Press Release
June 7, 2011

Transcript of interview at the session hall

On the appointment of former senator Mar Roxas as DOTC secretary

Binabati ko siya at I wish him well sa kananag bagong puwesto, tiyak ko na kaya niya ang puwestong yan, tulad na rin naman nang sinabi ko nong nakaraan na kayang niyang gampanan ang tungkulin bilang DOTC secretary dahil sa kanyang karanasan.

May inindorso ba kayo?

Wala akong inindorso maski na isang Cabinet secretary sa gabinete ni Pangulong Aquino.

Victory daw yon...

Tagumpay siguro ito para kay Pangulong Aquino dahil may naresolbahan siya kung saka-sakaling dalawang problema, problema kaugnay sa nabakanteng puwesto sa DOTC at problema rin kaugnay sa napipintong pagpasok ni Senadro Roxas sa gabinete, nagbukas yung pagkakataon para makapagpasiya.

(Question inaudible) Hindi ko alam wala ako don nong nag-usap sila at nong inalok sa kanyang yung puwesto.

Win-win solution ba ito?

Sa palagay ko oo dahil mayroong bakanteng na-create na nagulat ang Pangulo na hindi niya inaakala, at kasabay non naghahanap din naman sila ng puwestong paglalagyan kay Senador Roxas makalipas ang one-year ban, so I guess two birds in one stone ang kanialng naresolbahan sa pasyang ito ng Pangulo.

And the power play stops?

Hindi ko alam, sa loob ng Palasyo yon at bihira ang magpunta sa Palasyo.

(Question inaudible) Siguro dala ng pgakakataon yan, marami naman sigurong mga bagay na dala ng pagkakataon lamang na hindi sinasadya pero ginuhit na siguro at nakasulat sa tadhana.

So yung chief of staff?

Ayon sa Pangulo don na daw muna si Senador Roxas at tutulong naman daw siya sa economic cluster ng pamahalaan bilang DOTC secretary.

Burden daw kung saan talaga ilalagay si Sen. Mar?

Hindi naman sa burden, pero kasama yon sa matagal nang hinahanap at ginagawa ng paraan ng Palasyo, hindi naman kaila yon sa lahat nitong nagdaang mga linggo.

Sa CA?

Nasa kanya ang boto ko sa CA, hindi ko man naibigay yon nong nakaraan kaugnay ng ibang puwesto, nasa kanya ang suporta ko sa CA.

On the passage of the bill postponing the ARMM elections... Tulad nang nabanggit ko kahapon na napakinggan at nakuha ang boses at boto ng mga senador pero ang kapalit nito ang boses at boto ng ating mga kababayan sa ARMM para piliin ang kanilang mga lider doon sa lugar na yon mismo. Sana kung sino mana ng itatalaga ng Pangulo will not disappoint, sana kugn sino man ang itatalaga ng Pangulo tunay na magdadala ng tunay na reporma sa ARMM na matagal naman na talagang hinahanap ng ating mga kababayan doon.

And they get the bonus the OICs would be able to run...

Actually unconstitutional naman talaga yon kaya lamang sana kumuha ng undertaking sa mga iaappoint para naman hindi sila makalamang kaugnay sa kanialng pag-aappoint bialng OICs sa darating na halalan sa 2013.

News Latest News Feed