Press Release
April 19, 2012

Kapihan sa Senado transcript

I guess politics, if not impeachment, is the topic of the year, if I'm not mistaken. This new alignment being formed by Vice President Binay, you being one of the authors, if I may say so, of the NoyBi Team which succeeded in 2010, is it safe to say that you are with the UNA?

I have not yet--wala pang pormal na usapan sa pagitan ko at ng UNA kaugnay ng bagay na iyan bagamat nagkausap na kami ilang beses na ni Vice President Binay tungkol sa 2013 pero walang specifics. Syempre ikinagagalak ko na nababanggit at binabanggit ang aking pangalan bilang bahagi ng pinag-uusapang slate bagamat hindi pa final. Pero tulad ng marami, para sa akin maaga pa para pag-usapan ang mga bagay-bagay na iyan. Siguro, hinog na iyan pag-usapan ilang buwan bago ang last day of filing. Pero sa ngayon napakarami pang pwedeng mangyari at anumang pangakong binibitiwan ay hindi naman nangangahulugan na aabot sa katuparan pagdating ng Oktubre at darating na taon. Siguro base sa aking karanasan ay mas maganda na mag-usap kapagka medyo final na ang mg usapan kaysa ngayon na puro girian pa lamang.

Sir, that question is logical, I think, because you are still partyless, aren't you?

I would rather consider myself as an independent rather than partyless.

Besides, I don't think you can really run under the administration ticket because your--the unfriendly persuasion will be coming from Senator Mar Roxas.

I am not discounting any possibility and neither am I closing any doors since so far as 2013 is concerned. Dagdag pa siguro doon, para sa akin, lahat ng options, posibilidad, at pagkakataon ay bukas. Hindi nga lang siguro ito ang tamang panahon para pag-usapan o kagatin o patulan ang anumang pagkakataon na meron dahil nga medyo may kaagahan pa naman. Na ang iba ay init na init nang pag-usapan ang pulitika sa 2013 at 2016, sila na muna at hindi ako makikipagsabayan.

I might as well glorify a comment from a former senator and columnist: a vote for Corona is a vote for Binay. Your comment.

That is his opinion. I disagree with it and siguro hindi naman siguro maganda para sa Senado at mga myembro ng Senado na sabihin iyon dahil parang balewala na lahat ng ebidensya, batas, at trial na ginagawa naming kung iyon lamang ang magiging basehan. I disagree with Senator Maceda on that point although I respect his perspective and point of view.

Walang final na __ ni VP Binay sa UNA pero you will accept it?

Politics is always addition. Kahit sino naman siguro na niyayaya na susuportahan ng anumang grupo, sino ba naman ang sinumang nagnananais na manilbihan sa pamahalaan ang tumanggi at sabihin na hindi. Siguro malayo sa katotohanan ito. Pero gaya ng nasabi ko, wala pang pormal na usapan. Para sa akin masyadong maaga para pag-usapan ang 2013 elections at darating naman ang panahon para diyan. Hindi pa naman siguro ngayon dahil Abril pa lang naman at mahigit isang taon pa bago sumapit ang halalan sa darating na taon.

You are not closing your doors. So pati Liberal Party kung i-invite ka?

I plan to run as an independent. I've said that before and I'm reiterating it again. I do not plan to join any political party but that does not close the door towards being part of a slate or a coalition in the coming elections.

Nagkakausap kayo ni Binay about that?

Hindi pa. Hindi ko alam kung magkakausap pa kami tungkol doon pero sa ngayon ay hindi pa.

How dare you ask kung kakausapin siya ng LP when he was the one who replaced Mar with B?

Ang tanong niya ay kung kakausapin ako ni PNoy (President Benigno "Noynoy" Aquino III). Ikaw naman.

I mean out there, you ask whether he would join the LP dahil siya ang bumura ng Mar. Pinalitan niya ng Bi.

Right now sino-sino na ang nag-o-offer sa inyo?

Formally, wala pa. again, hindi naman ako bahagi kasi ng governing body o ruling body ng UNA. Hindi rin naman ako bahagi ng Liberal Party. Hindi para sa akin na maging bahagi ng anumang usapang pormal kaugnay sa mga plano at balakin ng magkabilang grupo sa ngayon at siguro sika mismo ay tinitimbang pa rin at isinasaayos ang sari-sarili nilang mga listahan. Nagkaroon ng initial discussions kaugnay ng 2013, ako at si Vice President Binay, noong nagdaang taon. Pero, wala pang pormal na usapan lalo na noong lumabas ang UNA.

Going back sa naging statement ni Manong Maceda. Hindi ba niya nilalagay sa alanganin si Binay?

Well, I think Vice President Binay can defend himself and he has already issued a statement in so far as distancing himself from the statement of Senator Maceda is concerned. But I can only speak for the Senate and as a Senator I think it is unfair na sabihin iyon para sa Senado at sa mga Senador na ganoon lamang kababaw at iyon lamang ang basehan ng boto ng bawat isa.

Pag nagkahiwalay na ang NoyBi, kanino ka sasama?

Magkahiwalay naman sila noong nagdaang eleksyon. Hindi naman sila magkasama noong nagdaang eleksyon. Hindi naman iyon makabago at bago para sa akin at hindi naging hadlang iyon para panindigan at tayuan ko ang paniniwala ko kaugnay sa pagsuporta sa kanilang dalawa.

Ang sagot doon ay pupunta siya kay NoyChi. BiChi pala.

Parang ang panget naman pakinggan niyon. 2013 muna. Isa-isang laban at a time at kung marami na ang pumoporma at ika nga nilalantad ang kanilang pangalan kaugnay ng 2016, matuto na tayo sa nangyari noong 2010. Lahat ng pangalan na naunang lumabas kaugnay ng 2010 elections ay hindi nagwagi. Ang pinakahuling pangalan na lumabas ang siyang naging matagumpay so wala iyan sa panahon o aga ng pagdeklara kaugnay ng darating na halalan na 4 na taon pa mula sa araw na ito.

Ang sinasabi ko ay hindi ito unahan ng pagdeklara at sa pananaw at palagay ko masyadong maaga para pag-usapan ang 2016. kayo naman hindi pa tapos ang 2013.

Si Vice President Binay hindi ba complacent.

I don't think he is being complacent. I think he is covering all the bases right now, including the formation of his own coalition and party. I don't think he can be faulted for that.

Napag-usapan na rin naman ang 2016. Ang sabi kasi ni Binay ang ___ ko ay ang contender niya na si Mar Roxas. Are you out of the picture?

Again, comments ni Vice President Binay iyon and I refuse to comment in so far as 2016 is concerned. Para sa akinb masaydong maaga na pag-usapan iyon. Ang alam kong sinabi ni Vice President Binay ay he cannot deny the fact that he is eyeing the presidency. And it was his other partymates or other colleagues who have been saying and talking about his candidacy in 2016. but I think Vice President Binay has been very careful to say that. Of course as Vice President his eye would be on the presidency on 2016, although no specifics yet about his candidacy.

Pero kanina sa hearing you mentioned kanina na kapag si Binay ay naging presidente..

Ay, hindi. Kasi nagkataon lang iyon. Si Mayor Emano kasi malapit and his concern was...

So hindi mo dini-discount na ...

Again, it's too early to talk about 2016 from where I'm coming from.

Pero, sir, gusto mong maging presidente?

Iba ang gusto at iba ang nangangarap nang tulog at gising.

Ibig mong sabihin ang concern lang ni Binay na tatakbo siya sa 2016, hindi mo na siya susuportahan sa 2013? Hindi ka na papanig sa kanya?

Parang non sequitur yata iyon.

Hindi ka na kakampi sa 2013 kasi makakalaban mo siya sa 2016.

Wala akong sinasabing pagtakbo sa partikular na pwesto sa 2016. Ulitin ko, nakatuon ang pansin ko sa reelections sa 2013 at iyon lamang ang pagtutuunan ko ng pansin kaugnay ng mga halalan na darating. Sa ngayon, masyado pa ring maaga ang 2013. Darating tayo doon, sooner than later. Napakabilis naman dumaloy ng panahon. Huwag nating madaliin dahil pagod ng katawan at sakit ng ulo at gastos palagi ang halalan. Huwag nating madaliin lagi na dumating kaagad iyon.

Kahit barangay captain nangangarap naman siguro na maging mayor, senador, o presidente at hindi natin dapat alisin sa kanila iyon. Ang pangarap ko ay manalo muna bilang senador muli sa 2013.

You can ask questions about the impeachment which is 2 weeks away.

Oo nga naman. Ang impeachment two weeks away. Iyan 4 years away.

So hindi nyo nakikita ang sarili ninyo na parting ways with VP Binay?

What do you mean by parting ways? Hindi naman kandidato si Vice President Binay sa 2013. Hindi rin naman kandidato si Pangulong Aquino sa 2013. hindi para sa akin na humiwalay sa kanila o magdesisyon na humiwalay sa kanila sa pamamagitan ng pagsuporta o pagboto sa kanila. Ako ang kumakandidato kunsaka-sakali o kakandidato sa 2013 at hindi sila. Wala sa kamay ko ang paghiwalay kaugnay ng darating na halalan ng 2013. 2016?

Malayo pa.

Speculative?

Pag hindi ako tumakbo sa 2016, ni wala tayong kailangan pag-usapan kaya doon muna sa siguradong tatakbo ako, sa 2013 muna.

Speculative. Halimbawa bumoto kayo for the acquittal of Corona. Tiyak na hindi kayo ie-endorse ni NoyPi hindi ba?

Objection, your honor. Ikaw na mismo nagsabi na speculative and hypothetical. Again, it is unfair to..., that is equally unfair in the same manner as the comment of former Senator Maceda is unfair. As I have said many times over, I will base my decisions solely on the evidence presented and on the laws applicable in so far as the impeachment trial and cases are concerned. I will be explaining my vote whichever way it goes in so far as that is concerned, basing it still on the evidence and law applicable.

That may be can sell but give Malacanang some ideas as to who will be supported or junked?

E di bakit hindi na lang sila magplebisito sa pagitan ni Pangulong Aquino at Vice President binay imbes na mag-trial pa kami na apektado ang trabaho namin. I think this whole process will render inutile if we reduce it to those simplistic choices as to how each senator will vote. As I said, that is what makes it unfair. Habang nauubos ang oras namin. Habang ninanakaw nito ang oras naming sa ibang bagay, tungkol lang pala sa dalawang iyon lang at napakalaking collateral damage lamang si Chief Justice Corona. Hindi naman siguro tama at totoo iyon.

Wave of defiance daw on the part of the Aquino administration. How can that be addressed kung hindi matatanggal si Corona?

What do you mean wave of defiance?

Marami daw mga resolution at court orders na hindi sinusunod ng administrasyon: TRO kay GMA, sa Cebu incident...

The TRO against GMA was rendered moot and academic by the issuance of a warrant of arrest. Walang outstanding order ang Supreme Court ngayon in so far as GMA's travel is concerned. That is not being followed by Malacanang. As I said, when the warrants of arrest were issued against GMA by a Pasay court, the TRO on the supposed right to travel of the former President Arroyo was rendered moot and academic already.

Yung sa Cebu na nag-facebook, I think it is a private school.

You don't agree na may wave of defiance sa ginagawa ng..?

Kung initially man kaugnay ng TRO, meron. At maliwanag ang posisyon ko doon noon. Sa ngayon, wala akong nakikitang pending matter na hindi sinusunod ng gobyerno kaugnay ng specific na utos ng korte. Ngayon kung ang bibilangin mo ay ang mga warrant of arrest laban kay Palparan, kay Reyes, kay Ecleo, at kung sino pa man, that is a question really of enforcement and not so much on disobedience, intentional disobedience to a lawful order of arrest issued by the court.

Kung tinted ang point of view ng Supreme Court ngayon, how do we expect na magkakaroon ng __? Si Midas ang nagsabi. Mga cases.

Again, we have to make sure of the statements made by the Chief Justice himself and the court administrator is speaking as his spokesperson or if those statements emanated from the court itself, which usually should come in the form of a resolution and not simply a statement. More often than not, as we have seen, the statements that are being made by Midas Marquez not as court as administrator but as spokesperson seem to reflect that of Chief Justice Corona. So unless the court comes up with an official position about it, I wouldn't be too quick to attribute it to the court that these statements came from the court itself as a body and as an institution.

According to Puklse Asia survey, only 13 percent of the public is concerned of having a fair trial.

Actually, 13 percent are concerned about the trial. That is my understanding of the survey and not really a fair trial. That does not necessarily mean by your statement na pag sinabing 13 percent lang ang interesado sa fair trial so ang balance kahit unfair trial okay lang sa kanila. I think 13 percent are interested in so far as the impeachment case is concerned. Tinatanggap naming iyon kasi hindi naman maikakaila na boring naman talaga ang ilang parte ng hearing at ng trial, lalo na ang mga mechanical parts. Pero trabaho naming na dapat gampanan iyon alalahanin ninyo na hindi naming ginusto ang impeachment complaint na ito. Walang senador na may gusto nito pero obligasyon naming na dinigin ito matapos na isampa ng House of Representatives. Sang ayon sa Saligang Batas, kailangan naming dinggin ito, litisin ito, at pagpasyahan at desisyunan ito.

Kaya naging lukewarm ang public sa impeachment, I think the answer there is it is the economy, stupid, di ba.

Sinabi ko na rin iyon sa ibang mga pahayag. Ma-convict o ma-acquit man si Chief Justice Corona, mataas pa rin ang rpesyo ng bilihin, kuryente at gasoline, ang walang trabaho ay wala pa rin, at ang maysakit ay hindi naman biglang gagaling. Nananatiling problema ang mga iyan at dapat pagtuunan ng pansin habang ginagawa ng Senado ang tungkulin niya kaugnay ng impeachment. Ma-convict o ma-acquit man si Chief Justice Corona yung walang trabaho wala pa rin, yung may mga sakit hindi naman bigla-biglang gagaling, nananatiling problema ang mga problemang yan at dapat pagtuunan ng pansin ahbang ginagawa ng senado ang tungkulin niya kaugnay ng impeachment dahil uulitin koi to ay tranaho naming sang-ayon sa Saligang Batas, gustuhin man naming o hindi.

Do you think the impeachment will reach the sine die adjournment?

Based on my conversation with some senators, me included, ako mas gusto kong tapusin yan bago mag sine die ang senado sa darating na Hunyo. Masyadong ng matagal, it's taken its toll on the senate itself, and even on the senators themselves, at siguro sapat na panahon naman na ang mula May 7 hanggang magadjourn kami para mapakinggan ang panig ng depensa, ng prosekusyon uli on rebuttal at ng depensa sa rebuttal kung kinakailangan nila ng karagdagan pang ebidensiya. I think the senate will push towards that and will mostly like be a bit more stricter in so far as redundancies and obedience to certain procedure are concerned.

Parang unfair din sa defense because the prosecution was given all the time...

Medyo natatagalan naman talaga kung sino ang unang magpipresenta dahil hindi pa naman niya alam kung paano talaga at ano ang kalakaran sa senado, I think the defense benefited from that in so far as knowing and watching and learning from how and what the prosecution went through in presenting their evidence, which I hope will facilitate the presentation of their own set of evidence to defend the position of the chief justice. Sana lang matapos ang mahigit isang buwang break eh hindi na naman kami magsimula sa simula, sana parang hindi diesel ang impeachment complaint at trial na magpapainit na naman ang prosekusyon at yung defense bago mapasok sa tamang grove ng trial na meron n asana kami nong mag huiling linggo.

On Scarborough Shoal dispute...

Una naniniwala akong makalumang pamamaraan at kaisipan na ang pakikigiyera o digmaan para maresolba ang hindi pagkakaintidihan, maraming iabng paraan pang-ekonomiya man o diplomasya na pwedeng gamitin o magamit maliban sa barilan at bombahan. Panagalawa sa i-explore din ng bansang Pilipinas ang joint exploration ng area na hindi pinag-uusapan yung kung sino ang may-ari o sovereignty issue. 50-50 man yan o mas malaki ang share natin sana pag-aralan ng pamahalaan dahil baka mamaya wala namang laman yan at ni wala tayong kailangang pag-awayan o rason para magbarial o magsakitan. Napakaraming kumpanya o pag-mamay-ari ng Chinese nationals na pagmimina dito mismo sa loob ng teritoryo ng ating bansa na inaamin nila at natin na atin pero ang nakukuha lamang natin 2 porsyento, eo kung magkakaroon ng mas mataas na porsyentahe, maliwanag man o sang-ayon man sila o hindi na tayo ang may-ari, siguro naman mas maliwanag na may benepisyo tayo doon kaysa sa napapala natin dito sa loob mismo ng lupain na pagmamay-ari at ni hindi kinukuwestiyon ng bansang Tsina.

Hindi ba kayang-kaya tayong ibully ng Tsina which they already did, they have poaching vessels there...

Alam nyo pagpapainit lamang ang anumang usapin na msyadong inaapi dapat lumaban tayo. I think the President was being factual when he made the statement with connection with our position in relation to China. Nag-0rder pa lang tayo ng dalawang eroplano, parating pa lang, baka segunda-mano pa, ang China may humigit-kumulang dalawang libong eroplano na nadoon na at pedeng magamit, hindi ito kuwesityon ng pagpapainit ng tila dalawang hindi nagkakaintindihan at sasabihin nating "Oh ha hawakanmo nga ang tenga, hindi mo kayang hawakan yung tenga noh." Walang ganyanan, siguro ang dapat pagtuunan dapat natin ng pansin na panmgalagaan pa antin ang buhay n gating mga sundalo na nangangalaga ng kasarinlan n gating bansa. Nilagay ba natin sila sa balag ng alanganin? At gaya ng nasabi ko wala ba tayong ibang options? Dahil makaluma na ang barilan, suntukan at giyerahan pagka merong di pagkakaintindihan. Nong bata siguro ganon, kapagka may kaaway tayo, suntukan na kagad yon o sabunutan na kagad yon. Pero habang tumatanda na tayo hindi naman ganoon kadali ang pakikipag-away, at ang tingin natin sa mga taong napakadaling makipag-away ay parang bata ang isip at hindi tama ang pag-iisip kaugnay sa paghandle ng kanialng mga sarili, lalong-lalo na kung ano involved dito ay humigit-kumulang 95 milyong Filipino.

Shouldn't be DFA or Malacanang brief Congress or the Senate at least on our situation?

Well someone ask me that question before, vakit wala daw ginagawa ang Kongreso and we have the sole power to declare war, kaya nga ho walang ginagawa ang Kongreso dahil wala kaming balak gawin yon. I think the briefings will come during the budget deliberations and then we have more information with respect to the actions that the government has taken through the international organizations that we have brought this matter up with.

Si Vice President Binay gagawing crisis manager sa disute ng China at ng Pilipinas

Narinig ko na rin yon pero discretion ng Pangulo yan dahil alter ego ng Pangulo ang dapat na gumawa nyan, that is well within the discretion of President Aquino t appoint whoever he desires to represent him in these issues and these talks, at hindi ako magugulat kung saka-sakaling gawin ni Pangulgn Aquino yan dahil sa sensitibong bagay-bagay na pumapalibot sito sa isyu sa pagitan ng China at ng Pilipinas na marahil nakatalia ng kamay n gating DFA at hindi mas malayang makakakilos tulad ng isang special envoy na iaapoint ni Pangulong Aquino para sa bagay na ito lamang.

Again marami tayong option, marami tayong pwedeng gawin malibans a pakikipag-away at barilan, kabilang ang joint exploration nang hindi natin wini-waive o kino-concede anumang isyu ng sovereignty na pwedeng i-purpue ng pamahalaan, naniniwal ako na huling option ng pamahalaan ang pumasok sa isang alitan o away na lama nating maraming mga buhay at kababayan natin ang maapektuhan, hindi lamang doon mismo sa China pero yung mga naninirahan dito sa Pilipinas.

Even if the UN for example, which is most unlikely, rules in favor of the Philippines naiignore lang ng China, may UN resolutions of the security council itself have been ignored by Israel, I mean wala rin...

Or by the United States for that matter. Well ganoon naman talaga pero sa pinag-ipon, ipon, ipon na mag resolusyong ito sa pagdaloy ng panahon nakukuha din naman, gaano man katagal at least sa mapayapang paraan. Gaano man kabilis kung maski na may isang buhay na mawawala para sa akin hindi pa rin justified yon.

Tungkol sa ASEAN bakit waalng isngle voice ito to condemn China;s actions?

Hindi naman ito laban sa China dahil may ilang territorial disputes din ang ilang bansa sa loob ng ASEAn at ng Pilipinas.... Kaya ang China ay hindi mismo bahagi ng ASEAN, so loob ng ASEAN yung mga miyembro may kanya-kanyang territorial dispute tapos ang ilang miyembro mayroong territorial dispute din sa pagitan ng China kabilang na ang pIlipinas. I think that's important with the ASEAN I think they passed a resolution on the matter. Nagpasa na sila na nananawagan ng hinahon at payapang pamamaraan para resolbahan ang anumang conflict or issue and so far to be fair sa nagdaang sanpung taon na medyo tumataas yung initan at girian eh wala pa namang actual na nagbabarilan o nagpapatayan sa pagitan ng mga bansang interesado sa area na yan and restraint has prevailed thus far in so far as these countries are concerned.

Sa May 1 Labor Day sabi ng Palasyo wala silang idadagdag na sahod para sa mga manggagawa

Personally pabor ako sa isang legislated minimum wage hike para flat rate mataasan ang suweldo n gating mga manggagawa ar matapos non ipasa muli sa mga regional wage boards, ang problema ko kasi tila nakatira yata sa Mars o Venus ang mga miyembro ng wage board dahil yung umentong binibigay nila napakalayo sa reyalidad at katotohanan at kugn paghihigpit-sinturon na namana ng hihilingin nila eh baka hindi na sapat yung butas ng sinturon o baka hindi na makahinga an gating mga manggagawa. Hiling ko n asana mas bukas-palad angmag negosyante kaugnay sa pagbibigay ng tamang parte sa pamamagitan ng mas mataas na suweldo ng kanialng mga empleyado dahil kasabay naman sila sa pag-angat ng kanialng negosyo at paglaki ng kanilang kinikita. Sana mas maging bukas sila sa regional wage boards din at hindi sila palaging automatic na tumututol at mananakot pang magsasara sila kapagka tinaasan ang suweldo.

Pwede bang buwagin ang wage board through Congress?

I think the wage boards can act more swiftly whenever it is necessary but whenever it does not as we've seen in the past Congress should step in. Ang in-iexercise na power ng wage boards ay delegated lamang ng Kongreso, ibig sabihin non kung sa tingin naming hindi nila ginagawa ang trabaho nila pwede kaming pumasok pero kung sa tingin naming ginagawa nila yung trabaho nila mas mabilis pa rin silang magpasya ng isang resolusyon kaysa magpasa ng isang batas ang Kongreso. Yung P125-across the board, hindi ko sinasabing yon ang presyo dapat, na hinihiling ng ilan gmilitanteng grupo sa Kongreso, naifile nila yon 1998 pa nong una akong nahalal bilang congressman , 14 taon na ang lumilipas mula non, hindi pa rin napapasa yung batas. Malayong mas mabilis magpasa ng resolusyon ang wage boards kaysa Kongreso.

Tungkol sa joint exploration sino ba ang dapat mag-umpisa non?

Ginagawa yan high-level talks sa either sa head of state o sa pamamagitan n gating foreign affairs department o kung may ambassador na sana tayo don sa pamamagitan ng ambassador natin. Sana masgot ang mga isyung yon sa lalong madaling panahon dahil nakakdagdag yan sa kawalan ng koordinasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Paano yung ibang bansa papaya ba sila sa joint exploration ng Pilipinas at ng China?

I think wala naman ibang claimant in so far as that area is concerned, iabng area yung kini-claim nila. Oo (sa Scarborough Shoal lang?). pero kahit sa ibang area di ba may preliminary ng usapan using the auspices of ASEAN namagkaroon ng joint exploration, hindi ng development ha, exploration para malaman ano nga ba ang nandyan, nag-aagawan lang ba tayo sa dagat na marami rin naman sila, nag-aagawan lang ba tayo sa sandbar lamang na ilang metro pa ang lalim at gaano libogn taon lumutang mula sa dagat, may resources nga bang laman yan o wala?

Suportado nyo ba yung proposal sa House na gawin national artist si Nora Aunor?

As far as I know, una wala akong pagtutol at hindi ko haharangin yon kungmay magpa-file dito, ganundin yung bill para gawin si Vilma o si Dolphy na national artist din, pero ang punto ay una hindi naman yata kailangan ng batas para ideklara ang isang tao bilang national artist, ang alam ko executive fiat lamang yan at hindi naman ang kinakailangan, siguro isang magandang tanong bakit pa pinapadaan pa sa batas yan. Pangalawa sa totoo lang, sa dami at lalim ng problema ng bansa, sabi nga kanina may kinalaman sa sikmura, kung pwede namang gawin sa pamamagitan ng isang executive fiat o desisyon, bakit pa kailangang gugulan ng panahon ng Kongreso ang bagay na tulad nyan.

Sa tingin nyo qualified siayng magign national artist considering na may nagasabing nalulng daw sa bisyo...

Siya, gaya ng ng nasabi ko, pati si Ate Vi, at kahit hindi kami nag-uusap ni Ralph tungkol doon pa, maski na nag si Doplhy, qualified para sa aking pananaw, pero siguro huwag nan g mga kongresista dahil baka magamit lamang ito sa pulitika, hayaan natin ang mga dalubhasa sa sinign ang magpasya at magrekomenda sa Pangulo kung sino ang dapat niayng kilalanin at ideklara bilang national artist. Ito ay delegated function na ng Kongreso na hindi nap o naming siguro kailangang pagbuhusan ng ganoong karaming oras, away at bangayan.

Ang proposal ng labor sector P90 kayo ano ang proposal nyo sa wage hike?

Actually gusto ko legislated para once across the board lang, ang amount dapat pag-aralan pa dahil sa totoo lang wala akogn datos at basehan ng fixed at exact amount, siguro kung masyadong mas mataas nga, actually hindi lahat ng labor groups yan ang pino-propose, I think TUCP ang nagpropose ng P90, ang proposal ng ialng militanteng grupo ay P125 pa rin o mas mataas pa nga, siguro dapat pag-aralan ng Kongreso ano yung makatarungang gawin ng Kongreso dahil alam naman naming kada taon pwedeng umentuhan pa yan ng regional wage boards.

Hindi minimum wage earners lang dapat across the board dahil lahat naman apektado

Usually yon naman ang magiging epekto dahil kung hindi taasan lahat magkakaroon ng tinatawag nating wage distortion kung saan didikit n ayung minimum wage earner doon sa susunod na rank o level ng mga empleyado.

Ano ang magiging basis nyo sa pagtaas?

Inflation, capacity ng industry at ng business to catch up and to absorb that much money at abilidad din naman ng mag negosyo na mag-expand dahil mas gusto nating mag-expand ang mag negosyo para mas maraming magkatrabaho.

Are you willing to sponsor a bill?

I think there is a pending measure already and I'm one of the co-authors pending with the committee of Sen. Jinggoy Estrada.

Yung legislated wage hike hindi naman gumagalaw?

Gaya nga nang nasabi ko mula nong 1998 pending nay an, kasi nga dinelegate at tila mayorya ng mga kasamahan ko ang paniniwala ay ginagawa ng wage boards ang kanialng trabaho, sa aking pananaw hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho nang lubusan at tama, at sana mas masusi nilang pag-aralan, maganda sana yung konsepto, iba ang umento kada lugar ng bansa dahil ibat-iba namang yung standard of living, pero kung napakababa naman ng mga umento na binibigay na napakalayo sa katotohanan eh hindi naman siguro dapat tanggapin ngKongreso ng nakaupo lamang.

Hindi kaya natatakot sa mga negosyante yung mga...

Hindi ko kayang magsalita para sa kanila, kaya ko lamang magsalita para sa aking sarili kaugnay ng isyung yon.

News Latest News Feed