Press Release
March 15, 2012

Transcript of Ambush Interview of Senate President Juan Ponce Enrile

Q: Sir sinabi niyo po kanina yung mga values, may market values...

SP: Oo, yung market value, assessed value. Ang importante dyan acquisition cost. Basta nakalagay doon asset mo, liability mo, net worth. Ang ibig sabihin nun, magkano mo binili lahat itong ari-arian na ito compare mo dun sa utang mo, yung balance, yun ang net worth mo. Kung sa stock market, yung ilalagay mo yung acquisition cost, yung existing present value dahil nagfa-fluctuate yang value nun, liability, then net worth. Pwedeng maging zero ang net worth mo dun.

Q: Sir, sabi po ni Senator Sotto parang nagkakaroon daw ng conviction dun sa SALN form. Anong masasabi nyo dun sir?

SP: Eh, iyon eh, form lang. Ang importante diyan iyong Saligang Batas. Ano ba ibig sabihin noon?

Q: Sir, iyong law po on SALN needs to be fine tuned? Medyo may pagkukulang lang po...

SP: Iyong SALN? Ginagawa na ngayon, pina-fine tune na nila. Ok?

News Latest News Feed