Press Release
May 25, 2012

ANC transcript of interview with Sen. Chiz Escudero

NETWORK: ANC
PROGRAM: CJ ON TRIAL
ANCHOR: Adel Tamano, Lynda Jumilla, Karen Davila and Tony Velasquez
DATE: May 25, 2012

JUMILLA: Guys, we are joined here by Sen. Chiz Escudero, who is still crying over the moment. Aminin mo, ikaw ang unang nagsabi. (Laughs)

ESCUDERO: Mahilig ako sa mga drama. Lynda, Adel, Tony, Karen, sa televiewers natin, magandang hapon.

JUMILLA: Well, the first question that we'd like to ask is, what about the other senator-judges? You were able to ask questions but Sen. Serge, Sen. Koko Pimentel still want to ask questions from the chief justice.

ESCUDERO: Wala na ho siguro. They did not stand up and assert their rights or asked that the chief justcie be brought back. Siguro deemed waived na nila yun.

JUMILLA: Ahuh. And then your assessment of today? Tuesday was not a very good day but it seems na today, makikita mo dun sa body language ni chief justice and some of the people in the defense...

ESCUDERO: I think he was very forthright. He was very candid. Uhm, he, nagpakumbaba s'ya at sumaludo ako sa kanya 'ron. Pero ang legal issue, Lynda, Adel, yun na lang talagaang kailangan naming pagpasyahan eh, tama ba yung ginawa n'ya o hindi? Sapat ba yun na tanggalin s'ya sa pamamagitan ng impeachment? At inamin naman n'ya eh, na sobra yung kanyang hawak o pag-aaring pera, dolyar man o piso, kumpara doon sa dineklara n'ya. Ang sayang lang ay, well, tama si Tony, parang tinanggap ng lahat, pati ng prosekusyon lahat ng sinabi n'ya. Sayang. Hindi crinoss examine ng prosekusyon si chief justice para sana na-testing, nalaman. Hindi naman kasi namin trabahong i-cross examine ang chief justice.

JUMILLA: Hindi pa ba cross-examine yung kanina? Yung mga powerpoint and etc. etc.?

ESCUDERO: Gumaganti lang yata si Sen. Drilon dahil nagkanya-kanyang powerpoint silang lahat. Gusto lang n'yang gumaya kay Ombudsman Morales and CJ Corona. (Laughs)

JUMILLA: (Laughs) So, you said, for you it boils down to two things - tama ba na hindi n'ya dineklara; tama ba yung interpretasyon n'ya sa batas; and is it enough to remove him from office?

ESCUDERO: Yes.

.JUMILLA: Do you think the other senators share that kind of thinking as to the issues here right now?

ESCUDERO: Halos. Kasi siguro kaya hindi na rin nag-cross yung prosecution Lynda dahil inamin n'yang meron s'yang pera sobra doon sa dineklara n'ya. So sa pananaw at palagay nila, "E wala na kaming kailangang patunayan pa." But it boils down to those two legal questions to my mind. Ngayon, hindi na ito factual. Legal na itong katanungan na ito. Uhm, tila nung hindi na pinabuksan yung mga deposits n'ya, alam mo yung Lynda, kaya nga natanong ko doon kanina. Ang tagal-tagal nating ngakngak ng ngakngak dito na buksan. Kasi kung wala kang tinatago, walang dapat katakutan. Tapos nung andyan na parang anti-climactic. Walang interesado tingnan o buksan yun.

JUMILLA: So given that, katanggap-tanggap na 2.4 million dollars ang dollar account n'ya at 80 million pesos ang nandoon... Kung baga you believe him that that's the actual state of his bank accounts?

ESCUDERO: Naniniwala din ang prosecution dun, Lynda and Adel. The mere fact that they did not interpollate, tinatanggapnila yun and I think sa punto de vista nila eh legal question na lang at ito ang inaasahan ko sa kanilang respective summations, tatalakayin ito, kung hindi man ito ang pinakaimportanteng bahagi ng summation nila.

TAMANO: Okay, Sen. Chiz, I'm sure you're aware na in other countries, kung jury trial, minsan may dine-direct yung judge eh, yung presiding officer na, "Ito. Ito yung issues ha. Ito lang ang pagdedesisyunan. These are the decision points. Are we going to expect something like that on Monday?"

ESCUDERO: I don't know. We would have one more caucus on Monday before the summations. Siguro magbobotihan kami n'yan Martes na. Para naman matulugan namin yung lahat ng mga nasabi, yung ebidensyang prinisinta babalikan bago kami magpasya. I expect an instruction to that effect, Adel. Siguro sa causu namin on Monday. Hindi man galing kay Senate President Enrile, galing dun sa mga kasamahan namin para magsilbing giyas sa aming lahat. Hindi naman namin kailangan sundin.

TAMANO: Will that guide be stated in open court or amongst yourselves lang in caucus?

ESCUDERO: I think amongst ourselves. I don't think the Senate President will be saying that in an open court, na parang tinatalian yung kamay ng bawat senator-judge kung papaano magdedesisyon.

JUMILLA: And then we'll still vote on the other articles of impeachment? Meaning yung 3 and 7, kasi even the chief justice said he was not able to say his piece on the FASAP case dahil hindi naman s'ya natapos nung Tuesday.

ESCUDERO: I think everyone, Lynda is of the assumption na we're only talking about 2 here.

JUMILLA: Article 2.

ESCUDERO: 3 and 7, I am not saying that we will be prejudging it in favor of the chief justice but if he gets off the hook in so far as Article 2 is concerned, I think Articles 3 and 7 will be easier on his part. JUMILLA: Okay. So Article 2 ang pinag-uusapan natin ito.

ESCUDERO: At buti na lang una ang Article 2 bago yung 3 and 7. Hindi namin gagayahin yung presentasyon ng presentasyon ng depensa o prosekusyon. Susundin namin yung pagbilang ng Grade 1. 1 muna tapos 2 tapos 3 tapos 7. JUMILLA: Alright. Senator, I'll turn you over to Tony and Karen in the studio. Guys?

DAVILA: Alright, Sen. Chiz good afternoon to you. Ah, iba-iba po ang feedback sa social media ngayon doon sa ibinunyag ni Chief Justice Renato Corona at deretsahan po n'yang sinabi na may $2.4 million siya, roughly 90 plus million in a span of many years. So tanong ko lang po sa inyo senator, nagulat ba kayo dun o do you believe this to be possible? With the explanation that the chief justice has given.

ESCUDERO: Base Karen sa ebidensiya na nandun at wala sa record, wala namang nagkwestiyon at nagdispute nung 2.5 na iyun.

DAVILA: 2.4.

ESCUDERO: Kung hindi naniniwala ang prosekusyon. Siguro sana binakbakan nila iyun. Pero hindi na sila nagtanong. Pinili nilang hindi na magtanong tungkol dun. Siguro ang tingin nila malayo iyan at hindi iyan dineklara sa SALN. Kung dapat ba siyang maconvict para diyan? Sapat ba iyan para tanggalin siya sa pwesto?

DAVILA: Okay now of course, sa pangkaraniwang mamamayan, marami na pong nagtutweet ngayon. Malaking halaga sa kanila ang US$2.4 million. You are a senator-judge, I wanna ask you, what is your assesment when it comes to this amount of money with your peers, people in government, US$2.4 million is what?

ESCUDERO: Malaking pera talaga iyun Karen, hindi natin pwedeng ikaila. Pero hindi rin naman ako ganun katanda at katagal sa practice at ganun kalawak ang karanasan. May mga tao talaga siguro na pinapanganak sa mundo na maswerte. May mga pinapanganak na malas. Mahirap maggawa ng range na eto sobra, kulang. Dahil may mga tao talaga na minsan pinagpapala eh, na nasa kanya na lahat. May mga tao namang kapos. Salat sa swerte. Ang importante inamin niya. At inilalagay niya sa kamay namin ang pagpapasya. Sapat ba iyun para tanggalin siya sa pwesto. Mali ba iyung interpretasyon ng batas? Nagbibigay ba ito ng good faith sa kanya o hindi?

DAVILA: Alright Tony.

VELASQUEZ: Magandang hapon Sen. Chiz.

ESCUDERO: Tony magandang hapon.

VELASQUEZ: Eto bang napanood n'yo ngayon masasabing pinakamagandang telenovela n'yo so far?

ESCUDERO: Definitely Tony. Sa impeachment trial man o sa likod ng impeachment trial matapos magkabati-bati ang dating nag-aalitang mga magpipinsan. It's a fitting ending, I guess. Hindi maikakaila na nagagalak ako. Hindi lamang sa Basa Family na naantig at muntik tumulo 'yung luha namin ni Adel kanina. Hindi maikakailang natutuwa akong matatapos ng maganda, maayos at maaliwalas, mapayapa itong impeachment process. Anuman ang magiging pasya ng Senate impeachment court. Sana'y makita natin 'yung pagkakabati-bati ng nag-aawayang magpinsan. Eh makita rin ho nsana natin sa ating mga sarili. Dahil hindi naman pera ang pinag-aawayan natin dito sa bansa.

VELASQUEZ: Okay kasi 'yung away sa labas ng Senado patuloy pa rin Sen. Chiz eh. Dahil nagpa presscon si Ombudsman Conchita Carpio-Morales habang kayo'y nasa loob ng impeachment court. Binabakbakan na niya ang sinabi ni chief justice on the witness stand. Unang-una 'yung punto daw na sinabi ni Justice Carpio-Morales sa kanya na humihingi ng special retirement fund, sabi pa ni Ombudsman sa press conference, eh nangalahati nga 'yung retirement ko dahil nga parang hindi sila nagkasundo ni chief justice. May mga isyung nakabitin pa eh.

DAVILA: He said, she said na iyun.

ESCUDERO: Actually aside na lang iyun kung saan ako nanggagaling Tony, Karen. Labas iyun sa magiging pasya namin. Anumang bangayan o alitan meron sila, noon pa sa korte o ngayon bilang Ombudsman at Punong Mahistrado, labas na iyun personal nilang relasyon. Wala na iyun sa amin dito sa Senado.

DEAN DIVINA: Hindi po ito katanungan. Ako lang po ay gustong magpahayag ng paghanga sa inyo dahil 'pag kayo ay nagtatanong eh napakalalim. Nakita namin pinaghandan ninyo ang mga katanungan ninyo. At 'pag kayo eh nagtanong, ako ay palagi napapaisip. At talagang napapaisip ako kay senator ano. Isa sa mga malalim na senator. At napakaswerte po ng taumbayan na kayo ay nandiyan sa historic proceeding na ito.

ESCUDERO: Salamat po Dean. Sana nga ho teacher ko kayo nung nag-aaral ako para mataas-taas ang grade ko hahaha.

DAVILA: Alright Sen. Chiz Escudero thank you.

ESCUDERO: Salamat po.

News Latest News Feed