Press Release
July 31, 2011

Transcript of Interview of Senator TG Guingona (DZBB)

STG: Good morning Nimfa at sa lahat ng nakikinig ng DZBB.

NR: Ngayon pa lang ay abot-abot ang aking pasasalamat dahil kahit Sunday at maulan ay nagsadya kayo ditto sa studio para maka juntahan naming ditto sa programa.

STG: Okay lang iyan para malaman ng mga tao kung ano ang nangyayari sa bansa natin.

NR: Lagi kayong may opening statement tuwing may hearing sa Blue Ribbon, baka po may opening statement kayo sir.

STG: Ang layunin ng Blue Ribbon ay panagutin ang dapat managot at mailabas ang mga nangyayaring sekreto sa gobyerno, pero nabubuking. For example ang intel funds ng PCSO. Kung hindi pumasok sa Blue Ribbon, hindi malalaman ng taumbayan. Tapos hindi magkakaroon ng reporma . Tapos yung iba sinasabi na ang Blue Ribbon ay palaging nag-iimbestiga pero wala naman nangyayari , eh tignan niyo nga naman. Yung unang rekomendasyon naming doon sa Plea Bargain Agreement ni General Garcia , ang unang rekomendasyon naming ay i-impeached si dating Ombudsman Merciditas Gutierrez or mag-resign siya. Ano nangyari? Nagresign siya. Mayroon bang nangyari? Mayroon. Itong PCSO , intel funds , ngayon nakalabas sa dyaryo na yung COA at DBM gumagawa ng bagong patakaran base sa paggamit ng intelligence funds. Ang COA naman ay para sa pag liquidate ng intelligence funds. Nagkakaroon ng instant na pagbabago sa sistema dahil sa mga Senate Blue Ribbon hearing.

NR: Iyan nga po ang nagiging kritisismo na imbestig ng imbestiga ay wala naman nangyayari.

STG: Noong isang araw nakita ko sa Phil.Star na lumabas ang COA at sabi nila ay tatanggalin na nila ang sistema na magkakaroon ng resident auditor sa mga ahensiya tulad ni Divina Cabrera na 13 years na resident auditor sa AFP. Eh di siyempre parang magkaibigan o magka-kuntsaba na silang lahat. Dahil sa Senate Blue Ribbon hearing ay nagkaroon ng pagbabago.

NR: Nakasalang sa Blue Ribbon Committee ay ang pagbili ng PNP ng 3 helicopters. Ang dalawa ditto ay second hand pero binayaran sa presyong brand new. Doon pos a initial hearing ninyo, ano po ang intial findings?

STG: Nakakainis sapagkat klarong-klaro ay mayroon silang pinagtatakpan. Biruin mo, nakalagay sa kontrata brand new at in accordance with NAPOLCOM specification and in acceptance. Apat ang nakapirma doon, isang General pa. Noong tinanong ko yung apat kung ininspeksiyon nila yung helicopter, sinabi nila, wala sila doon pero pumirma sila. Yung isang natira, sabi niya na-inspeksiyon niya pero sabi niya "wala naman akong kakayahan para malaman kung brand new o hindi eh". Lahat ito ay hindi mangyayari kung hindi sila pumirma sa report . Tapos yung general na in-charge doon ay sabi niya ang responsibilidad niya doon na lang sa kung talagang may helicopter lang o wala. Hindi yung kasama kung brand new o second hand. Ikaw ang General, ikaw ang head ng inspection . Kung wala sa'yo ang responsibilidad na pag siguro kung brand new, kaninong responsibilidad iyon?

NR: Ang proseso po hindi ba ay una muna ay may bidding , and then nagkaroon ng bidding , naging negotiated ang transaksiyon. Bumili na sila ng helicopter, pagkabayad siyempre i-aaccept nitong acceptance and inspection committee. After nilang Makita, i-certify na brand new . May certification po ban a brand new?

STG: Wala,. Inspection and Acceptance report lang.

NR: Nakalagay ba talaga na brand new?

STG: Nakalagay talaga na brand new. Ewan ko ba talagang klaro na may pinagtatakpan . Kaya sabi ko nga sa kanila "Gentlemen of the PNP, it's very clear na may tinatago at mayroon kayong pinagtatakpan. Pakiusap ko sa inyo na magsabi kayo ng totoo , sapagkat maliwanag po ay makukulong kayo."

NR: May isang pulis doon na nagsabi na niloko sila ng MAPTRA.

STG: Nakalagay doon sa proposal ng MAPTRA na service center conditioned. Walang kaso sa MAPTRA. Kayo yung isang General ng mabasa niya na service center conditioned sinabi niya na "noong mabasa ko iyon, nag insist talaga ako na dapat brand new. " Kanya-kanyang lusutan na . The point is, klaro naman eh.Kung marunong ka naman magbasa and I presume they can read and write. The supply contract just says it is brand new.

NR: May sabwatan ba dahil naghuhugas kamay, nagtuturuan?

STG: May sabwatan at may tinatakpan na malakas at makapangyarihan na tao.

NR: May pinakita kayong flight logs.

STG: Na-established na second hand dahil ang piloto mismo nagcertify na pinapalipad niya ito noong 2004 pa. Eh binenta ito noong 2009. So kung pinapalipad mo na yung helicopter ng 2004 pa , pag dating ng 2009 ay gamit na. Ang maganda diyan, ay walang nag dispute sa piloto.

NR: Tungkol sa flight log

STG: Doon sa flight log, marami kaming nakitang Mikee Arroyo at First Gentleman. Tapos yung take off point ay nakita naming ay sa A3. Yung A3 ay yun pala ang Malacanang. From A3 lilipad sa golf course sa Pampanga. Klarong ginagamit na parang pangsariling pansasakyang ng pamilyang Arroyo. Ang tanong ngayon ay the fact na madalas nilang gamitin, iyon ba ay sapat na sila ay ang nama-may-ari ? Sa tingin ko hanggang ngayon ay hindi ito sapat. Pinapakita lang na madalas nilang gamitin. Siyempre kung ikaw ang may-ari, madalas mong gamitin. Pero hindi pa napapatunayan na sila ang may-ari. Sa susunod na hearing tinawag naming at nangakong pumunta ang MAPTRA at Lion Air kung sino ang nagbenta sa PNP.

NR: May magsasalita po ba to confirm regarding the issue na napilitan lang ang PNP na bilhin ang helicopter dahil pagmamay-ari ng makapangyarihan na tao?

STG: Mayroon kaming fillers na natanggap na nagsabi na "hindi na kaya ng konsensiya ko ito, kailangan magsabi na ako.

NR: Isa ba ito sa humarap sa inyo noong Thursday?

STG: Oo. I think, pangalan niya si Lumen. Pero noong tinanong na siya ni Sen. Lacson ay iba na ang sinabi eh. Mukhang yung kausap nila parehong kausap ni Garci eh.

NR: Inexpect niyo pala na may magsasabi na noong Thursday.

STG: Oo. Pero mabuti naman ang piloto at isang miyembro ng inspection team na talagang second hand.

NR: Si dating PNP Chief Versoza ay hindi masiyadong na grill.

STG: Hindi siya nagrill sapagkat although pumirma siya sa supply contract at notice to proceed, siyempre ang ginrill naming ay ang pumirma ng inspection report, kasi kung hindi pinirmahan ang acceptance report ay hindi mangyayari iyon eh.

NR: Member siya supposedly ng bids and awards committee/

STG: Whether he is a member or not, kasama siya ditto. Kung mayroon kakasuhan man, kasama siya at klaro iyon. The fact na nagbago ng specification at hindi dumaan sa NAPOLCOM ay paglabag sa batas na iyon. Kasama siya doon.

NR: Enough basis na ba ang frequent na pag sakay ng mga Arroyo para ipatawag sila sa susunod na hearing?

STG: Malalaman natin yan sa sususnod na hearing kung ipapatawag sila. Sa susunod na hearing ay ang mga nagbenta ng helicopter. Kung titignan natin yung unang hearing ay kung sino ang bumili , ang PNP. Tapos gusto naming ma-established na brand new pero second hand pala ang nabili. Nagtagumpay kami doon sa layunin na iyon. Pangalawa, the hearing on Tuesday, sino ba talaga ang nanloko at sino ba talaga ang may-ari?

NR: Paano pag sinabi ng PNP na napilitan nga talaga nilang bilhin ang helicopters? Ma-absuwelto ba sila sa mga kaso?

STG: Sa tingin ko hindi dahil gagamitin nilang depensa iyon . Pero illegal order eh. Hindi sila ma-aabsuwelto. Siguro makakabawas sa kanilang parusa .

NR: On election fraud.

STG: Nag-aantay na lang ako ng resolusyon. Ang pagkaaalam ko ay nag-file na si Sen. Lacson para ang Blue Ribbon ang humawak. Si Sen. Allan Cayetano, bukas ay magfile din. Once na makarating na samin iyon ay ilalagay na naming sa linya ng iimbestigahan ng Blue Ribbon. Andoon din yung kape eh at ilan pang bagay sa PAGCOR.

NR: Sa election fraud, kailangan pa bang imbestigahan ng Blue Ribbon ito kahit na may on going investigation ang COMELEC at DOJ?

STG: Papag-usapan naming iyan ng mga senador. Ang problema lang ang imbestigasyon ng DOJ at COMELEC ay parang hindi open sa publiko. Panay press con lang . Hindi nakikita ang buong kuwento. Mahalaga kasi sa taumbayan na makita at maintindihan nila ang kabuuan. Sinasabi din nila na dapat ay nasa Senate Blue Ribbon dahil mas objective . May nagsabi din na kasama din ang senador. Ang kagandahan diyan sa Blue Ribbon ay open to the public ang hearing. Kung nakikita niyong may bias ay halatang halata naman eh. So far sa Blue Ribbon ay wala pa naman nag accuse sa amin na mayroon pinapaburan. Yung record naming ay speaks for itself.

NR: Kung mag-iimbestiga ang senate ay ipapatawag niyo ba si Commissioner Garci?

STG: Siyempre tatawagin siya sapagkat siya ang one of the central figures sa kaso na ito .

NR: Sabi ni Sen. Lacson balak niyang iurong ang resolusyon tungkol sa election fraud.

STG: Magkikita kami sa Monday. Puwede din naman sa DOJ and COMELEC. Open naman ako doon. Kung gusto niyang doon. Okay din. Ang problema ko ngayon ay alin ang unahin ko eh.

NR: Sakaling imbestigahan ito ng Blue Ribbon, may ilang senador na kailangan mag inhibit.

STG: Kailangan. Pero kung ayaw nila mag inhibit ay wala ka din magagawa. Sapagkat ang desisyon ng pag inhibit ay nasa senador mismo.

NR: Wake up call na din sa PNP, AFP?

STG: Talagang dapat mawala sa pulitika ang PNP, ang militar sapagkat mawawalan na ng demokrasya at magagamit ng mga pulitiko at magagamit ang Armed Forces hindi na para sa kapakanan ng taumbayan.

News Latest News Feed