Press Release
September 19, 2011

Transcript of interview with Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano
Re: CA Confirmation of Brillantes + FG foreign bank accounts

Question: Any comments on Sixto's statement that he will be resigning if he gets bypassed again by the CA?

"Hindi ko siya pipigilan mag-resign kung hindi talaga niya balak gawin ang reporma..."

Bago mag-isip na mag-resign ang Chairman, siguro mas maganda pag-isipan niya muna kung paano niya talaga magagawa ang reporma. Ngayon, kung hindi niya talaga balak gawin yung reporma o ayaw niya, di ko siya pipigilan mag-resign.

Nagsalita na ako sa CA at hindi ko ito mababawi na gagamitin ko ang Section 20 kung hindi niya mapapakita na seryoso siyang linisin ang Comelec.

Gusto ko lang ulitin na ang nanay o ang magulang ng korupsyon sa ating bansa ay pandaraya sa eleksyon. So kung malilinis ang Comelec, malaking bahagi ng korupsyon sa ating bansa ay malilinis din.

On Reforms in Comelec: "Asan ang reporma na ipinangako sa Comelec kung ang mga tauhan ng 'scams' ay nakapuwesto pa?"

Simpleng simple naman ang ating hinihingi: yung reporma at yung ipapakita na meron talagang balak mag-reporma. Paulit-ulit po si Chairman na may mga reporma siya at tahimik lang siya kumilos. Pero hindi po nila masagot yung tanong na paano magrereporma kung lahat ng mga involved sa scam ay hindi lang andiyan pa, kung hindi napopromote pa.

Maging Hello Garci, maging Folder Scam, maging yung mga inefficiencies na problema ng Comelec, yung Megapacific, kung andiyan pa at napopromote pa ang mga taong involved sa mga scams na ito, paano niya masasabi na mayroong reporma? Isasabotahe lang ng mga ito (ang reporma na gusto natin).

Question: Si FG umalis po kagabi patungong Germany, tingin ninyo aayusin niya ang mga nakatagong bank accounts niya abroad?

Lahat ng issues na na-bring up, mula doon sa kayamanan na na-amass allegedly ng Arroyos sa mga anomalya, sa pandaraya sa eleksyon, ang susi nito ay hard-nosed investigation.

Kahit anong isyung banggitin mo, ZTE - nakidnap ba o hindi si Jun Lozada, etong helicopter scam nakita niyo nang lumabas, PCSO, sisimulan naman namin yung sa poll fraud, lahat po ito napakasimple lang niyan iresolba kung may masusing imbestigasyon.

Yan ang hinihingi ko. Lalabas at lalabas ang katotohanan at kompirmasyon sa mga akusasyong ito. Ang point ngayon na kailangan malaman ng lahat, nagnakaw nga ba at kung nagnakaw, mapaparusahan ba.

Question: Are you still pushing for it? For the government to look at the the German bank account?

I'm still pushing for all of the issues that were brought up in 2004 until 2010 especially on the alleged election cheating and their ill-gotten wealth. As Senator Ping has said, he is also pushing for the Pidal case. So all of these should be looked into and resolved once and for all.

I kept on clarifying that yung statements ko before weren't just about one account. It's really about finding out whether or not may hidden wealth sila o wala.

News Latest News Feed