Press Release
November 16, 2011

Transcript of interview on GMA's case

Reaction sa nakita nyo kagabi (prohibiting GMA to leave the country.?

Nakakalungkot na kailangan nating dumating sa punto na nasa bingit tayo ng constitutional crisis kung saan nagbabanggan ang dalawang co-equal branch ng gobyerno- ang judiciary at ang executive branch, narinig ko ang braggadocio ni DOJ secretary na kahit daw ma-contempt siya gagawin nya ito. Wala akong pakialam kung ma-contempt siya ang tanong ko lang bakit nya tayo dinadala sa puntong ito. Pinag-uusapan namin dito sa senado ang budget, ekonomiya ng bansa ang problema ng maraming bansa sa mundo, tayo nasa gitna tayo ng usapan, away na politikal na hindi naman sana narating kung sinusunod lamang sana ng magkabilang panig ang batas dahil pareho rin namang may kasalanan ang dalawa, hindi ko na iisahin. Halimbawa sa kaso ni Pangulong Arroyo pwede naman siguro siyang maghintay na lang na matanggap ng DOJ ang kopya kaysa naman nagmadali agad na gusto kaagad na umalis ng gabi, hindi naman kinakailangan siguro yon. Sa parte ng DOJ hindi ito ang tamang panahon na mag-imbento ng mga makabagong teyorya sa batas para pag-eksperimentuhan sa Korte Suprema nanagdudulot tuloy ng kaguluhan at nagdadala tayo sa bingit nang nabanggit ko.

Was it unnecessary for the DOJ to do that yung nangyari kagabi?

It would have been unnecessary kung naisampa lamang sana yung mga kaso. Sabi nga ni senator Estrada kahapon tatlong buwan matapos ang EDSA Dos kinasuhan sila at nakulong sila, ito isa't-kalahating taon na , maliwanag naman na maraming nilabag sa batas si dating Pangulong Arroyo hindi ko maintindihan kung bakit ganon katagal bago maaksyunan ito, para sana hindi na tayo dumating sa puntong ito.

Sa palagay nyo ba nakakuha ng sympathy sa dating Pangulong Arroyo dahil sa nangyari?

Hindi ko alam pero kung anumang drama o pulitika ang ginagawa nila, labas yon, damay-damay sila sa paghatid at pagdala sa atin sa bingit ng constitutional crisis at sana maghunos-dili ang magkabilang panig na huminahon ang magkabilang panig, tingnan yung kani-kanialng posisyon para huwag namang tayong dalhin sa puntong yon. Ayokong makita yung sitwasyon na nag-oorder ang Korte Suprema sa pulis at sundalo na iimplement yung kanilang kautusan, tapos walang pulis at sundalong sumusunod. Wala tayong karapatan, DOJ secretary man o dating Pangulo, piliin kung ano yong desisyong susundin natin at alin yung hindi natin susundin, depende kung sang-ayon tayo don. Pagnagdesisyon ang Korte Suprema, tama man o mali, dapat sundin nating lahat. Maaaring sisihin si De Lima sa constitutional crisis na dinadala tayo?

Hindi abogado si Pangulong Aquino at umaasa rin siya sa payong legal na binibigay sa kanyang ng kanyang mga abogado, pangunahin si secretary De lima, hindi ko alam kung saan nila nakukuha yung teyoryang pwedeng i-motino for reconsideration ang TRO, hindi ko alam kung saan nila nakukuha yung reklamo na bakit man lang hindi kami dininig bago inisyu ang TRO, parang pinapainit lalo nila yung sitwasyon. Alam naman lahat ng mga abogado ang ang TRO ay nakabase lamang sa petition ng petitioner at nagrereklamo. Binibigay lamang ng pagkakataon na marinig ang kabilang panig matapso iisyu ang TRO at ang TRO ay hindi napipigil sa pag-file din ng motion for reconsideration, sa mga final desisyon lamang ng korte napipigil ang epekto nyan kapagka may motion for reconsideration. Ito'y mga bagong teyorya na sana hindi ito ang tamang panahon para gamitin at paasahin pa ang taing mga kababayan.

Sa nangyari parang in effect binigyan na ng grounds yung camp ni GMA to seek asylum.

Well naisip ko lamang yon na sa ginagawa nilang ito baka binibigyan lamang nila si dating Pangulong Arroyo na humiling ng asylum dahil sa simpleng pananaw ng ibang bansa, from the outside looking-in sa nangyari sa bansa, may desisyon ang Korte, Kataas-taasang Hukuman, hindi sinusunod ng isang ahensiya ng pamahalaan. Maaaring binibigyan lamang natin ng bala si dating Pangulong Arroyo na kumuha ng asylum dahil sa nangyayari at ginagawa ngayon ng DOJ.

Sabi nyo testing the limits of De Lima's power, yung ginawa nya kagabi was still part of testing her power?

Testing the limits of her power within the bounds of the law- yes, but not when it comes to coming up with a noble and sometime absurd interpretations of the law, iba yung stretching sa absurd interpretation na ng batas, siguro yung ilang mga law students na nanonood kagabi, tinatayuan ng balahibo don sa mga sinasabing MR (motion for reconsideration) sa TRO, don sa sinasabin hindi effective yung TRO dahil hindi sila pinakinggan, hindi effective yon hangga't hindi natatanggap, magkabialng panig ay guilty non, liwanagin ko lang din. Tama lang ang DOJ na sabihing hindi pa namin natatanggap, in the ordinary course of events, tama lang, malay ko nga ba kung peke o totoo yung TRO na yan, malay ba ng Bureau of Immigration official na yung pangalang nakalagay sa TRO ay siya nga yung tao. Pero sa kasong ito kilala naman siguro ng mga taga Bureau of Immigration si GMA at FG, nagpresscon pa yung Court Administrator tungkol sa TRO, so pero mas prudent pa rin siguro kay Pangulogn Arroyo hinintay na lang na matanggap talaga. Pero kanian napakinggan ko ang Malacanang at si Secretary De Lima, papanindigan pa raw nila na nandoon pa rin ang WLO (watch list order) at ang kawalan ng ADO (allow departure order). Para po sa akin hindi tama na gumamit tayo ng mali at ilegal na pamamaraan para gumawa ng bagay na sa pananaw natin ay tama. May pangamba rin akong baka tumakas, tumakbo at hindi na bumalik sa Pangulong Arroyo, pero hindi naman tama na gumamit tayo ng mga hindi tama at ilegal na pamamaraan para pigilan siya, dahil kung ganyan din lang, ano ang pinagkaiba natin sa kanila.

News Latest News Feed