Press Release
June 9, 2011

Transcript of interview of Sen. Chiz Escudero
with Mr. Joe Taruc of DZRH's Damdaming Bayan

TARUC: Sen. Chiz Escudero, Good Morning.

ESCUDERO: Magandang umaga din. Sa mga televiewers, Good Morning.

TARUC: Medyo ibukas nga natin ang ating pag-uusap ukol dito sa mga pagtutol ng ilang sektor dito po sa nomination ni Justice Conchita Carpio Morales sa Ombudsman.

ESCUDERO: May karapatan ang kahit sino dahil pinublish namin yan sa dyaryo na magbigay ng komentaryo pabor o kontra man sa sino mang nominado o nag-apply. Sa kaso ni Justice Carpio-Morales, nominado siya at tinanggap niya ang nominasyon. Tulad ng ibang mga puna o papuri, ikokonsidera yan ng JBC.

TARUC: Regardless kung sino ang gumagawa ng pagharang o pagpuna, ano ho?

ESCUDERO: Regardless, pero ang nabasa ko sa telebisyon ay hinaharang. Hindi ho tama yun. Walang sino man ang pwedeng magharang ng aplikasyon o nominasyon, meron lang pwedeng magbigay ng pagtutol, pagbigay ng kritisismo at ino-note namin yan sa JBC.

TARUC: And just the same ay dadaan yun sa proseso sa loob ng JBC.

ESCUDERO: Opo, nasa stage at yugto na tayo kung saan pinublish na yung mga pangalan at kinakalat namin ang mga opinyon kabilang na yung inihain ni dating Pangulong Arroyo kahapon at dating Justice Secretary Raul Gonzales laban din kay Atty. Frank Chavez.

TARUC: Kelan po magsisimula ang interview sa mga nominees? ESCUDERO: Sa June 15, kung hindi ako nagkakamali Manong Joe. May limang araw na sinet para interviewhin yung 27 aplikante at nominado.

TARUC: Kokomprontahin po ba itong mga nominees kaugnay ng mga pagtutol na iniharap laban sa kanila?

ESCUDERO: Well desisyon po yan ng mag-iinterview miyembro ng JBC. Pero para sa akin dapat bigyan ng pagkakataon ang mga nominado at aplikante na sagutin. Halimbawa yung kay Pangulong Arroyo, dapat ibato ito kay Justice Morales para mabigyan siya ng chance na masagot at mapigilan. Alalahanin natin Manong Joe, bias ang isang tao kapag pinapaboran at kinakampihan niya ang kaibigan niya, pero bias din ang isang tao kapag meron siyang sadyang hindi pinapaboran. Sa pananaw ko valid yung concern ni dating Pangulong Arroyo na dapat palabasin at tanungin kay Justice Morales.

TARUC: Yun po bang mga naghayag ng pagtutol sa ilang nominees, ito ba ay obligado na ipatawag sa pagdinig ng JBC?

ESCUDERO: Hindi po. Hindi katulad ng Commission on Appointments Manong Joe. Hindi sila ipapatawag, noted lamang dahil ayaw din naman po namin na komprontasyon ba, yung ihaharap sila at ipaghaharap dahil ito'y mga posisyon sa hudikatura, judiciary ayaw naman natin na mapahiya, mabahiran o kung wala naman basehan ay malagay sa masamang lugar.

TARUC: Pero just the same, pakikinggan ng JBC kung ano ang katwiran sa naturang akusasyon?

ESCUDERO: Sa pamamagitan lamang ng liham Manong Joe, liham, email, kung gusto nila video message.

TARUC: Then pakikinggan ninyo yung sagot ng nominees. Ano ho to, closed door ho ba o open to media ang pag-innterview ng JBC?

ESCUDERO: Yung interview po ay open to the public pero bawal po ang pag cover live sa loob o pagvideo. Pero kahit sino na mamahayag maski na sinong broadcaster, maski sino na media malayang umupo doon at hindi mag-interfere, hindi mag interview at hindi irerecord ang interview. Gaya nang sinabi ko, maging justice, judge o ombudsman yan, ayaw naman nating mapahiya sila o mabahiran sila ng anuman.

TARUC: Ang aming napuna Mr. Senator ay sa lahat ng nominees maraming opposition dito kay Assoc. Justice Carpio-Morales.

ESCUDERO: Well ganyan siguro pag sikat, o liyamado dahil nabanggit ang pangalan niya ng ilang ulit ng ilang sektor o kolumnista na siya di umano...

TARUC: Pati ang pangulo mismo nabanggit ang pangalan niya.

ESCUDERO: Hindi makakaila Manong Joe, imbes na sa Chief Justice, sumumpa si Pangulong Aquino kay Justice Conchita Carpio-Morales.

TARUC: So bukod dito kay Raul Gonzales at dating Pangulong Arroyo, meron pa bang ibang oppositor itong si Justice Carpio Morales?

ESCUDERO: Meron nang naunang nagpahayag Manong Joe, hindi ko lang alam kung isinapormal niya yun sa isang liham, si dating Ombudsman Aniano Desierto nagpahayag ng pananaw. May punto rin naman siya dahil sa darating na Hulyo ay magreretiro na si Justice Carpio Morales at siya ay magiging 70 anyos na at kung 7 years ang term, matatapos po siya ng 77, may basehan din naman at magandang makita yung kalagayan ng kalusugan ni Justice Carpio Morales.

TARUC: Kasi for all we know baka naman nasa magandang kalusugan naman ang kanyang pangangatawan at siguro physically walang makakapagsabing ganon katanda si Justice Morales.

ESCUDERO: Tama po yun pero sa kabilang banda Manong Joe, gaya nang sinasabi ko na may basehan yung kay Ombudsman Desierto, iba yung trabaho ng Justice sa Supreme Court iba ang trabaho sa Ombudsman, malayong mas mabigat, mas tasking, mas may pressure yung trabaho ng Ombudsman. Tinitignan namin Manong Joe kamusta ba ang backlog nitong si Justice Morales dahil baka mamaya ay ganon na naman, sige na wala na sa edad. Ang nakapending na kaso sa Ombudsman 16 na libo, kumpara sa load ng isang justice na humigit kumulang na 1 libong kaso siguro. So depende kung gano siya mag turn over ng kaso siguro , titignan natin yung kanyang track record.

TARUC: Bukod dito kay Justice Morales na napakaraming oppositor, meron pa ho bang mga nominees na tinututulan ng ilang sektor ng ating lipunan?

ESCUDERO: Wala pa po kaming nababalitaan Manong Joe, makikita po namin yan sa pagpupulong namin sa darating na Lunes dahil kaya ko lang nabalitaan yung kay Justice Morales dahil nababasa ko sa dyaryo pero hindi pa po namin nakikita ng actual, bilang JBC member ang mga liham na ito.

TARUC: Ok. Linawin ninyo sa kaalaman ng ating mga nakikinig itong selection process, gaano ho ba katagal ito?

ESCUDERO: Halimbawa pag nagkaroon ng vacancy ang gagawin ng JBC, ipupublish, inonotify yung vacancy tapos ay ipupublish namin sa dyaryo at hihilingin na kahit sinong interesado ay mag-apply.

TARUC: That is for how many days?

ESCUDERO: 10 araw po. 10 araw mula nang mailathala sa pahayagan, may 10 araw ang sinoman na mag-apply o magpanominate. Nomination muna ng ibat ibang sector, tapos pagkatapos ng period na yun ay meron pong panahon yung mga nominado na ireject o tanggapin yung nomination bago mag meeting ang JBC para ipublish yung mga pangalan ng nag-apply naman at na-nominate para malaman ng publiko. May lilipas na panahon 5 araw ho yun. Ipupublish po yan, yung mga pangalan ng nag-apply at nominado at may 15 araw ang publiko na ilahad ang saloobin nila ukol dyan. So isang buwan na po yun. Tapos ay mag schedule kami ng period of interview makalipas yung 15 araw na yun so usually in 2 weeks time mai-schedule na yun, so 45 days. Alalahanin po natin nabakante yung pwesto May 6, so tamang tama po kami na 2nd week of June...

TARUC: 90 days after May 6, within 90 days period...

ESCUDERO: Dapat po ay mapirmahan. So interview po namin 2nd or 3rd week ng June dapat po ay not later than July 4 ay magbobotohan na kami para sa listahan ng nominado para bigyan namin ng 1 buwan ang pangulo na mamili mula sa listahan na ibibigay namin sa kanya.

TARUC: Senator, gaano kabusisi ang JBC sa pag iinterview ng nominees?

ESCUDERO: Depende po. Halimbawa sa kaso ng Justice ng Supreme Court na nag-aapply sa.. Justice halimbawa ng Court of Appeals na nagtuturo o dalubhasa sa abogasiya na nag-aapply sa posisyon ng Supreme Court, nakakahiya nama tanungin tungkol sa kaalaman nila sa batas. So usually tinatanong sila sa mga pananaw nila kaugnay sa constitutional law, criminal law, at usually tinatanong sila ukol sa aspect ng batas na hindi nila field of expertise.

TARUC: At siguro yung impartiality.

ESCUDERO: Yun ay sa mga nakikita kong interview ay inaassume yun at hindi tinatanong yun, dahil wala namang nagsasabi na bias yun hindi kagaya nang sinasabi ni Justice Morales, ito dapat bias dapat tanungin siya para mabigyan siya ng pagkakataon. Pero pati ang pangulo, pwede niyang gawin yan kung gusto niya eh, pagkatapos namin siyang bigyan ng listahan ng mga nominado ng justice ng Korte Suprema, Court of Appeals, RTC maski Ombusdman, actually pwede siyang interviewhin ng pangulo eh. Wala namang bawal dun eh. Hindi naman dapat ikahiya o mahiya ang pangulo..

TARUC: After ng JBC maaaring mag interview ang presidente?

ESCUDERO: Kung hindi niya kilala Manong Joe halimbawa yung mga ninominate naming pangalan, siguro naman may karapatan siyang tawagin, kausapin. Kunyari magiging justice ng Supreme Court ito, sa Kongreso nga dumadaan ng confirmation yan eh. dun ho sa America tinatanong ang mga nominado ng Justice ng Supreme Court na inappoint ng pangulo. Ano ba pananaw mo sa abortion, ano ba ang pananaw mo sa right to life, san ba nagsisimula ang mga ito, may karapatan ang presidente na tanungin sila doon.

TARUC: Meron ho bang karapatan ang JBC o meron bang karapatan ang pangulo na halimbawa pumili ng susunod na Ombudsman sa labas ng listahan na isusubmit ng JBC?

ESCUDERO: Hindi po. Dalawang beses sinubukang gawin ni dating Pangulong Arroyo samin yan, binalik niya samin yung listahan na tila hindi siya kontento at masaya sa listahan na aming binigay, o may pangalan siyang hinahanap na wala doon. Ang naging pasya ng JBC twice over ibalik ulit sa kanya yung parehong listahan, walang pagbabago at mula sa listahang yun namili pa rin si dating pangulong Arroyo.

TARUC: So dito naman halimbawa di pa kayo nakakapag submit, pero may karapatan ang pangulong Aquino na halimbawa na ipatawag kung sinoman yung nominees na gusto niyang malaman ang ilang detalye.

ESCUDERO: Meron po, bago po kami magsubmit, pwede po yun, wala hong masama doon. Ang problema lang gaano siya kasigurado, baka nag-aaksaya lang siya ng panahon na masasama sa listahan namin. Ang siguradong boto ni pangulong Aquino sa JBC na binigyan naman talaga dahil may kinatawan siya doon sa katauhan ni Justice Sec. Leila de Lima, alter ego yan ng pangulo. So ano man ang gawin ni Justice Sec. De Lima doon ay parang ang pangulo ang gumawa. So sa pamamagitan ng boto nya marahil ay makikita ang preference ng pangulo kung sino ang nais niya.

TARUC: Mr. Senator, pag-usapan natin yung tungkol sa panukalang batas tungkol sa deferment ng ARMM elections. Marami ang nagtataka kung bakit kayo na kaalyado ng administrasyon ay matinding oppositor nitong panukala na ipagpaliban ang halalan sa ARMM.

ESCUDERO: Ang para sa akin Manong Joe ang tama ay tama, ang mali ay mali. Hindi porket magkaibigan kami ay may gagawin ang pangulo pabor sakin maski na sa pananaw niya ay mali. Gayun din naman siguro dapat ako. Bilang pangulo, may trabaho siyang dapat gampanan at gawin, ako din naman ay may trabaho na dapat gampanan at gawin sa Senado bilang kinatawan ninyo sa Senado. Nasabi ko ito sa kanya bago niya na-certify yung bill, napag-usapan namin ito noon at sinabi ko ang aking pagtutol dito at hindi pa naman na-cecertify yung bill nun....

TARUC: Walang personal, ito ang inyong paniniwala.

ESCUDERO: Opo at sinusubukan ko nga po siyang kombinsehin at that time hindi pa naman certified, na hindi yata tama at maganda ito, napapanahon ito at nababagay ito. Marahil ay nagrespetohan at nag-galangan kami sa bagay na ito.

TARUC: Yung mga usapan na di umano ay may suhol dito sa mga kagawad ng senado, 100M bawat Senador.

ESCUDERO: Tanungin nyo siguro yung bumoto pabor wag po ako na hindi bumoto dahil di ko nakita ni anino nyan.

TARUC: Kasi hanggang huli ay hindi kayo pumayag na ipagpaliban eh.

ESCUDERO: Ang pinanghahawakan ko Manong Joe sa kabila ng balita o tsismis na ganyan ay yung salitang binitiwan ni Pangulong Aquino na hindi niya tutularan si Pangulong Arroyo na ginamit yung pork barrel bilang carrot and stick at kung saka-sakaling may katotohanan man, ako panghahawakan ko parin yung paniniwalang hindi kasabwat o hindi alam ni Pangulong Aquino. Marahil ang dumiskarte lamang dyan ay yung Liberal Party at yung DBM secretary na miyembro rin ng Liberal Party na ginamit yang ganyang uri ng carrot and stick na naman na sa palagay ko ay hindi tama.

TARUC: Pero wala po kayong naririnig na mga kasama sa Senado?

ESCUDERO: Kahit totoo naman po ay wala sigurong aamin

TARUC: Hindi, may isang umamin. May isang nagsabi na pinadalhan talaga sila ng ganon. Additional 100M.

ESCUDERO: Wala hong inamin samin, wala hong inamin sa akin.

TARUC: Na-echepwera kayo, this is one instance na yung mga kasama ay hindi kasali.

ESCUDERO: Para sa akin kasi Manong Joe, basic ang problema. Ilang beses nang pinostpone yan, pito na. Wala namang nangyaring pagbabago, ano naman ang pagbabagong mangyayari...

TARUC: Ano ho ba yung tinututulan niyo, yung postponement o paghirang ng OIC?

ESCUDERO: Pareho po Manong Joe, ang postponemt dahil alam nyo sa totoo lang mas maraming beses na napostpone yung election kesa nagsagawa ng halalan dyan sa ARMM. Tapos sasabihin natin na hindi sila marunong mamili ng lider. Ang tanong ko nga kay Secretary Robredo noon, ano ang sinasabi nyo bobo yung mga tao dun at hindi marunong mamili ng lider kaya nyo ipagpapaliban ang eleksyon?

TARUC: At yung mga pagbabagong gagawin bakit hindi nila nagawa within 1 year period na naupo sila.

ESCUDERO: Inamin na ho niya, inamin na ho nila na lahat naman yan ay kayang gawin postpone man o hindi mas madali lang daw. Ang sabi ko pwes, hindi namin trabaho na padaliin ang trabaho niyo, at tska Manong Joe, para sa akin bakit mo ipagpapaliban, ang sabi eh kelangang linisin ang voters list, sabi ko bakit ano sa pananaw niyo lahat ba ng nanalo doon ay nandaya? Sabi ko baka nakakalimutan ninyo panalo si Pangulong Aquino sa ARMM. Kaugnay naman ng appointment Manong Joe, hindi para sa imperial Manila na naman ang magdikta para sa probinsya, sa malalayong lalawigan ng bansa kung sino ang dapat nilang maging pinuno at lider dahil sa isang demokrasya, iisa lang naman ang batas na sinusunod eh. Hindi makakaupo yung magagaling, hindi makakaupo yung magnanakaw, hindi makakaupo yung malinis ang hangarin, ang makakaupo ay kung sino ang gusto ng mas nakararami. Magnanakaw man siya o hindi, matalino man siya o hindi, malinis man ang hangarin iya o hindi, desisyon ng taong bayan yan eh.

TARUC: Sa nakikita namin, talagang mas maraming tutol sa probisyon na yun na hihirang ng OIC ang pangulo at yung mga hihiranging OIC ay hindi makakakandidato sa darating na halalan.

ESCUDERO: Well dalawang bagay Manong Joe, medyo tinanggap tanggap na nga yung pag-appoint ng OIC eh, dahil sa probisyon na hindi sila pwedeng tumakbo. Eh tinanggal pa ho yung probisyon na yun, pero tama naman ho yun Manong Joe, unconstitutional sang ayon ako dun yung piunagbabawal sila na tumakbo. Pero sabi ko ilagay man lang sa batas na mag-uundertaking sila na hindi sila tatakbo. Atleast may papel ka man lang na ipapakita sa publiko o masasampal sa kanya na hoy gumising ka, hoy hindi ka pwedeng tumakbo. Ganon man lamang kesa naman yung walang wala at usapan na lamang.

TARUC: Ang tanong dito Sen. Chiz, marami ang dudulog sa Korte Suprema particularly yung tahasan na nag-ooppose tungkol sa panukala ng postponement, kayo ho ba ay sasama ddon sa mga dudulog sa Korte Suprema?

ESCUDERO: Hindi Manong Joe, alam kong mangunguna sa pagdulog sa Korte Suprema una, yung mga kandidato at nagfile na ng certificate of candidacy, pangalawang dudulog doon i think ang minorya, inanounce na ni Cong. Edcel Lagman na sila ay dudulog doon. Ako Manong Joe, ganyan naman ako sa kongreso at miski anong laban namin...

TARUC: Nag-oobserve lang kayo dun..

ESCUDERO: Hindi naman po, pagtapos na ang labanan at nagbotohan na, hindi na ho dapat nagkakasohan pa. Ika nga, bumoto na ang Senado, Miyorya gusto, bumoto ang house, 2/3 ng boto.

TARUC: What about yung possibility na baliktarin yan ng Korte Suprema?

ESCUDERO: Nandoon palagi yung posibilidad pero para sa akin, kasama sa argumentong legal. Syempre titimbangin na naman ng korte, ito ay panibagong bangayan at away na naman sa pagitan ng Korte Suprema at Executive Branch. Nasa sa kanila yun at gagalangin ko, tulad ng paggalang ko sa boto natalo man kami, gagalangin ko palagi ang boto kung ano man ang pasya ng Korte Suprema sang ayon man ako o hindi.

TARUC: Mr. Senator, hingan namin kayo ng comment kaugnay ng paghirang ni Pangulong Noynoy kay dating Sen. Mar Roxas bilang DOTC Secretary.

ESCUDERO: Well binabati ko Manong Joe si dating Senador Roxas sa kanyang pagkakahirang at pagbabalik sa gobyerno, at binabati ko rin si Pangulong Aquino, two birds with one stone siya. Naresolbahan na niya yung biglaang pagbakante ng DOTC dahil hindi naman niya inakalang magbibitiw si Sec. De Jesus, nahanapan niya pa ng pwesto si Sen. Mar Roxas. Two birds with one stone siya doon ika nga.

TARUC: Pero ang tanong, makakalusot ba siya sa CA? miyembro kayo ng CA di ho ba?

ESCUDERO: Miyembro po ako ng CA Manong Joe, kung hindi ko man mabigay ang aking boto at suporta noong nagdaang eleksyon, ngayon ay nakahanda akong ibigay ang boto at suporta sa kanya sa CA hindi bilang pagbawi kundi naniniwala ako na karapat dapat at bagay at may kakayanan si Sen. Roxas na gampanan ang tungkulin bilang secretary.

TARUC: Ang tingin namin parang nanganganchaw pa kayo eh.

ESCUDERO: Wala ho, ngayon lang ako tumawa nung tumawa na rin kayo. Kayo naman oh.

TARUC: Parang nanganganchaw pa kayo na susuportahan niyo siya at icoconfirm. Parang kumbaga ay mabuti nga at natigil na.

ESCUDERO: Hindi naman. Para kayong si Sen. Drilon, nanganganchaw. Hindi po. Dagdag pa Manong Joe, kung yan ang desisyon ni Pang. Aquino, alalahanin natin na siya ang halal ng bayan at siya ang may deisisyon kung sino ang iaappoint niya bilang mga kalihim na secretary hindi para kung sino man ang mamili ng nais nila. Para kay Pangulong Aquino lang yan na pagpasyahan kung sino ang para sa anong pwesto.

TARUC: This is one of the decisions of the President na talagang hinahangaan ninyo.

ESCUDERO: Marami rin namang iba Manong Joe, ito lang yung pinaka latest.

TARUC: Ok tungkol po dito sa bagong posisyon, ngayon pa lang ay may nagpapahayag ng pagtutol sa kanyang paghawak sa DOTC dahil di umano ay conflict of interest. Meron ba kayong nakikitang ganyan? O may nakikita man kayo hindi niyo na titignan?

ESCUDERO: Sa ngayon Manong Joe ay wala. Para sa akin kung may conflict of interest man ay dapat ipakita talaga at patunayan. Ang conflict of interest, hindi naman nangangahulugan na disqualified siya sa pwesto. May dalawang option si dating Sen. Mar, una pwede niyang bitawan ang kanyang interest dahil share naman siguro yun sa kompanya na pag-aari ng kanyang pamilya, kung may interes man siya. Pangalawa, pwede niyang desisyonan laban sa interes niya para walang masabi ang publiko. Dalawa naman ang pwedeng gawin ng kahit na sinong inaakusahan ng may conflict of interest.

TARUC: Kung ikaw ang nasa katayuan ni Sen. Mar? Tatanggapin ba ninyo?

ESCUDERO: Opo. Dahil inalok ng pangulo at sinabi naman ni Pangulong Aquino.....

TARUC: Ang iisipin niyo doon ay baka makakatulong kayo.

ESCUDERO: Yun din ang sinabi ni Sen. Roxas, pero para sakin gusto man o hindi, sang ayon man o hindi, yun man ang pinapangarap niya o hindi dahil kapag hiniling ng pangulo ang iyong tulong, dyan kita kailangan. Ito ang kailangan ko.

TARUC: Ibig sabihin dito kalakip ng inyong pagsang-ayon sa paghirang kay Sen. Mar, ay yung inyong panalangin na magtagumpay siya doon sa kanyang katungkulan.

ESCUDERO: Kasama po yun Manong Joe dahil kung hindi siya nagtagumpay, magrereflect yan kay Pangulong Aquino palagi.

TARUC: At kung di sya magtatagal pa ay baka maghanap pa ng ibang posisyon sa gobyerno.

ESCUDERO: Meron hong ganyang Cabinet member si dating Pangulong Arroyo na na-appoint sa apat na ibat-ibang portfolio, hindi dahil sa magandang nagawa sa mga departamento. Siguro ay hinahanap kung saan bagay yung kalihiim na yun. Sana ay wag namang mangyari yun dito sa administrasyon.

TARUC: Iwan natin ang isyu ni Sen. Mar.

ESCUDERO: Mabuti naman...

TARUC: Yung paglibing naman dito sa mga labi ng yumaong dating Pang. Marcos. Ano ang tingin niyo ukol dito?

ESCUDERO: Tatay ko ang nagpanukala niyan pero hindi ako nag file ng counterpart resolution sa Senado. Ang suot ko hong barong ay hindi naman red, white and blue hindi katulad ng sa tatay ko. Sa akin Manong Joe, panahon na para isettle ang bagay na yan. Hindi ko sinasabi na walang ginawang mali, hindi ko sinasabi na walang injustice, hindi ko sinasabi na walang kasalanan, ang sinasabi ko ay panahon na para mag move on na ang bansa. Kaya ano man ang maging solusyon, libingan man ng mga bayani o full military honors, siguro dapat ay magmoveon na tayo. Hindi naman nangangahulugan na halimbawa bigyan natin ng full military honors, hindi naman nangangahulugan na siya ay walang ginawang kasalanan. Pero pag-usapan natin yung rekomendasyon ni VP Binay, entitled sa full military honors, hindi yun bayani. Kasama sa entitlement ng full military honors ang sinomang nanilbihan bilang Chief Executive. Hindi maikakaila na nanalo naman siya noong 1965, nanalo naman siya noong 1969, at hindi maikakaila na nanilbihan siya bilang Chief Executive. Sang ayon man tayo o hindi sa mga hindi niya ginawa o ginawa, entitled siya doon. Ang pagkakaiba lang ng full military at state honor sa Libingan ng mga Bayani ay continuing yung protesta pag sa Libingan ng mga Bayani pag nandoon siya. Di tulad ng military honors, pagtapos bigyan, ilang araw, linggo, buwan matatapos din. Di tulad ng sa Libingan ng mga Bayani, siguro concern din ang pamilya ng mga Marcos, baka may gawing pambababoy sa kanyang libingan doon. Hindi naman pwede yun bantayan 24/7 so marahil option sa kanila. Manong Joe, hindi pa naman opisyal na tinatanggap ng pamilya ang solusyon at alok ni VP Binay.

TARUC: Sen. Chiz, alam niyo ngayon ay very often, napakarami ang nagsasabi na muling nauuso sa Aquino administration ngayon ang mga nahihirang na tinatawag nating "3K" kakampi, kaklase at kabarilan.

ESCUDERO: Hindi pa naman ako na-aappoint Manong Joe. Well ginagampanan lang siguro ni Cong. Lagman ang kanyang trabaho bilang lider ng Minorya sa Kamara. Tulad ng naging trabaho ko yan noong ako ang lider ng Minorya sa Kamara. Pero bilangin natin, kaya bang bilangin ni Cong. Lagman sa 10 daliri yung sinasabi nyang ganyan.

TARUC: Sabi niya ay hindi raw sa dami, hindi lang sampung daliri.

ESCUDERO: Hindi naman po siguro. Sinubukan kong bilangin Manong Joe eh. Maliban nalang kung mas marami ang daliri ko kumpara sa kanya. Pero hindi naman po lumampas. Una ito ay mga position of confidence, meaning alter ego sila ng pangulo. Anytime pwede silang tanggalin. At hindi naman sila inappoint para manatili dyan for a fix term. So may karapatan ang pangulo na piliin ang tiwala over any other qualification for certain positions, lets say loyalty or trust over competence or experience kasama yan sa discretion ng pangulo sa pag-appoint sa opisyal paligid niya. At binoto ko ng Mayorya siya na dala niya ang ganyang discretion at pagpapasya. Maaaring minsan ay sang-ayon tayo, maaring minsan ay hindi. Halimbawa si Dir. Diokno, isa yan sa pinakamalapit sa kanya, hindi lamang kaibigan, dati ring kasama so dalawa dun sa dalawang K.

TARUC: Si Asec. Torres?

ESCUDERO: Sa kaso ni Dir. Diokno pinakawalan naman niya, sa kaso ni Asec. Torres minit-out niya yung penalty na nirekomnda ng DOJ.

TARUC: Pinagbakasyon lang...

ESCUDERO: Bakasyon, leave, suspended,...

TARUC: Ito pa isa yung Laguna Lake Development Development.

ESCUDERO: Actually hindi ko alam na malapit yan Manong Joe.

TARUC: Taga Tarlac.

ESCUDERO: Taga Tarlac pero hindi ko alam na malapit yan sa kanya Manong Joe, dahil nauna na rin na nagkaproblema siya ng pinagtanggol niya yung contract ng Belgium kaugnay sa Laguna Lake Development Project na higit kumulang 18B, miski na noon ay nagkaroon na sila ng iringan ng pangulo at pangalawang beses siguro ito kung saka-sakali.

TARUC: Kasi maraming katanungan yung Laguna Lake Development Authority. Yung sinasabi nila na illegal fishpen operator itong biktima umano ng kotongan. Pangalawa kung talagang fishpen operator ito malaking katanungan ng ating mga kababayan kung bakit humarap pa siya ng personal.

ESCUDERO: Hindi lang yan Manong Joe, dalawang bagay kaugnay nyan. Una alam mo kung sino ang legal, mga dayuhan na nagmamay-ari ng malalaking fishpen. Yung ilegal ay yung maliliit at mahihirap na mangiingisda. Parang fx yan Manong Joe eh, walang kita pag legal, may kita pag illegal. I-add nalang natin kung ano ang pag-kakaiba noon. Gayun din ang mga illegal fishpen operators alam niyang ilegal, bakit alam niya at wala siyang ginawa. So siguro may kausap, kakampi, o kapanalig sa loob kung bakit hindi siya naalis bagamat alam nilang ilegal.

TARUC: Yung sinasabing iringan ng Balay at Samar sa Malacañang, ano ang development dito Senator.

ESCUDERO: Actually magulo na yung naging issue dyan Manong Joe eh. Sinasabi nila na si VP Binay na ang pinuno ng Samar na hindi naman ho siguro tama. At yung isang Jojo naman ay naging miyembro nalang ng Samar. Sa ano mang kampo, sa ano mang administrasyon, may mga kanya-kanya namang kampo naman...

TARUC: Kanya kanyang kakampi...

ESCUDERO: Natural naman yan na may mas komportable siya dito kesa doon. Pero minsan maganda rin naman yung ganon dahil kung nagsisilipan man sila, (ginamit ko Manong Joe salitang sila ah, sila lang yun) atleast makikita ng pangulo ang magkabilang panig ng isyu. Ang sana wag nilang gawin ay magsiraan at wag gawin ang isang bagay dahil lamang nanggaling sa kabilang kampo bagaman tama at dapat sanang gawin.

TARUC: Ibalik ko lang sa 3K, kanina karibal, kakampi, kaibigan

ESCUDERO: Wala namang karibal.

TARUC: Pang-apat kakarera. Ikaw daw yun.

ESCUDERO: Hindi rin ho dahil minsan ko lang nakasama ang pangulo na gamit niya yun, sinabi ko rin naman ito sa isang interview. Gamit niya yung kanyang porsche dahil mag-uusap dapat kami at sinabi niya na magkita nalang kami sa Clark. Nagkita kami doon, hindi ko akalain na siya ay nasa track at pagdating ko ay siya ay nagmamaneho kasama niya ang instructor at pagdating ko pagtigil niya, sinabi niya gusto mong makasakay, eh hindi pa naman ako nakakasakay ng porsche Manong eh, bakit hindi. Nagsisi ako dahil pagkatapos ng ilang ikot namin, matapos ng ilang ikot namin ay nahilo ako. Sabi nga niya kung gusto ko magmaneho, ang sabi ko ayoko dahil una, baka masira ko hindi ko kayang bayaran yan. Pangalawa ay baka magustuhan ko at hindi ko kayang bilhin yan at pangatlo, baka nakakahiya yung pagmaneho ko dahil mabagal, ang galing niyang magmaneho, tinuturuan siya ng isang dalubhasa talaga at ang magaling magmaneho.

TARUC: Doon naaksidente kayo ng Pangulo?

ESCUDERO: Hindi. Wala akong nabalitaan na naaksidente ang Pangulo. Pero yung sa akin ay totoo. Sa gilid ng kotse ang bangga, paanong ako ang nangbangga. Pero gayun pa man, walang may gusto sa nangyari.

TARUC: Ano ang masasabi mo sa warning ng China na tigilan na yung kadadakdak ukol sa Spratlys?

ESCUDERO: Magtagalog na lang tayo kung may komento ukol dun para hindi nila maintindihan, ganon din naman siguro sila, hindi natin maintindihan kung may sinasabi sila.

News Latest News Feed