Press Release
October 26, 2011

Senate Minority Leader Alan Peter S. Cayetano
October 25, 2011 TRANSCRIPT PART 3

Re: POLL FRAUD PROBE & GMA SUBPOENA

'Two different probes will have more comprehensive findings'

I'm only satisfied as of now, to the fact that they are conducting an investigation. But yung how and yung laman, hindi ko pa nakikita. I will ask Senators Guingona and Pimentel to include that. Dahil yun ang maganda sa investigation ng Senate. Mapagbintangan man kami na mahaba o paulit-ulit pero very comprehensive.

Approach is like boxing: 'aim for the head but attack the body as well'

Kasi alam niyo, the way na kunin yung mga ulo, parang boxing yan. Pag masyadong magaling siyang magtakip ng ulo, banatan mo sa katawan para bumaba yung kamay at ma-knock out mo yung ulo.

Kung panay ulo ang kakasuhan, tapo kulang ka ng ebidensya, pagtatawanan lang tayo. So ang hinhintay ko kung kakasuhan si FG, si Chairman Abalos, si Commissioner Ferrer, yun yung mga ulo. Nasaan ang leeg, dibdib at kamay na ginamit nila para mandaya?

Ang paniniwala ko karamihan niyan nasa Comelec pa rin. So bakit hindi sinama yung mga yun?

On the results of DOJ-Comelec Probe: 'Contented but still Skeptical'

Right now, I am contented but still skeptical about the results of the DOJ-Comelec probe. Until I see na lahat ng dapat kasuhan ay kinasuhan o solid yung naipon nilang ebidensya, hindi ako masasatisfy.

Remember, the difference between fact-finding and preliminary investigation. Dapat ubusin muna nila yung powers nila sa fact-finding dahil doon lamang ang gobyerno bago nila file-an nung actual na kaso bago yung preliminary investigation.

Ang preliminary investigation nakalagay lang doon ang salita na investigation but its not a real investigation in the sense that its not fact-finding. It really just says ano ang ebidensiya, kakasuhan mo ba o hindi?

Meaning mahigpit na yung proseso na yun. At yun ang angal sa dating Ombudsman ng mga nasa oposisyon. Bakit palaging PI na agad? Dapat fact-finding muna na inexhaust ng gobyerno lahat ng resources available bago mo file-an ng kaso para matindi na yung kaso at hindi sila makawala. Kung hindi, tatawanan lang tayo.

Hindi niyo ba napansin na yung grupo ni GMA, walang bukambibig na 'bring us to court'? Anong ibig sabihin non? Ibig sabihin confident sila na mahina magput together ng kaso ang gobyerno.

So we have to make sure that we do not sacrifice content with speed. So hindi ito habulan na before Christmas may ma-file tayo. Hindi. Ang kailangan yung quality ng i-f-file.

Nababagalan ako, yes in general kasi by December one and a half years na. So what? What's one more month or two more months kung magiging solid or iron-clad yung kaso against them?

Everyone knows may dayaan so ang challenge ngayon is how do we prove it?

'Mabagal man ang gulong ng hustisya, naabutan na din ang mga Arroyos'

Ang concern ko is that the DOJ should build a very good case and make sure that when they charge people, the DOJ and Comelec, that they have enough evidence to convict. I haven't seen the final list, pero nagtataka ako kung bakit sa mga lumalabas sa mga pahayagan, wala 'yung mga nasa ilalim o 'yung mga taong ginamit nila sa electoral fraud.

Walang kaibahan ito sa ZTE, sa Fertilizer Scam. Sino ang mga taga-Department of Agriculture, halimbawa, ang involved sa Fertilizer Scam? Sa ZTE, sino ang mga taga-DOTC? Sa election scam, sino ang mga taga-Comelec o mga taga-Malacanang na ginamit nila?

Bakit ito importante? Usually, kapag sila ang naiipit, kumakanta sila, at nagsasabi sila, at may mga witnesses ka na. Although I'm confident that may mga witnesses na, I've heard of the testimonies and read the affidavits of some of them. When we're going after very powerful former presidents, it's very important na siguradong-sigurado ka sa kaso mo. I hope the DOJ and Comelec do not sacrifice the quality of evidence and the case.

'Use the full powers of the government for an efficient fact-finding'

Sa ilalim ng batas, lalo kung Office of the Ombudsman, ang DOJ ay may fact-finding powers. Ibig sabihin, kahit hindi ka magkaroon ng preliminary investigation, pwedeng gamitin ang full powers of government na makumpleto ang istorya at ang fact-finding.

Kung nag-preliminary investigation ka na, although may word na investigation, hindi naman tunay na investigation 'yon. More of wine-weigh mo na ang ebidensya at kung may probable cause. 'Yon ang angal ng mga oposisyon noong panahon ni GMA. Bakit hindi nagfa-fact finding? Bakit hindi gamitin ang kapangyarihan ng gobyerno at nag nagpe-preliminary investigation muna?

'Arroyo's poll fraud people still in Comelec'

Having said that, I'm confident that the DOJ won't file cases nang hindi sila confident na maco-convict. Siguro busina lang sa DOJ at Comelec, marami pa rin ang nandiyan. Marami pang tao ang mga Arroyo, lalo sa Comelec, na gustong masabotahe o huwag matuloy ang kaso laban sa kanila. So let's just make sure na napakatindi ng ebidensya at ng kaso.

In the meantime, it won't stop us. The Senate will continue to hear the poll fraud allegations. We'll continue to investigate, and we'll continue to zero in on the syndicates in and out of Comelec.

So I'm hoping that the commissioners and the chairman is also listening and monitoring, kasi, so far, turo lang sila nang turo sa DOJ-Comelec, samantalang sa first hearing pa lang, kitang-kita na ang participation ng ibang mga taga-Comelec sa dayaan na naganap noong 2004.

Reporter: Anong masasabi ninyo sa pag-set ng Arroyo camp sa isip ng mga tao na may sakit siya, kaya possible na hospital arrest nanaman?

May dalawang scenario. 'Yung una, na pine-persecute sila. Hindi sila pine-persecute. Nakaupo pa sila, sinasabi na na ganito ang nangyayari. Ngayon na lumalabas ang ebidensya, dahil nawala ang atmosphere ng pambebengga, ng power, ng pananakot.

'Sickness may be an excuse to avoid hearings but not a hindrance for their conviction (or a get-out-of-jail-free card)'

Doon naman sa may sakit siya, it's only the doctors and God who can say kung ano ang totoong status. As I've always said, hate the sin but not the sinner. Lahat naman 'yan ay puwede. Under the law, kung ikaw ang may sakit, puwede kanbg hindi humarap sa korte.

But that will not stop the preliminary investigation, it will not stop the trial. Sooner or later, aabutan sila. Ibig sabihin, na-e-evade lang nila ang Senate hearings at ang pagkakataon na harapin nila ang mga nag-a-accuse sa kanila. Pero hindi magiging excuse 'yung may sakit kung maco-convict sila.

Katulad ngayon, galing tayo sa kulungan, 'yung iba doon may sakit. Nakita ninyo, 'yung iba, lumpo, 'yung iba may diabetes. But that did not stop the authorities from putting them in jail. Kung hindi, lahat na lang ng makapangyarihan sa ating bansa, magche-check in sa ospital, o kaya kukuha ng certificate at sasabihin na may sakit. Magiging get out of jail free na ito.

Let me explain that there are procedures or cases in the criminal justice system, na excuse 'yung may sakit ka. So wala ka doon. Pero hindi ibig sabihin 'non na kapag finally na-convict ka, hindi ka makukulong.

'Medical reasons will not stop the process of criminal prosecution'

Reporter: Reasonable po ba 'yung subpoena kay GMA, considering na nagpaalam na siyang magpa-medical check up abroad?

Kapag sa subpoena kasi, as soon as mayroon kang ebidensya, as soon as convinced na ang panel na icha-charge ka, o may complaint, puwede nang i-issue ang subpoena. Hindi rin naman puwede na ang gawin ng DOJ timing-an kung may sakit o wala. They have to get it out whether or not may sakit.

In certain cases like the preliminary investigation, pwedeng wala. Pwede kasing waiver 'yon lalo kapag may sakit. Pwedeng i-excuse ng fiscal o ang ano ang sumagot.

What I'm saying is that it will not stop the process of criminal prosecution.

Reporter: Is the DOJ strong enough para mag-file ng subpoena sa people like GMA?

'Yung sa akin, fair warning lang na make sure na matindi ang kaso ninyo. But having said that, I'm confident that Sec. De Lima will not release a subpoena at hindi mag-file ng kaso nang hindi siya confident na maco-convict niya. And I know that there are witnesses and some identities that they have to protect na hindi pa nila nilalabas.

Reporter: Kapag may subpoena, pwedeng huwag umattend?

Ang subpoena kasi is requiring you to attend, unless you have legal excuse. Medical is sometimes an excuse.

Ngayon, sa batas, mayroong times na required ka sa hearing. For example, kapag in-arraign ka, kapag sisintensyahan ka, at kapag i-identify ka. But other times, pwedeng wala ka sa korte, but it will not stop the hearing.

What I'm saying is that with or without her there, tuloy. Unlike sa hearing sa Senate, kapag wala, wala kang makuhang testimony. Pero ang magagawa lang naman ng Senate, halimbawa, ikulong ka hanggang mag-cooperate ka. Iba sa criminal procedure. Hindi siya mag-attend o mag-attend, kung ma-convict siya, kulong siya.

Reporter: May assurance ba ang public na once umalis si GMA, babalik pa siya?

Sa ngayon, wala. That's why the determination of whether or not she really needs medical treatment abroad should be with the doctors. Katulad ng ginawa ng Senate na 'yung director ng Philippine Heart Center pinatingnan muna si FG kung nagdadahilan lang ba o kung kailangan talaga.

Reporter: Pero pinayagan na siya ng DOJ at wala nang naghaharang sa kanila na... (hindi bumalik sa Pilipinas)

As of now, yes. As of now, if she gets on a plane, she can do it kasi sasabihin niya sa immigration, mayroon ba akong hold departure order? Kung wala, she can go.

Reporter: Kayo may pakiramdam ba na babalik pa siya?

I don't believe they want to face the law. The reason they're still here is they don't believe na maco-convict sila. Pero kapag dumami nang dumami ang witnesses at lumaki ang possibility na makulong sila, hindi ko nakikita na ang dating first gentleman, at ang former president, at ang mga anak niya at uncle nila ay magpapakulong. That's why 'yon ang challenge din sa gobyerno. How do you give due process at respetuhin ang karapatan, but how do you make sure that they face justice?

Reporter: diba si De Lima dating tauhan ni Gloria sa CHR?

I'll correct that notion. She was appointed by then Pres. Arroyo to the CHR, but she was known to be very independent kaya siya inappoint doon. In fact, ang duda ng marami sa amin, kaya siya nilagay sa CHR dahil masyado siyang fair na election lawyer at nakaka-damage siya sa mga pandaraya sa election.

So far, I have seen no indication na may sinasanto si Sec. De Lima so far. In my mind, wala akong duda na tutuluyan niya si dating pangulong Arroyo. Her name, her reputation, her integrity are at stake with this complaint. Makikita kaagad kung ang kaso ay panglalaglag.

Reminder to De Lima and Brillantes: 'Catch the smaller fishes'

A humble reminder sa kaniya at kay Brillantes, isama niya ang mga taong nasa ilalim. Kasi, kahit gaano kabigat na organized crime sa mundo, 'yung mga nasa ilalim ang nagtuturo. May layering 'yan. Kaya napakahirap ituro nang diretso.

Tingnan mo 'yung mga witnesses natin. "FG" nang "FG". Pero kapag tinatanong, once lang nakausap o kaya may isa pang layer na nakausap. For investigation purposes, that's good enough. But for conviction, you need personal knowledge. Ibig sabihin, 'yung experience mo talaga. Hindi pwedeng narinig mo kay ganito.

Kaya nga nagiging napaka-sensitive issue kung pwedeng maging witness ang Ampatuan. Kasi, in their case, mukhang sila, diretso na kausap. Pero napakabigatg ng krimen na ginawa nila, kaya hindi willing ang mga mamamayan at tanggapin na makakalaya siya dahil may impormasyon siyang alam.

News Latest News Feed