Press Release
March 6, 2011

TRANSCRIPT OF RADIO INTERVIEW WITH SEN. DRILON
Radio dzBB with Nimfa Ravelo

Q: Dun sa imbestigasyon ng Senado pinuna na ninyo yung hindi pagbabayad ng buwis ng mga nakita nyo palang limpak-limpak na pera pero wala rin silang kasong kahit ano--si Gen. Ligot. May forfeiture case pero walang plunder case, tax evasion case pati yung kanyang bayaw at asawa... parang andami nang kalokohan pero walang kaso. Sino ang dapat humabol sa kanila at this point?

DRILON: Sa tax evasion maliwanag sa akin dapat magsampa ng kaso ang BIR sa Department of Justice at sa pagkaalam ko, unang una kay Gen. Garcia, meron nang resolution recommending the filing of criminal case laban kay Carlos Garcia. Doon naman kay Ligot ay tinitignan ng BIR at mga papeles at accounts na manggagaling sa Anti-Money Laundering Council na hinarap ko sa Senado at ito ang magiging basehan ng pagsasampa ng kaso laban kay Gen. Ligot, Edgardo Yambao at siguro kay Mrs. Ligot.

Q: Yung sa tax evasion, nakausap nyo na ba si Comm. Henares?

DRILON: Pagkatapos ng hearing kinausap ko si Comm. Henares at sinabi ko sa kanya ay sana pag aralan nyo na ito. Nangako naman na kanilang pag aaralan nang husto at gagawin ang lahat ng paraan para naman mabigyan ng katarungan ang ating bansa. Itong mga taong ito limpak limpak ang salaping dumaan sa kanila pero wala naman silang binayad ni isang sentimong income tax.

Q: Ine-expect nyo siguro within the week meron pong deadline?

DRILON: Wala naman. Si Comm. Henares matino po yan. Pinag aaralan nya nang husto. May tiwala po ako na pag makita nya ang dokumento at kanyang pagbabasehan sa pagsampa ng kaso.

Q: Di kailangan maghintay ng BIR sa committee report ng Senado para sila ay kumilos?

DRILON: Di kailangan. Sila ay may sariling personalidad. Available naman sa kanila ang mga dokumento na pwede nilang pagbasehan ng anumang aksyon na pwede nilang gawin.

Q: Kay Gen. Ligot, ang tagal nyo nang pinupukpok ang Ombudsman na kasuhan sya ng plunder. Supposedly magrereport sa inyo ang special prosecutors tungkol sa update sa aksyon nila kay Gen. Ligot peo hindi dumating ang chief prosecutor nung hearing noong Thursday.

DRILON: Unang una yung mga dokumento kay Gen. Ligot na nanggaling sa AMLC ay binigay sa Ombudsman, ayon sa AMLC, noong 2008 pa. Ibig sabihin 3 taon na ang nakakaraan. Hindi ko pa alam kung bakit hindi pa sinasampahan ng kaso ngunit hindi na ako nagugulat diyan sa aksyon ng Ombudsman dahilan sa marami talagang frustrations ang taumbayan sa opisina nila. Pangalawa, yung pinangako ni Wendell Sulit yun po ay tungkol sa plea bargaining. Sinabi nya nung 2 linggo na ang nakakaraan na pagdating ng Huwebes, Marso 3, ay kanyang sasabihin kung ano ba ang kanilang desisyon tungkol sa plea bargaining agreement, na sabi nila ine-examine pa nila ang ebidensya na nailabas ng Senado 6 na linggo na ang nakakaraan. Nangako sila na pagdating ng Marso 3 ay sasabihin sa amin kung ano ang kanilang pasya sa plea bargaining agreement, pero hindi naman sumipot nung Huwebes at with arrogance yung kanyang mga prosecutors na sinasabi 'basta pinag aaralan pa namin' bahala kayo sa buhay nyo.

Q: Ano ang next step ng Blue Ribbon committee, ninyo po?

DRILON: Hindi ko po alam pero sa akin, sapat na ang nalikom na ebidensya para magkaroon ng report. Yan po ay sa aking tingin siguro isang hearing na lang para pakinggan natin kung ano ang mga reporma na nagawa nila Gen. Abaya, Abu nung sila ay nakaupo para di na maulit ang mga nangyari. Kung magkaroon ng isa pang hearing doon dapat ang concentration.

Q: Yung hearing naging malaki ang concentration doon sa issues laban kina Gens. Ligot at Garcia until nung Thursday tinanong nyo si dating chief of staff Roy Cimatu na nagkandagulo gulo sa pagharap nyo ng dokumento.

DRILON: Sinasabi nyang hindi nya alam, yan ay lupain ng kanyang maybahay at hindi nakapangalan sa kanila, nakakagulat yan dahil ang dokumento nagpapakita na noong Agosto 2010 ay nagkaroon ng mortgage. Isinangla ang loteng iyon, P24 million loan. Pumirma si Gen. Cimatu doon, hindi pwedeng hindi siya pumirma dahil sa pangalan nya at kanyang maybahay sa isa sa mga titulo ay pinirmahan nya yung mortgage. Sa akin po hindi po totoo ang kanyang sinabi na hindi nya alam.

Q: So may ground na rin po ang Ombudsman para imbestigahan si Gen. Cimatu?

DRILON: May ground po ngunit hindi ko alam kung yan ay gagawin ng Ombudsman. Hindi nap o ako umaasa doon.

Q: Pero yan po ay maaaring makasama sa inyong committee report, yung recommendation na siya ay imbestigahan at kasuhan?

DRILON: Hindi ko masabi yan. Nasa chairman namin yan how the report will be shaped.

Q: Sir hihindi na rin po ako sa inyo ng statement sa choice ng Pangulo kay Gen. Oban. Kilala nyo po ba si Gen. Oban sir?

DRILON: Na-meet ko siya once or twice as vice chief of staff. Matino po yan at magaling. Mabuti naman at hindi yung revolving chair na sinasabi. Kung hindi ako nagkakamali mahigit isang taon si Gen. Oban na magiging chief of staff. Siya po ay magkakaroon ng pagkakataon na ayusin on a long-term basis... reporma diyan sa Armed Forces.

Q: Tungkol sa impeachment proceedings against Ombudsman Gutierrez, malamang daw po na umakyat sa Senado. Siyempre kayo ang magiging judges, impeachment court. Preparado ba ang Senado na mag impeachment trial?

DRILON: Handa po ang Senado diyan dahilan sa kami po ay dumaan na diyan sa impeachment nung year 2000 kay dating Pangulong Joseph Estrada. Yung rules of impeachment ay nakahanda na, yung mga technical staff namin na humawak ng impeachment nung 1999-2000 ay nandiyan pa rin hanggang ngayon. Sa akin po ay handa kami sa Senado para maging senator-judges pagdating ng panahon.

Q: Ang mga senador mismo handa rin po kaya? Sabi ni Sen. Santiago dapat ang mga senador aral din sa rules on procedure, evidence.

DRILON: Well at least yung mga abogadong senador sigurado akong nakahanda yan. Madami naman kaming abugadong senador diyan. Yung iba through experience, sa palagay ko naman pamilyar na sial sa rules of evidence lalo na rin yung dating humarap sa committee hearings sa Senado, except for the new ones like Senator Trillanes who really has to brush up a bit on this.

News Latest News Feed