Press Release
November 15, 2011

Interview in response to the TRO issued by the Supreme Court
on Arroyo's request to travel

(Reporter: Sir, Reaction sa inilabas na desisyon ng SC?)

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? Aanhin pa ang hustisya laban doon sa alleged criminal o plunderer kung nakatakas na at nasa ibang bansa na?

Right to travel should not hinder Filipino's right to seek justice.

Dapat ibalanse ng Supreme Court ang karapatan ng isang indibidwal (o 'yung civil rights ng isang indibidwal) sa karapatan ng isang bansa na makamit ang hustisya (at mahuli ang mga 'alleged plunderers').

Ang isyu dito ay kung umeeskapo ba talaga ang mga Arroyo mula sa kamay ng hustisya?

Hinahamon ko ang mga Arroyo, dahil mayroon namang oral arguments next week, na huwag muna silang umalis ng bansa at hintayin nila ang pinal na desisyon ng Korte Suprema. Huwag muna nilang gamitin ang TRO para makalipad tungo sa ibang bansa.

Kung totoong magpapagamot si Ginang Arroyo at wala pa naman silang 'schedule' sa doktor doon o wala pa namang doctor na nakakausap, hindi dapat sila magmadali na umalis.

If they want to clear their name and prove that they did not lie, cheat, and steal, then I suggest that the Arroyos should not try to escape just yet and wait for the final decision of the Supreme Court.

I'd like for the Supreme Court to take a look at this case and balance the seemingly conflicting rights.

Sa Tuesday ang oral arguments na magreresolba ng isyu na ito. Kung aalis na ang mga Arroyo bago ng araw na iyon, pwedeng mawalan na ng pag-uusapan. Kasi paano kung sa Martes ay i-lift ang TRO at sabihin na may karapatan ang gobyerno na huwag silang paalisin, pero nakaalis na sila ngayon palang o bukas?

If they see that right to travel is not absolute, what would happen to the Filipino's right to seek justice if those accountable are not within the jurisdiction of our laws?

I can see the frustration of Civil Societies who already made a call to stage a rally in order for GMA not to leave the country. Pero gulo kapag nangyari 'yon. Paano mo naman mai-implement ang isang rally na parang people power? hindi mo naman pwedeng punuin lahat ng airport, tapos ay maaapektuhan mo din ang ibang mamamayan. The law enforcement authorities as well as the courts should also take these scenarios into consideration.

(Reporter: Dapat ba binilisan ni Sec. De Lima ang pag-file ng kaso?)

Right now, it is already beyond us to engage in 'fault-finding'. Ang mga ahensiya lang tulad ng Ombudsman, DOJ, at Comelec ang nakakaalam sa tunay na credibility ng witnesses at ebidensya na mayroon nila.

Paano kung nanakawan ka at nakita mo na ang mga magnanakaw ay eeskapo o sasakay ng eroplano palabas ng bansa? Kailangan mo pa ba hintayin lahat ng formalities para pigilan sila? That is the bigger picture that has affected so many people in the past. It would be good if the Supreme Court can put finality into this issue.

If the TRO is enforced now, we might lose the Arroyos as well as the chance to seek for justice in the future.

(Reporter: Dapat ba na i-file na ang mga kaso?)

I join the other senators in calling for the cases to be filed immediately. But remember that it is also important that the cases to be filed are foolproof and are backed up by strong evidence.

We cannot blame the others who plan to file cases but took time to make sure witnesses are present and evidence is intact.

Kasi mas masama naman kung i-charge nila tapos ay sasabihin ng korte na walang ebidensya at dapat pakawalan din ang mga ito. Intindihin din naman natin na hindi ganoon kadali na masama-sama lahat ng ebidensya dahil nga nakapag-handa itong dating presidente na ito na pagtakpan ang mga ginawa niya noong huling mga taon niya.

(Reporter: Sampal ba kay De Lima ang desisyon na ito?)

Sampal sa mga Pilipino na makatakas ang mga Arroyo at hindi nila harapin ang hustisya. Kung sila ay guilty o hindi, sa future pa natin malalaman 'yon, depende sa sasabihin ng korte. Lahat ng tao dapat harapin ang hustisya. Bakit pagdating sa kanila, maging impeachment, maging kaso, hindi sila handang humarap?

Kaya nga ang hamon ko sa kanila, bagamat may TRO, huwag nilang gamitin ito at huwag silang umeskapo. Harapin nila ang hustisya.

(Reporter: Ano ho ang message ninyo sa kanila kung umalis sila?)

Matagal ka mang mawala, babalik ka din.

(Reporter: Sir, 'yung sa conditions na P2 million at pag-report sa consulate?)

Ang P2 million at pag-report, balewala iyon kapag ikinumpara ninyo sa freedom. All throughout history, what has man been willing to give for freedom?

Kung totoong bilyon-bilyon ang nanakaw nila, kahit sabihin mong isang bilyon o kalahating bilyon ang ibigay for freedom, napakaliit iyon.

At kung mag-report ka sa consulate, you're assuming that they will go to a country with extradition treaties with the Philippines. Kung pupunta ka sa bansa na hindi pwede i-extradite, o kaya bigyan siya ng asylum, hindi mo na siya maipapabalik. Ano ang epekto nito sa ating bansa?

Hindi ito personal at hindi ito laban sa mga Arroyo lamang. Ang magiging problema dito, magkakaroon ng precedent na magkakaroon ng incentive ang ibang mga magnanakaw sa gobyerno na pwede namang tumakbo. The government should be able to show that they can stand up for their rights and not allow those who should be held accountable escape the hands of justice in the country.

News Latest News Feed