Press Release
October 26, 2011

Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano
October 25, 2011 TRANSCRIPT PART 1

Re: Birthday Outreach Program in Metro Manila District Jail
& Taguig City District Jail

On spending his birthday with inmates of MMDJ & TCDJ: 'They deserve government's attention'

Maski na lower crimes lang ang na-commit, kailangan din nilang masigurado na ma-rehabilitate. That's why one of the bills that I'm going to file right after November 1 and 2 is an act that will provide an institutionalized education program for inmates.

Remember that we have 66,740 inmates in BJMP. 3,115 dito sentensiyado and more than 62, 000 hindi pa nasesentensiyahan, meaning innocent until proven guilty. Yet marami sa kanila dekada o taon-taon nang nandito.

Imagine if they can have call centers from within the jail or if they can learn to be entrepreneurs. Kasi ang problema pag labas nila, lalo na yung hindi hardened criminals, problema pa sila ng lipunan. So what can we do habang nasa loob pa sila para paglabas nila, magiging helpful na sila sa ating mga kababayan?

Explore possibility of strengthening Community Service

Lastly, napapanood natin sa TV, yung mga artista sa America, pag gumawa ng krimen may community service. So baka dapat nating pag-aralan yung length of period nila na nakukulong tapos gamitin sila sa form of community service. Kasi marami naman sa kanila narerehabilitate.

Uulitin ko, nagiging problema ng lipunan ay yung lawlessness sa labas at hindi yung naka-kulong na sa loob kasi sila natuto na at nahuli samantalang yung mga nasa labas yung mga umaabuso ng todo. Yung mga lawless elements na tuloy-tuloy kasi malaki ang pera nila na panlagay and to get away from justice as compared to those, perhaps less guilty but with no money, who suffer for decades in jail.

Cayetano to law enforcers: 'All out justice means going after the big fish'

So yun din ang message ko sa ating law enforcers today: Go after the big fish, go after the masterminds, go after the people na nagnanakaw ng malaki. Even yung bago nating Ombudsman.

We've heard so many good things so dapat wala silang santuhin. Oposisyon man o administrasyon, senador man o congressman o cabinet minister, ipakita natin sa mga nakakulong dito na singko sentimos man o limang bilyon ang nanakaw, pareho ang hustisya sa Pilipinas.

Right now, mapapansin mo, hindi totoo yun. Ilan lang na hindi pa nga big fish, medium-sized fish ang nakatikim ng hustisya.

BDAY WISH: "I hope that the blessings of our country be shared to everyone and reach the poor"

Lately I've been looking at the neighboring countries and been doing studies and seeing na iwan na iwan na tayo. Kahit na Vietnam na dalawang dekada na may giyera ay naiwan na tayo. Ang wish ko talaga ay we trust the Lord, we really pray and work hard na makatikim naman ng napakalaking growth rate ang Pilipinas na aabot na sa ating mga kababayan ang biyaya. Hindi lang doon sa top ng pyramid.

Kung sana nag-wi-wish tayo ng hindi attainable, okay lang eh. Pero kung titingnan mo Vietnam, Korea, Taiwan, Thailand, makikita mo kayang-kaya naman natin. But because of massive corruption ng mga pulitiko - hindi dahil doon sa mga nakakulong kundi doon sa mga dapat makulong pero di nakukulong - kaya nagkakaganito ang ating bansa.

News Latest News Feed