Press Release
September 7, 2011

Transcript of ambush interview with Sen. Aquilino "Koko" Pimentel III

Itong land controversy sa Quezon City, ako mismo ay naalarma given my knowledge of the law kasi masyadong mabilis ang pangyayari. Actually dalawa, yung isa masyadong matagal ang pangyayari, yung isa naman masyadong mabilis ang pangyayari. I mean, meron isang judgement na na-revive after 14 years, eh basic na basic po yan sa law na the maximum period of time is only 10 years at kailang mag-aksyon ka na, hindi yung motion. Tapos meron din sa aspeto sa controversy na ito napakabilis naman. Merong three-day notice rule sa motion. Merong iba one-day lang granted na. Considering na ang pinaglalabanan natin ay 24 hectares, sana po ay hindi ganun kabilis ang aksyon ng ating korte at pinag-aaralan yan ng mabuting mabuti kasi thousands if not, tens of thousands of individuals and families are affected.

Q: Ito po ba ay amendment sa kasalukuyang batas natin, Sir?

Ang akin pong resolution na hinihingi na imbestigahan ng Committee on Justice at ng iba pa pong mga committees, itong controversy sa Quezon City dyan po sa Visayas Ave. na patong patong na po ang mga Transfer Certificate of Title at ang pakiusap ko po sa Justice Committee na tignan ang ating Torrent System of land titling. Ito pong proseso natin sa pag re-constitute ng mga titulo at saka baka kailangan natin ng insurance system para sa ating land titling. Pano naman kung may isang tao na apektado ng isang fraudulent scheme na hindi na niya mabawi ngayon yung titulado niyang lupa? Dapat may insurance system na tutulong sa kanya.

Q: Sino po ang mga possible na imbitahan sa mga investigation?

Ang masasabi ko, dapat maimbitahan dito ay ang Quezon City Register of Deeds. Of course, the Land Registration Administration, itong mga complaining parties na resident ng Quezon City, yung mga apektado yung kanilang mga titulo and of course yung mga nagsasabing may-ari nung 24 hectares. Imbitahan din po natin sila.

Q: Si Mayor Herbert Bautista po ba ay nais niyo din maging resource person?

Hindi ko pa masabi na kasali na siya pero let us say sa mga testimonies and discussions ay lumalabas na kailangan siya, imbitahan din natin.

Actually, ito po yung kauna-unahang resolution na na-file ko. Marami na akong mga pinag-aaralang resolution ng mabuti pero itong kaso ng ating mga Quezon City residents ay talagang binilisan ko dahil ang bilis din ng mga pangyayari on the ground. Dapat malaman natin ang puno't dulo nito. Ano yung kahinaan ng ating batas at bakit nangyari ito.

Q: Ilan na pong Senate bill ang na-file niyo since nagsimula kayo?

Wala pa. I have 5-10 bills that I have to study.

Q: Does it mean po taga-QC kayo kaya ginawa niyo yun?

As a lawyer nga, binabasa ko yung mga factual antecedents, something fishy is going on. Kung hindi natin ito bigyan ng pansin, a grave injustice might be committed against these lot owners and title holders. Sabi ko nga nung aking inauguration speech na inoffer ko na ang aking opisina na to fight injustice at pag lumapit sila sa akin ay kailang ko sila tulungan.

Q: So nakita niyong may pangaabusong nangyari dito, Sir?

Posibleng may pangaabuso. Posibleng may disregard of procedural rules and disregard of laws which can amount to grave injustice.

News Latest News Feed