Press Release
November 18, 2011

Transcript of DZRH Radio Interview of Sen. Franklin Drilon with Joe Taruc

Joe Taruc: Hindi po ba hanggang sa kasalukuyan naninindigan sa una ninyong statement na dapat kinasuhan muna ang dating Pangulo para walang naging problema sa pag-iissue ng TRO o kaya'y pagpigil sa kanya sa pag- alis ng bansa.

Sen. Franklin Drilon: Tama yan, Joe. Pinaninindigan ko po yan na kailangan sampahan ng kaso at sa akin naman walang hadlang kung talagang ang DOJ ay magsampa ng kaso kung merong sapat na ebidensiya at sa aking tingin naman ay baka may sapat na ebidensiya for purposes of information. Prima facie lang naman po hindi po naman kailangan guilt beyond reasonable doubt. Ngayon, may mga kaso din lalo na yung electoral sabotage at sa pagkaalam ko, yan ay submitted for resolution na. Sa aking tingin, kung ito po'y niresolba na at kung merong sapat na ebidensiya na masampahan ng kaso ang dating Pangulo, sa palagay ko ang kaso sa Korte Suprema tungkol sa kanyang karapatang magbiyahe magiging moot and academic.

Q: Maaring mag-issue din ng automatic na hold departure order.

FMD: Opo. Yun po naman ay may karapatan mag issue ng hold departure order ang husgado.

Q: In other words, malalagay po lahat sa lugar.

FMD: Tama po yan. Dahilan sa yan naman talaga ang nakalagay sa ating Saligang Batas.

Q: Ano po ba ang feedback na tinatanggap ninyo mula sa ilang opisyal na nasa administration? Ano ang dahilan na inabot ng 500 days na walang isang kasong naihaharap dito sa dating pamilya?

FMD: Hindi ko po nakakausap si Secretary de Lima tungkol diyan. Ngunit sa nababasa ko sa pahayagan, siguro yung proseso na nagimbestiga muna yung task force na binuo, yung joint DOJ and Comelec panel na binuo, binigyan ng kopya ng complaint ang dating Pangulo at binigyan ng panahon para mag-submit ng kanyang counter- affidavit. Ganun ang prosesong sinunod. At dapat naman talaga sundin yun. Sabi mo nga, 500 araw ang itinala and we find ourselves in this situation dahil po dun. Nabasa ko sa pahayagan baka daw ngayong araw na ito ay magsampa ng kaso, tingnan natin.

Q: Mr. Senator, medyo malaki po talaga pagkakaiba ng kaso ng dating Pangulong Erap Estrada kaya nagrereklamo yung dating Pangulong Erap. Ang sabi po niya, 'Nung ako'y bumaba sa kapangyarihan, hindi lumagpas ng 4 na buwan, kinasuhan agad ako at pinadakip agad at pinakulong.

FMD: Tama po yan. Mayo 1 ata nung sinerve ang warrant. Well, hayaan na natin yan. That's a fact of history at comparisons will be made kaya siguro mas madaling nakahanap ng ebidensiya noon ang dating administrasyon kaysa ngayon. Hayaan na natin yan, e wala na tayong magagawa, nakalipas na yan at ngayon may hinaharap na problema ang ating kasalukuyang administrasyon.

Q: Sana po ay maresolba agad ang problem ng malalimang unawaan.

FMD: Tama po yan. Pero lahat ito'y sa aking tingin matibay naman ang ating mga institusyon sa ating demokrasya at hindi ako naniniwala na ito'y magiging dahilan ng isang Constitutional Crisis na binabanggit ng iba nating kasamahan. Ako po'y naniniwala na ang kasong ito ay mareresolve in accordance with law and in accordance with our constitution taking all interests into account.

Q: Alam n'yo po Senator kausap po namin si Justice Midas at saka si Secretary Robredo. Ang isa sa mga hypothetical question na nilutang po namin. Halimbawa, atasan ng Korte Suprema si Secretary Robredo bilang DILG Secretary na tumulong sa pagpapalabas ng kanilang pinalabas na order kung ano pong gagawin niya, sagot po ni Secretary Robredo, kinunsulta na namin yan sa aming abogado. Kayo po ba bilang isang ginagalang na abogado, ano ang maipapayo n'yo just in case?

FMD: Sa akin, pag may final decision na ang Korte Suprema, dapat po natin sundin. Hindi man tayo sang-ayon ngunit yan po ang batas. Kung ano po ang batas sa ating sistema ng pamahalaan, ang Korte Suprema po ang nag-iinterpret. Kahit mabigat sa ating damdamin at hindi sang-ayon sa damdamin ng bayan, yan ay kautusan ng Korte Suprema at hindi man tayo naniniwala sa Korte Suprema, ganun pa din ang ating sistema. Sa aking tingin, bilang isang abogado, wala po tayong magagawa kung hindi sundin ang utos ng Korte Suprema. Ngunit habang napaguusapan na yan, alam mo itong kasong ito, bawat Pangulo sinusubukan kung gaano kalawak ang kanilang kapangyarihan. Natural po yan sa isang administrasyon. Halimbawa, noon pong panahon ng Gloria Macapagal Arroyo, inyong maalala merong inilabas na EO464. Pag sinabing EO464, humingi kayo ng permiso sa Pangulo bago kayo humarap kay Senator Drilon o sa Senado.

Q: Kaya madaming hindi natuloy na imbestigasyon dahil dun?

FMD: Yung nabinbin na imbestigasyon kagaya po nung North rail, hindi po natuloy yan dahil sa EO464. Meron din silang calibrated response, yung mga nag-ra-rally. Ito po'y dalawang halimbawa kung saan talagang sinusubukan ang mga Pangulo kung gaano kalawak ang kanilang kapangyarihan. Ngunit, kung hanggang saan ito, ang Korte Suprema ang magsasabi kung tama o hindi. Unfortunately, nung panahon ng Gloria Macapagal Arroyo, pati yung EO464 talagang hawak niya ang buong Korte Suprema nun. Kaya valid lahat, madali. Ngayon, ganito naman, sinusubukan ng pamahalaan kung hanggang saan ang kapangyarihan ng Pangulo. Hindi po bago ito. Sabi ko nga nung panahon ng Gloria Macapagal Arroyo, ganun din. Noong panahon po ng ina ng ating kasalukuyang Pangulo, ang dating Pangulong Cory, kung inyo pong maaalala, hindi pinabalik ang dating Pangulong Ferdinand Marcos nung ibig niyang bumalik mula sa Hawaii.

Q: Kayo po ang Justice Secretary noon?

FMD: Hindi po. I think I was the labor secretary. Ganun din ang issue noon. Kung may kapangyarihan ang Pangulong Cory na ipagbawal ang pagbalik ng dating Pangulong Marcos. Sabi ng Korte Suprema, merong residual powers ang Pangulong Cory na pagbawalan ang pagbalik ng Pangulong Marcos dahil baka magkagulo dahil sa merong national security at public safety involved. Kaya sabi ng Korte Suprema, wag mo nang pabalikin si dating Pangulong Marcos dahil 20 taon na nanungkulan, sa loob lang ng tatlong taon ay biglang bumalik kaya baka mailagay sa alanganin ang ating seguridad. Yun sinubukan din ng Pangulong Cory na tingnan kung hanggang saan ang kanyang kapangyarihan. Hindi po unusual ang nangyayari sa atin.

Q: So sino ang dapat masunod, yung executive o Korte Suprema?

FMD: Ang susundin dapat ang batas. Ngayon, ang pinaguusapan d'yan ano ba ang batas?

Q: dun sa puntong yun, sino ang tama o sino ang mali?

FMD: Tama. Yun po ang issue at yan po ang paguusapan. I think alas-10 meron silang En banc session sa Korte Suprema.

News Latest News Feed