargain agreement na isang kasunduan (o ayusan) imbis na plunder na life sentence ang parusa nagging mas mababa ang parusa.

Q: Ang layunin ng plea bargain agreement ay makatipid ang gobyerno in terms of panahon and pera ukol ditto sa pagprosecute nitong kaso.

STLG: Panahon at pera pero gagawin mo lang iyan pagka mahina ang kaso. Kasi sasabihin mo lang iyan "naku! Kaysa makalaya pa itong alam natin na may sala pero kulang ang ebidensiya". Iplea bargain na lang natin. At least makukulong siya, mananagot siya at makakakolekta pa ang gobyerno. Pero ang nangyari ditto yung plea bargain ay ginawa na indirect bribery na ang parusa ay 7 years . From money laundering to facilitating money laundering na ang parusa ay 7 years, Ang importante diyan ay is yung parusa na 7 years. Yung 7 years,nakakulong na siya na 7 years. Ang mangyayari diyan, nakalaya na siya. Tapos number 3: ang nakuha niya na 300 million ang ibabablik lang niya ay 130 million. Tama ba iyon?

Q: Unless hindi nila mabubuksan ulit itong plea bargain agreement o kaya naman mai nu-nullify iyong napagkasunduan na agreement.

STLG: Kung hindi pa final, puwede pa. In fact, dahil lumabas nga si Col. Rabuza ngayon puwede pa ipasok sa kaso ni General Garcia ang testimony ni Col. Rabuza lalong madidiin ang plunder case. Pero kung tapos na kailangan umakyat na lang sila sa supreme court.

Q: Definitely marami naman consultant ang Blue Ribbon para mapagaralan ng husto kung ano yung dapat gawin ditto sa naturang kaso.

STLG: Oo. At sa plea bargain na iyan ang requisite niyan ay kailangan may pahintulot ng nagrereklamo. Sino ba ang nagrereklamo? Ang mamamayang Pilipino. Sino ang representante sa korte? Ang solicitor General at ang AFP sapagkat pera ng military ang kinuha. Pareho silang nagsabi (Sec. Gazmin at Sol Gen. Cadiz )na walang pahintulot silang binigay. Number 2: Iyong ebidensiya ay hindi natin maintindihan sapagkat noong una nag-apply si General Garcia ng piyansa at doon sa piyansa tinutulan ng ombudsman ang pag piyansa sapagkat malakas daw ang ebidensiya. Ngayon a few months later sinabi ng ombudsman mahina ang ebidensiya.

Q: Nagpahayag ang mga special prosecutors noong hearing na titignan muli itong naturang plea bargain agreement at muling iimbestigahan.

STLG: Iyon nga kaya masayang-masaya ako. Kung mangyari man iyan ay magiging masayang-masaya ako sapagkat ang layunin naming ay makita talaga kung ano ba talaga iyan plea bargain agreement at isang hearing lang may pagbabago nangyari.

Bukod sa hustisya at bukod sa dapat managot ay kailangan baguhin ang sistema para hindi na maulit. Dapat ito nakikita ng COA editor.

Q: Siguro hindi lang dapat iyan ang tignan natin dapat pakilusin natin ang ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Bureau of Internal Revenues. Tignan natin kung nagbayad ng buwis itong mga opisyal.

STLG: Yung tinatawag na lifestyle check. I'm sure gumagalaw na din ngayon

Q: Mr. Senator, meron mga nagmumungkahi dito noh, siguro yung AMCL kumikilos na rin tungkol sa mga sinasabi ni Col. Rabusa

STG: Yes pag may problema tayo. Yang AMLA may kakayahan mag freeze ng mga bank account. Anong ibig sabihin ng freeze? ang ibig sabihin ng freeze ay malalagay sa freezer ang pera mo, di ka makakawithdraw at deposit, di mo magalaw. Bago mo makuha ang freeze order kelangan mo magbigay ng notice sa taong na ifrfreeze mo. So ang ibig sabihin nyan, once nabigyan mo ng notice, may panahon pa at pagkakataon ang tao na mag withdraw

Q:Isa ata tong depekto ng ating AML law

STG: Actually di depekto eh, sapagkat yan ang nanggaling sa isang supreme court kaso. Sinabi ng supreme court kelangan may pahintulot, mapialam mo, may knowledge ang taong maapektuhan. Ang problema nun, may pagkakataon ang tao at panahon para mag withdraw, pag dating ng freeze order wala na laman yung account. Ganun nangyari kay Garcia, na-withdraw niya bago nafreezan ang bank account niya.

Q: mahalaga to ah yung sinabi ng ating senador TG, ito'y nangyari sa Armed Forces, ay di malayo na nangyari din to sa PNP

TG: ay oo syempre. Nandun na yun

Q: Although wala pang witness tungkol dito sa PNP . Wala pa parang Col. Rabusa na lumalantad para sa punto ng PNP

TG: Wala pa

Q: Kelan sunod na hearing ng Blue Ribbon Committee?

TG: Etong Thursday 9am, dun din sa senado

Q: Bukod p okay Col. Rabusa, meron po ba tayong maaasahan na mga bagong testigo na maghaharap at magbibigay detalye, o suporta sa mga unang pahayag ni Col. Rabusa?

TG: well mga pinangalan niya sa pagtestigo niya ay tatawagin namin

Q: Bigyan ng pagkakataon para mag comment tungkol sa naging pahayag ni Col. Rabusa.

TG: and yung ano, magsusubmit siya today ng affidavit at mga pangalan na nandun ay tatawagin natin.

Q: Meron na bang naschedule ng submission ng affidavit

TG: I understand today

Q: In the meantime, kamusta ang personal security ni Col. Rabusa?

TG: I think wala naman problema

Q: Mabibigyan ba rin ng security ang kanyang pamilya?

TG: I think so. Kc I think pumasok na siya sa witness protection program

Q: Dapat kaparehas ang bigat ng parusa ng chief of staff, dapat ganun din sa auditor.

TG: Isa yun sa mga reporma na tinitignan namin, ang problema kc sa COA auditor ay resident ang auditor niya. Parang nakatira sa bahay, tapos after a while magiging kaibigan mo nay an, and after a while magiging kakunchaba mo na yan

Q: Meron tayo patakaran na itinitutupad eh ang isang resident auditor ay di dapat tumatagal ng ilang taon sa isang tanggapan

TG: Pero ang isa pa naming tinitignan ay ano kaya kung bigyan natin ng kapangyarihan ang DBM na maghire ng private audit firm para magkaroon ng spot audit sa mga government agencies bukod sa COA. In addition to COA, meron surprise spot audit na private firm. So two things; 1.) Private siya, hindi naman sabihin na di magcocorrupt, pero para mas mahirap 2.) pinakamatindi ay surprise, hindi mo alam kelan darating , biglaan

Q: Di natin maiwasan na tawagin din ang kasalukuyan na comptroller at adviser officer ng Armed Forces at malaman natin ang turnover mula kay Col. Rabusa. Maging yung pinalitan ni Col. Rabusa ay malalaman natin kung pano nagumpisa.

TG: at siguro lahat ng comptrollers, simula nung time ni President Cory. Marami silang alam, at kung wala silang alam. I'm sure marami silang idea.

Q: After Col. Rabusa, ano na mga ginawa ng mga sumunod sa kanya? After Gen. Garcia, na comptroller noon ng J6, ano ginawa ng mga sumunod sa kanya? And after Angie Reyes, ano mga ginawa ng mga sumunod na AFP Chief-of-staff? Para malinaw sa ating kababayan para ma-pinpoint natin kung sino-sino mga nakinabang.

TG: at hindi lang yun manong Joe, yang mga chief-of-staff o comptroller na magsasabi na wala silang alam, at walang ganyan nung panahon nila. Maskin na wala silang alam at walang nangyari sa panahon nila, makakapagbigay sila ng idea pandagdag sa saysay ng kwento

Q: Unang una bakit wala silang alam? At yung problema sa kaso ni angie reyes ang ginawa raw conversion, kaya walang paper trail. Senator ano po ang gagawin dyan?

TG: conversion na walang paper trail, pero meron conversion pa rin, meron pinupuntahan yung pera, meron account, meron expense account yun.

Q: Pero may tao na may personal knowledge na humaharap at ngdedeklara. Ano ang mag dapat ifreeze na bank accounts? Mga dating chief-of-staff? Mga comptroller? Ano ba rekomendasyon niyo tungkol dito?

TG: well mga ganyan, mga freezing of accounts, kung meron lang ebidensya. Di pwede shotgun.

Q: Dapat di shotgun. Dapat lahat may basehan.

Q: Di po ba best indication na nangyayari pa rin ang korupsyon, tignan nalang natin ang imbentaryo ng armas ngayon ang butas at uniform ng mga sundalo kc dito po nanggagaling ang ikini-convert para sa corrupution.

TG: Pati yung sundalo. Sapagkat nakita natin na iba yung budget based dun sa total number of troops kc di lahat yan totoong sundalo kc meron namamatay, meron wala pa dyan

Q: dapat siguro itama natin yung budgeting natin kc nakadepende lang ito sa troop ceiling. Yung AFP and PNP kc troop ceiling

TG: nag-usap kame ni sec. robredo kahapon, by chance, nagkita kame sabi hindi na troop ceiling dapat actual warm bodies nalang. Isa to sa mga gagawin natin

Q: baka sinasabi na 120,000 ang manpower ng PNP

TG: Tapos pala 80,000 lang ang tumatanggap ng sweldo, diba?

Q: Tapos sino tumatanggap sa sweldo para sa 40,000? Wala na yun? Hindi po ba? So siguro may mga pabaon din mga cabinet members and head offices? Pero focus muna tayo sa Armed Forces TG: oo sapagkat dun nanggaling ang pondo eh

Q: DI natin maiilas sa isip kung ito'y nagyayari sa Armed Forces, sa chief of staff, eh di lalo na sa ibang tanggapan na ganun rin ang uri ng kapangyarihan

TG: lalong- lalo na sa mga dun sa may mga malalaking pondo. Naalala ko DA napakalaking pondo dun. Yung secretary. At yung kay Joc Joc Bolante,

Q: etong imbestigasyon ngayon na ginagawa ng blue ribbon, ay mas malawak pa kaysa sa unang imbestigasyon ng mga anomalya na ginagawa dyan sa senado.

TG: Ang suwerte natin ditto ngayon sa panahon na ito ay mayroong lumabas. Hindi tayo nangangapa. Kung walang lumabas ay wala masiyadong ebidensiya.

Alam mo nangyari doon kasi nagpadala tayo ng troops somewhere in Haiti for peace keeping. Ang nangyari doon 200 million inadvance ng national treasury (Philippine Government ang nag advance doon). Binayaran natin para doon sa mga tropa tapos ni nag-reimbursed ang united nation. Pagbalik ng pera galing sa United Nations imbis na binalik sa National Treasury at dumaan sa Department of Budget and Management, dineretso sa AFP. Iyon lang Malabo na iyon. I think violation iyon ng administrative code. Iyong 200 million hinati sa tatlong account. Isang 100, at dalawang tig 50 million. Iyon 100 at isang 50 million tama pero iyong isang 50 million ay nawawala.

Q: Iyong bagong affidavit ni Col. Rabuza?

STLG: I think ngayon pa lang magbibigay ng affidavit . Wala pa akong ideya. Antayin natin. Kailangan yan ang batayan kung sino ipapatawag natin.

Q: PCDA.

STLG: Alam mo nakalagay sa ating constitution na hindi puwede mag disbursed ng pera ng gobyerno kung walang batas (budget). Kung walang nakalagay sa PCDA sa budget bawal po iyon. Labag sa batas po i yon.

Q: Kailangan nab a simulan ng ombudsman ang mga imbestigasyon ng involvement ng mga opisyal?

STLG: Dapat lang nandoon sila. Full force, nakikinig sila. Nakikita ko na sila mismo ay nagugulat din. I'm sure na gagalaw sila.

Q: Hindi na kailangan hintayin ng ombudsman ang recommendation ng blue ribbon?

STLG: Hindi na sapagkat magkaibigang layunin ang Blue Ribbon at ang Ombudsman. Sa ombudsman dapat managot ang sinong mananagot at ang sa amin naman ay ang pag gawa ng batas. Hindi na kailangan an gang recommendation ng Blue Ribbon para sa criminal prosecution.

Q: Ano po ang gagawin ng senado na hakabang?

STLG: Lahat ng kasalukuyan at dating budget officers . Lahat ng kasalukuyan at dating chief of staff iimbitahan natin sapagkat ang layunin natin ay wala naman personalan at ang layunin natin ay mareporma ang institusyon.

Q: Bilang isang abogado maituturing ba natin na (inaudible) ang testimonya ni Col. Rabuza laban kay Reyes.

STLG: Oo, sinsabi niya na siya mismo na "ako mismo ang gumawa". May tinatawag na admission against interest . Tumestigo siya laban sa kanyang kapakanan kasi umamin siya sa krimen eh. Iyong kredibilidad niya ay napakataas. Ang maganda nga ay naconnect kay Gen. Garcia at sinabi niyang si Gen. Garcia ang nag-utos.

Q: Reaksiyon: Wala daw mangyayari sa alegasyon kay Reyes?

STLG: Kaya nga dapat (maganda nga ang suggestion ng isang listener natin ) magkaroon ng ombudsman watch sapagkat iyon nga eh pati iyong kay Jocjoc Bolante hanggang ngayon wala pang nangyayari. Dapat magkaroon ng public pressur. Sapagkat iyang public pressure yan lang ang malakas na makakapagpagalaw sa mga opisyales.

Q: Hindi lang iyon Mr. Senator kung mayroon ng batayan sa paghaharap ng kaso sa ilang opisyal sa AFP ay dapat iharap na.

STLG: Dapat talaga. Dapat ngayon magumpisa na ng imbetigasyon sa mga nangyayari.

Q: Kailangan kumikilos na ang office ng ombudsman .

STLG: Napakalakas ang powers ng ombudsman. Dapat gumalaw sila.

Q: Nakakapagtataka kung hihintayin pa nila ang rekomendasyon ng Blue Ribbon Committee gayong on their own maari naman silang mag initiate ng action o demanda.

STLG: Kaya madami din ang nadidismaya sa system of justice natin dahil mabagal gumalaw.

Q: Mayroon na po bang probable cause ang expose ni Col. Rabuza ibig sabihin upang direktahan na ng AMLA ang ating mga bangko.

STLG: Andoon yung AMLA noong hearing. Andoon si Atty. Aquino and he was taking down notes. I'm sure tinitignan na nila iyan ngayon.

Q: Ang hindi natin alam ngayon kung ang BIR ay kumikilos na din ngayon.

STLG: Hindi ko maiisip na hindi sila gumagalaw sapagkat itong isyu na ito ay lumabas sa ating pahayagan, tv at radyo.

Q: Sana mabantayin rin po ang AFPSLAI.

STLG: Dapat tignan natin ngayon ang AFPSLAI, pulis.. Ano kaya kung GSIS din? Maraming sistema ang dapat tignan.

Kung mayroon pong nakikinig diyan na may impormasyon paki contact lang sa blue ribbon o sa opisina ni Senator Guingona makikipag-ugnayan naman kami sa DOJ para witness protection program.

Q: Reaction: Sana lifestyle check lahat ng opisyal pati na ang kanilang mga anak na may mga luxury cars.

STLG: Sa BIR iyon , pagkatapos nito tatawagin naming ang BIR para maumpisahan iyon.

Q: Iyong hearing sa Huwebes umaga po ba iyon?

STLG : Opo , 9:00 ng umaga.

Q: Reaction: Masakit pos a amin na madinig ang corruption sa AFP pero ang mga benepisyo ng mga namatay na sundalo hindi maibigay.

STLG: Exactly. Kung maalala niyo noong nagsaalita si Col. Rabuza. " Kung kulang ang pera na maiibibigay sa Chief of staff naghahanap kami minsan ang kinikuha naming yung mga medical centers pati yung mga gamot nawawala". Iyon pala napunta sa chief of staff

Kung mayroon man kayo impormasyon puwede po kayo pumunta anytime sa senado (Blue Ribbon) , papakinggan po namin kayo at kung kinakailangan makikipag-ugnayan pa kami sa DOJ para bigyan ng proteksiyon.

News Latest News Feed