Press Release
September 12, 2011

Transcript of interview with Senator Chiz Escudero on Juvenile Justice Law

On Batang Hamog, marami ang nagsasabi na dapat babaan na yung exemption sa criminal laibility ng mga bata

Dati ang exempt from criminal liability ay below 9 years old, sa JJ (Juvenile Justice) Law ginawang below 15 na yung exempt from criminal liability at ang naging resulta tuloy ang mag ginagamit ng mga sindikato ay mga 14, 15 years old na hindi mo pedeng hulihin at considered exempted from criminal laibility. Nakuwestiyon na namin ito sa ialng mga pagdinig, bakit tinaasan, ang kabataan ngatyon mas marami nang alam, maski na mga bata pa, kaysa sa mga kabataan ngayon. Siguro nga dapat babaan pero hindi dapat taasan parang ang sinasabi pa nila ang mga kabataan ngayon ay mas kaunti ang alam, mas hindi alam ang kaibahan ng tama sa mali, kumpara noon, na hindi naman siguro. Noon kailangan mong magresearch muna sa library at bumisita sa library at magbasa ng libro at humiram ng libro, ngayon kahit naong gusto mong malaman makukuha muna sa Internet. So mas may pagkakataong malaman ng kabatan ngayon ang pagkakaiba ng tama at mali. Next week ilalabas namin ang committee report ng committeeon justice na ang layunin ay suspindihin muna ang implementasyon ng 15-year exemption ng Juvenile Justice Law, at babalik tayo donm sa lumang provision ng Child and youth Welfare Code o ng Revised Penal Code kung saan sinasabing under 9 years old lamang ang exempted from criminal liability, above 9 years old hanggang 18, kailangang patunayan kung may discernment yung bata, ibig sabihin nalalaman na ba nya ang kaibahan ng tama at mali. So kapagka 14 years odl, 15 years old ang ugmawa ng isang krimen, pede siyang hulihin at i-commit, suspended sentenec hanggang sa dumating siya ng 18 kung saan kung may rekomendasyong nagbago siya, ididismiss yung kaso. Pero hindi na maari katulad ngayon na kapag below 15, kahit naong krimen pa ang ginawa ay pakakawalan ng walang kaso man lang.

Yung sinasabing intervention, anong nangyari doon, yung sa DSWD?

May intervention program sa JJ Law na hindi naman napaaptupad dahil walang pondong bumaba sa local government units para ipatupad ito. Interventino program kung saan irere-train, i-rereeducate at kugn saka-sakali iko-confine don sa mga facilities na yon pero sa ngayon wala namang kakayahan ang mga local government units na magpatayo ng hiwalay na facility, hiwalan na rehabilitation program na ayon sa tinatalaga ng JJ Law. Kaya nga suspension lamang ang nais namin, dahil hindi pa lang siguro handa yung infrastructure para dito pero baka dumating ang panahon na handa na tayo eh di doon na lang siguro ipatupad.Tatlong buwan na naming hinihintay yung report ng Juvenile Justice Welfare Council , tatlogn buwan na nilang hindi binibigay an gkanialng ipinangako, hindi na namin sila hihintayin.

Kung nasuspend anong mangyayari?

Magrerefer tayo sa Child and Youth Welfare Code, below 9 years old lamang ang exempted sa criminal liability.

Ano yung sinasabing 18 years old and below dito sa Juvenile Justice Act, parang child sila?

Menor de edad naman talaga ng tingin sa below 18 dahil ang age of majority kaya nga binibigay ang karapaatng bumoto sa 18 years old laamng and above. Pero yung below 18 kailanagng patnayan pa rin yung discernment na tinatawag. Noong ang batas below 9 walang criminal liability, sa JJ law 15 and below ang walang criminal laibility. Pinatanda na nila parang sinasabi nila mas mangmang at walang alam ang bata ngayon kumpara noon dahil mas mataas ang edad ng exemption ng criminal liability nang hindi alam ang kaibahan ng tama at mali. Noon below nine ni hindi alam aang tama at mali, tinaasan yung sa 15 eh hindi ba mas marami anng alam ang kabataan ngayon kumpara sa mga nagdaang panahon.

Baka magreklamo yung ibang mga grupo dahil parang nawala naman ang care sa mga bata?

Yung pagkalinga nandon pa rin dahil suspended ang sentence nila at irerehabilitate sila pero hindi nangangahulugang hindi sila pedeng hulihin at irehabilitate, oblogasyon pa rin ng estado na irehabilitate sila at hindi sila ipakulong kautlad ng common criminals, subalit hindi rin naman pede ni wala silang liability matapos silang may gawin. Ang katorse at kinse anyos hindi mo na pedeng sabihin sa panahong ito na hindi pa alam ang kaibahan ng tama at mali at nakita natin ang pagkukulang ng batas, nagagmit sila ng mga sindikato kugn saan sila yung pinapanguna, sila yung pinapa-front, sila yung pinapa-manage ng illegal activities dahil alam nila pagna raid o nahuli obligado ring pakawalan.

Above 9 to 18 years old, irerehabilitate sila tapos magrerekomenda yung rehabilitatino facility kung kailangan bang ituloy yung sentencing o hindi, pero may kaso, magkakaroon gn trial kung guilty nga ba o hindi, papatunayan kung may discernment o wala. With or without dsicernemnt magrerekomenda pa rin ang rehabilitatino facility under the old law, kugn kailangan pang ituloy yung pagsentensiya o idi-dismiss yung kaso dahil nagbago na yung youth offender.

Ano yung old law?

Yung Revised Penal Code as amended by the Child and Youth Welfare Code, PD 603.

Ngayon ba kung below 15 no trial?

Exempted yon, papakawalan, walang kaso, walang trial (pero may intervention?), yung intervention ibabalik sa magulang eh, hawak na nga ng magulang eh, dati nang hawak ng magulang eh ginagawa na yon eh.

So yung JJ Law suspended or repealed?

Yon yung (suspension) ang direksiyon na tinutulak ng komite, suspension lamang, dahil may magagandang probisyon partikular sa diversion at interventino don na maaari pa ring ipatupad pero ngayon sa edad ng nine pataas, imbes na 15 pababa.

Mayroon ng reaksiyon si (Sen.) Pangilinan?

Hindi ko alam, sa mga paghearing na isinagawa namin marami kasi kaming reklamong nakuha sa mga local government units, sa mga barangay at law enforcement officials na ito ay resulta ng pagpaptupad ng JJ Law. Sa House of Representatives ang balita ko and trend at thrust din ay suspension ng batas na ito.

May suporta kaya sa ibang mga senator?

Hindi ko alam, isasalang namin sa plenaryo yan next week doon pa lamang siguro malalaman, pero tanggap at admitted ng karamihan sa mga senador sa pangunguna na rin ni Sen. Sotto, halimbawa, na may pangangailanagn talagang amyendahan ang batas.

Isa sa confusing paano malalaman kung may discernment?

Sa korte pinapatunayan yon, basically discernment means the child knows between right and wrong, alam niyang mali o tama ang ginawa niya. Kung mapatunayan sa korte na hindi niya alam ang kaibahan ng tama at mali, without discernment yon, pero kung mapatunayan sa husgado na alam naman niya na mali ang kanyang ginawa, considered na with discernment yon, that's essentially the definition of discernment.

Pero at age 15 posible pa abng hindi niya alam yon?

Yon nga ang punto eh, tinaasan nila. Pero dapat nag siguro etiher na-maintain o huwag mong taasan dahil mas marami nang alam at sa mas maaga o murang edad nalalaman na ng kabataan ngayon ang maraming bagay, lalo na siguro ang kaibahan ng tama at mali.

So ibig sabihin instead na marehabilitate ang mga kabataan sa bagogn batas nagkaroon pa ng problema?

Hindi naman sa instead na marehabilitate pero eto yugn negative effect non na kasalukuyan nating hinaharap at reyalidad na sa ngayon. Na-pattern kasi ito mula sa mga rekomendasyon at ginagawa ng ibang bansa eh iba naman siguro sila kumpara dito sa ating bansa at hindi porke't maganda at magaling sa kanila, tama na rin at mahusay sa ating bansa.

Sa bukas-kotse na mga bata, have you seen the video, tingin nyo ba dapat ma-pursue ang kaso sa mga batang hamog na yon?

Hamog na nga, yon na lang mismo alam naman nila siguro na mali ang ginagawa. Pangalawa matagal ng reklamo yan, hindi lamang yung bukas-kotse na kinukuha anuman ang makuha nila, depende sa kalyeng dinadaanan mo sa Metro manila, minsan bukas ang bintana mo at nagse-cellphone ka, isang segundo lang wala ka nang hawak na telepono at wala ka na ring kausap. At pagtakbo ano ang gagawin mo, pagtakbo sa maraming tao, traffick, alangan naman iwanan mo ang awto mo, baka naman ang awto mo ang mawala pagbalik mo, TY na lamang yon.

So you're convinced somehow alam naman siguro nila ang ginagawa nila?

Naniniwala ako na mula sa pagkabata, tatlo, limang nayos pa lamang alam na niya na yugn hindi kanya, hindi kanya. Tinuturuan naman siguro sila ng kanilang mga magulang nial na mag-share tulad ng ginagawa natin sa mga kabataang mga anak.

Sir force to good...

Iba yung force to good sa hindi alam ang kaibahan ng tama at mali.

Will it make a difference kapagsinabi nilang ginagamit sila ng sindikato?

Eh di alam din nilang mali yon dahil nagpapagamit sila sa sindikato . again discernment is knowing what is right or wrong, regardless of the motive, pero kahit na alam pa niya ang kanyang ginawa o hindi, kung below 18 sang-ayon sa luamng batas, suspended sentence lamang yon at irerehabilitate siya, pero pedeng hulihin at i-commit for rehabilitation purposes. Hindi tulad ngayon na ni hindi mo pedeng hulihin, basta mapatunayan nila na sila ay kinse anyos pababa.

Pagnahuli saan sila mapupunta?

Rehab, usually ang ginagamit at meron non ay Boys Town. Hiwalay pa rin yung detention facility, kumpara sa common criminals. (So rehab, after 18 don pa lang lalabas yung sentence?) After 18 doon irereview yung kanilang kaso. Na sila ba ay nagbago, sila ba ay nagreform, para mabigyan sila ng pangalawang pagkakataon dapat na nga bang idismiss ang kaso . kais may mga kaso na kapagna-commit sa isang rehabilitation facility, tumakas may ginawang panibagong krimen o sa loob mismo ng rehabilitatino facility may ginawang krimen, in which case pagdating ng 18 at pagpresenta sa kanya sa korte itutuloy na yung pagsentensiya.

News Latest News Feed