Press Release
November 14, 2011

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On Manny Pacquiao's win

SP Binabati ko siya sa kanyang tagumpay pero medyo yata nagkaroon ng problema yung tagumpay. Ang aking payo sa kanya, dapat simula ngayon mag-iingat na siya dahil hindi araw-araw nasa iyo ang tagumpay.

Q Mag-ingat in what aspect po?

SP Alam mo, hindi mo kontrolado yung sarili mo. Mayroong mas Makapangyarihang namamahala sa buhay mo.

Q Para sa inyo sir, ang talagang nanalo, si Pacquiao talaga?

SP Hindi ko alam. Hindi ako boksingero.

Q Nanood po kayo?

SP Hanggang sa round five. Sabi ko, ako kay Marquez.

Q May recommendation daw ang Senado para i-commend si Pacquiao? Susuportahan ninyo ba?

SP Ako, kung ano ang kagustuhan ng Senado, susunod ako.

Q Sa tingin ninyo, namaliit ng kampo ni Marquez si Pacquiao?

SP Ang hirap sa isang tao, pag ikaw ay matagumpay na, palaging nagkakaroon ka ng over-confidence. You cannot predict the future. Every day is not your day.

Q Tingin ninyo naging over-confident kahapon?

SP Palagay ko.

Q Pero nag-Marquez kayo, bakit po?

SP Kamuntik na siya. Muntik na talaga.

Q Kinabahan ba kayo for Pacquiao?

SP Napakalakas nung buntong-hininga niya nung iproklama siyang nanalo.

On Sec. de Lima

Q Sec. de Lima said she will not resign or say sorry to the Arroyos?

SP Karapatan niya un. Nasa kanya yun kung mag-apologize siya o hindi mag-apologize. Sa lahat ng bagay-bagay, there are two sides of the issue pero ang problema lang doon, hindi nila pinag-aralan muna ng mabuti. Pati yung Dominican Republic, dineny na there was a request for asylum.

Q Palagay ninyo makatuwiran yung paghingi ng apology from the Arroyo camp?

SP Karapatan nila yun. Kung iniisip nila na naagrabyado sila, karapatan nila na "hoy, humingi ka naman ng paumanhin sa amin sapagkat sinaktan mo kami."

Q OK lang ba yun sir?

SP Hindi natin pinaguusapan ang katarungan sa apology.

Q In your view, dapat ba na pinayagan na lang ni de Lima si Arroyo na lumipad ng bansa for humanitarian reasons?

SP Alam mo, kung ako, may sakit yung dating Presidente, if it involves life and death, use your discretion. Common sense yan. You should be in favor of protecting and saving the life of the person. Katulad nung ginawa namin kay Ninoy nung may sakit siya. Ganun din ang ginawa kay Erap. Ngayon, yung mga duktor na nagsasabi na may expertise dito, madaling sabihin yun pero pag tinanong mo sila, magagawa ba ninyo, mayroon ba kayong equipment dito to do the proper diagnosis; I don't think they can answer that.

Q Does it send a message na iniipit lang si GMA at this point?

SP Duda sila na hindi na babalik, pero ako naman, I will tell you I saw the former president and I can say that she is really sick.

Q Kailan inyo po siya nakita?

SP I saw her a week ago. I went to see her in her place in La Vista. You know, I am like that, even kung ako ay nagkaroon ng alitan sa isang tao, pag ganun na na may sakit, pinupuntahan ko. Ako pinakulong ni Gloria. Pinatulog ako sa kulungan. Pinatulog din ako ni Cory sa kulungan, dalawang babaeng Presidente, pero ganyan lang ang buhay, pulitika yan. Magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan, okay lang yun pero sa akin, pagkatapos nakakalimutan ko. I saw her to be very sick. May brace siya. Nagtanong ako sa mga duktor, sabi nila, pag mawawala yung brace na yun, mag-snap off, something happens, she could die anytime.

Q Ano po ang napag-usapan, mayroon ba siyang request?

SP Wala naman. I just went there on a social visit.

Q She's in high spirits naman po?

SP I don't think you can be in high spirits. Well, I saw her to be ambulant but you cannot say that a person who is as sick as she is, with all the braces, may brace dito, strap dito, may brace dito, sa katawan, at kung tumingin parang si Robocop, I don't think you can say that she is in high spirits.

Q What were the first words na lumabas sa kanya nung nakita ninyo siya?

SP Tinatanong ko lang kung ano yung nangyari sa operation niya. She was reticent about it but I heard from other people that the operation was not successful. Tatlong operation yata siya dumaan. Inopera, nilagyan ng mga turnilyo yung kanyang vertebrae, yun pala nag-snap. Nahulog lahat yung mg turnilyo. They had to put a strap to keep the vertebrae together, and they reopened again and put a graft, put something there. There is doubt that the graft is working. How can you say that the person is not sick? Alam mo, marami ngang bone specialist dito, pero mayroon ba silang full diagnostic capability? Kung nagpapa-opera ka nga, you ask two, three opinions of doctors, hindi pare-pareho.

Q Did she have any wish?

SP Wala naman. Pinameryenda lang ako. Mahina siya, she is very sick. I told her, Madame President, you seem to be anemic. Her lips are very dull, very pale.

Q How long did you stay?

SP I went there at four o'clock, I left at six.

Q Was she in pain?

SP I think so, but you have to admire her tenacity.

Q Ano po yung reaction niya na hindi siya pinayagan?

SP Wala naman. She said we are trying to get to allow us to leave. Wala pang final decision yun. Ako, personally, I do not think she will abscond. How will she abscond with that condition? It would be silly for her to do that. Unang-una, she will lose everything. She will be a pariah in this country if she will abscond, the former president. Saan siya pupunta? Ngayon, kung pupunta man siya sa ibang lugar, you can always cancel her passport and work diplomatically with the country and bring her back.

Q Tingin ninyo Constitutional yung circular ng DOJ?

SP Hindi ko alam. Pabayaan na natin ang Korte Suprema to pronounce. ####

News Latest News Feed