Press Release
May 24, 2011

Transcript of interview on a court ruling ordering the gov't. to pay Piatco

On the Pasay City RTC ruling ordering the government to pay the Philippine International Airport Terminals Co. Inc (Piatco) US$175-million as just compensation for the takeover of NAIA terminal 3

Ito ay bugso na rin ng desisyon ng naunang desisyon ng Korte Suprema na sinasabing kailangang magbayad ng gobyerno ng replacement value or replacement cost subalit hindi pa naman final ang desisyon, sa ngayon sa aking pagkakaalam nag-uusap ang mga kinatawan ng Piatco o mga pumalit sa kumpanyang Piatco at ang pamahalaan para makahanap ng magandang compromise kung saan wala nang ilalabas na pera ang pamahalaan. Halimbawa pwede silang magkasundo ng joint operation nong airport at mula don sa revenues non ang kukuning pambayad. Ayon sa desisyon ng korte at ng Korte Suprema sa Piatco at iba pang mga kumpanyang nagsampa ng kaso laban sa Philippine government.

Hindi ba masyadong malaki yung ibabayad ng government?

Ang problema kasi ang naging desisyon ng Korte Suprema ay replacement cost so kung magkano gumawa ng ganoon din ngayon yon ang dapat ibayad ng pamahalaan, maliban na lang kung maiaapela pa ng gobyerno yung desisyong yon at kung hindi pa final.

May nagsasabi na tragic yung desicion kasi after all the irregularities ang pamahalaan pa ang magbabayad?

Masakit talaga at tragic talaga kung saka-sakali subalit sa kadulo-duluhan sang-ayon man tayo o hindi sa mga nagiging desisyon ng Korte Suprema wala tayong opsyong mamili kung ano ang susundin, alin ang hindi susundin dahil ang kapalit noon ay anarkiya, halimabawa tuwing may desisyon ang korte na hindi tayo sang-ayon tapos hindi natin susundin sino ang pedeng magsabi kung alin ang dapat maging tama at mali. Sang-ayon sa Saligang Batas ang Korte Suprema ang my final say sa lahat ng bagay kaugnay ng mga kasong dinudulog sa kanila sang-ayon man tayo o hindi. Ikanga you win some you lose some pero anuman ang desisyon dapat panaigin pa rin natin yung tinatawag nating rule of law.

But the government can still appeal?

The government can appeal the decision of the RTC or question it before the higher court or as I've said pede silang pumasok sa isang compromise agreement kung saan mutually acceptable sa kanilang dalawa yung magiging out of court settlement.

News Latest News Feed