Press Release
February 28, 2011

Transcript of interview with Sen. Chiz Escudero after a hearing

My suggestion ang NBI na ipa-register din ang mga laptop kasi nai-stop ang investigation nila dahil hindi nila nati-trace kasi naka-wifi

Para sa akin OA na yon ang alam ko lang amg may required registration ngayon maliban sa baril ay chainsaw na may kinalaman sa anti-illegal logging campaign natin. Masyadong hassle ang pagrerehistro kung saka-sakali ng individual laptop owners ng kanilang laptop. Marahil mas madaling i-monitor sa parte ng law enforcement agencies natin ang ISP at yung mga service prviders para kahit anong gadget ang gamitin, laptop man o cellphone o anumang maiimbento pa mas kaya nilang mamonitor nang hindi ganong kalaking paglabag ng privacy ng sinumang individual na mamamayan.

Are you supporting the call to give the President emergency powers?

OA rin yon para sa akin. To give the President emergency powers for what? Hindi pa maliwanag kung ano. Mas papabor pa ako kung saka-sakali actual na pagbisita muli at amendements sa oil deregulation law para mabigyan natin ng mas malawak na kapangyarihan permanente pa at hindi temporary, hindi lamang ang Pangulo pero ang Department of Energy para hindi lamang barker sila ng presyo ng langis sa ating bansa. Actual silang pedeng makialam at manghimasok kung kinakailangan and after certain circumstances and benchmarks have been met. This would a more permanent solution I think if at all and not a stopgap measure via what they call an emergency power act again.

Anong masasabi nyo sa efforts ng DFA so far on the repatriation of OFWs in Libya?

Maramat na maging polisiya ng DFA no Filipino left behind, sapalagay at sa tingin ko sasabog ang bansang Libya at magkakaroon ng malaking kaguluhan dyan na hindi magiging ligtas ang ating mag kababayan. No OFW left behind para maramdaman nila yung tunay na titulong tinatawag nating bayani, paramdam naman natin sa kanila ang pagigign bayani nila. Hindi yung pinupuri lamang nating mga bayani yung tinatayuan ng rebulto pagkatapos nilang mamatay na. iparamdam at ipakita natin sana sa kanial yon habang sila ay buhay pa.

Kuntento ba kayo sa efforts?

Ilang araw pa lang pero dapat i-release sa lalong madaling panahon ng DBM ang pondong nakalaan para dito at kung kailangang dagdagan mayroong enough budgetary space ang Pangulo at ang DBm na mag-allocate ng dagdag pang pera dito na ang alam ko ay kulang talaga sa kasalukuyang efforts natin. Hindi naman kasi na-foresee ito ng nakaraang taon nong ginagawa ang budget. Pero may budgetary space sila para mag-allocate, sanay i-release nila ito sa lalong madaling panahon, ikanga baka pagdating ng damo patay na ang kabayo.

Nagpunta doon si DFA Secretary Bert del Rosario malaki ba ang maitutulong non dahil nandon siya personally?

Nagpunta siya roon at iniwan nya ang isa sa kanyang mga undersecretary para personal na tutukan ang mag kaganapan doon. Malaking bagay yon dahil pinapakita non kung gaano kahalaga ang mga OFWs sa punto de vista ng ating pamahalaan. At sana maramdaman yon sa iba pang pamamaraan gaya nga ng nasabi ko tulad nang pagtitiyak na ni isa walang maiiwan sa bansang malapit nang magkagulo at magkaroon gn rebolusyon. Pero hindi daw nila mapipilit yung mga ayaw umalis?

Hindi sa question ng pagpilit pero dapat may mekanismo kung saan yung mga nais umalis at lumikas ay pede at alam nila kung ano ang gagawin. Mahalag ding magbigay ng up-to-date at regular informatino ang DFA para sa lokasyon, kaligtasan at sitwasyon ng ating mga kababayan doon sa punto de vista naman ng kanialng mga mahal sa buhay na naiwan dito, medyo kulang pa yung mga impormasyong nakakaratign sa kanila at mas maski na sinong may kamag-anak dito huwag natin silang pinatasang mag-alala sa kanialng mga mahay sa buhay na nandoon sa lugar kung saan tila napakalala ang kaguluhan at kakaunti ang impormasyon na nakakalabas kung kamusta ba talaga ang kanialng sitwasyon sa ngayon.

Kailangan pa ba ng supplemental budget, may proposal na additional P750 million supplemental budget?

Kung P750 (million) lamang yan gaya nga nang nasabi ko merong enough budgetary space ang administrasyon para mag-allocate ng ganyang uri ng pera sa purpose na ito. Hindi na kinakailangang hintayin pang pumasa sa Kongreso at sana huwag namang ipasa sa Kongreso yan dahil pede at kaya nilang gawin yan maski ng ngayon.

Kumbinsido kayo sa sinabi ni Sen. Zubiri na "too littile too late" ang aksyon ng gobyerno?

Hindi kasi na-foresee at naproject na mangyayari ito sa ibat-ibang parte ng Middle East at Africa, kung nalaman natin yon eh di sana last year pa lamang pinagdebatehan na at nag-allocate na ng malaking pondo para dito. Siguro kahit ang mga manunulat at mga political analysts walang mag-aakalang mangyayari ito nang sunod-sunod, sa Egypt, sa Bahrain, sa Tunisia, sa ngayon sa Libya at hindi natin alam kung saang banasa pa ito masusundan, pero imbes na magreklamo at mamintas sana magtulungan muna tayo sa puntong ito alang-alang sa ating mga OFWs.

Kung saka-sakali saan kukunin ang P750 million?

Ang luwag, in nay budget, ibat-ibang klase ang budget eh, una yung prinopose ng agency, pangalawa yung nilabas ng DBM, pangatlo yung naaprubahan ng Kongreso at pang-apat yung talagang gagawin ng administrasyon. Kasi hindi ba may power to realign yung Pangulo, from within his agency, very much like the House, the Senate and the Supreme Court. So he can easily realign funds for this purpose lalo na P750 (million) lamang ang pinag-uusapan natin, kayang-kaya.

Pagrepatriation OWWA fund ba ang gagamitin?

Not necessarily, kahit i-charge mo sa social fund ng Presidente yan technically pwede.

Pero ngayon ang hinihingi pa ng gobyerno ngayon ang tulong mula sa IOM, International organization for Migration.

Magandang humingi ng tulong sa ibat-ibang ahensiya pero ngayon naniniwala ako may sufficient budgetary space tayo at ang DBM para mag-allocate ng ganyang pera.

Parang nalate daw yung repatriation ng mga OFW natin compare sa ibang bansa?

Ang problema isa tayo sa may pinakamarami kasi. The problem is number one we have more peopel there compare to other countries, number two dahil sa kapabayaan ng mag nagdaang administrasyon hindi lamang yung immediate past, we don't have the exact data ilan ba talaga at nasaan sila. In fact that's a common in all countries of the world, hindi ba sa tuwing nagkakaproblema ang tanong ilan ba yung mga Filipino dyan, ang sagot palagi ito ang mga documented, ang estimate naming undocumented ay ito, so hindi ko maintindihan bakit may estimate sila. Ibig sabihin somehow somewhere they can get the information pero nasaan.

Sa Libya daw walang undocumented?

Sa tinginko imposible eh kasi wala namang paraan ng pagrehistro. At dahil nga hindi antin napaparamdam madalas sa mga OFWs natin yung tulong ng gobyerno wala rin naman sa interest nila na magparecord, hindi katulad sa ibang bansa, sa Amerika yung mga mayayamang bansa, napapa-record talaga yung mga national nila dito kasi may semblance of protection yung embahada nila para sa mga nationals nila na nandito, kahit nga si Daniel Smith maliwanag na may ginawang krimen ah, talagang right or wrong talaagng prinotektahan nila. Nakakabuwisit yong sa parte ng mga Filipino at ng Pilipinas pero sa parte nila nakakainggit yon na sana ay ganoon din ang ginagawa nila sa mga nationals natin. Right or wrong, Filipino yan nasa ibang bansa kampihan naman natin hindi yung pagnaringi nating kapag-droga huwag na kahit Filipino yan. Filipino yan na nasa ibang bansa dapat magpakita tayo ng suporta at tulong sa kanila.

Sabi nyo walang itira maski isa na OFW, buogn Libya ba ganoon na katindi ang gulo?

Ang Libya kasi mayroong 81 tribes na sinubukan lang pagbati-batiin sa ilalim ng iron fist ni Gadhafi, pag yan sumabog ay yung hold nyan nawawala na, magkakanya-kanya yan and you're talking 81 tribes na ibat-iba ang kultura at paniniwala, ibat-iba ang tinatawan na Diyos. Yon ang nakakatakot na sitwasyon sa Libya ngayon, pero nakapasok pa yata si acting DFA Secretary del Rosario sa Tripoli, umalis nag din yata. Pero ang importante may mechanism, yung gustong umalis may paraan, hindi yung nagtatanong nasaan, ano ang gagawin namin saan kami pupunta kung gusto naming umalis. Hindi yung may kamag-anak sila dito hindi nila alam kung nasaan. Again information is key.

Yung iba umaasa na lang kugn nao ang gagawin ng employer?

Hindi nga pede dapat mayroong facility ang Pilipinas mismo, ang embahada mismo at department mismo para sa kanila, at kung paano mapaparating ang impormasyon i-announce dito may contact naman yung mga kamag-anak nila dito, they can utilize that connection, ipagbigay alam dito na may facility dito, iipunin namin kayo, bus yan may usapan kami sa pamahalan ni Gadhafi na ito ang way para makaalis, pedeng i-announce yan sa media, pedeng ipagbigay-alam yan sa mga kamag-anak para sial na yung magtext at tumawag doon, kasi mahirap isa-isahin yan talaga.

Sabi ni Secretary Baldos obligasyon naman talaga yan ng mag employer na sila ang maglikas?

Hindi nga ito ang panahon para magturuan at magsisihan ang importante ngayon obligasyon man ng employer, ng gobyerno ang importanet malikas sila doon. Magturuan at magsisihan sila at magre-imburse na lang sila pagkatapos pero sa ngayon ang mas importante since time is of the essence the government should provide for that mechanism.

So magtulungan na lang sa ngayon?

Magpintasan na tayo pagkatapos kung saka-sakali, huwag ngayon, hindi tamang magturuan ngayon.

Yung pag-replace kay dating DFA Secretary Romulo wrong timing ba kasi sunod-sunod ang mga nangyayari like yung sa Taiwan...

Again nobody foresaw that this would happen almost simultaneously at sequentially in the Middle east and Africa, hindi ba woul have thought na magsusunod-sunod at ang problema natin sa ngayon hindi natin alam kung saan ang susunod na puputok na ganito, so lesson learned backtrack pwede ba istriktuhan na natin ang pagdeploy, na talagang alam natin dapat kung nasaan at may contact tayo doon sa tao para kung may ganitong problema walangmaiiwang Filipino roon at hindi natin alam na mayroon pala. Again it's a difficult concept, kung sa tingin mo may sasalba sa yo. Our national should feel that.

Dapat mabigyan ng mga trabaho sila dito

Inatasan na yata ang TESDA na magbigay ng additional training at maghanap ng lugar na pedeng i-deploy ang problema doon hindi ganong kabilis yon.

On oil price increase

Ang suplay nz nanggagaling mula sa region na yan na apektado sa ngayon at humigit-kumulang 5% ng world oil demand, in fact mas malaki pa yung dumadaan sa Somalia na subject sa hijacking na 15% humigit-kumulang ng total world supply ng oil. Ang problema mo kahit isang porsiyento, dalawang porsiyento lang yan ganon kasensitibo yung merkado na palaging magre-react. Matagl ko ng reklamo yan, barker lang ang DOE pagdating sa oil deregulation law, sila yung taga announce na tataas, bababa at yung President palaging nakikiusap lang na baka pede huwag, baka pedeng hindi. So matagal ko nang sinusulong ang amendments ng oil deregulatino law na bigyan ng, imbes na emergency powers nga na temporary, na kakalimutan mo yung CoA, kakalimutan mo yung basic regulations na bidding tulad nang nangyari noon, mas maganda siguro amyendahan na lang natin ang oil deregulation law, that when the national interest or national security requires na may mga ilang bagay na pede silang gawin para makontrol ang presyo o hindi man para mag-set up ng strategic deposit. Ang ibang bansa kasi may ganoon, mayroon silang strategic oil deposit in case of national emergencies, halimbawa ang Amerika may ganoon. Naalala nyo yung tumaasa ang presyo naging isyu sa Kongreso magrerelease ba sila ng oil mula sa strategic reserve nial para ibaha sa merkado para bumaba ang presyo habang mataas yun presyo sa world market. Dapat pag-aralan na rin natin na magkaroon tayo ng ganon na strategic oil reserve, iba to sa oil price stabilization fund. Option din yon ang problema mo unti-unti mong iipunin ang perang yon. Ito pede silang mag-identify parang sa bigas ng strategic national reserve na iniipon lang yon for national security concerns.

So amendments lang hindi repeal?

Hindi repeal, amendments ng oil deregulation law kasi you cannot change the rule of the game in the middle of the game.

So magiging deregulated pa rin yung pil price?

Daregulated siya pero in certain situations and eventualities pedeng maging regulated, hindi yung kamukha ng emergency powers na hangagng nagyon lang may life span pagkatapos ng krsis wala na, eh kalian pa ulit ang krisis pagmagkaroon ulit magpapasa uli kami ng batas. Sana mas straightforward amendments to the oil deregulation law whenever certain benchmarks, certain guideposts are achieved pedeng makialam ang gobyerno. (so magiging regulated?) In a way, o semi-deregulated man lang.

So magpa-file kayo ng ganoong...?

Meron na kaming nai-file noon pa, again in lieu of emergency powers, takot lang kasi ako mayroon na akong phobia sa emergency powers, lahat kasing emergency powers na ibinigay natin sa sinuamng administrayon naabuso and we have ended up paying more for it.

Pede bang abusuhin ni P-Noy yon?

Hindi question ang pag-abuso kaya tinatanong ko doon sa gustong magbiagy ng emergency powers ano bang gusto nyong ibigay na power, anon power ang kailangan, ano bang power ang kailangan? Sabi nila para magrelease ng pondo kaagad, he can do that now without any emergency powers.

Should the President talk to oil companies now para...

Puro pakiusap na lang pero I think the DOE is doing that already, I got in touched with Sec. Almendras over the weekend they are doing that already as we speak.

News Latest News Feed