Press Release
May 30, 2012

Umagang kay ganda transcript of interview with Sen. Escudero

TABERNA: Nasa linya po ng telepono natin, Sen. Chiz Escudero. Sen. Escudero, umagang kay ganda po sa inyo.

FGE: Tunying, sa'yo, Manong Rene, sa mga manunuod natin, good morning.

TABERNA: Siguro bago po natin puntahan po yung ating pinaka puso po ng talakayan, sa magiging bagong chief justice, Sen. Escudero, sa inyo po bang tingin pwede pang i-apela ang pasya ng impeachment court?

FGE: Sa pananaw ko po ay hindi, Tunying. Pero hindi ko po pupulaan o pipintasan ang pananaw ni Justice Cuevas na yan dahil bilang abogado ni Chief Justice Corona, obligasyon at sinumpaang tungkulin niya na ibigay sa kanyang kliyente lahat ng posible at pwedeng remedy na pwede niyang ibigay sa kanyang kliyete.

TABERNA: Senator Saguisag, final and executory po ba, immediately executory ang desisyon ng impeachment court?

SAGUISAG: That's my posiiton dahil hindi pwedeng pakurhe by an elected justices what the elected leaders have done. Dahil lalong ang gulo niyan. Kaya ayun, sinabi naman ni Rene, tinatanggap na niya kaya si Ka Ape naman siguro tingnan na lang yung signal na yun na tapos na yan.

TABERNA: Okay. Dun po naman sa isang punto, sa desisyon po ng husgado na hindi po nabanggit kung anong parusa, ano po yung penalty? Ano po bang kahulugan nun? Removal from office po yung pagkakaalam natin pero sa mga nagbibigay ng opinyon, pwedeng mas mababa dun. Ano po ba? Dapat po ba umalis na, magbalot balot na siya sa korte?

SAGUISAG: Ang sinasabi sa ating Saligang Batas na removal, without prejudicing a criminal execution, kahapon I was hoping or thinking na baka ipapasok ni Senadora Miriam yung censure o self-impeachment. Dahil although nakalagay dun removal, to me, nothing to preclude na mas lesser dun. But it's academic now, dahil natapos na. Kaya, to me, removal ang natural diyan at to me automatic yun, kahapon pa hindi na siya chief justice. Kasama na siya sa mga jobless ngayon.

TABERNA: Opo. Okay. Di bale po, meron naman po siguro siyang ikabubuhay. Sen. Escudero, hindi po nakalagay dun sa desisyon ang parusa. Papano po yun? Ang pagkaintindi niyo po ba ay automatic yung removal from office.

FGE: Ang pagkakaalam ko, Tunying, ay final and executory yun. At bagaman sinasang ayunan ko yung pananaw ni Sen. Santiago na maximum penalty yung removal, eh mayorya ng mga senador ang paniniwala ay hindi. Iisa lamang daw yung parusa. Ang problema lang, yun ay hindi nabanggit sa desisyon. Pangalawa, hindi rin po napagbotohan formally sa plenaryo na ito nga ang pananaw ng impeachment court na iisa lamang yung imposable penalty. Siguro, paumanhin na kami, Tunying, ng ating mga kababayan dahil ngayon lang naman tayo nakarating sa ganitong punto ng ating kasaysayan na nakarating tayo sa dulo sa pagdesisyon at paggawad ng parusa kaya't ngayon lang din natin nakikita yung mga dapat ini-specify at ginagawa kaugnay sa isang hatol.

TABERNA: Yayaman pong hindi naman nakalagay dun sa desisyon yung penalty, pwede pa bo bang i-amend ng Senado sa isang kasulatan ang desisyon at ilagay po, i-specify yung parusa kahit na naka sine die adjournment na po ang impeachment court.

FGE: Pag-uusapan namin mamaya yun sa isang caucus siguro, Tunying. Sa ngayon ayokong pangunahan ang Senado dahil baka ang desisyon ng iba ay baka kapag inispecify at binago pa parang pag-amin yun na may mali o pagkukulang talaga. Sa opinyon at pananaw talaga ng iba sa amin naman ay nakalagay na sa Saligang Batas yan, hindi na kailangang ilagay pa dun, automatic na yun.

TABERNA: Eh baka naman, patawarin po namin kayo kapag sinabi niyong, "The ommission was done in good faith."

FGE: Gaya ng sabi ko nga, Tunying, hindi lamang dahil in good faith eh pwede na lang bang i-correct. Balikan ko lang yung sinabi ko, Tunying, kung anuman ang panukat at pamantayan natin na ginamit sa panghusga, yun din dapat ang gamitin nating panuntunan at pamantayan sa ating sarili.

TABERNA: Moving forward, magpapalit, mapapalitan na po ang punong mahistrado kahit may mga kwestiyon pa. Sen. Saguisag, saan po ba dpat kumuha ang pangulo mula po dun sa malalim na bench ng Supreme Court o kukuha sa outside bench dapat.

SAGUISAG: Well, ang tradition natin, talagang dun lang kukuha. So beginning with Bobby Abad and will be retiring in 2014 all the way to Justice Estella Berna de Perlas. So nothing to prevent any president from choosing an outsider but it's not done and so hindi natin alam kung ano ang mangyayri in the next few days. Dahil parang may nabasa yata ako na May 10 ang self-imposed deadline. Ngayon magko-convene na ang JBC at yun dun bibigay ng tatlo, at least three names to the president. To me, siguro maaaring magdribble dribble muna. Baka si Bobby Abad dahil sandali na lang siya eh. And then later on, saka na pumili ng iba.

TABERNA: Napansin ko po sa sinabi niyo, alphabetical lang ho ba yung binaggit niyo o dahil sa siya ho ay retiring na in 2014.

SAGUISAG: 2014.

TABERNA: Opo. Bakit hindi niyo ho binanggit yung most senior na si Carpio?

SAGUISAG: Well, I think na it will present its own set of problems. Dahil identified siya sa isang fraction, in fact nothing could be nicer than for Tony to say, "I'm not interested. Ako rin magsasakripisyo dito para to have reconciliation, to have harmony, para maka-focus sa mga problema natin." But I cannot really assume or pre-empt kung anong final, ang personal decision niya. Kasi kung someone like Bobby Abad, nothing to prevent PNoy from naming him later 2014.

TABERNA: At least hindi pa masyadong mainit ika nga.

SAGUISAG: Yeah. Medyo kumalma na siguro. Nagstabilize na. Pero sa ngayon, we don't need another divisive issue or controversy.

TABERNA: Sen. Escudero, parehong tanong po, saan po dapat kumuha ang pangulo, sa loob o sa labas?

FGE: Sa aking pagkakaalam, Tunying, mula sa mga nauna na mga talakayan namin, ang pinasya ng pangulo ay kumuha sa labas. Tama si Sen. Saguisag. Bagaman hindi pa natin nagagawa yan sa kasaysayan ng bansa, wala naman pagbabawal din ang Constitution o anumang batas sa pagpigil nang pagkuha ng pangulo sa labas. Depende na lamang yan sa isa-submit ng JBC sa kanya. Sasangayunan ko din, Tunying, ang binanggit at sinabi ni Sen. Saguisag dahil nabanggit at nakita naman natin ang bangayan sa pagitan ng mga magkabilang panig sa loob ng Korte Suprema at sinisisi pa nga, nasisi pa nga sa isang punto ni Chief Justice Corona si Justice Carpio na nasa likod daw nito. Siguro tama at maganda na manggaling mismo sa kanya upang sa gayun hindi tayo maglikha ng panibago na namang away, bangayan at rason para magkawatak watak at magdebate na naman tayo at ma-distract tayo sa kailangan nating pagtuunan ng pansin sa ating ekonomiya.

TABERNA: Ito na po yung huling tanong ko, parehong tanong ko din po sa inyo. Sen. Escudero, sa tingin po ba ninyo ang magiging bagong chief justice ay hindi naman magiging sunud sunuran sa appointing authority?

FGE: Well, nabanggit ko, Tunying, sana ang piliin ng pangulo ay hindi rin mula sa sinumang panig o sa sinumang identified na malapit sa kanya. Para hindi mabigyan ng kulay o mapulaan ang naging desisyon o pasya ng kanyang partido at yun mismo sa pagpapaalis at pag-impeach kay Chief Justice Corona. Dahil ang nananatiling simbolo ng hustisya ay babaeng nakapiring na wala dapat kinikilala, wala dapat pinapanigan at walang dapat tintitingnan. At sa panig ko, Tunying, dagdag ko lang siguro, ang ginamit nating pamantayan kay Chief Justice Corona ay ang pagbubukas sa lahat ng kanyang yaman at utang. Hihilingin ko sa JBC na lahat ng nagaapply at ino-nominte ay mag-execute ng waiver bago pa man para makita din ang pagiging bukas sa anumang inquiry, katanungan o imbestigasyon bago pa sila i-appoint para hindi na mangyari muli ang nangyari dito sa impeachment.

TABERNA: Sen. Escudero, salamat po sa inyo at umagang kay ganda.

News Latest News Feed