Press Release
April 25, 2012

Transcript of interview after a Senate hearing

Sa TRO na inisyu ng Supreme Court tungkol sa PCOS machines

Well confident ako na mareresolbahan way before certain deadlines that the Comelec has to meet, maski naman ang Comelec confident na ito ay mareresolbahan ng Supreme Court and they welcome the opportunity to clarify certain issues raised by the critics of the decision of the Comelec.

Sa Hacienda Luisita decision, may kinalaman daw yon sa impeachment complaint

Ewan ko, sana wala at sa tingin ko naman wala and I think the decision was welcomed by the farmers, that's the important part, at pangalawa at least hindi pa magiging isyu ito kay Pangulong Aquino na pedeng gamitin laban sa kanya, kung nag-utos ang Korte ng napakalaking perang ibabayad dahil baka mapulaan pa si Pangulomg Aquino kaugnay sa pagbabayad sa sarili niyang pamilya ng malaking pera mula sa pamahalaan, I'm not quite familiar with the merits of the case, but off hand basta mabebenepisyuhan ang mga magsasaka, there's who have less in life should still have more in law, I think that's in line with the Supreme Court decision.

Pogi points ba yon sa Korte Suprema?

Palagi nating pedeng bigyan ng kulay pero sa dulo sino ba talaga ang tama at sino ang mali, unfair din naman sa mga magsasaka na matagal ng pinaglaban ito na sabihing pinulitika lamang ito kaya pinaboran sila, hindi naman siguro tama at unfair din naman sa kanila yon.

Hindi nag-inhibit si CJ Corona

Yugn pag-iinhibit desisyon yon eh, voluntary decision sa parte rin naman, sa amin man sa senado o sa kanila sa Korte Suprema, voluntary decision yung pag-inhibit at hindi pwedeng puwersahin o pilitin dahil hindi naman ito isa sa mga grounds para maging mandatory inhibition ng sinumang justice osenador for that matter.

Yung the right to travel kanina sa hearing

Na-consolidate naming at inaasahan naming maaprubahan ito hopefully by the end of May, importanteng ma-address ito at hindi pabayaan , hindi lamang dahil don sa nangyari kay dating Pangulong Arroyo, pero dahil na rin don sa ialng isyung kinakaharap natin kaugnay ng mga ino-offload na mga byahero, kaugnay ng mga sinampahan lamang ng reklamo o kaso at wala silang paraan para kuwestiyunin o maghanap ng ibang remedy para ma-lift itong ganitong uri ng order.

Yung paggamit ng biometrics

It was suggested and we will loom into that pero kulang pa naman din kasi yung database natin eh, pagkumpleto na yung database dito na papasok lahat ng technologies na ito pero sa ngayon, maski na yung database kulang so maski na magbiometrics tayo sa airport o sa immigration wala rin naman tayong database ng mga fingerprint at mga litrato ng mga potensyal na kailangang pigilang makaalis.

Binalaan ni Pangulong Aquino yung ating mga karatig-bansa tungkol sa Scarborough Shoal isyu, yung pagiging powerful ng China

Well panawagan ni Pangulong Aquino yan marahil na kung ngayon Pilipians may ganitong problema baka dumating yung panahon na yung ibang bansa o karatig-bansa natin sa rehiyon baka magkaroon din ng ganyang uri ng problema. Forewarning para ipakita na hindi lamang natin ito problema kundi problema rin ng lahat ng bansa sa rehiyon na baka matagpuan nila ang kanialng mga sarili na nasa parehong sitwasyon kung nasaan ang Pilipinas nagyon.

Hindi ba makakadagdag sa tension yon?

Hindi naman, hindi rin naman pwedeng manahimik na lang si Pangulong Aquino na parang aping-api naman tayo, tama lang para sa akin na pinaglalaban at pinapakita ni Pangulong Aquino na pinaglalaban nya ang karapatan gayundin ang kasarinlan ng ating bansa.

May statement yung China kahapon na inalis na daw yung dalawa sa mag vessel nila doon sa Scarborough pero lumilitaw na hindi pala umalis kundi nadagdagan pa yung mga vessel ng China so para niloloko tayo

Well alam nyo sa lalong medaling panahon dapat talaga may mapili at kumatawan na sa ating bansa bilang ambassador natin don, para naman hindi tayo nangangapa kung paano tayo makikipag-deal kung paano makikipag-usap, kung paano magpa-file ng reklamo sa bansang China. Siguro isang bagay ito kung bakit ang Pangulo mismo at mga tagapagsalita nya ang kinakailangan pan gmagkomentaryo sa bagay na ito. Sana ito ay limitado na sa Department of Foreign Affairs na mas may buong pag-iingat kaugnay sa mga statements na iniisyu nila, kaysa naman kugn sino-sino na lamang dito sa ating bansa nag nabibitiw ng salita kaugnay sa ginagawa o hindi ginagawa ng China laban sa atin.

Sa TRO ng Korte Suprema sa PCOS machines, may time pa ba

Winelcome ng Comelec yon, kumpiyansa ang Comelec at kampante ang Comelec na mareresolbahan yon bago yung mga deadlines na kailangan nilang i-meet ara sa 2013 elections, katunayan winelcome pa nila yon dahil para sa kanila mas magandang maresolbahan ang mag isyung pinupukol sa kanila sa Korte kaysa naman puro sa media nilalabas yung mga batikos laban sa Comelec ngayon.

Considering sa mga glitches ng 2010 elections, so pabor ka ba don sa move ng Comelec

Basta ma-address nila yung glitches, oo pabor ako na yon ang gamitin, kung hindi nila ma-aadress yung glitches at pareho pa rin yung problema eh bakit pa natin gagamitin at gagawin yan, but I'm confident the Comelec will be able to address these glitches, learning from the experience of 2010.

Tungkol ulit sa Hacienda Luisita, considering na final na yung ruling parang plano ng HLI na kuwestyunin pa sa Korte yung land valuation kasi ibi-base sa 1989 instead na 2006, pede pa ba yon?

Hindi ako masyadong pamilyar sa merits ng kaso, gaya nga ng nasabi ko, subalit ang haba-haba ng panahon na pending ito, at kung titingnan nyo sa central Luzon ito na lamang yung naiiwang parsela ng lupa na hindi pa nahahati-hati sa mga magsasaka, hindi naman din siguro tama at maganda na ito ay patagalin pa. It has come to a point na tumigil na yung kaso. It has come to a point na matuldukan anumang isyu, sana tanggapin na yon ng magkabilang panig, sinuman ang nakalamng, sinuman ang dehado.

Sa appoint sa China may possible candidate ka ba?

Wala, hindi ko alam kung sino, pero sinasang-ayunan ko ang panukala ni Secretary Del Rosario na career Official o bihasa ang ilagay dyan hindi sana purely political appointee dahil seryoso ta mabigat ang problemang kakaharapin natin kaugnay ng bansang China, hindi lamang sa political pati economic issues, so dapat at marapat lamang bihasa, sanay at hindi bagito ang i-appoint bilang ambassador natin sa China.

Sa right to travel, sabi mo you found very objectionable guidelines sa offloading, ano yung specific na�

Educational attainment, basis nila to offload a passenger? Ano paghindi ka nakapag-aral, paghigh school graduate ka io-offload ka? Pangalawa ang hiningi ko sa kanila noon, kaya dinefer ko yung hearing dyan, guideline at remedy on appeal process. Wala silang nilagay so in-offload ka, nandon ka sa airport, saan ka pupunta, paano kung mali, saan mo pedeng iaela yugn desisyon na io-offload ka? Wala. Para que pa sila nagguideline, guideline para sa empleyado nila? It should be guidelines on the part of an offloaded passenger kung saan siya pupunta, ano ang gagawin nya, ano yung remedy nya. Kahit yung terminal fee ayaw ibalik eh.

Aside from education attainment ano pa yung objectionable?

Dalawa eh, yung guidelines mismo na yung profiling I disagree with it, which includes educational attainment, di ba pa ano pagsexy yung suot. Pangalawa yung kawalan ng remedy o yung appeals process sa parte ng offloaded passenger.

Marami bang naooffload na passenger?

60,000 na mag pasahero nagbayad ng terminal fee, pinangutang yung pambili ng tiket, tapos maooffload sila dahil sa profiling nab aka sa white slavery ito, baka sa ano ito. So far ang standing record mga 60,000 sa pagkakaalala ko, last year pa yan ah.

Pwede bang magbenefit si Gloria dyan, sa right to travel?

Hindi na, kasi meron na siayng warrant of arrest eh.

Sa bill paano mareremedyuhan yung...

Yung offloading iba, yung right to travel iba. Yung right to travel, iisyuhan naming ng guidelines na mayroong poder ang BID na mag-isyu ng delay departure just to give them adequate time to seek an HDO from the court, court pa rin dapat talaga.

How much time?

We're looking at 15 days.

News Latest News Feed