Press Release
March 13, 2012

Transcript of Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

On the impeachment trial of CJ Renato Corona

Q May caucus po mamaya?

SP Wala siguro.

Q Ano na po ang parusa kay Atty. Roy?

SP Reprimand.

Q Bakit po reprimand, kay Atty. Aguirre ay admonition?

SP Medyo mas mabigat 'yung sinabi niya. Parang nagpaparatang na may tumatanggap ng suhol.

Q Gaano po ba kabigat ang isang reprimand para sa isang abogado?

SP Reprimand lang yun. Nakatatak na Reprimanded. Tama na 'yun.

Q Kapag nag-present pa po 'yung defense ng mga witnesses na kagaya ni Cong. Tiangco, papayag pa rin po kayo?

SP Palagay ko hindi na importante sa amin 'yun, kung ano ang nangyari doon sa House. Ang dapat talagang gawin, tanungin na nila 'yung tungkol sa problema nung SALN, 'yung Article 2.

Q Sir wala pong point 'yung kahapong testimony? Immaterial po siya?

SP Well, gusto nila na ipakita na nagkaroon ng pressure. Pero kahit na may pressure, may kasalanan ba? Wala bang kasalanan? 'Yun ang issue.

Q Paano 'yung kanilang request na isubpoena 'yung ibang Kongresista? Ita-take up n'yo pa ba 'yun kahit na adverse witnesses daw po?

SP Nandito naman 'yung mga prosecutor. Prosecutor 'yung mga nag-complaint. Si Niel Tupas Jr., nandito. Si Cong. Abaya, nandito. Si Cong. Rey Umali, nandito. Si Cong. Bag-Ao nandito.

Q Sila dapat ang isasalang sa witness stand?

SP Oo. Tawagin na for what, hindi ko maintindihan kung ano 'yun. Pwede naman silang mag-affidavit na lang. Kami, vinerify namin 'yan. Binasa namin 'yan. Hindi naman pwede siguro na hindi binasa nila 'yung kanilang isinampa dito na Articles of Impeachment, 'yung mga pinangalanan sa tagal-tagal ng panahon na ginawa nila.

Q Only if they are willing sir?

SP Under the Rules of Evidence karapatan ng adverse party 'yun. Alam mo, dito kasi ang impeachment, hindi kasong sibil, hindi rin kasong criminal. Kaya sinabi ko doon sa umpisa pa lamang, hindi kasong criminal, hindi kasong sibil ngunit mas malapit sa kasong criminal itong impeachment case. Kaya sinabi ko, 'akin' to a criminal case. Ngayon, sa kasong criminal, walang answer ang naka-sakdal, basta i-arraign. Arraignment 'yun. Kakasuhan, papatawan ng information na tinatawag. 'Yung information na 'yun ang equivalent nung tinatawag na Articles of Impeachment at doon sinasabi kung ano 'yung kanyang mga ginawang kasalanan. Sa criminal case, walang answer 'yung naka-sakdal. Tatawagin sa husgado sa isang araw at tatanungin ikaw ba ay guilty or not guilty? Arraignment 'yun, 'yun ang tinatawag na arraignment. Sasabihin n'ya, not guilty. Pag sinabi niyang guilty, tapos na, wala pang bista. Pag sinabi niyang not guilty, magbi-bista. Dito sa impeachment, wala 'yung arraignment. Halip na arraignment, ang nasa rules ng Senado as the one that would try and decide an impeachment case, pagka-tanggap namin doon sa Articles of Impeachment, padadala namin ngayon doon sa naka-sakdal ng kopya nung Articles of Impeachment at sasabihin sa kanya, sagutin mo. Kaya nangyari 'yun. Pinadala namin before Christmas at sinagot nila. May complaint, may answer. Pagkatapos nung answer, binigyan din namin ng pagkakataon 'yung prosecution na sagutin 'yung mga sinabi doon sa answer ng naka-sakdal. Reply 'yun. That is a part of due process. 'Yung sinasabi na minsan walang due process, hindi totoo 'yun. Dito sa Senado, may due process. Ngayon, lumagpas na sa House of Representatives. Ang House of Representatives naman, ang dahilan nila ay hindi nila ginamit 'yung ordinary process of impeaching a public official kung hindi 'yung special method na nakalagay sa paragraph 4 of section 3 of Article 11. Kaya, lumagpas na doon, dumating na sa amin, at inuutusan naman kami ng Saligang Batas na pagka-tanggap ninyo, ng Articles of Impeachment na 'yan, 'wag na kayong magtatanong. Kaagad-agad, dinggin ninyo ang kaso at pasyahan ninyo. 'Yan ang sinabi ng Saligang Batas at kami lamang ang makapag-papasya. Ang Korte Suprema, walang jurisdiction to try and decide an impeachment case. Kaya ang sinabi ko, hindi kami pwedeng pakialaman ng Korte Suprema sa trial and judgment sa impeachment. Di ba maliwanag 'yun? Hindi pa ba naintindihan 'yun?

Q Clarify ko lang po, kapag po nag-present pa sila ng witnesses na pareho lang po 'yung line of questioning and answering?

SP Palagay ko mawalang galang, sasabihan ko na sila na tama na 'yan, diretsuhin na ninyo, punta kayo doon sa substance ng Article 2.

Q 'Yung pagsusumbong ni Tiangco doon sa pag-ipit ng PDAF niya, ano ang relevance sir?

SP Wala 'yun, problema 'yun sa House pero hindi na problema 'yun dito.

Q 'Yung kay Atty. Roy po, pwedeng in writing?

SP Hindi na, sasabihin na lang namin sa record na 'you're reprimanded.

On approving the Anti-Money Laundering Act on time

Q 'Yung Palace po sinabi na PNoy made a request for a special session for AMLA? How amenable is the Senate to that?

SP Hindi ko masasabi. Gipit na kami ng panahon. Pagka-magkaroon kami ng hearing sa impeachment, hearing pa sa mga ibang problema ng legislation, medyo may kabigatan na ang schedule namin.

Q Kahit po mataas 'yung risk na mailagay tayo sa blacklist?

SP Ang sinabi naman dito sa amin hanggang May pa 'yun. Hanggang May. May panahon pa, at saka ang mahirap dito, ginugulat tayo ng mga tao na ito, tatlumpung nasyon lang 'yan. Tatlumpo, out of more than a hundred nations. Gugulatin mo kami? Ako, I am not willing to be threatened by these people.

Q Priority po ba 'yun pagbalik ninyo ng May?

SP Bahala na sila.

News Latest News Feed