Press Release
February 8, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona

Q Ano po yung mga issues na possible na lumabas sa caucus ninyo ngayon?

SP 'Yung tungkol sa mga pending request for subpoena. Marami 'yun, hindi ko na matandaan. Mga records ng Korte Suprema, 'yung mga request nila for subpoena sa mga mahistrado. Sinabi ko na kahapon na hindi ako prepared na isusubpoena ang mga mahistrado ng Korte Suprema sapagkat kagaya namin, hindi kami pwedeng isubpoena. Co-equal kami. Unless we commit a crime ourselves, in which case, we will answer for it.

Q Former Senate President Nene Pimentel suggested na invitation na lang daw, pwede po bang ganun?

SP Mahirap 'yun. Imbitahin mo, kung ayaw nila medyo magkakaroon na parang you are not a co-equal body. It's a rebuke. Anyway, 'yun ang position ko. I can be overruled, as I said I am not the court. I am just trying to preside and as much as possible, guide the proceedings in such a manner na hindi masasaktan ang sinuman. Magkabila, ganun din. Lalong-lalo na ang interest ng bansa natin, sapagkat after all of this is over, nandiyan pa rin ang batas natin, nandiyan pa rin ang Saligang Batas natin. Nandiyan pa rin ang bayan natin, ang bansa natin. Nandiyan pa rin ang mga institusyon natin, at pagka nagkaroon tayo ng makakabahid ng ating sistema, hindi ako ang masasaktan diyan hindi ako ang matatamaan, ang bayan natin.

Q Ganun din po ang posisyon ninyo sa pagsubpoena ng court records?

SP Hindi. Depende kung anong record ang gusto nila.

Q Yung sa FASAP?

SP Desisyon na 'yun. We can take notice of all of those proceedings. We do not have to issue a subpoena, all we have to do is ask our researchers to gather all the decisions and then we will study them.

Q 'Yung minutes po ng en banc session?

SP 'Yung discussion nila? Pag-aaralan namin 'yun, because in the reverse, they can also subpoena our records.

Q Pwede pa bang mareverse yung ruling ninyo dun sa bank accounts?

SP I cannot answer that question.

Q Even 'yung consideration na hindi nga bumoto sa majority?

SP Hindi ko masasagot 'yung mga ganyan. Paguusapan namin 'yan.

Q Hindi ba kayo na-offend kahapon dun sa mga banat ni Congressman Fariñas?

SP Okay lang sa akin yun dahil gusto niyang palabasin na kung matanggal ako... hindi totoo yun. Mawalang-galang, hindi niya naintindihan ang situwasyon sapagkat kung yung impeachment ay tatanggalin mo, hindi lamang yung pagka-Chief Justice kung hindi sa pagka-mahistrado ng Korte Suprema. Tanggalin mo siya sa pwesto. Kung ako, tanggalin ng Senado bilang Senate President, nandiyan pa rin ako. Pwede ang Senado na bumoto ng bagong Presidente. Hindi ganun sa Korte Suprema. Kailangan ng isang mahistrado o Chief Justice ang appointment ng Presidente at ang kanyang pirma doon sa appointment na yun para siya ay maging mahistrado o maging Chief Justice ng Korte Suprema. Ang Presidente hindi nilalagdaan ang aming appointment. Ang nagbibigay sa amin ng appointment, ang taong-bayan.

Q Sir, may repercussions ba 'yung sinabi ni Congressman Fariñas na masama 'yung pagkakagawa ng impeachment complaint?

SP Sila mismo hindi nagkakaintindihan. Opinyon niya 'yun. Hindi ko pakikialaman 'yung impresyon nila sa kanilang gawain sapagkat ayaw ko rin naman na pansinin nila o magbibigay sila ng opinyon tungkol sa mga ginagawa namin dito sa Senado.

Q Sir, 'yung motion for reconsideration po ni Senator Miriam, anu-ano po 'yung mga issue na lilitaw mamaya sa caucus?

SP Pag-uusapan namin 'yung kanyang mungkahi at ire-reconsider. May sulat siya ngayon na binigay ko kay Majority Floor Leader Tito Sotto na sinasabi niya na ang boto niya ay "yes" pero hindi siya makakadalo sa aming caucus pati na rin sa session sapagkat mayroon siyang masamang nadarama sa kanyang katawan. 'Yun din, we will take it up.

Q Sir, yesterday, si Justice Cuevas he hinted na raising the issue sa Supreme Court. Will this be a factor sa discussion mamaya?

SP I will not comment on that. Alam mo, ako, hindi ko mahahadlangan ang sinuman to take their legal remedies. Kung inaakala nila na mayroon kaming ginagawa na hindi tama, di magsampa sila ng kaso at titingnan naming kung pwede kaming kasuhan kung mayroon kaming nilalabag na batas. Nobody is above the law.

Q Sir, kahapon pinuna nyo sa Impeachment Court 'yung pagtawag ng prosecution sa mga congressmen. Ano po ba talaga ang tama?

SP Alam mo, sila mismo sa kanilang Rules of Impeachment, kung basahin mo 'yung Rules of Impeachment nila, sinasabi nila na gagamitin nating reglamento sa paglilitis sa impeachment, sa paggawa ng Articles of Impeachment pati sa pag-uusisa kung may probable cause, kung may sustansiya 'yung Articles of Impeachment, ay 'yung reglamento na nasasaad sa Rules of Court tungkol sa criminal cases. 'Yun ang nasa kanilang reglamento. Hindi ako nag-imbento nun. Sila ang gumawa nun. Itinatanggi nila 'yung kanilang Rules.

Q Sir, going back to the possibility na i-raise sa Supreme Court, kasi malinaw na sinabi nyo kahapon na stopping the impeachment lang 'yung hindi pwedeng gawin ng Supreme Court. So, other questions pwedeng i-raise ng other parties sa Supreme Court and you will acknowledge that, sir?

SP I will not answer that question because it will go into the merits of the case, what they can do and cannot do. All I know is that the Constitution says is that the Senate has the sole power to try and decide impeachment cases. Doon sa bagay na 'yun hindi kami pwedeng pigilan ng Korte Suprema. Hindi ko alam kung pwede kaming pigilan sa mga ibang bagay. Ang alam ko hindi kami pwedeng mapigilan ng maski sino sa utos ng Saligang Batas na kami lamang at walang iba ang magdidinig ng mga ebidensiya at magbigay ng pasya sa impeachment case. Sa palagay ko, hindi kami pwedeng hadlangan, hindi kami pwedeng pigilin ng Korte Suprema sa bagay na 'yan. Sa mga ibang bagay, hindi ko masasagot 'yun.

Q Sir, 'yung apprehension ni Senator Lacson is baka magkaroon ng Constitutional crisis...

SP Hindi ko alam kaya noong sinabi ni Senator Lacson sa akin 'yun, dapat ay pag-usapan natin 'yan pagdating ng panahon.

News Latest News Feed