Press Release
February 3, 2011

Transcript of Sen. Santiago's interview

On the Senate blue ribbon committee today

Hindi ko talaga maintindihan--dahil RTC judge ako noon--bakit sinasabi ng Sandiganbayan ngayon na hindi pa nila naaprubahan ang plea bargaining agreement. Akusado si Gen. Garcia ng plunder, e walang bail iyon. Ngayon, sinabi niya "Kung papayag kayo, mag-plead guilty na lang ako sa direct bribery dahil ang direct bribery is bailable. Apparently it comes now to our knowledge that the Sandigan approved his petition to be granted bail. Ibig sabihin, ang Sandigan lowered the crime from plunder to direct bribery. Bakit ngayon sinasabi nila hindi pa nila inaaprubahan ang direct bribery plea? Kaya kailangang ipa-subpoena, hindi ang mga justices ng Sandigan, wala yata kaming jurisdiction diyan, or yung clerk of court ng Sandigan para maliwanagan paano mo mapagayagang magpiyansa ang akusado nang hindi mo pa napayagan siya doon sa bribery na mas maliit na krimen para makapagpiyansa siya dahil ang original na demanda sa kanila ay plunder na walang piyansa. Ang importante diyan ay tawagin natin ang clerk of court ng Sandigan.

Sinabi kanina ni Rabusa na in totality, as a rule, tama iyong mga nasabi ko noong 2004. It is institutionalized military corruption. Buong sistema. It's systemic. At hindi lamang iyon. Bawat heneral halos kung saan ang pera ay dumadaan ay nakakatanggap. Lahat sila, hindi lang iisa. Iyon na ang parang way of life nila, iyon na ang lifestyle nila. At ang init ng ulo ko sa mga asawang ito dahil asawa lang nila ng heneral pero akala nila henerala sila dahil nakikisabwat din. Nakikisawsaw sila doon. Nagiging broker daw sila ng mga supplier at maari na hindi na binibili itong mga supplies, iyong tinatawag na ghost delivery at conversion. Iyong pera na nanggagaling sa gobyerno hindi napupunta sa halimbawa pagbili ng gamot sa ospital kung hindi pinapalitaw nila na may delivery na wala naman kaya ang pera ibabalik mo ngayon sa heneral kung saan nanggaling iyon, at merong komisyon at kickback ang mga asawa nila, pwedeng P100 million sa isang transaction.

Dapat bang makulong ulit si Gen. Garcia?

Hindi kami makautos nang derecho sa Sandigan dahil meron silang independence sa judiciary. Pero kung ipalitaw natin iyan sa media at maintindihan ng taumbayan at walang magandang paliwanag ang Sandigan, mapupuwersa sila na magpalit sila ng ginawa nila.

On the initial hesitation of the Ombudsman to file a motion to defer action on the PBA

Sabi niya na ayaw niyang gawin iyon dahil meron nang mga aksyon ang Sandigan, isipin naman nila na napaka-disobedient naman niya, hindi niya sinusunod ang gusto nila. Kaya 'kako, kung ayaw mong mag-motion, gumawa ka na lang ng paliwanang sa korte na nag-aalangan ka ngayon kung papatayuin natin ang original charge o papalitan ng Ombudsman.

On Gen. Defensor's alleged involvement

We hardly even see each other. The last time I saw him was at our Christmas family reunion, and there was only a very brief conversation between us only about our children. I have not seen him for the last year because for the last six months I was sick and on sick leave, as you know, and I did not want them to see me so helpless.

But on any event ang aking attitude diyan ay ganito: Hindi ako pwedeng mamili. Kung may kasalanan siya, aminin niya. Bahala siya. Ngayon kung inosente siya, dahil kapatid ko siya tutulungan ko siya. Pero kung umabot ang kaso dito sa Senado, I will inhibit myself, ibig sabihin hindi ako makikialam diyan sa kasong iyan para wala tayong suspisyon na pinoproteksyonan ko ang kapatid ko. Walang kapatid pagdating sa koraspyon dahil wala nang maniniwala sa credibility ko kung gagawin ko iyon.

News Latest News Feed