Press Release
May 23, 2011

Transcript of interview with the Senate media

On Leviste's case, lax daw ang security sa NBP

Isang bagay na iniimbistigahan ng DOJ at kung may senador na maghahain ng resolusyon titingnan din namin sa committee on justice and human rights kasi para sa akin hindi pedeng magkaroon ng ganoong kalakas ng loob yung jailguard nya na payagan siyang makalabas don sa reservation kung walang pahintulot ng mas mataas na opisyal. Ang tanong lamang ay kung hanggang kailan Gen. Diokno yung pahintulot na yon, pero tiyak hindi lamang yung jailguard ang kasabwat at may mas mataas na opisyal na nagbigay ng pahintulot para magawa nya yon.

Pero satisfy ba kayo sa pag leave of absence ni Diokno?

Tama lang na magleave of absence siya sa puntong ito habang isinasagawa ng DOJ ang imbestigasyon at hanggat wala kaming nakikitang mali sa imbestigasyon ng DOJ, hanggat maari ay hindi ko rin nais na pasukan sa pamamagitan ng imbestigasyon din ng senado, maliban na lang kung may maghahain ng resolusyon gaya ng sinabi na senador kaugnay nito dahil para sa akin kung inimbistigahan naman at ginagawa ng ahensiya ng gobyerno ang kanilang trabaho wala namang reklamo sa imbestigasyon at sapat naman, di na dapat ito panghimasukan at pakialaman ng senado.

Resignation is a voluntary act, hindi pedeng puwersahin yan , kung pinuwersa mo hindi na resignatin ang tawag dyan pero hindi maikakaila isang bagay ito na hindi pedeng i-ignore, isang bagay ito n dapat bigayn ng pansin dahil malamang sa malamang hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito at hindi rin lamang kay Leviste nagagawa ito.

Kung command responsibility ano ang liability ni Diokno?

Walang command responsibility na pedeng pagbasehan ng pagsampa ng kaso, administrative man o criminal. Bagong konsepto pa laamng yon sa batas na pinapasok ngayon ng senado at ng kongreso pero kung mapapatunayan na may kinalaman o nagbigay siya ng pahibtulot maaaring masampahan ng kaso na infidelity in the custody of prisoners o kung hindi mana masasampahan din ng kaso si Ginoong Leviste ng evasion of service of sentence.

Akala daw ni Leviste part na siya ng BuCor family kaya nakakalabas-pasok siya

Alam mo ang malungkto sa Bureau of Corrections at sa ibat-ibang jail facilities natin karamhina ng nakakulogn ay mahirap dahil hindi nila kayang magbayad ngabogadong magaling na kaya silang iabsuwelto. Yung kakaunting mayamang nakakulong ay karamihan ay living out o parang hindi sila nakakulong din. Lumalabas tuloy na tila ang atign penal at jail system para lamang sa mahihirap dahil palaging lamang at lyamado ang mayayaman. So hindi rason yon na all this time ginagawa na?

Kahit na 20 taon na nilang ginagawa yan mas matagal nang nakaukit at nakasulat sa batas na bawal yon and practice cannot be considered as having the power to amend any provision of the law that prohibits what happened and what he did.

So may kasong haharapin si Leviste?

Meron at nagsalita na rin yata si Sec. De Lima na balak nialng sampahan ng kaso dahil bumabagsak at papataw yan sa evasion of service of sentence sa ilaim ng Revised Penal Code.

So posibleng hindi na siya makalaya?

Hindi namang ganong kataas ang parusa, I think percentage kung hindi ako nagkakamalai, percentage ng naunang parusa sa kanya ang idadagdag kung mapapatunayang liable siya sa evasion of service of sentence. Darating pa rin siyempre ang panahon na silang lahat ay lalaya matapso nilang ma-served yugn sentence o sentensiya ng korte.

Kung wala pa sa batas natin yung command responsibility so ano na lang yugn tinitingnan dito kung mayroon siyang direct knowledge?

Kung mayroon siyang direct knowledge, culpability or participation doon sa bagay na yon, ngayon yung command responsibility papasok an yon sa discretion ng Presidente. Kung sa tingin at palagay niya hindi naman alam at wala namang kinalaman, dapat inalam at may kinalaman siya sa lahat ng nagyayari sa Bureau of Corrections ikukunsidera ng Panuglo yon sa pagpapasiya at desisyon kung papanatilihin pa siya sa position o hindi dahil position of confidenec ang pinanghahawakan ni Gen. Diokno at awlang fix term ito.

Simpleng negligence lang pedeng ipataw sa kanya?

Agian co-reminus naman siya so imbes na patawan ng parusa siguro titimbangin ng Pangulo sapat ba itong dahilan para tanggalin siya o hindi. Yung kaso para sa akin secondary na lamang sa pangunahing pagpapasya ng pangulo kugn siya ay pananatilihin doon sa puwesto o hindi.

Kung kayo ang tatanungin?

Aantabayanin namin ang resulta ng imbestigasyon dahil hindi rin naman ganyan katagal sa puwesto si Gen. Diokno, maaaring may mga ibang bagay pa siya na inaalam pa lamang at nais ko ring malaman mula sa imbestigasyon gn DOJ meron nga ba siyang pagkakaalam dito sa nagap na ito dahil sagot niya sa unang interview pinagsabihan na raw niya ang kanayng sinabi, pinagsabihan na nya raw na huwag nyong gawin yan dahil baka mahuli kayo, ibig sabihin nyan may alam siya alaman niyang ginagawa yon pero baka lang sila nagkaintindihanng nagtanong at nong sinasagot nya yung tanong so maganda sa imbestigasyon malaman, alam ba niya o hindi, pinayagan ba niya o hindi, pinagsabihan lang ba niya pero malabot ang kanyang pagkakasabi at tumitingin na lamang sila sa kabilang banda habang ginagawa yon sa harap ng ialng guwardiya, magandang malaman ang mga bagay at puntong yan.

Ano yung eksaktong violation committed by Diokno?

Yung evasion kay Ginoong Leviste yon, evasion of service of sentence, iniwasan na yung pagserve nya ng sentensiya, pero yung sa kanya (Diokno) infidelity in the custody kung saka-sakali of prisoners .

Dapat bang bigatan pa ang parusa sa pagbibigay ng VIP treatment?

Wala namang batas na nagsasabing krimen kapag ka binigyan nila ng VIP treatment ang isang detinado sa kanialng facility. Pero sang-ayon sa mga regulasyon ila dapat naman talaga pantay at parehas, administratively kung saka-sakali, meron silang kaso at liability dahil may pinapaboran sila, partikular ang pinakamalapit siguro ay Section 3 E ng anti-graft law, giving undue advantage sa partikular na detainee compared to other detainees, that would be a criminal violation of the anti-graft law.

Yung status ng Senate Bill 2542 ni Sen. Bong Revilla ano ang status nito, yung infidelity in the custody of prisoners

Panibagong penalty yan kung saka-sakali, hindi yan heavier penalties lamang kaya pinag-aaralan pa ng komite subalit sa ngayon wala pa naman sa ilalim ng batas na nagpapataw ng parusa pagbinigyan mo gn special treatment ikanga unless it is consiedred a violation of Section 3 E of the the anti-graft law or Republic Act 3019.

Sir it's about time to penalize giving special treatment because it's been happening for a long time?

We will consider it pero para sa akin by regulatino pede kasing gawin yon eh, pede namang gawin ng Presidenet iutos ng secretary ng DOJ na gawing patas at parehas ang treatment at tanggalin o administratively kasuhan, o criminally kasuhan ng violation ng ant-gratf law, para sa akin hindi na kailangang dumaan sa mahabang proseso ng batas, on their own they can actually do it already.

May backlash ba sa Presidente if he keeps Diokno?

Sa pananaw at palagay ko palaging mayroon, anumang pasya ng Pangulo, anuman ang gawin niya o hindi niya gawin, anuman ang saibhin nya o hindi nya sabihin, palaging may opinyon, pabor o kontra ang ating mga kababayan, at kabilang yon sa tinitimbang nila kung patuloy silang papabor o pumapabor sa administrasyon niya o hindi, pero babalik pa rin ako sa dati, sana agwin ng mga cabinet memebrs ang kanilang trabaho dahil nakakapagtaka bakit tumataas ang rating ng mga cabinet members niya pero ang rating ng pangulo bumababa. Ibig sabihin sinasalo parati ng pangulo ang kanialng kapalpakan at kapagka maganda ang nagawa madalas hindi siguro nabibigay sa pangulo ang kredito dahil magansa sanang makita sa isang pamilya sa gobyerno kung tumataas ang pangulo tumataas ang mga cabinet members, kung tumataas ang rating ng cabinet memebrs tumataas din ang pangulo. Hindi naman siguro tama at magandang tingnan na bumaba yung pangulo samantalang ang iba ay tumataas nang tumataas.

Hindi ba yan yung gustong ipasa ni PNoy kay Mar Roxas, pagiging shock absorber?

Wala pa namang official na administrative o executive order kaugnay sa puwesto at function ni dating Sen. Roxas siguro antabayanan na lang natin para makita natin ang eksaktong scope ng kanyang magiging trabaho, pero para sa akin anuman yon sana magdulot ng pagkakaisa sa loob ng palasyo imbes na madagdagan pa yung hindi pagkakaintindihan diumano sa loob.

Including yung relasyon nila ni Binay?

Pinaboran na rin naman ni Vice President Binay yung kanyang appointment sa kanyang statement na pinalabas na malaki daw ang maitutulong ni Sen. Roxas sa administrasyon ni Pangulong Aquino.

Ano pa yung pedeng gawin ni Mar Roxas na hindi kayang gawin ng executive secretary?

Hindi para sa akin na desisyunan yan, sa ilalim ng administrative code mayroong continuing authority ang pangulo ireorganize ang kanyang opisina at executive branch, kung sa kanayng pananaw kinakailangan yon hindi para sa akin na kuwestiyunin yon sa ngayon, basta ang motibo at ang pangunahing interes na isinusulong ay kapakanan ng mga kababayan natin at mas efficient na gobyerno at hindi bayad-utang lamang sa mga nagdaang pagtulong o relasyon.

Bayad-utang nga ba sir?

Hindi ko nga alam.

Yung organization ng mga cluster wala doon yung presidential chief of staff?

Kasi nogn ginawa yon ang alam ko matagal nang pending ang executive order na yon dahil nong ginawa at nilikha ang executive order na yon hindi pa naman naaanunsiyo, hindi pa siguro napagpapasyahan ng pangulo yung pagcreate ng posisyon ng chief of staff, hanggang ngayon pa rin naman wala pa rin. So from the point of view of time hindi naman pedeng malagay yon don eh dahil wala pa naman yung puwestong yon nong pinasa at nong na-craft yung EO.

Sir on the intrusion of foreign aircraft sa Spratly ano pa ba ang dapat gawin apart from diplomacy

For sure diplomacy should be the first option, ang huli mong guston gawin ay maglagay ng mga kanyon don at baka tamaan mo pa yung eroplano at mas malaking gulo ang mapapasukan natin kugn mangyayari yan. First option in any misunderstanding should always be diplomacy and that's exactly what the president is doing and undertaking right now. Hindi naman siguro tama na porket may stepping on the line sa teritoryo at boundary natin barilan na agad at away na agad, doplomasya palagia ng unang hakbang at unang option dapat bago ano pang hakbang na mas seryoso.

Sabi this is being done kasi we are seen as a weak country

Yes and no perhaps both economically at militarily pero para sa akin hindi naman solusyon na palakasin mo lamang ang militar mo, isang solusyon din magpalakas tayo bilang isang bansa sa level ng impluwensiya, magpalakas tayo bilang isang bansa sa level ng structure, magpalakas tayo bilang isang bansa sa level ng ekonomiya dahil hindi lamang naman madalas sa madalas na padamihan ng baril ang pinag-uusapan pagdating sa mga usaping tulad nito na tila may nagbu-bully sa atin na mas malaki at mas mayaman at mas makapangyarihang bansa.

On RH ano yung posisyon nyo doon?

I consider that to be an unfair question whenever it is asked kasi ni wala pa naman kaming version na pagbobotohan, paano akong magsasabi ng yes or no sa partikular na bill na hindi ko pa nakikita kung ano ang hugis, hitsura at kulay. But let me say this, apat ang hinahanap ko sa RH bill, una maliwanag at categorical na provision at posisyon kaugnay sa abortion, laban sa abortion. Pangalawa nais ko magign passive lamang ang gobyerno, ibig sabihin nakatayo lamang sa likod ng counter at walang partikular na isinusulong na pamamaraan o method. Pangatlo hindi dapat makialam ang gobyerno pati ang Simbahan sa anuamng nagaganap sa loob ng silid gn mag-asawa. It must be based on the right to inform choice. At pang-apat kaugnay ng sex education, anuamng tawag nilang salita o lenguwahe sa batas, dapat hindi mas maaga sa first year high school ipapasok o ituturo ito dahil msyadong maaga ang anuamng grade na mas mababa sa first year high school.

Pagsinabing passive ang gobyerno ano yung gagawin ng gobyerno?

Passive ibig sabihin nakaupo lnag sa likod ng counter, para bang saleslady, iba yung salesman sa saleslady. Yugn saleslady nakaupo sa likod ng counter yung salesman talagang kumakatok sa kada bahay. Gusto ko passive lamang ang gobyerno. Again when you say pushing for RH what exactly is in contained in the bill? Ano ang laman noon?

Para sa akin passive ang gobyerno nasa likod, all methods should be there, they should not push a particular method but whoever approaches them and asks they should be ready, able and willing to entertain and answer all the questions and provide whatever it is they asked for. But they shoudl not cross the line and go out to do it.

Yung RH bill ni Sen. Santiago hindi na daw umabot...

Posibleng hindi umabot dahil ni hindi pa narereport out ng committee yung RH bill at ni hindi pa nasisimulan ang debate at asahan natin matindi at mahaba ang debate kaugnay ng RH bill dahil hindi lamang iisa ang version, hindi lamang isa itong simpleng batas na iisa lamang ang nais sabihin o gawin. Kunyari fix term sa chief of staff. Ang daming laman at ang daming provision ng bill na kahit isang provision don pedeng magtulak sa isang senador na bumoto ng "no" bigla bagaman sinusoportahan nya yung konsepto. Halimbawa kahit na gaano kaganda yung nakalagay sa bill, pagpinapayagan nito ang anumang uri gn abortion palaging "no" ang iboboto ko roon. Titimbangin ng kada senador yung pros at cons, ano yung benepisyong makukuha sa batas kumpara sa mawawala o masasaktan. Kasi hindi lamang ito isang simpleng bill na isang probisyon na isang bagay lamang ang layuning iregulate o isabatas.

Do you think mapapasa ito sa senado?

I give it a fair shot and a fair chance specially given the push being given by the administration to this bill pero hangagng ngayon hindi pa naman siya certified measure.

Pagnaging victorious daw yung RH bill sa Lower House maki-carry over daw sas enado?

Magkaiba palagi ang senado at ang kamara at anuamng nangyayari sa senado hindi automatic na sumusunod ang kamara ganundin siguro sa senado, anuman ang nangyayari o mangyari sa kamara hindi naman automatic na ganoon ang mangyayari sa senado dahil yung make up na lamg ng political parties dito malaki ang pagkakaiba kumpara sa Kamara de Representantes.

Yung sinasabi nyong apat tungkol sa RH dapat lahat sila present o absent nasa bill? Hahanapin ko yung lahat ng yon, at kung siguro hindi lahat ng apat ay nandoon pagpapasyahan ko kung buboto o susuporta pa rin ako o hindi. Gaya nga nang nasabi ko hindi naman ganong kasimple yung bill na "yes" or "no" lang eh, depene esa ilalaman, depende sa mga probisyon don at titimbangin mo. Hindi ko man nakuha yung apat at yung tatlo nandoon supisyente na ba yon para bumoto, siguro tatawirin ko yung tulay na yon pagdating ng panahong yon pero sa ngayon ilalaban at pipilitin kong nandoon ang apat na yon.

Ano yung logic don na mas preference nyo na dapat sa first year high school dapat ituturo yung sex education?

Pagbabasehan ko na lamang yung mga anak ko, papasok pa lamang sial ng nursery at ayokong turuan sila nga mga bagay na yan pag Grade III sila, mali naman yata yon o pag Grade IV, mali pa rin siguro yon, at para mabawas-bawasan na rin yung objection sa RH bill siguro tanggapin natin first year high school ang tamang edad para ituro yan.

On ARMM elections, kasi start na yung filing ng candidacy Against ako sa pagpostpone ng ARMM elections, para sa akin nagkakagulo ang mga Muslim na bansa sa Middle East at sa Africa dahil wala sialng election doon tapos ang sasabihin sa atin ni Secretary Deles at Robredo dito sa Pilipinas magkakagulo pag may election. Eh di sino man ang nais na hindi matulyo ang eleksyon gagawa na lamang ng gulo at ang magigign reaksyon na lamang natin ay ipagpapaliban ang eleksyon. Pangalawa hindi para sa sino man ang sa Luzon, lalo pa kung Katoliko o Kristiyano na diktahan ang mga kababayan natin sa ARMM, anuman ang kanayng puwesto o gaano kataas ito. Sa isang demokrasya walang mali o taman g desisyon. Ang gusto at desisyon lamang ng nakararami ang importante at wala para sa atin na sabihing mali yon kapagka sila ang nagdesisyon o pumili. Pangatlo yung mag reform na gustong ipatupad nila at giangamit na rason para ipostpone ang ARMM elections, lilinisin daw ang voters' list, iimplement daw yung CoA audit report, magkakaroon daw ng audit ng personnel, kakasuhan daw yung mga nagsamantala ng pondo sa ARMMM noon, lahat naman yan pede nilang gawin maski na tumulyo ang eleksyon. Wala akong objection kung isi-synchronize nila ang halalan basta hindi ipopostpone sa darating na Agosto at lalong hindi iaappoint ang kung sino pa man na OIC at kung dumating nga kami sa puntong yon na ipopostpone at mag-aappoint ng OIC nais kong malaman mula kina Secretary Robredo at sa administrasyon sino ba ang iaapppoint nila na ARMM governor, sino ba ang iaapppoint nila na vice governor at mga assemblyman. Siguro naman hindi dapat gawin ng Kongreso na bigyan na lamang ng blank check ang administrasyon kaugnay sa pagpili ng mga magiging opisyal dahil baka mamaya ang mapipili din nila eh mas malala at wala naman kabutihan ding maibibigay kung saka-sakali.

Yung iaappoint din naman sisiguraduhing hindi tatakbo...

Hindi yon ang punto, hindi siguro tatakbo sa 2013 pero ang rason kasi kung bakit na-desynchronize talaga yan ng Kongreso para matutukan. Kapagka synchronize ang election at sabay-sabay, hindi ba ang Comelec iilan lamang sila at madalas nagpapanic sila at sobrang gulo, kaya nga sinadyang ihiwalay ang ARMM electiosn para mas matutukan ng Comelec, mas matutukan ng AFP, mas matutukan ng PNP. Hiling ko rin siguro sa adminsitrasyon din kugn matutulyo ang halalan, sana wala silang iendorsong kandidato para sa kauna-unahang pagkakataon mabigyan talag nang malayang boses at karapatang mamili ng kanilang lider ang mga taga ARMM dahil palagi kugn sinoa ng administration candidate automatic yon ang nananalo, sana sa pagkakataong ito hayaan natin in the true spirit of autonomy yung ating mga kababayang magdesisyon para sa sarili nila doon sa ARMMM dahil kapgaka may inindorsong kandidato ang administrasyon automatic ang impression ang militar kakampi na niya, ang pulsi kakampi na niya. Sana mas malaayng makapamili at mas malayang makatakboa ng sinumang nais na manilbihan sa ARMM sa darating na halalan kung ito ang matutuloy.

Si Tingting Cojuangco kamag-anak tatakbo

As logn as qualified siyang tumakbo may karapaatng siayng gawin yon kasi bagaman magkamag-anak alam naman nating hindi sila nagkakapareho gn opinyon kaugnay na lang dito sa isyu ng postponment dahil sa si Miss Cojuangco ay tutol sa pagpostpone ng halalan kaya nga tumatakbo siya so siguro yung pagigign kamag-anak sa bagay at puntong ito hindi pedeng gamitin laban kay Pangulong Aquino dahil magkaiba sila ng pananaw at opinyon tungkol sa bagay na ito. May iindorse kayo o susuportahan?

Ni hindi ako botante doon hindi akong pedeng bumoto sa sinuamng tatakbo... (Suportahan) Wala akong plano at wala akong balak.

Sa hearing sa Marawi ano ba yung concensus nila?

Wala, ibat-iabng opinyon eh , kinuha lang naman namin lahat. Particularly the line is divided. Yung mga Pos, NGOs ayaw, yung ibang POs at NGOs gusto, pero mas majority ng POs at NGOs gusto ng postponment.

News Latest News Feed